Chapter 29: Helping Hand

"Tell me, is there anything that I must know?"

Huminga ako nang malalim. "I'll tell you after class, I promise. Just for now, let's go back to our class. Okay?" Binigyan niya ako ng ngiti bago siya tumango. Sana pagkatapos ng klase magkaroon na ako ng lakas ng loob na sabihin sa kaniya lalo na ang tungkol sa totoo niyang ama. Hindi ko alam kung may ideya na ba siya tungkol doon pero kung wala, wala nang natitirang dahilan upang dalawin niya si Ronaldo ng araw na 'yon.

"Sigurado ka bang tamang ideya ang pagbalik natin sa klase? Hindi kaya baka pagalitan tayo ni Prof. Tobias?" May pag-aalinlangang tanong ni Nica nang matanaw namin si Prof mula sa bintana. "Baka parusahan tayo." Bakas sa pagkakakunot ng noo niya ang pagkatakot sa terror naming prof. Noong nakaraan kasi, hindi ko lang nabanggit, nagalit si Prof dahil sa sobrang ingay ng klase. Kahit ako hindi ko maintindihan 'yung nagrereport sa unahan dahil sa lakas ng mga bubuyog sa paligid. 'Yung kahit anong saway hindi pa rin tumitigil dahil nga sa ingay at hindi marinig. Masasabi kong inosente ako do'n pero dahil nabwisit si Prof, damay-damay na lahat. Pinatayo kami sa likod at pina-squat habang sinesermonan nang buong isang oras ng klase niya. Mabuti na lang at sa likod ako pumwesto, hindi ako masyadong nahirapan.

"Bakit? May naiisip ka pa bang ibang puntahan?" Tanong ko.

"Hmm... Samahan mo na lang ako sa Sunstar Mall, may bibilhin lang ako sa bookshop." Sumunod na lang ako sa kaniya. Hindi naman kalayuan mula sa school ang mall na binanggit niya lalo't dala ko naman ang bisikleta ko. Teka, magka-cut kami ng klase? Hindi ko mapigilang matawa sa sarili ko. Hindi ko pa nagagawa ito noon, ngayon lang.

"Aedrian..." Tawag niya habang nagtitingin-tingin sa mga nakahanay na stante na puno ng mga nakasabit na iba't ibang school supplies.

"Hmm?"

"Are you a detective?" Natigilan ako sa tanong niya. Matagal ko na ring hindi naririnig ang tanong na 'yon mula sa kaniya.

"Is that how you really say 'how are you?'" Pabiro kong tanong. Ngumiti siya... ganun din ako.

"Do you still remember the first time I asked you that? What I meant that time was 'are you willing to be my friend?' But then, ang sabi mo sa 'kin ang creepy ko." I heard her chuckles. Muling bumalik sa alaala ko ang araw na 'yon, natatawa tuloy ako. Dati-rati inis na inis ako sa kaniya pero ngayon siya ang kasama't kaibigan ko.

"Kung gano'n desidido ka talagang maging kaibigan ako?"

Tumango siya. Napunta na kami sa book section at doon siya nagsimulang magtitingin. "Wala naman kasi akong kaibigan noon. Walang may pakialam sa 'kin kesyo weird nga raw ako at nagsasalitang mag-isa. Eh ikaw lang kaya ang nakapansin sa 'kin na natutulog sa klase. At simula nang pansinin mo 'ko, pinapansin na rin ako ng iba." Ngumiti siya at pinakita ang dalawang magkaibang libro. Itinaas niya 'yon katabi ng magkabila niyang pisngi tila ba pinapipili ako. "Romance o mystery?" Itinuro ko ang kulay itim na libro. Ngumiti siya tsaka ibinalik sa shelf ang kulay pulang libro.

Napaisip ako. Ano naman kayang ibig sabihin ng 'are you a detective?' niya ngayon? Napatingin ako sa librong hawak niya. I thought it was a mystery book but no, it's a romance. Nang makita ko kasing itim ang libro, mystery na kaagad ang pumasok sa isip ko pero saliwa pala 'yon. Don't judge a book by it's cover, talaga.

"Paanong hindi kita papansinin eh lagi kang nakasunod sa 'kin? I tried to ignore you but you piqued the hell out of me." Sagot ko. "But to be honest, that's not just the only reason why I am still here with you, kasi sa maniwala ka't sa hindi I got amazed by your deduction skills. And I think, that's a creepy thing about you... but still impressive at the same time."

"Pero hindi ko pa rin naman nagagamit ang galing ko tuwing may kasong lulutasin. Hindi man lang kita matulungang mapadali ang trabaho. Pakiramdam ko parang display lang ako sa tuwing nakikita kitang sino-solve ang case nang solo. Wala akong kwenta." I took a deep breath. That's my fault. I am the one to be blame of about that. Siguro nga masyadong nagugustuhan ko ang spotlight at hindi ko napapansin ang mga taong tumutulong sa 'kin na nasa likod ng liwanag. Masyado yata akong nagiging makasarili at dahil sa pagpapakabayani ko, may nadadamay na tao.

"Hindi. Nagkakamali ka kasi ako ang walang kwenta. Sabihin na nating lumulutas nga ako ng kaso pero hindi ko naman kayang pigilan ang krimen. Hindi ko kayang iligtas ang taong nasa kapahamakan. Katulad na lang ng nangyari kay Betty, I thought I can protect her but my efforts were all in vain."

The miserable part of being a detective is he can't prevent the imminent crime but then presumptuously show off his detective skills afterward.

"Kasi gano'n talaga, wala naman tayong magagawa kung sa isang iglap may taong biglang mawawala at hindi na makakapagpaalam pa. Kahit bali-baliktarin pa rin naman ang mundo, grade 12 students lang tayo. We can't be as good as professionals. We can't defeat the bad guy."

Pumila na kami sa counter. "Oh whiteboard and marker? Project ba natin 'yan?" Umiling na lang ako at binayaran 'yon.

"399 pesos po Ma'am." Tukoy ng cashier sa hawak na libro ni Nica. Kinuha niya ang wallet niya tsaka mahinang binilang gamit ang mata ang laman. Tumingin siya sa 'kin nang masama. "Hahaha nakalimutan ko, ikaw nga pala ang pumili niyan so ikaw ang magbabayad."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Agad namang tumingin sa akin ang cashier na para bang naiinip na at hinihintay akong mag-abot ng pera. Wala akong nagawa kundi bayaran ang librong 'yon. At muntik nang masimot ang ipon ko dahil do'n. Holy cheese...

Nang mabayaran ko na at ilalagay ko na sa plastic ko ang libro, mabilis iyong kinuha ni Nica at niyakap. "Salamat." Ngumiti siya bago naunang maglakad. Ano kaya 'yon? Napailing na lang ako.

"Aedrian..." "Hmm?"

"Anong tungkol sa pagiging witness ko?"

###

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top