Chapter 23: Partners

Napatayo si Ronaldo mula sa kaniyang kinauupuan, mukhang nakita niya na ang lalaking nasa likuran ni papa.

Natigilan ako nang itutok ng lalaking 'yon ang baril kay papa. Pumutok ang baril at ang natamaan ay si Ronaldo. Hindi ko alam kung mataas ba ang kalibre ng baril na ginamit ng lalaking 'yon para hindi mabasag ang kabuoan ng salamin at mabaril si Ronaldo.

"P-paanong--?"

Napatayo rin si papa siguro'y nagtataka kung bakit nawala sa paningin niya ang kaninang kausap sa kabilang parte ng kwarto. Tiningnan niya ang taong nasa likod niya. Nakapagtataka kung bakit tila ba gulat na gulat at hindi makapaniwala ang reaksyon ni papa nang makita niya ito. Binaril din ng lalaki ang ama ko.

Nandilim ang paningin ko. Gusto kong pumasok sa loob ng screen at sugurin ang lalaking 'yon para patayin siya. Bakit niya papatayin si Ronaldo lalong-lalo na si papa? Anong nagawa nilang kasalanan?

Natigilan ako nang makita ko kung ano ang ibinaba ng lalaking 'yon sa sahig. Isang mansanas. Lumabas siya sa pintuan na ang tanging nakita ko lang ay ang kaniyang masamang ngiti dahil sa mahabang buhok na nakataklob sa kaniyang mukha.

Sapat na ang iniwan niyang clue para makilala siya. So this is how he play? Napakadumi at napakadaya.

He declaimed a war. I am not that coward to step back. He'll pay for this, I guarantee.

I looked at Leo with my strong eagerness to find the guy who's responsible for all of this. "I'll take my father's place. He trained me so much so you can assure that I can help you find the real responsible for all of this."

So I guess, the war begins between L and me. This would be exciting.

He smiled at me. "Your smile resembles your father's. I am happy to be partners with you, Mr.?"

"Aedrian. Aedrian Alminario."

"So I guess, we'll start our investigation tomorrow?" He asked.

"We can start now. I have so many questions to ask. You're ready?" Nararamdaman kong nag-iinit ang dugo ko. Sigurado akong magiging masaya si papa 'pag nalutas ko ang kaso. I'll make him proud of me so much that he would come out from his grave.

Leo sat in front of me looks like he was waiting and ready for my questions.

"I guess, that guy used a handgun with silencer so he can be able to shot Ronaldo and my father safe and sound." I started. "My question is, paano nakapasok ang lalaking 'yon sa city jail kung tapos na ang visiting hours? Wala bang nakapansin sa kaniya? May nakakita ba sa kaniyang pumasok at lumabas sa city jail?"

"I'm still talking with the witness. Mukhang hindi niya gustong maging saksi dahil sa takot niya."

"Give me his or her name, I'll try to make up some conversation with the witness."

"She's Maria Janica Silvania, a grade 12 student. Wait naalala ko, she's your friend right?" Kumunot ang noo ko nang marinig ko ang pangalan ng seatmate ko. Holy cheese, she's a witness? Paano nangyari 'yon?

###

I DON'T understand. There are so many questions on my head. Bakit bibisitahin ni papa si Ronaldo ng ganoong oras? Bakit magiging witness si Nica? Anong kinalaman nila kay Ronaldo?

"Here." Ipinanood sa akin ni Leo ang footage kung saan nakikita kong binisita ni Nica si Ronaldo. At nang lumabas siya, nagtago siya dahil paparating no'n si papa. Nang makapasok si papa, naglakad na siya at nakasalubong niya ang isang lalaking naka-long sleeves. Tiningnan ni Nica ang lalaki at saka dumeretso na sa paglalakad.

"What are your questions?" Hindi na ako nag-alinlangang ibato sa kaniya ang mga tanong ko.

"Bakit kailangang dalawin ni Nica at papa si Ronaldo? May alam ka ba tungkol dito, Leo?"

"Would you mind calling me with Sir?"

"Would it kill you?"

