Chapter 16: Checkmate

Natigilan ako nang marinig ko ang tunog ng cellphone ko. I picked it up. I never expected that this number will call me...again. Nakalimutan ko na nga rin ang tungkol dito but now, here we go again with this unknown people using Lyca's phone number.

Inilagay ko sa tenga ko ang cellphone at saka hinintay ang boses sa kabilang linya. Kung sino ka man, magsalita ka. Sigurado akong makikilala kita 'pag narinig ko na ang boses mo.

"Sino ba kayo? Ha? Nasaan ako? Pakawalan niyo 'ko rito! Isa!" My breathe stopped when I heard Nica's voice. There's no single word coming out from my mouth. Hindi kaagad ako nakapagsalita dahil sa gulat.

"Sino ka? Saan mo siya dinala?"

I heard an evil laugh from the other line. "You have that paper? Make it before noon or you'll never see your friend again."

"Anong papel?" I suddenly heard the line ended. Holy cheese. Anong papel ba ang tinutukoy ng lalaking 'yon?

Ibinulsa ko na ang cellphone ko nang may mapansin akong nasa bulsa ko.

Ito ba ang tinutukoy niyang papel?

Na nagmula sa kamay ni Marco?

P-paano?

"...B4 C3 D4 B3 A5 C1 C4 A3 B5 A5 D2 D2 C4 C4 C2..."

Tiningnan ko ang nakasulat sa papel na tinutukoy niya.

What's with these letters and numbers?

I tried to focus on what was written on the paper. But the fact that I can't because of the thinking that my classmate is in danger now because of me! What a holy cheese!

Mas lalo pa akong na-pressure dahil sa totoo lang, I don't have any idea of how to crack a code. And I believe, this is a code with a secret message that I need to know but, how can I decode this one if I don't know how to? I have never encountered this once in my entire life. This is new... and exciting. I never imagined that my boring life would turn into this mind-boggling one. At dahil 'yon sa seatmate kong minsan ay napagkamalan akong detective. Ang seatmate kong nasa panganib ngayon... Ang seatmate kong galit sa akin sa hindi ko malamang dahilan.

All I need to do is to save her now para malaman ko ang dahilan niya.

Mukhang kailangan ko na talagang panindigan ang akala niya. Kailangan ko itong ma-decode. Kung kailangan kong pag-aralan ang lahat ng codes, masagutan lang ang isang 'to gagawin ko.

Tiningnan ko ang relo ko. It's already 11 a.m. which means I only have an hour to crack this code.

Napansin ko ang nakasulat sa parteng likod nito.

"...It has rules the same
This is similar to that game

Corner the king
It'll bring you to your queen..."

I smirked when I finally get it.

"Checkmate."

###

NICA

NAPAIRIT AKO nang umalingawngaw ang malakas na putok ng baril sa buong gymnasium. Hawak-hawak ko ang tenga ko habang nakaupo dahil hindi ko inaasahan ang bagay na 'yon. Hindi ko napigilang mapaluha sa takot. Nanginginig na rin ang mga kamay at tuhod ko pati na rin ang hininga ko, mas lalong lumalalim.

Ito na naman ang mga alaalang pilit kong kinakalimutan. Ayoko na. Kailangan ko na 'tong kalimutan. Matagal nang nangyari ito. Kailangang harapin ko na ang takot ko.

Pinunasan ko ang mga luha ko. At sa sandaling pagmulat ko napansin ko ang isang lalaking may hawak ng baril malapit sa back door ng gym. Kahit pa hinang-hina ang tuhod ko nagawa ko pa ring tumayo at habulin siya.

Hindi siya pwedeng makatakas.

Hinanap ng mata ko ang lalaking iyon. Nasaan na siya? Nakalabas na ako ng gym, hindi ko pa rin siya makita. Saan siya dumaan? Ganoon ba siya kabilis para mawala sa paningin ko?

Hindi ko namalayan ang isang panyong nagtakip sa bibig ko dahilan upang maamoy ko rin ang pampatulog na iyon.

"Hmmm..." Nagising ako sa isang madilim na paligid. Alam kong hindi pa gabi dahil sa maliliit na butas ng bubong na may lumulusot na sinag ng araw. Talagang madilim lang dahil saradong-sarado ang pinto, maging ang maliit na bintana na nasa itaas ng pader ay natatakpan naman ng tela mula sa labas.

Napaubo ako nang makalanghap ako ng alikabok. Nasaan ba ako? Bakanteng bodega ba ito ng school? Tambakan ng mga sirang kagamitan?

Narinig ko ang yabag ng paa na papalapit sa kinalalagyan ko. Nakaramdam ako ng kaba lalo na nang mapansin kong nakatali ang mga kamay at paa ko habang nakaupo ako sa isang upuan.

"Gising ka na pala. Akala ko'y hindi mo na masasaksihan pa ang sarili mong katapusan."

Nangilabot ako sa boses niya. Mababa ang boses niya at nakakatakot. Nagbibigay iyon ng dahilan upang magsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan.

"S-sino ka? Bakit hindi ka magpakita sa 'kin?" Buong lakas na tanong ko.

"Boss, mukhang hinahanap na ni Aedrian ang babaeng 'yan." Isang mabilis na yabag ng paa pa ang narinig ko. Tama nga, kilala kami ng mga ito. Sinusubaybayan nila ang mga kilos namin.

"Ganoon ba? Umaayon ang lahat sa plano. Nasaan ang cellphone ko? Tatawagan ko siya."

"Aling cellphone, boss?"

"The real one."

Nang marinig ko ang tunog ng pagsagot ng tawag, sumigaw ako. Baka sa pamamagitan nito, mahanap mo ako, Aedrian. "S-sino ba kayo? Ha? Nasaan ako? Pakawalan niyo ako rito!"

"Tumahimik ka!" Napasigaw ako nang makatanggap ako ng malakas na sampal mula doon sa isang lalaki. Nakaramdam ng kirot ang pisngi ko. Hindi pa ako nakakatanggap ng ganoong kalakas na sampal sa buong buhay ko kaya hindi ko alam na ganito pala 'to kasakit.

"You have that paper? Make it before noon or else you'll never see your friend again."

Anong papel? Anong kinalaman no'n dito? Nandoon ba ang sagot kung saang lugar ako makikita? Isa ba 'yong palaisipan o kaya nama'y code? Magagawa niya kaya akong iligtas?

Sari-saring isipin na ang pumapasok sa utak ko. Paano kung hindi pala siya marunong mag-decode? Kung naturuan ko lang sana siya. Kung naisip ko lang sanang mangyayari 'to. Bwisit.

"So, may suggestion ka ba? Anong gusto mong paraan ng pagkamatay mo?"

"Gago ka! Bakit hindi ka magpakita sa 'kin? Kung talagang matapang ka, magpakita ka!" Sigaw ko. At pilit hinahanap sa dilim ang pagkatao niya. Pakiramdam ko nakikipag-usap ako kay Satanas.

"Once na nagpakita ako sa 'yo, mapapasailalim ka na ng pamumuno ko. Ano? Payag ka bang maging alipin ko at maging diyos mo ako? Magpapakita na ako sa 'yo."

###

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top