Chapter 30: Vividly

"Anong tungkol sa pagiging witness ko?" Pag-uungkat niya sa bagay na pinalipas naming pag-usapan kanina. Tiningnan ko siyang maigi bago ako nagsimulang magsalita.

"Noong gabing namatay si papa at si Ronaldo, nalaman kong nandoon ka bago mangyari 'yon. Hindi ko alam kung bakit kailangan mong dalawin si Ronaldo nang ganoong oras... Hindi kaya alam mo na ang tungkol sa---?" Hindi natapos ang tanong ko nang tumango siya na para bang sigurado siya sa kadugsong ng tanong ko.

"Ang totoo niyan, kaya ako nagpunta doon upang kausapin siya at hingin ang paliwanag niya sa kasalanan niya sa mama ko. Doon ko nalaman ang lahat... "

"Na ang tunay mong ama ay si Ronaldo," pagtapos ko sa sasabihin niya. Marahan siyang tumango.

"Anong kinalaman dito ni L?"

"Noong gabing din 'yon ay pumunta si L. Siya 'yung lalaking nakasalubong mo na naka-white long sleeves at black pants. Natatandaan mo ba ang mukha niya?"

Her eyes went narrowed seemed like she was forcing herself to remember the face of that guy she met before.

"He has a triangle-shape of face. He has a strong jawline... Hindi masyadong makapal ang kilay niya... He has pair of dark brown iris. His nose is pointed. His lips is not that red..." Putol-putol niyang paglalarawan kay L. Sinulyapan niya ako at nagpatuloy na siyang maglakad. Napaisip ako at sinubukang buuin sa utak ko ang mukha ni L.

Sinusundan ko lang siya hanggang sa makababa kami gamit ang escalator. "Uuwi na tayo?"

Hindi niya ako sinagot. Mukhang abala pa siya sa pagtitig sa librong hawak niya. "Hindi ka ba nagugutom? Gusto mo, kumain muna tayo? Libre ko." Yaya ko pa. Lumingon siya sa akin at ngumiti. May kakaiba sa ngiti niya... I don't know if it's just me but I feel uneasy because of that smile. Para bang may mangyayaring hindi maganda at hindi ko magugustuhan.

"Aedrian... Are you a detective?" Ito na naman ang tanong niya ngunit ngayon, may halong ibang tono na. Napapaisip ako... Ano naman kaya ang ibig sabihin ng tanong na iyon? "I know you'll say no, but yes you are. I saw how solving cases made you happy so I don't want to be a hinder. I saw how you love unveiling mysteries... Whoever says you to stop, just don't. Find answers to your questions... Find L."

The lights all went out. The shouts filled the whole mall because of the sudden blackout. I can't be able to see people around even my seatmate. "Nica? Nica? Nasa'n ka?" Tanong ko ngunit walang sumasagot. Umuusbong na sa dibdib ko ang kaba at takot... Nasaan siya?

I try to look at her but I can no longer feel her presence. Dahil sa madilim na paligid hindi ko alam kung paano siya hahanapin... Hindi ko alam kung saan ako tutungo.

All I see when the lights back is a woman soaking in her blood lying lifeless at my feet.

"NICAAAAAAA!!!!!"

###

MALAKAS NA sirena ng ambulansya at ng patrol car ang umalingawngaw sa buong mall. Nagkagulo ang mga tao dahil hindi nila alam kung bakit may mga pulis na pumasok rito.

"May drug addict ba rito sa mall? Hala! Baka dito ang tagpuan ng mga drug pushers! OMG! Tokhang is real!"

"Shunga! Anong tokhang? May nachugi oh! Nagpakamatay! Tumalon!"

Agad na kinordonan ng mga pulis ang crime scene kung saan naroon ang walang buhay na babaeng naliligo na sa sarili niyang dugo. I feel relieved when I realized Nica is not the dead woman lying on the floor.

Speaking of Nica...

Where is that art thou? Where did she go? Bakit hindi naman siya nagpaalam na uuwi na siya?

"Pakiusap lang po! Huwag kayong humarang sa imbestigasyon! Nakakagulo kayo!" Sigaw ng isang pulis at marahang tinutulak ang mga taong nakikiusyoso.

The continuous sounds of flashes of the camera capturing the crime scene from the forensic team deaf me. Isama mo pa ang ingay ng mga taong nagbubulungan at kaniya-kaniya ang tanong. I am really not in the mood to solve another case right now. Lalo pa't hindi ko rin maialis si Nica sa isip ko. What if something happened to her like in the previous case of Marco? Paano kung hinahabol niya ngayon ang salarin? I tried to contain myself and stop thinking about negative thoughts. I'll call her. Yeah, that's right. That's the best thing I can do to know where she is.

Kukunin ko na sana ang cellphone ko para tawagan siya nang may magsalita...

"Aedrian! Nandito ka? Na naman?" Tanong ni Leo na para bang hindi makapaniwala't nagkita na naman kami. Halata rin sa mukha niya ang pagkaalibadbad siguro'y dahil inakala niyang makakapagpahinga siya pagkatapos ng kaninang kaso, hindi pa pala. "Unfortunately."

"Bakit parang halos lahat ng krimen nandoon ka? Nakakahalata na ako sa 'yo ha. Naghihinala na ako." Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya pero napaisip din ako sa sinabi niya. Bakit nga ba? May kinalaman na naman ba ang krimeng ito kay L?

"Teka ano nga bang ginagawa mo rito? Huwag mong sabihing hindi ka pumasok sa klase mo at nagliwaliw ka?" Napakamot ako sa batok ko.

"I was with Nica..." Psh. Pagkatapos talaga akong utakan ng isang 'yon do'n sa bookshop... pagkatapos kong bayaran 'yung libro niya iiwan niya ako basta-basta.

"Ahh... Kinausap mo na ba siya?"

"Yeah, she said she was there and visited Mr. Ronaldo to ask for explanations to her mother's death at doon niya rin nalaman na ang totoo niyang ama ay siya ring pumatay sa kaniyang ina." Tumango siya. "Noong gabing 'yon ay nakita niya rin si L. She saw his face."

"Really? Then she could describe him to us para magawan natin ng sketch and then we can have a picture of the real serial killer. I will check the list of the previous criminals kung mayroon siyang kahawig o kamukha."

"Yes, I can vividly imagine the murderer's face by her descriptions a while ago. My seatmate is a big help."

"What do you mean vividly?"

Ngumiti ako. "L has a triangle-shape of face and a strong jawline. Hindi masyadong makapal ang kilay niya. He has a pair of drak brown iris. He-" Natigil ako sa pagsasalita nang may mapagtanto ako.

"May problema ba, Aedrian?" Tanong ni Leo sa 'kin.

"How can someone vividly describe someone else's face when it was covered?" I closed my eyes trying to stop those memories from coming back, especially the warnings that I must not trust my seatmate.

"Ako na ang susunod na mamamatay pero bago mangyari 'yon, sasabihin ko sa 'yo ang alam ko. Ngayon, 'wag ka munang magtitiwala sa mga taong nasa paligid mo... Especially kay Nica."

"I think I need to talk to Nica right now."

###

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top