Chapter 4: Strange Transferee

She uttered showing her full thirty-two teeth. She's really creepy. Kanina, antok na antok ngayon naman sobrang ngiti sa 'kin. Nakabawi na ba siya ng tulog kaya ganiyan? Anyway, having chitchats with my classmates is unusual for me so I just turned away from her and continue walking to the campus' canteen.

"Hoy transferee! Ang suplado mo naman! Lampas ka na! Dito kaya ang canteen!" Turo niya sa kabilang way na lilikuan pala para makarating sa canteen. As I've told you a while ago, this campus is really big. There will be instances na maliligaw ako. Bukod sa pangalawang beses ko palang nakapunta rito, hindi ko pa rin nalilibot ang buong campus. Kung may pagkakataong makapaglibot, makakabisado ko naman agad.

Umupo na ako sa table ko tsaka ko inilapag ang pagkaing binili ko. Just a carbonara and a bottled water for my lunch.

"So transferee, bakit ka lumipat dito? Matatapos na ang third grading ah?"

"Do I have to answer your question?" Tanong ko atsaka uminom. Hindi ko siya nilingon pero alam kong umupo siya sa tapat ko.

"Not at all pero kung ayaw mong sagutin okay lang naman. Kaya naman kitang i-deduce." I just smirked and continue eating my pasta. Through her actions, napapatunayan kong may pagka-weird talaga ang isang 'to. Kanina tinanong niya ako kung isa akong detective, tapos ngayon kaya niya akong i-deduce. Kung isa siyang mystery enthusiast, mukhang naghahanap siya ng companion at ako ang naiisip niyang pwede. Parang sa mga mystery series, may apprentice ang isang detective. Mukhang gustong-gusto niyang maging detective at kailangan niya ng apprentice na may kapareho niyang interest. Well, I'm not.

"You can? So you're a detective?" Pabalang na tanong ko. Napapailing na lang ako sa loob-loob ko. No one can deduce me before I deduce them. Huwag niyong isiping isa akong detective because I'm not one, I am just a grade-12 student who are curious about everything in this world and plainly know more things than the usual sixteen years old. Well you know, having a police dad, hindi na nakakapagtakang ganito ako mag-isip at magsalita. And yeah, she's right of what she smells about me earlier.

I heard her chuckle kaya napatingin ako sa kaniya. She stared at me while wearing those smirk of her. "Base sa pagpapakilala mo kanina sa room, para bang lagi mo na lang ginagawa ang bagay na 'yon. Sanay na sanay ka na. Most of us kase kahit matagal na naming kaklase ang mga kaharap namin, kinakabahan pa rin kami 'pag nagsasalita sa unahan... pero ikaw, ang dali lang sa 'yong magpakilala kahit na hindi mo naman kami kilala. Natural lang namang kabahan ka kahit kaunti, 'di ba?" Her first premise makes me think twice about her.

"Mukhang nakailang school ka na bago pumasok rito, ano?" Tumawa muli siya.

Now, she caught my interest so I interrupted. "What are your basis? Pwede namang sabihing mataas ang self-esteem ko."

"Nah, kahit pa mataas ang self-esteem ng isang tao may fear pa rin 'yon sa mga negative feedbacks, they will stutter a little or make some hand gestures para mawala ang kaba nila. But you, talagang sanay na sanay ka na sa pagpapakilala sa unahan na tila ba ilang beses ka nang nag-transfer ng school and I have evidence. You're wearing two different i.ds in a one i.d holder, just simple as that. Ang nasa harap ay mula sa isang university sa Pasay at 'yung nasa likod ay mula pa sa ibang university. Nakita ko 'yan kanina habang nakatungo ako sa desk at pinagmamasdan ka." Turo niya sa i.d na suot ko. Alright, she got me there.

"Wala ka pang i.d mula rito sa Laguna University, I guess hindi ka pa napipicturan kasi nga kailan ka lang nag-transfer at biglaan. Bakit kaya bigla na lang magta-transfer ang isang katulad mo rito? Pinagtataka ko lang." Napatingin na ako sa kaniya. Para bang may bumara sa lalamunan ko at may biglang tanong na pumasok sa isip ko. Ang alam ko kaya kami lumipat dahil may bagong kasong hahawakan si papa rito sa Laguna kaya dito siya nadistino. But hearing that question from this creepy seatmate of mine, naisip ko, kung 'yun lang ang dahilan ni papa, bakit nasabi nilang for good na kami rito? Hindi ba may tyansang lumipat ulit kami kung may panibago na namang kaso siyang hahawakan? Ano bang kaso ang hahawakan ni papa at mukhang matatagalan siyang i-resolba 'yon?

"Doubt is the beginning of knowledge," I said. As I stood up, I heard the bell ring so I walked back to my classroom leaving that creepy girl.

As usual, the class starts and it ends. Hindi ko na masyadong pinansin pa ang seatmate ko. Bukod sa wala akong interes magsalita, wala rin akong interes sa kaniya. Lumabas na ako sa classroom nang mag-bell na. Napatingin ako sa babaeng tumawag sa 'kin; Kumakaway siya. "Bye, Aedrian! See you tomorrow!" Hindi ko alam ang pangalan niya pero kaklase ko siya, sigurado ako. Sa pagsunod ko ng tingin sa kaniya, pansin kong halos lahat binabati siya. Pati na rin 'yung mga babae at lalaki siya ang pinag-uusapan. Popular student, ehh?

Kinabukasan, muli akong binati ng babaeng 'yon. Nakasunod pa rin ang mga mata ng lahat sa corridor sa bawat galaw niya at ang mga usap-usapan ay tungkol sa kaniya.

Pumasok na ako sa room at nadatnan ko na namang tulog ang katabi ko. Sa kalagitnaan ng klase, nagsalita siya at bumangon. Muli niyang itinali ang kulot niyang buhok at tiningnan ako the same look she gave me yesterday. "Nagdala ka ba ng payong? Uulan ngayon." Then, she starts to deduce again. Pati ba naman ulan? Hindi ko na lang pinakinggan ang mga pinagsasasabi niya.

"Do you really find me a weird one?" I looked at her standing in front of me while holding a sandwich and a bottle of orange juice. Padabog siyang umupo. "Weird na bang maging matalino ngayon ha?" Tanong niya pa.

"The way you use your brain is a weird one and that's what makes you creepy," I answered.

"That's what you think I am?" I just shrugged. "You're creepier than me. The way you talk and act, it seems like you controlled what's information you export. You're very cautious. When someone's asking you, you simply answered it by one sentence and never bothered to explain it. You're strange."

"Creepy and strange is different from mysterious." I just plainly said and continue finishing my lunch.

"Hey, tell me, you're a detective, aren't you?"

###

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top