Chapter 43: The Lady in the Hallway

I shrugged. "Excuse me, who are you again?" Pag-iiba ko ng tanong dahil hindi ako interesado sa mga sinasabi niya lalo na sa paglalarawan niya sa babaeng nabangga ko kanina. I have no interest in that great detective in the first place because I think she is weird and creepy. And what did she say a while ago? Trying hard detective? Was she just insulting me? So what if she is the great detective? Is the label much more important than the skills? There's no superior nor inferior when it comes to deductions because there is always one truth, and that merely truth must be revealed and will be revealed.

"Nalimutan mo na naman? I am Bryce, Bryce Garcia." Tumango na lang ako at naglakad na papasok sa classroom, kasunod ang lalaing kaklase ko pala na si... sino nga ulit? Ah! Bryan.

Nang makaupo ako, I don't know why I immediately look on my left side as if I was looking for someone. I don't know why every time I sit on my chair I will glance to the next chair on my left. Its as if my involuntary manners. Mas lalong kumunot ang noo ko nang umupo sa dakong iyon si Bryce so I looked at him giving him why-are-you-here look.

"Are you freakin me? This is my seat." He complained. I just shook my head with disagreement and just look at the professor in front.

The class ended and I was on my way to the canteen when I suddenly heard a voice. "Aedrian!" But when I look out there's no one here in the hallway except for me. Napapikit ako sa biglang pagsakit ng ulo ko.

"Dude, are you okay?" I heard someone's voice and it coming from my seatmate. What's his name again? Brandon? I just nod.

"Gutom lang 'yan, tara sa canteen. Sabay tayong kumain." Lumingon ako sa likod ko. I know I heard a female's voice calling out my name. Am I hallucinating?

I ordered carbonara and a bottle of orange juice. When we get there to the table, I asked him. I don't know what he said a while ago about the lady I met in the hallway, bothers me. That girl is a great detective. I was just really interested in her deduction skills, perhaps?

"Hey, Brandon."

"What? Brandon? The heck, dude! Bryce is the name! How many times do I have to tell you? Ginawa mo naman akong aso ngayon." He seems so mad because of what I called him.

"Didn't you tell me that the lady I've met in the hallway is a great detective? How come?" Pag-iiba ko ng usapan.

"What do you mean by 'how come'? Siguro hindi ka talaga bibilib ngayon kasi hindi mo pa siya nakikitang mag-solve ng case pero maghintay ka lang, once na makita mo siya you'll surely be amazed." Halata sa mukha niya ang paghanga sa babaeng tinutukoy niya. I am really that curious kung ano bang kayang gawin ng babaeng 'yon.

"Bakit? Ano bang mga nagawa niya?" Tanong ko.

"She lured out the serial killer of this school which happened to be her boyfriend. She became so popular because of her deduction skills. Naalala ko pa noong unang transfer ko rito. Naligaw ako at napunta ako sa building ng mga college students. Good thing nakasalubong ko siya. Sinamahan niya ako papunta rito sa building natin at habang naglalakad kami sinasabi niya ang mga hinala niya tungkol sa akin. Noong una, natakot ako pero bandang huli humanga ako sa kaniya. Kakaiba kasi siyang babae. That day? I really treasured it dahil nakilala ko siya."

Para bang nakinig ako ng dramaserye sa radyo dahil sa kwento niya. Hindi ko mapigilang mapailing at mapakunot ng noo.

"Aedrian, tingnan mo nakatingin siya sa 'kin. Sabi na, hindi niya ako malilimutan." Mahinang sabi niya. Napatingin ako sa babaeng tinutukoy niya na hindi kalayuan sa amin. Nagtagpo ang mga mata namin. It's as if I am really the one she's looking at and she's longing for me. That gives me shivers down through my spine. Ibinalik ko na lang ang atensyon ko sa pagkain.

"Sa tingin ko nagkakagusto na ako sa kaniya." Nabagsak ko ang tinidor na hawak ko tsaka ako napatingin sa kaniya. Seriously?

Nang uwian ay pumunta na ako sa parking area ng mga bisikleta para kunin ang akin. Iilan-ilan na lang ang mga bike na hindi pa nakukuha ng may-ari. Hinanap ko 'yung akin at napakunot ang noo ko nang makita ang isang babaeng pinaglalaruan ang bisikleta ko. Pumapadyak siya kahit may stand pa at para bang hindi siya natutuwa sa ginagawa niya. Hindi rin naman ako! Mamaya masira 'yang pedal ko, nako!

Lalapit na sana ako nang marinig ko siyang magsalita. "Nakakaasar kang Edoy ka! Bakit hindi mo ako maalala, ha? Ako ang nag-alaga sa 'yo sa hospital! Ako rin ang nagligtas ng buhay mo tapos hindi mo 'ko maaalala?"

Kumunot ang noo ko. "Who's Edoy? And what are you doing with my bike?" Tanong ko kaya napatingin siya sa 'kin at agad na lumaki ang dalawa niyang mata. Dahil sa gulat, dali-dali siyang bumaba sa bisikleta ngunit nawalan siya ng balanse at siguradong tatama ang ulo niya sa bisikletang malapit sa kaniya.

Nanlaki ang mga mata ko at awtomatikong naiharang ang sarili sa kaniya. Sinalo ko siya. Ramdam ko ang kabog ng dibdib niya dahil sa takot na madisgrasya. Kitang-kita ko ang nangingilid na mga luha sa pikit niyang mata. Mabuti na lang at nasalo ko siya, para rin akong nahugutan ng tinik sa dibdib ko.

"Hey, don't worry I got you. Stop crying." Ngunit imbes na ihinto niya ang pag-iyak niya ay mas lalo pa niya itong nilakasan. Hindi niya pa rin inaalis ang pagkakayakap niya sa 'kin sa halip ay mas lalo niyang hinihigpitan tila ba nararamdaman niya pa rin ang takot.

"Shhh tahan na, bakit ka ba umiiyak? Mamaya may makakita sa 'tin dito, akalain nilang pinapaiyak kita eh hindi pa naman kita kilala," sabi ko.

Napakagat siya ng labi at mukhang pinapatahan na rin niya ang sarili niya. "I'm s-sorry... S-salamat... P-paalam..."

Agad siyang tumakbo palayo. Papasakay na sana ako ng bisikleta ko nang makita ko ang isang cellphone sa sahig. Kinuha ko ito at tiningnan ang wallpaper sa inaakalang makikita ko ang may-ari nito ngunit iba ang nakita ko sa halip ay i.d picture ko ang naka-flash sa screen.

"S-sorry, n-nahulog pala." Napatingin ako sa humablot ng cellphone na hawak ko-ang babae kanina. Akmang aalis na siya nang hawakan ko ang braso niya upang pigilan siya. Nahihiwagaan na kasi ako sa kaniya.

"Hey, can I have a minute?"

###

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top