Chapter 3: Creepy Seatmate

Sinilip ko ang puntod niya.

Robin Alminario
Born: June 13, 1997
Died: August 10, 2007

Kumunot ang noo ko, ngayon lang ako nakaramdam nito. Sa muling pagkikita namin, para bang sa puso ko. Ewan, hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. This is new.

May biglang tanong na umusbong sa utak ko. Sa taon-taon naming pagpunta rito, ngayon ko lang napansin, ngayon ko lang napagtanto. Hindi ko alam.

"Pa, bakit dito sa Laguna nakalibing si kuya?" Kahit gaano kami kalayo, sa tuwing dumarating ang araw na ito, bumabyahe kami ng ilang oras para lang bisitahin siya.

Hindi sila sumagot.

"Tsaka, ano bang ikinamatay ni kuya?" Dagdag ko pa.

Napatingin sa akin si papa. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng tingin niya. Pinaghalong gulat at pagkamuhi. Napatayo rin si mama at humarap sa 'kin. Hindi ko talaga maintindihan ang mga tinging ibinabato nila sa 'kin. May nasabi ba akong hindi maganda? Na-offend ko ba sila? Kasama ba 'to sa mga bawal itanong kay mama upang hindi siya umiyak?

Hindi naman masamang itanong ang bagay na hindi ko alam, 'di ba? Bakit parang takot silang sagutin ang tanong ko? May ayaw ba silang balikan o alalahanin?

This is so uncommon. Hindi sila ganito sa 'kin dahil madalas nilang pagtawanan o ngitian ang mga sinasabi ko pero bakit ngayon?

Ewan ko. Kahit halughugin ko kasi ang buong utak ko, wala akong maalala kung paano namatay si kuya. Kung anong dahilan bakit siya nawala.

Sa mga nakakabahalang tingin ng mga magulang ko sa akin, namumuo ang mga tanong sa isip ko. Gusto kong malaman ang sagot. Gusto kong malaman ang tinatago nila sa akin, kung meron man. Baka may hindi sila pinapaalam sa akin.

Nakakapagtaka rin na wala akong maalala noong maliit pa ako.
Pero mukhang wala talaga silang balak sagutin ang tanong ko. Lalo akong napapaisip.

I closed my eyes and took a deep breath. "Ma... Pa... Anong ikinamatay ni kuya? Tinatanong ko kayo." I looked straightly through their eyes with sincerity and eagerness for an answer. It seems like this is a million-dollar question for them.

"August 10, 2007... Ang araw kung kailan siya namatay. The same date as today... Anong nangyari ng araw na ito sampung taon na ang nakakalipas? Meron ba bukod sa pagkamatay ni kuya? Ano bang ikinamatay niya?"

But still they didn't bother to answer my question. They are just looking at me. Akala mo naman masasagot nila ang tanong ko sa pamamagitan ng tingin lang. Ngayon lang ako nakaramdam ng inis sa kanila.

Dinaig pa nila ang piping nakilala ko kanina. They have voices but they are not using it! Gaano ba kahirap para sa kanilang sagutin 'yon?
Lalo akong naghihinalang may tinatago sila at mas lalo kong gustong hukayin ang nakabaon nilang sikreto.

"Ma! Pa! Please! Tell me, what happened ten years ago?"

***

"Ma, Pa, alis na po ako."

SUMAKAY NA ako sa bisikleta ko tsaka ako naglakbay patungo sa bago kong school. Ito talaga ang mahirap sa palipat-lipat na bahay, bago ang lahat. Bagong bahay, bagong school, bagong mga kaklase, bagong mga kakabisaduhing mukha at pangalan. Sa totoo lang, hindi ko na rin mabilang kung nakailang transfer na ba ako sa buong school life ko pero siguro naman totoo na ang sinabi ni mama—na for good na kami rito sa Laguna.

Mula sa malaking gate ng Laguna Sports Complex nadaanan ko ang malaking field kung saan madalas ginaganap ang Palarong Pambansa. Nakita ko rin ang mataas na hagdanan na may malaking statwa ni Dr. Jose Rizal sa tuktok nito. Medyo may katabaan nga si Rizal doon at naka-curve din ang espadang hawak niya.

Nasa loob ng Complex ang university na papasukan ko, ang Laguna University. Malawak, maganda at maaliwalas. Ang ayoko lang rito ay malayo ang classroom ko mula sa gate. Layo-layo din ang mga facilities. Akala ko pa naman malapit na school ang napili ko, malapit na school mula sa bahay—oo, pero malapit na room mula sa gate—hindi. Mabuti na lang may bisikleta ako.

I parked my bike and walked upstairs to my classroom. Sinalubong ako sa pintuan ng isang professor at tinanong kung ako raw 'yung bagong estudyanteng nabalitaan niya mula kay Dean. Tumango lang ako.

As usual, transferee kailangan kong i-introduce ang sarili ko.

I caught their attention as I stepped on the center. All eyes are darted into me. I took a deep breath and started.

"Hello everyone, sorry for the interruption. Aedrian Alminario is the name. 16 years old." Nanatiling tahimik ang lahat.

"Alright Mr. Alminario, welcome to the Class 12-A. You can now seat at the back. Anyway, I am Professor Tobias, your homeroom adviser." I just smiled at him and went to the vacant seat at the back. Obvious namang walang nakaupo doon kaya doon na ako umupo. Pinagmasdan ko ang buong classroom: Four corners, big whiteboard on the front, one brown table, thirty seats, just like my previous classroom noong nasa Pasay ako. Wala nang masyadong adjustments.

My attention was caught by my seatmate who is snoring right now in the middle of the class. Really? Sa ganito kaagang oras? We're supposed to study in school, aren't we?

"All eyes on the board!" Napatingin ako kay Professor—ano nga ulit ang pangalan niya?

"Tobias... Professor Tobias." Kumunot ang noo ko nang marinig ko siyang nagsalita. I thought she was sleeping.

Umupo siya nang maayos atsaka tinali ang kulot niyang buhok na hanggang balikat ang haba. She stares at me seems that something's wrong about me. "Hey, transferee?" She asked. "Err, obviously. By the way, are you a detective?" Dugtong na tanong niya.

Kumunot ang noo ko sa biglaang tanong niya. "D-detective? Is that your own way of saying 'how are you?' Ehh?"

She leans closer na para bang inaamoy ako. Weird. "Well, you know I can smell and see something's eerie from your aura... hunger for truth, ehh?" Lalong kumunot ang noo ko at saka ako umiling nang gayahin niya ang 'ehh' ko.

"Well, I smell something's creepy from you too." Sagot ko tsaka ko binaling ang atensyon ko kay Prof. Tobias. Ang swerte ko naman sa seatmate ko parang may diperensya sa utak.

Natapos ang morning class at unti-unti nang nagsilabasan ang mga kaklase ko. 'Yung ibang mga lalaki nakipagkilala sa 'kin, ganun din 'yung ibang mga babae. Bumaba na rin ako at naglakad papunta sa canteen.

"Hey transferee, you want me to tour you around? Hula ko, hindi mo pa nalilibot ang buong university!" Lumingon ako at nakita ko ang seatmate ko. What's her name again?

"Nica, Maria Janica Silvania!"

###

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top