Chapter 41: Alive
Tumingin ako sa kaniya at nakita ko siyang ngumiti. Umupo siya sa harap ko. "Huwag mong sabihing hindi mo maalala ang pangalan ko?" Tumango ako sabay kamot sa ulo. "Ako si Officer Leo, isa akong pulis. Tinutulungan mo ako sa mga imbestigasyon. Tunay na kahanga-hanga ang galing mo sa pagreresolba ng mga kaso ng pagpatay, isipin mo pang isa ka lamang senior high school student ngunit hindi na iyon nakapagtataka dahil isang magiting at matalinong pulis ang ama mo."
"Ngunit wala na ang papa mo, namatay siya noong nakaraang taon dahil binaril siya ng serial killer na hinahanap natin." Wala na si papa? Tila ba bumalik sa puso ko ang sakit at pagluluksa nang marinig iyon mula sa kaniya. "Ganoon din ang mama mo, namatay rin siya noong nakaraang taon dahil din sa parehong serial killer na sumaksak sa kaniya." Kumunot ang noo ko. Ibig sabihin isa na akong ulila? Wala na ang mga magulang ko? Napapikit ako nang may alaalang bumalik sa isip ko.
"But you see anak, masaya akong kasama ka sa paglutas ng mga kaso. I don't know what else I can say better than that I am so proud of you. Whatever you do or whatever decision you'll make, I'm on your side. I would be happy looking at you on the other side of the road."
"Hindi ko alam kung saan ako magsisimula pero labis ang pagpapasalamat ko kay Ricardo dahil tinuring ka niya bilang tunay na anak. Makinig ka sa 'kin, Aedrian. Alam ko, hindi ka na bata kaya alam kong maiintindihan mo ako. Malaki ang naging kasalanan ko noon sa ama mo dahil pinagtaksilan ko siya. Nagkaroon ako ng ibang lalaki at ikaw ang naging bunga."
"Pero hindi ako nagsisisi sa ginawa ko dahil nandito ka, Aedrian. Kung hindi ko ginawa 'yon, hindi kita makikita. Bigay ka sa 'kin ng Dios kaya nagpapasalamat ako. H-huwag mong iisipin na isa kang malaking kasalanan kasi maluwag kang tinanggap ni Ricardo at mahal na mahal ka niya katulad ng kuya Robin mo. Ginawa niya ang lahat para mabuhay ka."
"A-ayos ka lang ba, Aedrian? Marahil ay kailangan mo pang magpahinga. Siguro'y napagod ka sa anim na buwan mong pagtulog." Tumawa siya na may halong pang-aasar. Hindi ko maiwasang magulat dahil sa narinig ko. Anim na buwan akong nasa kama na 'to at natutulog? Ibig sabihin, hindi ako naka-graduate?
"Teka Leo! Saan ka pupunta?" Nakita kong papalabas na siya ng kwarto ko. "Bakit?"
"Aedrian, when will you wake up? The killer of your mother got arrested yesterday. I wish you were here. I miss you and your deduction skills."
"Tungkol sa serial killer na pumatay sa mga magulang ko, nahuli na ba siya?" Ngumiti siya at tumango. "Fortunately, kaya huwag mo nang alalahanin pa ang bagay na 'yon. Nasa likod na siya ng malalamig na rehas."
Napahinga ako nang maluwag. Akmang lalabas na siya nang tawagin ko muli ang pangalan niya. "Sandali Leo!" Muli siyang tumingin sa akin. "A-ano kasi..."
"Ayokong nakikita kang nasa ganitong kalagayan kaya utang na loob naman Aedrian, gumising ka na oh. Nagmamakaawa ako sa 'yo, g-gumising ka na. P-pakiusap..."
"W-wala, kalimutan mo na." Natawa lang siya tsaka umiling. Tuluyan niya nang nilisan ang kwarto ko.
Ilang araw pa ang lumipas at hinayaan na nila akong makalabas ng hospital dahil na rin sa pagpupumilit ko. Pakiramdam ko kasi it's time for me to stretch out especially my joints kasi nababad sa higaan. Narinig ko pa ngang nag-uusap si Doc at si Leo tungkol sa psychiatrist kaya napaisip ako. Nababaliw na ba ako kaya balak nila akong dalhin do'n? Hay ewan. Pero dahil nga okay naman daw ang observation sa 'kin ng doctor, pinalabas na nga ako. Dinaig ko pa ang nakalaya sa selda.
"Call me if something happened, ha?" Paalala sa 'kin ni Leo bago niya ako iwan sa bahay ko. Niyaya niya pa akong doon na tumuloy sa bahay niya dahil ayaw niya raw akong pabayaang mag-isa dahil baka may mangyaring masama sa akin. Nako, malaki na ako noh. Nagpaalam na siya at tuluyan nang nawala sa paningin ko. Pumasok na ako sa gate namin dala-dala ang bag na may lamang gamit at damit na ginamit ko noong nasa hospital ako. Para tuloy akong bagong lipat-bahay.
Para bang nanibago ako sa pinasukan ko. Dahil sa anim na buwan akong tulog nakalimutan ko na ang pasikot-sikot dito sa bahay. Nasaan ba ang kwarto ko? Pumasok ako sa unang pintuan at sumalubong sa akin ang maraming libro na maayos na nakasalansan sa bookshelves ngunit mapapansin mong maalikabok na ito dahil hindi nalilinis. Ito siguro ang office ni papa. Naaalala ko ito sa isa sa mga memoryang bumalik sa isip ko. Doon sa table niya kami nag-uusap na para bang ako ay isang uri ng taong dumudulog sa isang pulis. Napansin ko ang picture frame na nasa gilid ng table niya... Si papa at mama. They are both smiling and I can see that they are both happy together. Behind those smiles are the trials and problems that they'd overcome together until death... and I know death can never torn them apart. Alam kong kahit wala na sila, kahit alam kong ayaw nila akong iwan, alam kong masaya sila sa naging wakas nila at nandito lang sila sa paligid-binabantayan, inaalagaan, pinoprotektahan at sinusuportahan ako.
Ibinalik ko sa pagkakatayo ang picture frame at hindi ko inaasahang may mahuhulog akong bagay. Gumulong iyon sa ilalim ng table ni papa. Singsing? Hindi pamilyar ang singsing na 'to. Alam kong hindi ito ang suot-suot nila mama at papa dahil iba ang suot nila sa picture frame na nakita ko kanina. Kung gano'n, kanino ito? Paano ito napunta rito?
Akmang tatayo na ako upang umalis sa pwestong iyon ngunit nauntog ako sa ilalim ng table ni papa. "Ahhh!" Hinaplos-haplos ko ang ulo ko upang mawala ang sakit nang makuha ng atensyon ko ang isang folder na nakadikit sa ilalim ng table ni papa. Napapikit ako.
Naaalala kong pilit kong inaabot ang folder na 'yon nang gabing 'yon ngunit tinakasan na ako ng lakas at tuluyan nang nawalan ng malay.
Napaisip ako. Anong nangyari sa akin ng gabing 'yon at bakit hinang-hina ako? Dumapo ang tingin ko sa naka-bendang braso ko. Agad ko 'yong tinanggal at nakita ang malalaking tahi ng sugat na para bang galing sa hiwa ng matalas na kutsilyo. Napahawak ako sa sentido ko. Binalak ko bang wakasan ang buhay ko? Kung gano'n, kung talagang nagpakamatay nga ako at naglaslas, bakit nandito pa ako? Bakit buhay pa ako?
###
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top