Chapter 33: One Last Cry

Tumingin naman ako sa isang lalaki na tahimik lang at naghihintay ng tiyempo kung kailan siya magsasalita. Iba ang uniporme niya sa dalawa. Mukhang mas mataas ang posisyon niya sa bookshop kaysa sa mga ito.

"I am Xander Porsche, 28 years old. I am the supervisor of the bookshop. That time I went to the department store to buy this red shirt. This is the receipt to prove my innocence." Ibinigay niya sa amin ang resibo galing sa department store. Tiningnan ko ang oras na nai-print 'to. 6:13 pm, dalawang minuto bago mawalan ng ilaw sa buong mall. "6:15 pm ay nasa loob na ako ng book shop. Imposibleng ako ang maging salarin."

"6:15 ano? Bago mawalan ng kuryente o bumalik ang kuryente? May 59 seconds kasi bago mag-6:16. Alin ka do'n? Sa pagkakatanda ko 15 seconds ang itinagal ng pagkawala ng kuryente. Ibig sabihin sa span of time na 'yon maaaring doon mo siya itinulak at bago mag-6:16, nakapasok ka na sa bookshop. Kasi kung susumahin, saktong 6:15 nawalan ng kuryente at sa kinse segundong lumipas doon mo siya pinatay at nang bumalik ang kuryente doon ka pumasok sa bookshop." Paliwanag ko.

"Isang kalokohan! Sinong tao ang kayang pumatay sa labing-limang segundo? 6:15 ay nakapasok na ako sa bookshop, tapos!"

Matimtim ko siyang tiningnan at inalala ang mga nakalap kong impormasyon mula kanina. Napatingin ako sa cellphone na hawak ni Ms. Elisse at inalala ang bagay na nakita ko sa cellphone ng biktima kanina. Ngayon ko lang napansin na wala ang bagay na 'yon. Halata ang pagkakaputol, kung gano'n nasaan kaya ang kabiyak na puso ng keychain ni Ms. Elisse? Napunta ang atensyon ko sa bitbit na plastic bag ni Mr. Porsche. Napaisip ako sa mga posibilidad... hindi kaya--?

"Mawalang galang na Mr. Porsche ngunit maaari ko bang makita ang laman ng plastic bag na hawak mo? Hindi kasi ako satisfy sa binigay mong alibi. Para kasing hindi red shirt 'yang nasa loob."

"Ano? Ako nga lang ang may alibi sa aming tatlo. Bakit mukhang ako pa yata ang pinagsusupetsahan mo?"

Lumitaw sa mukha niya ang mapanglaw na reaksyon. Naging masama ang mga tingin niya sa direksyon ko. Tila ba pilit pinipigilan ang pagsugod ng dragon na nagtatago sa loob niya.

"Pinaghihinalaan mo ba ako? Dapat nga pinapaalis niyo na ako rito dahil napatunayan ko na ang sarili ko. Bakit mo ako pinaghihinalaan? Hindi mo yata kilala ang taong inaakusahan mo?"

"There's no exemption pagdating sa krimen. Lahat ay pwedeng maging suspek. Wala kang dapat pagkatiwalaan kahit ang sarili mo. Hindi naman sa pinaghihinalaan kita, iniisip ko lang kasi na kung tama ako na hindi nga red shirt ang nasa loob ng plastic niyan posibleng ibang tao ang pumunta sa department store at bumili niyan. Sa gano'n, mapapatunayan kong wala kang alibi."

"Anong kalokohan 'yang pinagsasasabi mo? Ako ang bumili nito kaya sigurado ako sa laman! Huwag mo nga akong pinapatawa!"

"Kung gano'n, maaari na ba naming makita ang laman ng plastic bag na 'yan?" Ngumiti ako tsaka ko kinuha sa kaniya ang plastic bag na hawak niya. Noong una ay ayaw niya pang ibigay ngunit dahil sa permiso na hiningi ng pulis na si Leo ay wala na siyang nagawa.