"Nevermind. You know what Aedrian, Ronaldo and your father are friends. Partner sila noon sa trabaho." Napatingin ako sa kinuhang folder ni Leo.

"Alam ko ang tungkol sa kanila kasi mga senior ko sila. Tuwing nag-uusap sila, nandoon ako dahil minsan ako ang pinabibili nila ng kape." Iniabot niya sa akin ang folder. Binuklat ko iyon. Nakita ko muli ang case file ni Mareth Silvania, ang ina ni Nica.

"You wanna hear a love story?" Tanong ni Leo.

"Love story? This moment?"

"About that case." Kumunot ang noo ko. Love story? Ano namang kinalaman ng love story sa bagay na pinag-uusapan namin?

"Mareth Silvania and Ronaldo Villamor were lovers." Napatingin ako sa kaniya. Seryoso siya nang sabihin niya iyon. May ideyang bumuo sa isip ko. Hindi kaya?

"Siguro nalaman na ni Nica ang tungkol sa mga magulang niya kaya niya binisita si Ronaldo." Napaisip ako. Maging sa dahilan ng pagpatay ni Ronaldo kay Mareth, alam ko na. Naiintindihan ko na ngayon. Mukhang imposible pero totoo. 

"You mean..."

"Yeah, Ronaldo is Nica's real father. Pero napag-alaman na may ibang lalaki si Mareth Silvania kung kaya't isang gabi, binaril ni Ronaldo ang kaniyang asawa."

Nagpaalam na ako kay Leo. Hindi ko na namalayan ang oras, malapit na palang magdilim. Sumakay na ako sa bisikleta ko at naisip kong puntahan si Nica. Gusto ko sana siyang kausapin ngunit naisip kong bukas na lang dahil sa nakikita ko. Lalong napatutunayan na totoo ang sinabi ni Leo sa akin kanina.

"Bakit ngayon ka lang? Sa'n ka galing?" Rinig kong tanong ng ama ni Nica sa kaniya.

"Sa school po."

"Ang tigas talaga ng ulo mo! Sinasayang mo lang ang oras mo d'yan sa pag-aaral! Magtrabaho ka na lang! 'Yang pag-aaral mo na 'yan hindi 'yan makakatulong para makaahon tayo sa hirap! Nagsasayang ka lang ng panahon! Sinasabi ko sa 'yo!"

"Pa naman, paano ako makakahanap ng trabaho kung wala akong pinag-aralan?"

"Bakit? Iniisip mo bang yayaman ka 'pag naging teacher ka? Mas madali ang pera 'pag nasa bar ka! Doon ibenta mo ang katawan mo, yayaman ka kaagad! Simula bukas, 'wag ka nang papasok ha? Magtrabaho ka na lang!"

"Pa naman! Ilang beses ko ba sa 'yong sasabihing gusto kong mag-aral? Bakit pati dito pinipigilan niyo 'ko?"

"Kalokohan lang 'yang pag-aaral! 'Pag sinabi kong 'wag ka nang mag-aral, sumunod ka kung ayaw mong palayasin kita rito!"

Hindi ko alam kung bakit sa pagkakataong 'yon wala akong lakas para ipagtanggol siya. Wala akong kayang magawa kundi tingnan at hayaan lang sila.

Naalala ko tuloy ang unang araw na pumasok ako sa Laguna University. Ito ba ang dahilan kung bakit lagi siyang natutulog sa klase? Hindi ba siya makatulog sa gabi dahil sa ama niya? Aakalain mong okay lang ang lahat sa kaniya 'pag nasa school siya. Akala mo walang problemang dinadala pero sa bawat ngiti pala niya, may nakatago do'ng kalungkutan.

Sumakay na ako sa bisikleta ko. Nagtaka ako kung bakit walang ilaw ang buong bahay pagdating ko. Pagkapasok ko sa gate ay natanaw ko ang isang kandila sa loob. Binuhay ko ang ilaw. Laking gulat ko nang makita ko si mama at ang lubid na nakatali sa kisame.

Agad akong inunahan ng takot kasabay ng galit.

"M-mama! A-anong ginagawa mo?"

###

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top