Chapter 45: She's Gone
"Hindi, okay na ako rito."
Tumango na lang ako at sinimulan nang i-pedal ang bisikleta ko. Hindi ko alam kung saan ako patungo. Nalilito ako. Ano ba talagang ginawa niya sa 'kin kung bakit hindi ko siya maalala?
"Alam mo ba, isa ka talagang matulunging tao, Aedrian." Rinig kong sabi niya. Hindi ako nagsalita sa halip ay pinakinggan lamang siya. "Kahit hindi mo kilala tinutulungan mo. Walang nakakapigil sa 'yo sa paglutas ng kaso."
Kumunot ang noo ko. Siguro nga kilala niya talaga ako dahil sabi rin sa 'kin ni Leo ay tinutulungan ko siya sa paglulutas ng kaso ngunit bago 'yon ay si papa ang kasama ko. Pero bakit wala namang nababanggit sa akin si Leo tungkol sa babaeng ito. Teka nga lang, hindi ko pa alam ang pangalan niya. Wait, sinabi na ni Brandon kanina, hindi ba?
"Alam ko kung bakit ganoon ka na lang ka-agressive pagdating sa mga gano'ng bagay kasi una palang na nagkakilala tayo, nakita ko na sa 'yo ang gutom sa katotohanan. Hinahanap mo palagi ang mga sagot sa katanungang gumugulo sa utak mo. Talagang napapabilib mo ako kapag nabibisto at nahuhuli mo ang mga kriminal." Kwento pa niya.
Isinandal niya ang ulo niya sa likod ko. Nararamdaman ko ang paghinga niya na isa sa mga dahilan kung bakit hindi ko pa rin magawang magsalita. "...Kaso may isang tao talagang mas malakas at makapangyarihan sa 'yo... mas matalino at tuso kaya hindi mo matalo. Siya ang utak ng lahat ng krimen na naganap noon na nalutas mo. Oo, magaling ka rin pero mas magaling siya kasi siya ang salarin sa pagkamatay ng mga magulang mo maging ang muntikan mong pagkamatay. Kayang-kaya ka niya. Aedrian, kung maaalala mo siguro ang lahat, alam kong gusto mo pa rin siyang mahuli at maikulong para mabayaran niya ang mga kasalanan niya ngunit kung hahantong din naman na wawakasan mo ulit ang buhay mo, tama na sigurong tumigil ka na rito. Tutal ngayon, nasa kulungan na siya. Wala ka nang dapat ipag-alala."
"You have that paper? Make it before 12 am or you'll never see your friend again. Sisiguraduhin kong may naisip na akong paraan para patahimikin ang isang ito bago maubos ang isang oras."
"L..."
"So you're also there? What a coincidence? Pero hindi na nakapagtataka, para ka kasing aso na palaging nakasunod sa tao."
"Sinasabi mo bang tao ka? Come on, you're not worth being a human. If God knows you will just going to be a murderer, I know He will not waste second thinking of creating you."
"Ouch, you're being too harsh. You shouldn't complain to your master, dog."
"Yeah, sabihin na nating tao ka at ako ang as kaya pala, kaya pala hindi tayo magkaintindihan. Detectives really don't understand why one has to kill someone."
"So you're now saying that you're a detective?"
"Why not? I am not like you. You can't even say that you're a murderer without vomiting. Remember this , hindi ako titigil hangga't hindi kita napapasok sa kulungan. Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa ama ko. Sisiguraduhin kong babalik sa 'yo lahat ng mga kasamaang ginawa mo."
"Are you threatening me?"
"I am warning you."
"You really don't understand. Your father saw my face so I need to get rid of him so he can't be able to expose my identity."
"That's all? Then why did you kill the other guy? Anong ginawa niya sa 'yo at bakit kailangan mo siyang patayin?"
"Because someone wants me to do so. I am not a murderer, Aedrian. Infact I am a witness. Hindi mo pa nga lang maiintindihan sa ngayon..."
"It's L." Nausal ko nang bumalik sa aking alaala ang lahat.
"Ha? May sinasabi ka, Aedrian? Tsaka bakit hindi pa tayo umaalis?" Ngayon ko lang napansin na hindi pa nga kami nakakalayo sa school siguro'y napahinto ako kanina nang hindi namamalayan dahil sa alaalang bumalik sa 'kin.
Nakuha ng atensyon ko ang maingay na sirena ng mga patrol car na sunod-sunod ang paglagpas sa amin. I am so curious so I followed them.
Naramdaman ko ang mahinang pagpalo ng babae sa balikat ko. "Teka, hindi dito ang daan papunta sa bahay ko. Doon sa kabila." Sa halip na pakinggan siya ay mas pinakinggan ko ang isip ko. Nakarating kami sa isang pamilyar na lugar dahil sa pagsunod ko sa mga pulis. Hindi ko alam kung anong mayroon dahil sa nakaharang na mga nakaunipormeng asul. Ngunit alam kong may nangyayaring hindi maganda.
"Kung ayaw niyo po ng gulo misis, ilabas niyo na ang anak niyo."
"Sinabi ko nang wala nga rito ang anak ko! Kahit halughugin mo pa ang buong bahay ko hindi niyo makikita ang hinahanap niyo!" Rinig kong sigaw ng isang babae.
"Ayun na nga po misis, makipagtulungan kayo sa amin. Sabihin niyo sa amin kung nasaan siya." Pakiusap pa ng pulis. Kung ganoon, may nakatakas na kriminal.
"Aedrian, anong ginagawa mo rito?" Napalingon ako nang may tumawag sa pangalan ko. Si Leo.
"Nothing, I just got curious. What's going on here?" I asked, wanting him to tell me what's beyond this case. I am just interested in who is that criminal.
"I don't want you to get involve Aedrian, kaya pakiusap umuwi ka na." Masyado naman akong nainsulto nang sabihin niya 'yon na para bang itinataboy niya ako. Ewan ko, pakiramdam ko hindi naman niya ako tinataboy noon pero bakit ngayon ginagawa niya na?
"I'm sorry Leo, hindi kami aalis dito hangga't hindi mo sinasabi kung anong nangyayari dito." May halong pagbabanta kong sabi. Napansin ko ang pagkunot niya at pagsilip sa likod ko. "Sinong kami? May kasama ka ba na hindi ko nakikita?"
Ako naman ang napakunot kaya lumingon ako sa likod ko. I thought she's still there but she's no longer by my side.
"Aedrian. Are you a detective? I know, you'll say no, but yes you are. I saw how solving cases made you happy so I don't want to be a hinder. I saw how you love unveiling mysteries. Whoever says you to stop, just don't. Kahit pa ako ang magsabing tumigil ka, huwag kang makinig sa akin. Find answers to your questions. Find L."
The lights all went out. The shouts filled the whole mall because of the sudden blackout. I can't be able to see people around even my seatmate. "Nica? Nica? Nasa'n ka?"
But when the lights back, she's already gone. Without saying goodbye. Without warning that she's leaving. She's horrible... definitely horrible for making me wait for her to come back.
###
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top