Chapter 17: Hypnotized to Betray
A/N: A must-read chapter.
NICA
"Once na nagpakita ako sa 'yo, mapapasailalim ka na ng pamumuno ko. Ano? Payag ka bang maging alipin ko at maging diyos mo ako? Magpapakita na ako sa 'yo." Panunudyo niya. Narinig ko na naman ang dahan-dahan niyang paglakad. Tila ba mas lalo nitong pinapataas ang kaba na nasa dibdib ko.
"Nababaliw ka na." Pumikit ako. Narinig ko ang pagkasa ng baril malapit sa ulo ko. Para bang pumalibot sa akin ang mga alaala na pilit kong kinakalimutan.
Nagbabadya muling pumatak ang mga luha ko. Nanghihina ang mga tuhod ko gayong nakaupo naman ako. Nanginginig rin sa takot ang mga kamay ko pero hindi ko magawang imulat ang mga mata ko. Natatakot ako. Ayokong makita ang baril na nakatutok sa akin. Ayokong sa pagmulat ko ay iyon din ang oras ng pagkamatay ko. Ayokong sa ganitong paraan mamatay...
"Bakit hindi mo imulat ang mga mata mo? Ayaw mo bang makita ang sarili mong kamatayan? Ganitong-ganito ang sitwasyon noon, hindi ba?"
Umiling ako upang ipakitang hindi ko na naaalala ang nangyari--na pilit ko nang kinakalimutan.
"Ganitong paraan pinatay ang ina mo, hindi ba? Ayaw mo bang matulad sa kaniya ang kahihinatnan mo?"
"Hindi ako sa ganitong paraan mamamatay. Naniniwala akong maililigtas ako ng kaibigan ko. Hahanapin ka namin at pagbabayarin ka namin sa mga kasalanan mo."
"Tiwala? Parang kanina lang halos sisihin mo siya sa pagkamatay ni Paul." Ibig sabihin, nandoon din siya kanina. Alam niya talaga ang bawat kilos namin.
Narinig ko siyang tumawa pagkatapos ay ang mga yabag ng paa. Minulat ko ang mga mata ko sa pagaakalang wala na siya, ngunit nasa harap ko siya at nakangiti nang masama.
Ngayon, nakikita ko na ang buong mukha niya. Hindi ko inaasahang mala-anghel ang mukha niya. Paanong nakakagawa ng kasalanan ang ganiyang mukha?
"Umaasa ka pa rin bang darating siya?" Hindi ko siya masagot dahil nakatulala lang ako sa kaniya. Hindi talaga ako makapaniwalang kayang maging masama ng taong ito. "Masagutan man niya ang code na 'yon, hindi rin siya makakarating sa tamang lugar."
So ibig sabihin, code nga ang nasa papel na tinutukoy niya kanina. At kung hindi ako nagkakamali, lugar ang nakalagay doon at ang lugar na 'yon ay hindi ang lugar kung nasaan ako ngayon.
I became a statue when he lifts my chin. I have no choice but to look into his eyes. His dark brown eyes make my heart melt and pound twice faster than usual. "From now on I'm your god and you'll be my slave. Welcome to the Apple Fraternity."
I don't know what's happening to me. As if I became hypnotized by his words. All I know now is I'm looking at his eyes and all I can do is to obey his words.
***
"Hey Nica, wake up."
"Hmmm..." I slowly opened my eyes when I heard his husky voice.
"How are you feeling? Masakit pa ba ang sugat mo?"
"Okay lang ako..."
"Teka, dahan-dahan..." Inalalayan niya akong makaupo sa kama. Umupo siya sa harap ko.
"Anong ginagawa ko rito sa hospital?" Napahawak ako sa kanang balikat ko nang kumirot ito. Mukhang ito ang dahilan. Saan ko nga ba nakuha ito?
"Don't you remember what happened?"
Hinawakan ko ang ulo ko at pilit na inalala ang mga nangyari.
"Sinundan ko ang isang lalaki... Hinala ko siya ang bumaril kay Marco pero nang makalabas ako sa gym..."
Nakatingin lang siya sa 'kin habang hinihintay akong tapusin ang kinukwento ko. "Tapos? Nakita mo ba siya? Naabutan mo ba?"
Napapikit ako. "H-hindi... Hindi ko na maalala, Aedrian."
"Kung gano'n hindi pa natin mahuhuli ang salarin sa pagkamatay ni Marco---"
"T-teka, si Marco? Anong---?"
He took a deep breath. "He's gone." Nanlumo ako sa narinig ko. Ilan na ba ang namamatay? Ilan pa ba ang mawawalan ng buhay?
Muling kumirot ang sugat ko sa balikat. "Kung gano'n, hindi mo rin alam kung sino ang gumawa sa iyo niyan." Turo niya sa balikat ko. Umiling ako. Wala akong ideya.
"Sa totoo lang, hindi ko alam ang gagawin ko nang makita kita sa bodegang walang malay at may tama ng baril. Akala ko, hindi na kita makikita ulit. Akala ko mawawalan na ako ng pagkakataong humingi sa 'yo ng tawad."
Napangiti ako dahil sa tono niya. Muli na naman akong nakakita ng bagong side niya. May pagka-thoughtful din naman pala ang isang ito. Akala ko'y pure suplado na siya.
"Wala ka namang dapat ihingi ng tawad. Ako nga 'tong kailangang mag-sorry sa 'yo kasi pinagbintangan kita. Nainis lang ako sa 'yo kasi hindi mo ako pinagbigyan na sumama sa pag-uusap niyo ni Paul. Pakiramdam ko noong araw na 'yon, hindi mo ako kailangan. Sorry kung sinisi kita."
"Kalimutan na natin ang nangyari. Ang mahalaga, ligtas ka. Nandito ka. Magkasama tayong dalawa sa paglutas ng kasong ito, tama?" Hindi ko alam kung anong nakain ni Aedrian kung bakit ang bait niya ngayon. Siguro'y dahil nandito ako sa hospital. Hula ko, kapag nasa school na ulit kami at okay na ako, babalik na siya sa dati.
"Teka, Aedrian, paano mo ako nahanap? Do you know how to crack a code?" Tanong ko.
"No, but I exists to find answers. I may not know how to crack a code but I can find answers because doubt is the beginning of knowldege." 'Yan na naman siya sa favorite line niya. Hay nako, 'di pa rin niya sinasagot ang tanong ko.
"So paano mo nga ako nahanap?" Pangungulit ko.
Eto... Mukhang bumabalik na siya sa pagiging siya.
"It must have been intuition. The code is really difficult to answer, it's just I'm lucky that clues are in there. The cipher I used was Polybius Square and it leads me to the locker room. I thought you were there but instead of you, I found something... Then, naisip kong baka nasa isang lugar ka na hindi madalas puntahan ng mga estudyante. At 'yon ay ang bodegang tambakan ng mga sirang kagamitan sa parteng likod ng school na 'to."
"Wait, you found something?" I asked and he nodded.
"Yeah, I found a tape. Nakita ko sa locker ni Marco. Maybe, pwedeng makatulong sa atin upang mahanap ang nasa likod ng mga pangyayaring ito or maybe, a statement kung paano siya namatay at kung sino ang pumatay sa kaniya."
"N-napakinggan mo na?"
"Not yet, maybe sooner or later. Tinutulungan ko kasi si papa ngayon sa imbestigasyon."
"Ganoon ba? So nasaan 'yung tape? Gusto mo, ako na ang makikinig tapos sasabihin ko na lang sa 'yo kung may nalaman ako."
###
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top