Chapter 40: Lost Memories

AEDRIAN

KUNG mawawalan ka ng isang paa, makakapaglakad ka pa ba? Eh paano kung mawala sa 'yo ang dalawa, makakatayo ka pa ba?

Para kang isang taong buhay ngunit walang silbi dahil isa kang lumpo. Bagama't humihinga ngunit walang lakas para mabuhay. Para kang isang lumpong inutil na hindi makatayo dahil wala na ang dalawang kasangkapan mo sa pagtayo.

Wala na ang dalawang taong umalalay sa akin sa pagtayo. Wala na si papa pati si mama. Paano na ako ngayon? Paano ko pa ipagpapatuloy ang laban kung wala na ang dahilan kung bakit pa ako lumalaban?

Wala na sa tabi ko ang mga dahilan kung bakit gingusto ko pang manatili sa mundong ito... wala na sila. Kulang na ako. wala nang saysay ang buhay ko. Wala na akong makitang rason kung bakit nananatili pa ako rito.

Gusto ko na ring magpahinga. Gusto ko nang sumunod sa kanila. Gusto ko na silang makasama. Gusto ko na ring wakasan ang buhay ko dahil hindi ko na alam kung paano ako mag-uumpisa at magpapatuloy pa. Sobrang lungkot at pighati na ang bumabalot sa puso ko. Pakiramdam ko wala na akong kasama sa masalimuot at makasariling mundong ito.

Para bang isa akong maliit na tuldok sa isang malinis na papel. Ako ang duming sumisira ng kalinisan ng buong puting papel. Maituturing akong isang dumi na dapat na ring mawala dahil wala na ring dahilan para manatili pa dahil naiiba ako sa kanila. Mag-isa lang ako laban sa marami. Hindi ko kaya.

Kinuha ko ang matulis at kumikinang na kutsilyo na aking inihanda kanina. Tila ba bagong hasa ito dahil nakikita ko ang repleksyon ng aking malamlam na mukha. Hindi ko na kilala ang nakikita ko. Malaki na ang pinagbago ng pisikal kong anyo maging ang panloob kong katauhan. Isa na akong marupok na babasaging baso na isang danggi mo lang mahuhulog at madali nang mababasag.

Pinilit kong ngitian ang sarili ko sa huling pagkakataon. Walang pagdadalawang isip kong pinikit ang mga mata ko tsaka ko hiniwa ang maselang bahagi ng aking braso. Ramdam ko ang agarang pag-uunahan ng mga maiinit na likidong bumabagsak sa sahig-mga mapupulang dugo na ngayo'y may dala na ng masasakit at madidilim kong karanasan sa buhay.

Nanghihina na ako. Nararamdaman ko na ang pagbagal ng pintig ng puso ko. Napapansin kong unti-unti nang bumabagal ang mga kilos sa paligid ko. Ang mga talukap ng mata ko ay nagsisimula nang bumigat. Pagod na ako. Sa wakas, ito na ang katapusan ng paghihirap ko.

Agad akong bumagsak sa sahig ngunit bago ako makapikit at mawalan ng malay ay nakita ko ang bagay na 'yon sa ilalim ng desk ni papa. "H-holy cheese..."

"Alam ko, maraming tanong na gumugulo sa isip mo ngayon pero alam mo anak, parang pagte-take lang ng exam 'yan, ang sagot sa mga tanong ay nasa ilalim ng desk kung nasaan ang mga libro. Nasa sa 'yo lang kung magkakaroon ka ng lakas ng loob sumilip do'n at kunin 'yon."

Pilit kong inaabot ang folder na 'yon na nakadikit sa ilalim ng desk ni papa ngunit tinakasan na ako ng lakas at tuluyan nang nawalan ng malay. Huli na ang lahat.

"Hey sleepyhead, wake up. You're sleeping so long. Would you mind taking a break and opening up your eyes for me?"

"Why did you do that? You almost killed yourself and you almost killed me! We're friends, right? We're supposed to be each other's shoulders!"

"Aedrian, when will you wake up? The killer of your mother got arrested yesterday. I wish you were here. I miss you and your deduction skills."

"Naririnig mo naman ako 'di ba? I'm sorry for all the things I've done. Kung kaya ko lang ibalik ang panahon at ibalik ang lahat sa dati, gagawin ko. I want you to wake up, Aedrian. Please, please, I'm begging you. Pakiusap, gumising ka... gumising ka na. Sabihin mo sa 'king hindi ka mamamatay. Sabihin mo sa 'king nagsisinungaling lang ang doctor. Sabihin mo sa 'king malakas ka. Ayokong nakikita kang nasa ganitong kalagayan kaya utang na loob naman Aedrian, gumising ka na oh. Nagmamakaawa ako sa 'yo, g-gumising ka na. P-pakiusap..."

Ilang beses ko nang naririnig ang boses ng isang babae sa isipan ko. Pamilyar ngunit kahit anong pilit kong mulat sa mga mata ko ay hindi ko magawa. Hindi ko makita ang pinagmumulan ng boses na 'yon. Gusto ko siyang makita. Gusto kong punasan ang mga luha niya. Gusto kong patahanin siya sa pag-iyak pero wala akong magawa dahil simpleng pagmulat ng mga mata ay mahirap para sa akin.

Marahil ay hindi pa handa ang mga mata ko para salubungin ang kadiliman ng mundo na iniwan ko noon. Ayaw pa sigurong bumukas ng mga mata ko at magising dahil magkakaroon na naman ng pagkakataon si kamatayan na habulin ako at hilahin pabalik.

Ngunit kung sa paggising ko ay makikilala ko ang may-ari ng boses na 'yon. Kung sa pagmulat ng mga mata ko ay makikita ko siya. Wala na sa akin si kamatayan. Ang mahalaga lang sa akin ay masunod ang tinitibok ng puso ko.

"Gising ka na." Rinig kong bati sa akin nang ipilit kong buksan ang mga mata ko. Humahangos pa ako na tila ba galing sa isang malagim na bangungot. Naaninag ko ang isang matangkad na lalaki. Matipuno ang pangangatawan niya at sa pagkakatindig niya ay para siyang isang pulis.

Inalalayan niya akong makaupo sa kama. Nakatingin lang ako sa kaniya at pilit na inaalala kung sino siya. Teka, sino nga rin ba ako? At anong ginagawa ko rito?

"Kumusta ang pakiramdam mo? Wala bang masakit sa iyo?" Tanong pa niya sa akin. Nabaling ang tingin ko sa kaliwang kamay ko nang kumirot iyon. May balot ng benda ang parte ng pulsuan ko kaya hindi ko alam kung anong dahilan ng pagkirot no'n.

"Ang sabi ng doctor, sa oras na magising ka may mga bagay na hindi ka maaalala dahil na rin sa haba ng pagpapahinga mo ngunit paglipas din ng panahon ay babalik rin sa iyo ang mga alaalang iyon kaya huwag kang mag-alala. Natutuwa akong nagising ka na, Aedrian."

Aedrian... Aedrian ang pangalan ko.

###

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top