Chapter 34: Murderers

"Isa lang naman ang dahilan kung bakit umiiyak ang babae eh... 'yon ay dahil sa taong mahal niya."

Hindi ko pa man ipinapaliwanag ang lahat ay mukhang alam niya na ang ibig kong sabihin. Tila ba ang matigas niyang puso na nababalutan ng yelo ay natunaw. Napaluhod siya sa sahig at nagsimulang umiyak. "I planned to kill her, yes, but I stopped myself because at the end I feel this guilty lingering inside. Hanggang sa huli, pinigilan ko ang sarili ko dahil hindi ko kayang patayin ang babaeng mahal ko. But then, she said she's leaving and wants to file a resignation, hindi ako pumayag... then... then... She grabbed my wrist...all it happened accidentally."

"Eh gago ka pala eh! She wanted to hold you then you pushed it back? Hah! Do you know that I want to hold her too but then I let her go for someone bullshit who will just kill her?" Sinugod ni Ehr Jay ang salarin at kinuwelyuhan. Ipinagdidiinan ang bawat salitang gusto niyang ipaintindi sa kaniyang bisor. Nag-aapoy na mga mata at nagngingitngit na mga ngipin. Tila ba gusto na ring pumatay. "Kung alam ko lang na papatayin mo siya... Kung alam ko lang na mamamatay siya sa kamay mo... Pinatay na kita. Ikaw ang dahilan kung bakit nagkakalabuan kami. Dahil sa 'yo! Pero anong ginawa mo?" Then he let out his tears.

Isang dahilan lang din naman kung bakit umiiyak ang mga lalaki... sa panghihinayang.

"Bakit mo pinlanong patayin siya?" Tanong ko.

"I think you already know the answer. When you do things recklessly, things will turn out like this."

"You mean, you're one of them?" Pumunta ako sa likod niya at tiningnan ko ang batok niya. Nandoon ang tattoo na katulad din sa lalaking nakita ko kanina. 

"Don't you ever attempt to see his face? Don't look into his eyes or else you'll be like us... murderers."

Pinosasan na ang salarin at saka sumama sa mga pulis. "So much tiring case." Komento ni Leo habang nag-uunat-unat. 

"So anong nangyari doon sa taong hinahabol mo kanina?"

"Nasa kaniya na ang cellphone ng biktima, I mean, cellphone ni L."

"What? What do you mean?"

"That person planned to kill Ms. Waters too kaso naunahan siya ni Mr. Porsche. Ang plano ay makuha ang cellhone ng biktima na hindi pala talaga sa kaniya dahil kay L 'yon."

"Paano naman napunta kay Ms. Waters 'yon?"

"I think it's you who need to find that out. But all this crime happened because of someone named L."

"I know, I read all of the file case na naiwan ni Sir Ricardo. From Angelica Ruiz's case up to this case, malinaw sa 'kin na iisang tao lang ang may gawa nito. I will help you find that guy. You can trust me, Aedrian." Ngumiti siya sa 'kin.

"What is your name again?" Tanong ko.

Tumawa siya. "Leo San Jose, at your service." Natawa ako sa sinabi niya. Nagpaalam na ako sa kaniya tsaka sumakay sa bisikleta ko.

Pagkarating ko sa bahay naabutan ko si mama sa kusina at naghahanda ng hapunan. "Nandito na po ako."

"Oh Edoy, nand'yan ka na pala. Halika na muna rito at kumain." Sumunod ako sa kaniya at umupo. Naamoy ko kaagad ang adobong baboy na nanunuot sa ilong ang bango. Nakaramdam tuloy ako ng grabeng gutom. Para bang ang pagod ko simula kaninag umaga ay nagsama-sama at ngayon ko lang naramdaman.

Umupo na rin si mama sa harapan ko. "Bakit ngayon ka lang umuwi? Saan ka ba pumunta?" Tanong ni mama habang nagsasandok ng kanin.

"Tumutulong po kasi ako sa mga pulis sa pag-iimbestiga ng kaso." Napatingin siya sa akin. Ipinagsandok niya ako ng kanin sa plato ko.

"Anak, 'wag mo sanang mamasamain pero tigilan mo na 'yan. Wala kang magandang mapapala riyan. Ayokong magaya ka sa ama mo dahil sa trabahong 'yan. Ang mabuti pa tutukan mo na lang ang pag-aaral mo."

Hindi ako nakapagsalita. Kung sabihin ko kayang kaya ko ginagawa ito upang mahuli ang pumatay kay papa magbabago ang isip niya?

Sinabayan ko na lang kumain si mama at pagkatapos ay umakyat na ako sa kwarto ko. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa. Tatawagan ko ba siya at kakausapin tungkol sa nalaman ko? Tatanungin ko ba siya kung totoo ang natuklasan ko?

Napapikit ako. At sandaling naalala ang lalaking hinahabol ko kanina. Ang cellphone ng biktima na ang totoo'y pagmamay-ari pala ni L?

Kung gano'n kung babalikan ko ang mga nangyari noon, ang totoong may-ari ng cellphone na 'yon ay si Lyca. Samsung... Samsung... Iyon ang nakita ni Marco bago ang araw na pagtripan ako ni Lyca. Tanda ko pa na iyong brand ang tinukoy niya pero iba ang brand ang ipinakita ni Lyca, at 'yon ay ang cellphone ni L.

Ano? Teka!

Ang totoong cellphone ni Lyca ay ang Samsung na kaninang nasa kamay ni Ms. Waters. Ang cellphone na ipinakita ni Lyca sa 'kin noon na naiwala niya kunwari ay ang totoong cellphone ni L. Ibig sabihin nagpalitan sila. Bakit naman sila magpapalitan ng cellphone? Ang alam ko, ang nasa isang relasyon lang ang madalas nagpapalitan ng cellphone.

Napaisip ako lalo. At ngayon ang dalawang cellphone na maaaring may lamang ebidensya ay nasa mga kamay na ni L.

Sandali akong napatigil. Kahit sa pangit na isiping iyon ay hindi ko napigilang mapangiti. Tila ba dahil sa cellphone na iyon ay naging malinaw sa 'kin ang lahat. Kung bakit kailangan nilang magpalitan ng cellphone at gumawa ng paraan para makuha ang number ko. Una palang, may plano na talaga sa 'kin ang taong nasa likod ng lahat ng ito. Hindi ko alam kung anong kailangan niya sa 'kin at kung bakit ako napunta sa trap niya. Mukhang huli na para makawala pa ako sa sapot at mga galamay niya. Wala na akong magagawa kundi ipain ang sarili ko upang makita at makilala siya.

"Don't you ever attempt to see his face? Don't look into his eyes or else you'll be like us... murderers."

I will never let him turn me into a murderer. I'll make sure that he will be punished by law behind those lonely cold bars.

###

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top