Chapter 19: The Next Victim

"Kung gano'n paano mo nalamang kasali sina Lyca sa fraternity?"

May kinuha siyang folder at iniabot niya iyon sa akin. Nakita ko ang mga pictures ng crime scene at ng mga victims.

"Dahil sa tatoo sa batok nila. Isa 'yong maliit na itim na mansanas katulad ng kay Apple Fratern. Sina Lyca, Lemuel, Paul at Marco ay may ganoong tatoo sa batok nila." I see. Katulad ng sinabi ni papa ganoon nga ang nakita ko sa mga larawan ng biktima. Kapwa sila may mga tatoo ng itim na mansanas sa kanilang batok. Iyon siguro ang simbolo ng samahan nila.

Ibig sabihin, makikilala ang isang tao kung kasali ito sa frat kapag may tattoo ito sa batok.

"Freshmen ba si Apple Fratern noong gawin niya ang fraternity na 'yon?" Pagbabago ko ng usapan. Siguro sasabihin niyong marami akong tanong, ganoon talaga. Kung gusto mong malaman ang sagot at wala ka nang ibang paraan upang malaman iyon, there's no choice left but to ask.

Tumango si papa. "Oo kung hindi ako nagkakamali. Alam mo, hinala ko nga, ang nasa likod ng mga pagpatay ngayon ay isang malapit kay Apple Fratern. Maaaring pioneer member siya ng nasabing fraternity at hinahanap pa rin niya ang hustisya para sa pagkamatay ng founder nila."

Kung isa siguro akong writer, iisipin kong maaaring hindi lang siya basta member kundi isang karelasyon. At binuhay niya muli ang fraternity upang makapaghiganti o kaya nama'y gumawa ng sarili niyang hustisya. Sigurado akong iisa lang ang nasa likod ng lahat ng ito at ang taong tumatawag sa akin gamit ang number ni Lyca.

"He has his own ridiculous way of getting justice. Hindi hustisya ang tawag dito. It's a nefarious crime. It's serial killing. Bakit ang isang mabuting organisasyon noon ay naging ugat ng patayan ngayon. At ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit mga kapwa myembro nito ang nagpapatayan."

Muling umupo si papa at tumingin nang deretso sa akin.

"Gusto na siguro ng mga myembro na umalis sa grupong iyon. Marahil ang paraan lang na magagawa nila para makaalis ay pumatay ng isang tao."

Napaisip ako. Maybe, my father is right. Tila ba unti-unting nabubuo ang piraso ng puzzle sa utak ko.

Fraternity, hindi ba dapat puro lalaki lamang ang myembro dito?

Ngayon, ang iniisip ko. Bakit pati si Lyca nadamay? Myembro din ba siya o may karelasyon lang siya sa grupo?

Napaisip ako nang maalala ko ang sinabi ni Lemuel noon na may boyfriend si Lyca. Hindi kaya 'yon ay ang taong gumagamit na ngayon ng number niya?

Napangiti ako nang sa huli ay maintindihan ko na ang lahat.

Kaya pala... Marahil una palang plano na nila ito.

Ang plano nilang makuha ang number ko. Upang masimulan nilang guluhin ang tahimik kong buhay.

Ngayon, isa lang ang nasisiguro ko... Ako ang pakay nila.

****

Naglakad na ako papasok ng room. Nadatnan ko roon si Nica na nag-iisa habang tulala sa may bintana. Tinawag ko siya ngunit mukhang hindi niya ako narinig.

"Are you okay?" Napalingon siya sa 'kin.

"Ikaw pala Aedrian."

Umupo na ako sa tabi niya. Akala ko'y magdadadaldal na siya katulad ng dati o kaya nama'y matutulog pero ibinalik niya lang ang mata niya sa bintana.

"Napakinggan mo na 'yung tape? May nalaman ka?" Tanong ko.

"Wala."

"W-wala? What do you mean?"

