Chapter 2: White Roses

"Sandali, miss!"

Tumigil ako sa harap niya upang magtanong sana. I was surprised nang mapatingin ako mismo sa mga mata niya. Alam ko na kung bakit nagagalit ang babaeng 'yon sa kaniya. It is because of her eyes. It looks no different from others but how she looks is a different thing. It's just a normal pair of black iris but how she looks at me using those has a strange effect for me. I don't understand.

I returned when I saw her raise her left eyebrow. Maybe she's asking 'what?' or 'why?'. Maybe?

"Ah, may alam ka bang bilihan ng bulaklak dito? Bagong lipat lang kasi kami rito kaya hindi ko pa masyadong alam ang lugar. Pwede mo bang ituro sa 'kin?" I asked politely while directly looking into her eyes. Hindi ko lang mapigilang tumingin sa mga mata niya. She looked away and walked passed through me. Suplada.

Sinundan ko ng tingin ang babaeng 'yon. Lumingon siya. It seems that she wants me to follow her. Wala mang kasiguraduhan kung anong ibig niyang sabihin dahil hindi siya nagsasalita, I just found myself following her. Then, I saw a flower shop with a big pink signage of it's name: Effloresce. A name related to what they're selling.

Itinabi ko ang bike ko tsaka ako pumasok sa shop. Nagtaka ako kung bakit dere-deretso siya sa backdoor na pang-authorized person only, but my question immediately answered by the lady whom looks like the owner of this shop.

"Saan ka na naman ba galing, Leila? Sabi ko sa 'yo tulungan mo akong magbantay nitong shop."

The girl just smiles and continues walking through that door, instead of answering her mother or explaining where had she been.

"Anong kailangan mo, hijo?" Nabaling ang tingin ko sa nagtanong. Maikli ang buhok nito na hanggang leeg. Halatang nasa mid-30 ang edad nito pero dahil sa buhok niya nagmumukha siyang bata. Hindi ring maitatangging may pagkakapareho sila ng features ng babaeng si Leila...

"Ah bibili po ako ng bulaklak." Sagot ko.

"Anong klaseng bulaklak, hijo?" Tanong niya habang nakangiti sa akin.
Inikot ko ang mga mata ko sa mga naka-display na bulaklak at tinuro ko ang bibilhin ko.

"White roses po. Isang bouquet." Kumuha siya roon. Habang inaayos niya ang mga bulaklak, tinanong niya ako.

"Kaano-ano niyo po 'yung babae?" Tanong ko.

"Anak ko. Bakit mo naman natanong?"

"Nakita ko po kasi siya sa playground kanina."

"Ah mabuti naman at nandoon lang pala siya. Akala ko nama'y kung saan na siya pumunta." Tumingin siya saglit sa 'kin at muling ipinagpatuloy ang pag-aayos ng mga puting rosas.

"Nagtataka lang po ako kung bakit hindi siya nagsasalita kanina. Mukhang mahiyain po ang anak niyo." At suplada. Naiisip ko nga, mukhang may pagka-introvert din.

Narinig kong tumawa nang mahina ang may-ari. "Naku, hindi sa mahiyain, hindi lang talaga siya nakakapagsalita kaya gano'n."

"P-po?"

"Pipi kasi ang anak ko kaya minsan napagkakamalan din siyang suplada pero kaya niya namang makipag-communicate sa 'min. Sa patango-tango niya at pag-iling-iling nalalaman namin ang sagot niya. Depende na rin sa mga tanong, makakausap mo siya."

Ngumiti siya bago niya ibinigay sa 'kin ang isang palumpon ng puting rosas.

Magtatanong pa sana ako kaso mas pinili ko na lang tumahimik at binayaran ko na lang ang bulaklak. "Salamat po."

"Walang anuman."

Sumakay na ako sa bike tsaka ko hinanap ang daan pauwi. Hindi ko pa rin lubos maisip kung bakit hindi kaagad pumasok sa isip ko na baka nga pipi ang isang 'yon kaya hindi siya nagsasalita. I realized, it's hard to communicate with others when you do not have the instrument you need. It's difficult to say what's on your mind or how are you feeling when you have no voice coming out from your mouth. Mahirap ring ipaliwanag ang sarili sa isang tao. Hindi mo madaling maitatama ang maling pag-iisip nila sa 'yo.

Somehow, I feel pity for that girl but at the same time curious, paano pala 'pag may alam siyang importanteng bagay... paano niya 'yon maipapaalam sa iba? Paano niya masasabi?

Wala sigurong kinse minutos nang mahanap ko ang daan pauwi ng bahay. Naabutan ko roon si mama na namumugto ang mga mata habang hinahaplos ni papa ang kaniyang likod. Both of them are dressed. Mukhang ako na lang ang hinihintay. Ibinaba ko sa lamesa ang binili ko tsaka ako umakyat sa kwarto upang magpalit ng damit.

***

Sa isip-isip ko, kanina lang nakasakay ako sa van na ito, ngayo'y nandito muli ako. Ang kinaibahan nga lang lumuwag na. Wala nang mga bagaheng nakadikit sa akin. Mas maaliwalas at nakakahinga ako nang maluwag.

Mag-aalas tres ng hapon nang makarating kami sa lugar kung saan nakalibing si kuya. Sa totoo lang, hindi ko na matandaan ang mukha niya. Matagal na rin kasi kaming hindi nagkikita, kahit sa panaginip hindi ko na siya muling nasilayan pa. Siguro kung mapapanaginipan ko siya, hindi ko rin malalaman na siya ang kuya ko dahil hindi ko na siya maalala. Hindi naman ako makahingi ng picture kay mama dahil alam kong iiyak siya. Sa tuwing nababanggit kasi si kuya o ma-oopen ang tungkol sa kaniya, bigla na lang siyang umiiyak. Kaya minsan, hindi na lang ako nagtatanong.

Inilagay ni mama ang mga bulaklak sa puntod ni kuya. Kami ni papa ay nakatayo lang sa likod niya--pinapanood ang pagkikita nilang muli... Pinapakinggan ang pag-uusap nilang mag-ina.

"Robin anak, pasensya ka na kung nakalimutan ko... Patawarin mo ako, anak. Hindi ko sinasadya. Alam mong mahal na mahal ka ni mama, hindi niya na kalilimutan muli ang araw kung kailan ka nawala sa kaniya. Hinding-hindi na. Ha? Patawarin mo ako. Hindi na mauulit..."

Tiningnan ko si papa. Alam kong nasasaktan pa rin siya sa pagkawala ng kapatid ko. At nasasaktan din siyang nakikitang nagkakaganito si mama.

"Ang tagal na nating hindi nagkikita, anak. Na-mimiss na kita. Kung hindi ka busy diyan sa langit, dalawin mo ako... kahit man lang sa panaginip. Gusto kong masilayan muli ang mukha mo, anak. Pagbigyan mo na ang iyong inang nangungulila na sa 'yo. Sobrang namimiss ka na ni mama..."

Muli ay humagulgol na naman si mama ng iyak. Puno ng pagluluksa, pagdurusa dahil sa pangungulila niya sa kaniyang panganay. Kahit ako, naaawa akong nakikita siyang nagkakaganito. Totoong mahal na mahal niya si kuya.

Hindi ko alam kung bakit sa tuwing pupunta ako rito wala akong masabi sa kaniya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Alam ko lang na kuya ko siya pero wala akong maalala kung anong mga ginagawa o nilalaro namin noon. Marami na rin kasing taon ang lumipas kaya siguro hindi ko na talaga maalala.

Sinilip ko ang puntod niya.

###

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top