Chapter 39: Her Boyfriend

"Maligayang kaarawan, Leila," bati ko sa kaniya dahilan upang maiangat niya ang kaniyang mukha. Ngumiti siya at inilabas mula sa kaniyang likod ang ibinigay ko sa kaniyang mini whiteboard at whiteboard marker. May sinulat siya doon at iniharap niya sa akin. "Salamat."

Akmang buburahin niya ang sulat niya gamit ang kaniyang kamay nang pigilan ko siya. "Madudumihan ang kamay mo 'pag 'yan ang ginamit mo." Binura ko ang sulat niya gamit ang kamay ko. Nginitian ko lang siya at tsaka ako tumango upang sabihing magsulat na siya. "16."

"Ahh, pareho lang pala tayo." Nagsimula kaming maglakad papunta sa hardin nila at pinagmasdan ang mga magagarbong bulaklak na may iba't ibang kulay. "Saan ka nag-aaral?" Tanong ko. Umiling siya na ipinagtaka ko. "Hindi ka nag-aaral?" Tumango siya.

"Bakit?" Muli ay nagsulat siya sa whiteboard. "Ayoko."

"Bakit naman? Dahil ba takot kang asarin ng iba dahil sa kapansanan mo?" Napakagat siya ng labi tsaka siya tumango. "Alam mo kasi, Leila, likas na sa mga tao ang maging mapanghusga. Kung ano lang ang nakikita nila, 'yun 'yung paniniwalaan nila. Kaya dapat huwag kang makinig sa sasabihin ng iba dahil ang mas mahalaga sa lahat mahal mo ang sarili mo at tanggap mo kung ano ka at kung anong mayroon ka."

Again, she shook her head seems like she's telling me that I don't understand what her situation is. "Alam ko hindi madali, pero kung hindi mo uumpisahang gawin ang mga bagay na gusto mong gawin na makapagpapasaya pala sa 'yo, habangbuhay mong pagsisisihan dahil huli na ang lahat. Alam mo ba, hindi lang naman ikaw ang may kulang eh. Ako, tingnan mo ako, akala mo nasa akin na ang lahat, akala mo masaya ako, akala mo walang kulang sa 'kin pero hindi, may alaala akong nawawala at hindi matandaan. Idagdag mo pa 'yung iniwan na ako ng aking ama. Akala mo lang malakas ang isang tao pero deep inside pala, hindi niya na kaya."

Napatingin ako sa kaniya nang maramdaman ko ang pagtapik niya sa balikat ko. Ngumiti siya sa 'kin at tumango-tango na para bang pinapahiwatig niya na, "Okay lang 'yan, kaya mo 'yan."

Hindi ko alam kung bakit muntikan ko na siyang yakapin mabuti na lang at tumunog ang cellphone ko dahil nag-text si mama. "Sandali, babasahin ko lang ha?" Paalam ko kay Leila at binuksan ko ang message ni mama.

From: Mama

Aedrian, susunod na ako.

-end of message-

Napakunot ang noo ko sa message na sinend sa akin ni mama. Nagkulang lang ba siya ng 'lang' o iba talaga ang ibig niyang sabihin? Bigla akong nakaramdam ng kaba. Dahil hindi ako mapalagay nagpaalam na ako kay Leila. "Pasensya na Leila, kailangan ko nang umuwi. Pakisabi na lang kay Tita ha? Maligayang kaarawan ulit!" Tumakbo na ako palabas. Hindi ko napansin na may mababangga pala akong tao dahil sa kamamadali ko.

"S-sorry." Hahakbang na sana ako palayo sa Effloresce nang tawagin niya ang pangalan ko.

"Aedrian, right?" Napatingin ako sa kaniya. Hindi ko masyadong aninag ang mukha niya dahil gabi na rin. "Madalas kang ikwento sa 'kin ni Nica. She's your friend, tama? I'm Levi, by the way."

Inilahad niya ang kaniyang kamay sa harap ko. Pinilit kong tingnan ang mukha niya at saka ko siya kinamayan. "Aedrian, her friend."

Sumilip ang ngiti niya. Kinilabutan ako doon dahil para bang pamilyar sa akin ang ngiti niya. "I'm her boyfriend. Sa wakas, nagkita na rin tayo." Mas lalong lumaki ang ngiti niya. Mas matangkad siya sa 'kin at mas malaki ang katawan niya dahil mukhang na-build up sa gym. Hindi na ako nagtataka kung bakit nagustuhan ni Nica ang isang 'to. Mukhang kayang-kaya siyang protektahan ng lalaking 'to lalo na kay L. Dapat siguro maging masaya na ako para sa kaniya atleast hindi ko na kailangan pang alalahanin kung may masamang mangyayari sa kaniya.

"Sige uuwi na ako. Protektahan mo si Nica kahit anong mangyari." Hindi pa man ako nakakalayo sa Effloresce, nang makasalubong ko ang lalaking kumausap kay mama kanina. Tumigil ako sa harap niya at halatang gulat na gulat siya sa akin.

"Nasaan si mama?" Tanong ko pero imbes na sagutin ako ay ibang salita ang narinig ko sa kaniya, "Patawad..." Kumunot ang noo ko at napunta ang mga mata ko sa nanginginig niyang kamay. Napatigil ako nang makitang may tumutulong dugo doon.

"A-anong patawad? A-anong ginawa mo kay mama? Nasaan siya?!" Napansin kong umiiyak siya.

"Bakit ka umiiyak? Anong ginawa mo kay mama?!" Itinulak ko siya dahil wala akong makuhang sagot sa kaniya. Agad akong tumakbo pauwi ng bahay. Hindi ko alintana ang pagod kahit pa napakalayo ng tatakbuhin ko. Wala akong pakialam! Ang mahalaga makita ko si mama!

Sobrang bilis ng kabog ng puso ko nang makita kong nakahandusay si mama sa may hardin namin. Napahawak ako sa noo ko. H-hindi, hindi maaari 'to. Hindi totoo 'to!

Agad ko siyang nilapitan at nakita ko ang dugo sa tagiliran niya. "H-HINDI PWEDE 'TO! MAMA! GUMISING KA UTANG NA LOOB! HUWAG MO KONG IWAN! G-GUMISING KA!"

"MA! SINONG GUMAWA NITO SA 'YO? MA! MAGSALITA KA!"

Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at niyugyog. Hindi ko 'to matatanggap. Pilit ko siyang ginigising pero huli na ang lahat. Wala na si mama. Tuluyan nang gumuho ang mundo ko at hindi ko alam kung makakaya ko pang mabuhay nang mag-isa.

###

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top