"Nawawala 'yung tape. Hindi ko na alam kung nasaan. Hindi ko alam kung sinong kumuha. Basta nasa bag ko lang 'yon and then poof! Nawala na!" Walang gana niyang paliwanag.

Kumunot ang noo ko sa narinig ko. Okay lang sana kung nawala niya lang eh ang kaso para bang wala siyang paki na nawala ito. Para bang wala lang sa kaniya.

"Bakit hindi mo iningatan? Alam mo namang mahalaga 'yon! Ipinagkatiwala ko sa 'yo tapos wawalain mo lang!" May halong inis na tanong ko.

"Kasalanan ko bang nawala? Kasalanan ko bang may malikot ang kamay na kukunin 'yon sa bag ko? Sana hindi mo na lang ibinigay sa 'kin para ngayong nawala, hindi mo ako sisisihin!" Sigaw niya rin na mas lalong ikinainis ko.

"May tinatago ka ba sa 'kin?" Tanong ko.

"Ano namang itatago ko sa 'yo? Ha?"

"I don't know. It's just that I feel that maybe you're hiding something. Sino ba namang taong kukuha ng tape na 'yon? Kung may nakakaalam nga ng tungkol do'n then paano niya nalamang nasa bag mo? Paano niya nalamang dala mo? Paano niya makukuha?"

"Wow Aedrian! Ngayon, pinaghihinalaan mo ako! Ako na nga ang nag-insist na tulungan ka! Ako na nga ang nawalan! Ako pa ang masisisi! Sige na! Sisihin mo ako! Ako naman talaga ang may kasalanan 'di ba? Wala nang patutunguhan 'tong pagkakaibigan natin kung wala tayong tiwala sa isa't isa! Mabuti pa, magkaniya-kaniya na lang tayo!" Tumayo siya at kinuha ang kaniyang bag tsaka madaling lumabas ng classroom. Napahawak na lang ako sa sintido ko.

Unti-unti nang nagsidatingan ang mga kaklase ko ngunit si Nica ay hindi na bumalik pa. Saan naman kaya nagpunta ang isang 'yon at hindi na pumasok? Natapos na ang buong klase at hindi na talaga bumalik ang seatmate ko. Tsk tsk.

"Aedrian..." Nilingon ko ang tumawag sa akin. Ang kaklase kong may bangs at malaking salamin. Si Betty.

"Hmmm... Bakit?"

"Pwede ba tayong mag-usap?"

"Tungkol saan?"

Lumingon-lingon siya na para bang hinihintay maubos ang mga kaklase ko. Isinara niya ang mga pinto tsaka muling bumalik sa harapan ko.

"Ako na ang susunod na mamamatay." Wika niya na hindi man lang kababakasan ng takot. "Pero bago mangyari 'yon, sasabihin ko sa 'yo ang alam ko. Ngayon, 'wag ka munang magtitiwala sa mga taong nasa paligid mo..."

"Including you?" I asked.

"Especially kay Nica." She said.

****

Pauwi na ako nang mahagip ng mga mata ko ang babaeng nakilala ko noong unang araw ko rito sa Laguna. Hindi katulad noon na maraming nakapalibot sa kaniya, ngayon mag-isa na lamang siyang naka-istambay sa ilalim ng puno ng mangga. Nakatingin lang sa kawalan at walang kausap.

Gusto ko sana siyang kausapin ngunit nagdadalawang-isip ako. Paano ko siya makakausap kung hindi siya nakakapagsalita?

Nilagpasan ko na siya at saka ako umuwi ng bahay. Sumalubong sa akin ang nakababahalang reaksyon ni mama. "Ma, may problema po ba?"

"Ano kasi... Ang tatay mo, Aedrian..." Halata mong hindi siya mapakali kaya hindi niya mai-deretso ang kaniyang sasabihin.

"Anong nangyari kay papa?"

"Tinawagan ako ng isang pulis... Kinakaharap ng papa mo ang isang hostage taker."

"A-ano kamo?"

###

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top