Chapter 24: Suspicious Apple Pie

"M-mama! A-anong ginagawa mo?" Sigaw ko at agad siyang pinigilan sa gagawin niya. Nangangatog ang mga kamay ko habang hawak-hawak ko ang mga kamay niya. Tinakasan ako ng lakas. Pakiramdam ko nang makita ko si mama nang nasa ganoong kalagayan, magugunaw ang mundo ko. Na pati ang langit mahuhulog sa 'kin, iipitin hanggang sa mawalan ng hininga hanggang sa mamatay.

Humagulgol siya ng iyak at ang tanging paulit-ulit niya lang sinasabi ay ang pangalan ni papa. Ganito ba siya nangungulila kay papa kaya iisipin niyang sumunod? Gusto kong pagalitan si papa. Gusto kong hukayin ang kabaong niya at sigawan siya dahil ganito ang dinulot niya kay mama.

Niyakap ko siya. Hindi ko na rin napigilang mapaiyak. Hindi ko akalaing gagawin 'to ni mama. Paano pala kung nahuli pa ako? Baka hindi ko na siya napigilan. Baka ngayon, hawak-hawak ko na ang walang hiningang bangkay niya.

Hindi ko mapigilang mag-isip ng ganoong mga pagkakataon. Paano kung mag-isa na lang ako? Mababaliw ako at baka hindi ko rin mapigilang gawin 'to sa sarili ko.

Inihatid ko si mama sa kwarto niya. Natatakot akong baka gawin niya ulit ang bagay na 'yon. Natatakot akong pati siya iwan ako. Ayokong mag-isa. Ayokong mawala sila isa-isa at iwanan ako.

"Anak, sorry..." Hinawakan niya ang kamay ko. "Sana mapatawad mo 'ko..."

"Basta ma, 'wag mo na ulit gagawin 'yon ha? Ayokong pati ikaw mawala sa akin. Alam mong mahal na mahal kita kaya 'wag kang mawawala sa buhay ko. Hindi ko kakayaning pati ikaw..."

Hinaplos niya ang pisngi ko. "Pangako anak, tatatagan ko pa ang loob ko para sa 'yo kahit na miss na miss ko na ang papa mo." Niyakap ko siya.

***

Naglakad na ako papunta sa classroom. Wala akong lakas lalo't naaalala ko ang nangyari kagabi. Paano kung pag-uwi ko madatnan kong wala na si mama?

Hindi ko alam kung bakit bumalik ang lakas ko nang makita ko siya. Napangiti ako. Papasok na sana ako nang harangin ako ni Betty.

"Aedrian, pwede ba tayong mag-usap sandali? Wala pa naman si Prof. Tobias." Pumayag ako at pumunta kami sa sulok malapit sa hagdan.

"Tungkol saan?"

Huminga siya nang malalim bago nag-umpisang magsalita. "Naalala mo pa ba 'yung sinabi kong susunod akong mamamatay?" Binalikan ko sa alaala ko ang sinabi niya noong nakaraan.

"Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako kasi buhay pa ako ngayon..." May pag-aalinlangan siyang ngumiti.

"Anong ibig mong sabihin? Paano mo ba nasabing susunod ka nang mamamatay? At sinong papatay sa 'yo?"

Napansin ko ang pangangatog ng kamay niya pati ang mga mata niyang hindi mapalagay. "M-may nalaman ako tungkol sa kaniya..." Nangingilid na ang mga luha niya.

"Kanino?"

"K-kay L."

"L?" Mas hininaan ko pa ang boses ko. Tumango siya.

"Siya ang nasa likod ng lahat ng ito."

"So L ang tawag sa kaniya..."

"S-siya ang pumatay sa pinsan ko. Siya ang pumatay kay Apple Fratern. Nalaman ko 'yon sa tape na nakuha ko sa locker ko." Tape? Hindi kaya 'yon ang tape na nakuha ko sa locker ni Marco? 'Yung tape na nawala ni Nica? Paano napunta sa kaniya 'yon?

