Chapter 35: Too Late To Confess

AEDRIAN


MAAGA akong pumasok sa school upang makausap sana si Nica tungkol sa pag-iwan niya sa 'kin kahapon sa mall at sa isa pang bagay ngunit wala siya. Hindi siya pumasok.

"Okay class, just like what I said last meeting I am going to give you now your final project in Humanities..." Panimula ni Prof.Sandali siyang tumigil at tiningnan kaming lahat bago niya itinuloy ang kaniyang sinasabi. "Napansin ko na ang iba sa inyo ay hindi pa developed ang personality, mababa pa ang self-confidence, hindi pa kayang humarap sa tao. I once experienced being a youth kaya alam ko, most of you are struggling with this thing." Nagsulat siya sa whiteboard na naging sanhi ng ingay ng klase.

"Confession. This will be your final project in Humanities. I am not only talking about a love confession but the special thing about this project is to overcome your fear-fear of telling someone what you're holding back for a long time ago. I know some of you can't sleep at night because of thinking how will you going to say these, when will you going to say those. I want you to live freely without those fear in your chest. Alam ko kasi 'yung hirap ng hindi mo masabi ang totoong nararamdaman mo kasi naranasan ko na rin 'yan. Naranasan ko na ring magmahal at malaki ang naging panghihinayang ko dahil hindi ko nasabi sa kaniya ang nararamdaman ko. Naranasan ko na ring mapagbintangang kumuha ng bagay na hindi ko naman talaga ginawa, nakita ko kung sino ang kumuha talaga pero ayaw ko siyang mapahamak kaya mas pinili kong ako na lang ang parusahan kaysa siya kasi mas masasaktan akong makita siyang nahihirapan. So now, I am going to give you this Confession project. What you are going to do is think about someone and something that you will be going to say to him/her if you would be given a chance. You will make a video presentation and you will be going to pass this at the end of this month. Any question about this project?"

Walang nagtaas ng kamay ibig sabihin wala nang tanong, uwian na. Napaisip tuloy ako, if I would be given a chance to say things to someone, what would it be and to whom would it be.Sa buong buhay ko, hindi pa nga yata ako nakakaranas mag-confess. Ni hindi ko pa nga yata nasasabihan ang mga magulang ko ng simpleng thank you dahil nandito sila para suportahan ako. Ngayon ko lang naisip, kung kailan huli na, hindi ko man lang pala nasabi kay papa na proud akong naging tatay ko siya.

I stood up and head to the library searching for my seatmate that I know impossibly be here. Hindi ko akalaing hindi na siya tuluyang papasok ngayong araw. Ilang messages din ang sinent ko sa kaniya at sinubukan ko rin siyang tawagan pero walang response. Hindi naman mawawala sa akin ang hindi mag-alala dahil seatmate ko siya at higit pa doon ay kaibigan ko siya. Gusto ko sana siyang puntahan sa bahay nila pero mukhang ayaw niya akong makita, kung gusto niya kasi hindi siya biglang mawawala. At lahat ng tungkol sa kaniya ngayon ay naging isang misteryo sa akin.

Lumabas na ako sa library dahil na-realized kong hindi mo mahahanap ang isang tao kung nagtatago siya sa 'yo. Kahit ubusin mo pa ang oras at lakas mo, kung ayaw magpahanap ng taong hinahanap mo ay hindi mo talaga mahahanap. Kaya napagdesisyunan kong umuwi na lang.

Sumakay na ako sa bisikleta ko at nagmaneho na pauwi nang makita ko ang parehong sitwasyon katulad noong unang araw ko rito. May kumpulan na naman ng kabataan. Déjà vu. May kutob akong sa gitna no'n ay naroon na naman ang unang babaeng nakilala ko rito sa Laguna. Si Leila.

