Chapter 44: Bicycle Ride

"Hey, can I have a minute?" I asked but I am surely know to myself even if she said no, gagawin ko pa rin ang gusto ko. There's something inside my head, asking so many questions and I know anytime kapag hindi iyon nasagot, mababaliw ako. "Do you know me?" Tanong ko ngunit hindi siya sumasagot. Nananatiling nakatingin sa ibang dako at ayaw niyang ilihis man lang ang tingin papunta sa akin.

"I'm sorry I can't remember anything but sooner or later, I know I will. Am I part of your past? I mean, have we been friends before? Are we close enough for you to have my i.d picture on your phone? Or are you a... stalker? Ilang beses ko na kasing tinanong ang utak ko ngunit wala siyang maibigay na sagot kung sino ka." Yeah, the first time I saw her, I know she was familiar. I know I saw her before but damn, my head is not working. I can't remember her.

"Sinubukan mo bang tanungin ang puso mo kung sino ako?" She glanced at me and our eyes met. No words coming out from my mouth. No answers flashing on my mind. But all I can hear is the ceaseless loud beats inside. I am really going nuts. Kailangan ko na yatang magpatingin sa psychiatrist, kung ano-ano nang naririnig ko.

I heard her chuckles and that made my heart melts. Para bang bumagal ang mundo ko nang makita ko siyang tumawa. Alam kong matagal akong napatitig sa kaniya at mukhang ayoko nang maalis pa ang mga mata ko sa gandang nakikita ko. Oh shit. These are cheesy than the holy cheese.

"Siguro nga hindi mo na ako maaalala dahil sino nga ba naman ako, I am just your number one fan." Kumunot ang noo ko.

"So you're a stalker? Kaya may picture ka ng i.d. ko, gano'n ba?"

Muli ay tumawa siya tsaka tumango. "Kung nasaan ka, nandoon din ako. Palagi akong sumusunod sa 'yo dahil nga humahanga ako sa galing mo."

"Galing? Galing saan?"

"Sa pagiging detective." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Teka, akala ko ba siya ang detective rito. Bakit naging ako? Tsaka ako? Isang detective? Oh come on, wala pa nga akong nalulutas na kaso bakit niya naman ako tatawaging gano'n?

"It doesn't make sense..." Mas lalong gumugulo ang utak ko. "Una sa lahat ay bakit nandito ka kanina at pinaglalaruan ang bisikleta ko. Pangalawa, bakit may picture ng i.d. ko sa phone mo? Pangatlo..." Bakit tumitibok ang puso ko sa isang babaeng hindi ko kilala?

"...b-bakit..."

"Baka kaya nabura na ako sa isipan mo dahil mismong 'yung utak mo ay pinili na akong kalimutan. Sa dami nga naman ng nagawa kong kasalanan sa 'yo, baka hanggang ngayon hindi mo pa ako napapatawad. Darating 'yung araw na kapag naalala mo na ako, hindi mo na ako magagawang tingnan at pipiliin mo na lang na tuluyan na akong kalimutan."

Tama siya, bakit si Leo natatandaan ko? Bakit ang school na 'to alam ko pa rin ang pasikot-sikot? Bakit ang mga guro ko noon kilala ko pa rin? Bakit si mama at papa tanda ko pa rin? Bakit siya hindi? Kung talagang magkakilala kami, bakit ni isang memorya tungkol sa kaniya ay wala?

Tuluyan na akong naging interesado sa kaniya. Ano bang malaking kasalanan ang nagawa niya sa akin at bakit hindi ko siya mapapatawad? Anong dahilan kung bakit siya lang ang tanging nabura sa alaala ko? Gaano ba kapait ang mga alaala ko sa kaniya kaya pinili ko siyang kalimutan?

"Kung gano'n tulungan mo akong ibalik ang memorya ko tungkol sa 'yo. Gusto kitang makilala. At kapag dumating 'yung araw na naaalala na kita saka na ako magdedesisyon kung tuluyan na ba talaga kitang kakalimutan at lalayuan. Gusto kong malaman kung bakit tumitibok ang puso ko para sa 'yo."

NAKATULALA lang siya sa akin dahil sa gulat. Para bang hinihintay niyang bawiin ko ang sinabi ko. Hindi naman siguro niya ako pag-iisipan nang masama at isa pa, wala akong maalala, wala akong kaalam-alam kung bakit... Umiling na lang ako at kinuha ang bisikleta ko na kaninang natumba. Mabuti na lang at wala masyadong napinsalang parte. Sumakay na ako at tiningnan siya. "Sakay na, ihahatid na kita."

Nanlaki ang mga mata niya at para bang gulat na gulat sa sinabi ko. "Kahit hindi mo pa ako lubusang naaalala, pasasakayin mo 'ko?" tanong niya.

"Kilala mo naman ako eh." Sagot ko na nagpangiti sa kaniya. Hindi ko kaagad naialis ang mga mata ko at ngayon litong-lito na ako kung bakit naman ako nakakaramdam ng bigat sa loob ko. I don't know, maybe I am going nuts. I don't understand why my heart pounds because of unexplainable acceptable feelings while at the same time it hurts. Mas lalo tuloy akong nagiging interesado sa kaniya at kung sa anong meron sa amin dati. Masyado bang masama ang alaala ko sa kaniya kaya kinalimutan ko siya?

Sumakay na siya sa spare seat sa likod at kinapitan niya ang damit ko. "Oo kilala talaga kita, wala talagang nakakapigil sa 'yo." Narinig ko siyang tumawa. Imamaneobra ko na sana ang bisikleta nang mapansin ko ang kamay niya kaya pumreno ako na naging dahilan nang mahigpit niyang pagyakap sa 'kin. Napangisi ako.

"Kumapit ka nang mahigpit. Sige ka, baka mahulog ka."

My eyes went blurry so I closed them. There's a vision coming but I can't see it. Mga boses lang ang tanging malinaw sa 'kin.

"Saan ba ang bahay mo?"

"Hala! Ihahatid mo nga ako? Huwag na!"

"Eh ano ba sa akala mo? Tara na, baka abutan pa tayo ng dilim."

"Baka ma-flat."

"Ang dami mo pang sinasabi! Umangkas ka na!"

"Bakit ka ba sumisigaw? Hindi naman ako bingi eh!"

"Eh kasi ikaw binibigyan mo ng malisya, hindi ka naman babae."

Nagiging malinaw na ang imahe nila sa alaala ko. Mali, dahil tanging mukha ko lang ang nakikita ko. Hindi ang babaeng 'yon.

"Ituro mo sa 'kin ang daan papunta sa inyo. Kumapit kang mabuti."

"S-sige."

Humawak ang babae sa damit ko.

"Huwag d'yan, masisira sa 'yo 'yang uniform ko eh!"

Pinreno ko ang bisikleta kaya agad siyang napayakap sa 'kin. Napangisi ako.

"Aedrian, okay ka lang?" Nabalik ako sa reyalidad nang marinig ko ang boses ng babaeng nasa likod ko. Katulad na katulad ng nangyari noon ang nangyari ngayon. Nakakasiguro akong ako nga ang lalaking nakita ko sa alaala ko ngunit 'yung babaeng 'yon, posible kayang ang babaeng ito ang nasa alaalang iyon?

"Kung hindi ka komportable, pwede kang lumipat sa harap ko ah m-mali parang mas-"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang magsalita siya. "Hindi, okay na ako rito."

###

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top