"Nasa'n ang tape na 'yon? Ibigay mo sa 'kin baka may malaman akong pwedeng makatulong." Tumango siya.

"Nasa---"

"Mr. Alminario, Ms. Sandoval what are you doing there?" Pareho kaming napalingon kay Prof. Tobias.

"W-wala po Sir. Papasok na rin po kami." Naglakad na ako kasunod ni Prof. Lumingon ako kay Betty. "Tulungan mo ako, Aedrian. Ayoko pang mamatay..."

Bago pa ako tuluyang makapasok sa loob nakatanggap ako ng text.

From: Lyca
Small at the north. Big at the south. Good luck.
xxxB
-end of message-

My eyes went narrowed. Alam kong hindi si Lyca ang nagtetext sa akin. It must be L, the one who's behind this all.

Muli kong binasa ang message na na-receive ko. Three exes means target and obviously 'B' stands for Betty. Sigurado akong may binabalak na naman siyang masama. But I will make sure na hindi matutupad ang plano niya bago ang oras na 'yon.

"Balak mo bang tumayo sa buong oras ng klase ko, Mr. Alminario?"

"Ah heto na po." Pumasok na ako sa loob.

I sat down on my chair. I should keep my eyes on Betty. Kung hindi si L ang mismong gagawa ng pagpatay, siguradong magpapadala siya ng taong gagawa ng trabaho niya. At sa pagkakataong 'yon doon ako kikilos para mahuli siya. Yes, I'll bait Betty to lure out L. Good luck to my cheese.

Kinuha ko ang cellphone ko at pinalitan ko ang pangalan ni Lyca. Binura ko ang tatlong letra nito. It's not 'Lyca' anymore 'cause it's only 'L.'

"May mangyayari bang masama kay Betty?" Napalingon ako sa seatmate ko nang bigla siyang magtanong.

"H-ha?"

"Kanina mo pa kasi hawak ang cellphone mo habang nakatingin ka kay Betty. Imposible naman kasing kaya mo siya tinitingnan kasi may gusto ka sa kaniya eh samantalang iba 'yung way ng pagtingin mo sa kaniya. Pero sige, i-consider na nating may gusto ka sa kaniya pero bakit may hawak kang cellphone? Itetext mo ba siya o may nagtext sa 'yo? Base on my deduction, probably tinext ka na naman ni L na ang susunod niyang target ay si Betty. Am I right?"

Bakit noong una niyang ginawa 'to nainis ako? She's definitely good with making deductions. Hindi ko naiwasang mapangiti at naging dahilan 'yon ng pagkunot ng noo niya.

"What? Am I wrong?"

"I think, I need your help."

"Psh, ngayon mo lang nalaman? Anong akala mo sa 'kin noon display lang? Ngayon mo lang napagtantong kailangan mo ng tulong ko?"

"Aren't you satisfied from the thought that a man needs your help? That's something you can brag about."

"Oh really?" Naisip kong isasantabi ko muna ang tungkol sa pagiging witness niya at uunahin ko muna ang tungkol kay Betty. I need someone to help me eye Betty. "Can I make some money from that?"

"No, but you can have lunch because of that." I smiled.

Nang tumunog na ang bell hudyat na lunch break na, inumpisahan na namin ang plano. Hindi muna kami dumeretso sa canteen dahil sinusundan namin si Betty. Finding someone suspicious around.

"Balak ba natin siyang sundan maghapon? Paano tayo kakain? Malay ba natin kung hindi pala kumakain ang taong 'yan."

"Shh.. Patience is a virtue."

"Betty, pasensya na at napatagal kami. Kanina ka pa ba naghihintay sa amin?" Tatlong babae ang sumalubong sa kaniya. Isa-isa siya nitong niyakap.

"Okay lang, medyo nagugutom na nga lang ako. Tara na sa canteen?"

"Huy tara na raw." Hinila na ako nitong seatmate ko. Mukhang gutom na ah.

"Carbonara na naman?" Tanong niya.

"Bakit ba?"

"Samahan mo nung may lattice! Mukhang masarap! " Turo niya sa apple pie habang nakangiti.

###

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top