Chapter 31: Murder Within 15 Seconds


"I think I need to talk to Nica right now," I said and start walking away.

"What about this case? Huh? Can you please set aside your personal matter and help me solve this crime?" I bite my lips due to frustration but still this crime, I can't just let it slide.

"Nakita mo ba ang nangyari dito sa biktima?" Umiling ako. "Hindi."

"Hindi? Bakit? Ang lapit mo sa crime scene ah pero kung hindi mo talaga nakita, ipa-checheck ko na lang ang CCTV."

"Imposible 'yon. Nawalan ng kuryente dito sa mall kanina," ani ko.

"Totoo? Mga anong oras?" Tiningnan ko ang relo ko.

"Sa pagkakatanda ko 6:15pm."

"Gaano katagal nawalan ng kuryente?"

"Fifteen seconds," simpleng sagot ko.

"Sir, ni-check po namin ang main switch ng kuryente ng buong mall at nakita namin ito." Sabat ng isang pulis habang pinapakita ang nasa plastic na isang piraso ng fishing thread at plumbob. Alam ko na kung pa'no ginamit ng salarin ang mga bagay na 'to upang mapatay ang switch.

"Sige, salamat." Tumango si Leo saka tumingin sa kinaroroonan ng bangkay. Ganoon din ako. I crossed my arms and put my finger between my lips. Mas lumapit ako sa biktima. Napansin ko ang butil ng tubig sa gilid ng mata nito.

"Sir bawal po kayong lumapit dito," saway sa akin ng isang miyembro ng forensic team. Naka-mask ito kaya tanging mga mata lang niya ang nakikita ko.

"Hindi, hindi... Hayaan mo siya," sabat ni Leo. Pinagmasdan kong mabuti ang lalaking nasa harap ko. Bago lang ba siya kaya hindi niya ako nakilala?

Tumayo ako at ibinaling ang atensyon sa kabuoang lagay ng biktima. Bakit kaya may kaunting luha sa kaniyang mga mata?

Kakaiba rin sa ayos ang kamay niya... para bang may hawak siya bago siya mahulog mula sa second floor. Malakas ang kutob kong hindi ito suicide, kundi isang uri ng pagpatay. Maaaring aksidente o sinadya pero isa lang ang nasisiguro ko ngayon, nakaharap siya sa salarin nang itulak siya. At posibleng kilala niya ang gumawa nito. Imposible naman kasing suicide dahil bakit iisipin ng biktima na rito magpakamatay, lalo't medyo mataas din ang railings at hanggang ibaba ng dibdib, paano siya makakatalon? Pero paano rin ba siya maitutulak? Nakakalito!

Tumingin ako sa taas kung saan posibleng doon siya tinulak. Mula sa kinatatayuan ko ay natatanaw ko ang bookshop na binilhan namin ng libro kanina. Teka...

Muli kong tiningnan ang bangkay at naalala ko ang uniform niya. Siya 'yung cashier kanina do'n sa bookshop!

"Name of victim: Kristine Joy Walters, 24 years old. Kasalukuyang nagtatrabaho sa bookshop dito sa mall." Basa ni Leo sa i.d. ng biktima bago ito dinala ng forensic team palabas. "Ang time of death ay posibleng 'yung oras na nag-black out dito sa mall." Dugtong pa niya.

"Nakita ko siya kanina nang pumunta kami ni Nica sa bookshop. Cashier siya do'n. Ang pinagtataka ko lang ay kung paano siya napunta sa railings at naitulak ng salarin?" Pero makakahawak naman siya kaagad sa railings kung gugustuhin niyang makaligtas... hindi kaya may hawak siya ng oras na 'yon kaya hindi siya nakakapit kaagad?

"Baka lumabas siya sa bookshop para mag-quick break o kaya pumunta sa c.r.?" Ani Leo.

Naalala ko ang ayos ng kamay ng biktima. Kung mag-bbreak siya, anong bagay ang hindi mawawala sa kamay niya? Pera? Wallet? Cellphone? Phone?!

"Leo! Nasaan ang cellphone ng biktima?" Tanong ko na may halong pagmamadali.