Ibinuka ko ang plastic bag at tiningnan ang loob nito. Napailing ako nang makita ko ang red shirt na tinutukoy ni Mr. Porsche.

"I told you, it's a red shirt. Why would I be wrong? Ako mismo ang bumili niyan. Patunay lang na may alibi ako. Nasa department store ako buong oras ng break ko at hindi ako nagkaro'n ng oras na makita ni makausap man lang si Kristine."

I don't know if it's just me but I sensed something when the victim's name came out from his mouth.

Dahil sa pagkapahiya, isasauli ko na sana ang plastic bag nang may makita ako sa loob nito... Napangisi ako. Ibinaliktad ko ang plastic bag upang malaglag ang maliit na bagay na magiging malaking ebidensya ng krimeng ginawa niya.

Napatingin ang lahat sa bagay na gumawa ng nakakabinging ingay kahit na nagmumula lang ito sa maliit na kasing ng bagay na 'yon.

"Oh?" Tila ba nagtatakang reaksyon ni Elisse habang tinitingnan ang napulot niyang piraso ng metal na nahulog mula sa plastic bag. "Katulad ng kabiyak ng binili sa 'kin ni Kristine kanina." Inilapit niya ang bagay na 'yon sa kabiyak nito at nagtugma.

"Kung hindi talaga kayo nagkita ni nagkausap ni Kristine, paano 'to mapupunta sa iyo Mr. Porsche? Hindi kaya ang totoo'y inutusan mo si Kristine na siya na ang bumili ng red shirt na ipinahanda mo na sa cashier sa department store bago mangyari ang krimen? Kaya nagkaroon ka ng alibi na sa totoo'y nagturo pa sa 'yo upang maging salarin."

Napatingin sa 'kin si Leo. "Paanong---? Hindi ba't sakto siyang nakabalik sa bookstore ng 6:15."

Umiling ako at sabay na napangisi. "Nakalimutan mo na ba ang tungkol sa brownout? 'Yung fifteen seconds span of time na walang kuryente? Pati ang plumbob at fishing rod sa main switch ng mall? I bet the man who prepared those things in the main switch and the culprit of this crime is the same." Ipinako ko ang tingin ko kay Mr. Porsche.

"Being lost in the action will point you out to be a responsible one. 6 pm, nagkausap si Ehr Jay at Kristine pero saglit lang because she refused to have a snack with his boyfriend to make up with her best friend. Naisip ko, nasaan ka ng mga oras na 'yon? Maybe you ran out to the main switch and planted those things to make the brownout possible. You used the fishing thread and inserted it in the hole of the plumb bob, then hooked it up to the switch. Before you leave, you put a small ice block under the plumbob so when it melts the plumbomb will make the switch on into off. I figured out the trick when I saw those things wet." Tukoy ko sa ebidensyang nakalap ng isang forensic kanina.

"Paano ka nakakasigurong ako nga ang gumawa ng lahat? Sapat na bang ebidensya ang maliit na piraso ng metal para sabihing ako nga ang pumatay kay Kristine? Nando'n ba ang fingerprints ko ha?"

Umiling ako. "Kahit ang fingerprint ni Ms. Kristine na nasa plastic bag na 'yan ay hindi ka kayang paaminin sa nagawa mong kasalanan pero sana alam mo na..."

Lakas loob akong lumapit sa kaniya at binasa ang ekspresyon ng mga mata niya. "...imposibleng nagpakamatay siya. Imposibleng makatalon siya sa mataas na railings na 'yon... Isa lang ang nasisiguro ko, may pumatay sa kaniya at ikaw ang tinutukoy ko. Sa inyong tatlo, ikaw lang ang posibleng dahilan kung bakit may luha ang biktima." Tila ba nagulat siya sa sinabi ko, na alam ko ang bagay na 'yon kahit walang nagsasabi. "Isa lang naman ang dahilan kung bakit umiiyak ang babae eh... 'yon ay dahil sa taong mahal nila."

###

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top