Chapter 26: Two Faces
"Pwede ko bang malaman ang pangalan niyo at kaano-ano niyo ang biktima?"
"Ako si Darieshell Tenorio. 16 years old. Bestfriend ako ni Betty actually kaming tatlo. Pare-pareho kaming STEM ang kinuha samantalang napahiwalay sa 'min si Betty dahil GAS ang kinuha niya."
"Ako naman si Julie Francia at ito si Marivic Autor. Tama ang sinabi ni Shel, pero kahit napahiwalay si Betty sa 'min kaibigan pa rin namin siya. Wala kaming dahilan para patayin ang kaibigan namin."
"Meron, maaaring isa sa inyo ay may motibo. Posibleng isa sa inyo ay may tinatagong galit o inggit kay Betty." Wika ni Nica na nagpakunot ng mga noo nila. Napansin ko ang isang babaeng tahimik lang sa isang tabi. Maikli ang buhok nito at may makapal na lens ang salamin na suot niya halatang malabo na ang mga mata pero ganunpaman nakakapanghinala ang mga kinikilos niya. Walang salitang lumalabas sa bibig nito. Wala ring emosyon sa kaniyang mukha.
"Marivic! Nasaan si Betty?" Napalingon ako sa boses ng lalaking narinig ko. Lumapit ito kay Marivic. Mataas ang lalaking ito at may kalakihan ang katawan.
"W-wala na si Betty, Tristan. May p-pumatay sa kaniya." Balita ni Marivic dito.
"S-sino? Sinong pumatay kay Betty? Sabihin mo sa 'kin!"
"Teka muna hijo, maaari ko ba munang malaman ang pangalan mo at bakit ka nandito?"
"Ako si Tristan Gatchalian. Sabihin niyo sa 'kin sino ang pumatay sa g-girlfriend ko!"
"Pasensya na ngunit kasalukuyan pa naming iniimbestigahan ang pagkamatay ng iyong nobya."
"Baka pwede niyo na kaming paalisin bukod sa may klase pa kami, wala naman kaming kinalaman sa pagkamatay ng bestfriend namin. Mali ang paratangan kami ng bagay na walang sapat na ebidensya." Tumingin si Julie sa akin sabay halukipkip niya. Napansin ko ang wristwatch niya.
"Sir Leo, lumabas na po ang resulta ng test. Potassium cyanide po ang pumatay sa biktima." Wika ng isang pulis. Tama ang hinala ko, nilason si Betty.
"Kung gano'n saan nanggaling ang lason?" Tumingin sa 'kin si Leo. Paano nga ba malalason si Betty?
"Siguro sa apple pie. Wala namang ibang kahina-hinala bukod sa pagkaing 'yon." Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Nica. May kakaiba nga sa apple pie na 'yon ngunit ang iniisip ko, kung nasa apple pie ang lason paano 'yon napunta do'n?
Dahil imposibleng nando'n na ang lason umpisa pa lang, kasi paano makakasiguro ang salarin na mapupunta kay Betty ang lason? At isa pa, kung nando'n na ang lason dapat maraming naapektuhan lalo't marami ang bumili.
Lalo akong napapaisip sa kasong ito. Malakas talaga ang pakiramdam ko na isa sa kanilang tatlo, ngunit anong paraan ang ginawa ng salarin para malason si Betty?
Paano nasigurado ng salarin na kay Betty mapupunta ang parteng may lason?
"Sige salamat." Nakipagkamay si Leo sa lalaki. Ngayon ko lang nakita ang lalaking ito ah. "Wala pong anuman, Sir."
T-teka! Alam ko na kung paano!
***
I WAS at the doorway entering my room when I suddenly received a text message from Lyca. A death threat for my classmate Betty. It bothers me so much to the point that my seatmate notices my anxiety. I have no choice but to need her help to secure Betty's safety. I don't know why we're doing this. But as far as life is at stake, a logical mind doesn't need. At si L na ang pinag-uusapan dito. My eagerness to capture him is the reason why I'm still doing this. I want him to defray what he did to my father.
The time passed when we reach the canteen. Habang kumakain kami ni Nica, nakarinig kami ng sigaw mula sa table na binabantayan namin. At nakita namin ang hindi na humihingang si Betty. I narrowed down the suspects into three: Darieshell Tenorio, Julie Francia and Marivic Autor which is her bestfriends.
"H-hindi pa ba ako pwedeng umalis? May klase pa kasi ako. May report ako ngayon sa Chemistry," Marivic pleased. Sa totoo lang, kanina pa ako naghihinala sa mga kilos niya. Kanina tahimik lang siya pero nang dumating ang lalaking si Tristan, nag-iba na ang kilos niya.
"And also hindi kami pwedeng magkaro'n ng absent do'n kasi nagbibigay ng exemption ang Chemistry prof namin sa final exam kapag perfect attendance." Paliwanag naman ni Darieshell.
"Maybe you can fix this without them. Malaki ang tiwala kong hindi magagawa ng isa sa kanila na patayin ang sarili nilang kaibigan. Sigurado akong wala sa kanila. At kilala ko sila, mabubuti silang kaibigan kay Betty." Singit naman ni Tristan na animo'y alam na alam niya ang kaniyang sinasabi.
"Oo nga at saka isang oras na rin naman ang nakakalipas. Hindi pa ba sapat 'yon? Baka pwede niyo na naman kaming paalisin. Hindi ba pwedeng maniwala na lang kayong wala sa isa sa amin ang salarin? Kagagawan nga 'to ni L! Ebidensya na 'yung hawak na lattice ni Betty." Julie shouted.
Nakaramdam ako ng awa para kay Betty. Having this kind of heartless and careless friends, I would prefer to be alone. Ang hirap magkaroon ng doble-karang kaibigan. You don't know what they truly are. Mabait sila 'pag nakaharap ka pero 'pag nakatalikod ka wala na silang pakialam sa iyo. That's why I hate having friends before because of the two faces people do have.
Just a minute...
Two faces?
Suddenly there's a line stroke at the back of my mind. Maybe we're just looking at it in the wrong way! Yeah! That's right! And those strange acts and speech of her are pointing her to be the real culprit!
"Ano nang gagawin natin ngayon Aedrian?" Tanong ni Leo na mababakasan mong nababahiran na siya ng pag-aalalang hindi na matuklasan pa ang sikreto ng pagpatay na ito. Napatingin ako kay Nica na nasa likod ko.
"Don't let them go! Don't let the culprit go!"
Giit ko. Narinig ko ang tawa ng babaeng 'yon.
"Paano nga magkakaroon ng salarin kung wala kang ebidensyang makapagtuturo sa kaniya? Nagpapatawa ka ba talaga?"
I smirked. I do not doubt that she's the real killer of Betty. I'll reveal her trick. "It's possible that I don't have that evidence..." I started.
Muli kong narinig ang kaniyang halaklak. "See that? Kung gano'n imposible ring maituro mo ang salarin. Imposibleng malaman natin kung sino ang totoong pumatay kay Betty. Sabi na't nagsasayang lang tayo ng panahon sa trying hard detective na 'to!"
"Because it's still on your hands..."
###
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top