Tama ako. Siya nga. Hindi ko napigilang mapangiti. Matagal na rin pala simula nang makita ko siya. Sa palagian kong pagparoo't parito, ngayon ko na lang ulit siya napansin. Pero parang mas malaki ang ikinayayat niya at mas humaba pa ang buhok niya. Pero saglit na napaltan ang ngiti ko nang makita ko pa ang isang pamilyar na mukha. Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako kasi nakita ko siyang muli pagkatapos niya akong iwan sa ere. Hindi ko alam kung bakit may naramdaman akong kakaiba sa dibdib ko. Gusto ko siyang kausapin ngunit mukhang hindi rin magiging malinaw ang lahat sa akin kapag tinanong ko siya dahil ang misteryo ay tinutuklas, hindi ito isang tanong ay may sagot kaagad.

"Ano ba? Bakit hindi ka magsalita? Sino sa tatlong lalaking ito ang kumuha ng mp3 player mo?" Tanong ni Nica kay Leila. Napatingin ako sa tatlong lalaki na tinutukoy ni Nica. Sunod-sunod ang laki ng mga katawan nila. Simula sa mapayat, katamtamang laki ng katawan hanggang sa mataba. Naka-uniform ang mga ito na halatang sa Laguna University rin nag-aaral kung saan din ako nag-aaral.

"Tinutulungan na nga kita e, bakit hindi mo ako tulungan? Sasabihin mo lang naman kung sino ang kumuha ng mp3 player mo! Gaano ba kahirap 'yon? Huwag mong hayaang i-bully ka ng mga 'yan!" Sigaw pa ni Nica. Hindi ko alam kung hindi niya pa rin ba ako napapansin o sinasadya niya lang akong hindi pansinin.

Pumagitna na ako sa kanila. "Tama na 'yan." Bakas sa mukha niya ang pagkagulat. Hindi niya siguro inakalang lalapitan ko siya. "A-anong ginagawa mo r-rito, Aedrian?"

"Hindi na mahalaga 'yon, sabihin mo sa 'kin kung anong nangyari rito."

Umiling siya. "Hindi Aedrian, hayaan mo na ako. Hindi ko kailangan ng tulong mo." Ibinaling niya ang atensyon niya kay Leila at muli itong sinigawan.

"May bibig ka naman 'di ba? Huwag kang matakot sa kanila! Hindi ka naman papatayin ng mga 'yan! Sabihin mo sa 'kin kung sino ang kumuha ng mp3 player mo para maibalik natin sa 'yo! Ituro mo! Magsalita ka!"

Nagtaka ako kung bakit biglang napatakip ng tenga si Leila lalo na nang umiling-iling siya na para bang may naririnig siyang kakaiba. Agad akong lumapit kay Leila at hinawakan ang magkabilang balikat niya. "A-ayos ka lang ba?" Ngunit imbes na sumagot ay patuloy pa rin siya sa pag-iling habang nakapikit. Naririnig ko rin ang mahinang pag-ungol niya na tila ba may gusto siyang sabihin ngunit hindi niya masabi.

"Kilala mo ang taong 'yan?" Hindi ko sinagot ang tanong niya sa halip ay inalalayan ko si Leila patayo. "Halika na, ihahatid na kita sa inyo."

"T-teka! Saan mo siya dadalhin? Hindi pa ako tapos sa kaniya! Tinatanong ko pa siya!"

"Wala ka naman sa lugar, e! Bakit hindi ang tatlong 'yan ang tanungin mo? Kapkapan mo sila! Mas madali 'yon hindi ba?" Napasigaw na rin ako. Hindi niya ba alam na siya ang tumatakot sa biktima? Hindi niya kasi alam na hindi ito nakakapagsalita kaya hindi niya alintana na nape-pressure ito sa pagpupumilit niyang pagsalitain si Leila.

"Bakit? Gano'n ba ang ginawa mo dati? Ha? Mas madali pala ang paraan na 'yon e, e 'di sana ganoon ang ginawa mo para wala tayo sa sitwasyong ito!"

###

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top