"Kung nasa crime scene 'yon siguro nasa forensic team na. B-bakit?" Tinanaw ko sa malayo ang forensic team kung nakalabas na ba sila ng mall nang mapansin ko ang isa na humiwalay sa kanilang grupo at lumihis ng daan. Shit!

"Babalik ako Leo! Tawagin mo ang mga possible suspects!"

Agad akong lumusot sa kordon at sinundan ang lalaking 'yon. Sino ka? Saan ka pupunta?

Napansin yata ng lalaking 'yon na may humahabol sa kaniya kaya lumingon siya at mas binilisan ang takbo. Hah, masyadong maliit 'tong mall para hindi kita mahuli!

Napangisi ako nang ma-corner ko siya sa sulok ng mall at wala na siyang pagpipiliang puntahan kundi ang men's comfort room na nasa gawing kaliwa niya.

Tumingin siya sa 'kin na para bang nag-iisip ng paraan kung paano niya ako matatakasan. Siya 'yung lalaki kanina na nagkukunwaring miyembro ng forensic team. Bakit ko nalamang nagkukunwari? Kasi kung hindi, hindi siya tatakbo at magpapahabol pa sa akin. At hindi niya rin itatago sa bulsa niya kung anomang bagay na nakuha niya sa biktima.

"Bakit mo ba ako hinahabol?" Sigaw niya habang hinahabol pa ang sarili niyang hininga.

"Kung ako sa 'yo tanggalin mo muna 'yang mask mo para mas makahinga ka nang maayos." Payo ko na may halong pang-aasar. Naglakad ako papalapit sa kaniya. Umatras pa siya kahit na pader na lang ang maaatrasan niya. "Pucha naman!" Tumakbo siya papunta sa c.r. Ganun din ako at hinabol siya.

"Tinatanong mo kung bakit kita hinahabol? Tumatakbo ka eh!" Hinablot ko ang likod ng kwelyo niya tsaka ko siya isinubsob sa lababo.

"Sino ka ba? Bitiwan mo ako!"

"Ikaw ang sino? Alam kong hindi ka kabilang sa forensic team? Bakit ka nagkukunwari?" Tanong ko habang nakatingin sa kaniya sa harap ng salamin. Kinuha ko ang bagay na tinago niya sa bulsa. Tama ako, cellphone nga ito ng biktima. Makikita sa screensaver ang mukha ng may-ari.

"Bakit nasa 'yo 'to?"

"Ano bang paki mo? Ibalik mo sa 'kin 'yan! Hindi sa 'yo 'yan!" Pilit siyang pumipiglas sa akin pero hindi niya kayang kumawala dahil isinusubsob ko ang mukha niya sa lababo para hindi siya makatakas. I don't want to use force but I need to not let him escape. He maybe one of the suspects involved in this bloody case. Bakit nga naman ba niya kukunin ang cellphone ng biktima in the first place.

"And neither yours. Hindi ka ba tinuruan ng magulang mong huwag kunin ang bagay na hindi sa 'yo? Bakit mo 'to kinuha?" Pangungulit ko.

"Dahil hindi rin naman sa kaniya 'yan! Ninakaw niya lang 'yan!" Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa taong ito.

"Kanino sa 'yo? Kung gano'n kinukuha mo ang cellphone mo kanina sa kaniya ngunit ayaw niyang ibigay kaya hindi ka nakapagpigil at tinulak mo siya? Ganun ba?" Iniwas niya ang tingin sa akin. Sakto namang tumunog ang cellphone na hawak ko at nag-flash sa screen ang pamilyar na number. Hindi ako nagdalawang-isip na sagutin ang tawag. Nanatili akong tahimik habang hinihintay ang boses ng nasa kabilang linya. Ngunit hindi ito nagsasalita kaya itinapat ko ang cellphone sa bibig ng lalaking nasa harap ko.

"H-hello, boss." Ibinalik ko kaagad sa tenga ko ang cellphone upang marinig ang sagot ng nasa kabilang linya.

Tumawa ito. "Aba, aba, mukhang nagawa mo ang plano ah. Good for you. Bumalik ka na rito sa hideout at pagbibigyan na kita sa hinihingi mo. Tsk tsk maswerte ka."

"L..." I mumbled.

###

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top