Chapter 15: Hidden Secret at Six O'clock

Nawala ang ngiti ni papa at doon na rin ako nagtaka. Inamin ba niyang nakipagkita siya kay Paul?

"Mga anong oras ka naman nakipagkita kay Paul? At anong oras ka nakapasok sa trabaho mo?" Ako na ang nagtanong. Tumingin siya sa 'kin bago sumagot.

"Ten minutes siguro before 6 o'clock nang makipagkita ako kay Paul. Nang masabi ko ang pakay ko sa kaniya, umalis na din ako. 6 o'clock nang makarating ako sa trabaho ko."

Teka, paanong nasa trabaho siya noong alas sais kung nakuhanan pa siya ng CCTV na nasa school pa siya?

"May patunay ka ba sa alibi mong 'yan?"

"'Yung time card ko. Pwede niyong i-check ang time card ko. Makikita niyong alas sais ako nakapasok sa trabaho." Nilabas niya ang timecard niya. Katulad ng sinabi niya ay ganoong oras nga ang naka-print sa timecard niya.

"May nakakita ba sa 'yong nakipagkita ka kay Paul 5:50 pm kahapon?" Tanong ng pulis na katabi ni papa.

Umiling siya. Kung gano'n wala siyang alibi bago ang alas sais ng gabi. Ngunit hiwaga pa rin sa akin kung paano siya mapupunta sa dalawang magkaibang lugar sa magkaparehong oras.

Hindi kaya?

Lumayo ako sa kanila at lumapit ako sa isang pulis. "Pinapasabi pa nga pala ni papa kung pwede mo raw itanong sa supervisor ng fast food restaurant na 'to ang tungkol sa..."

"Tama ang hinala mo, ganoon nga!" Agad na gumuhit ang ngiti sa labi ko nang marinig ko 'yon sa pulis. Sabi na nga ba. Ngayon, naiintindihan ko na.

Muli akong bumalik kung nasaan sila papa.

"Kung totoong nasa trabaho ka na pasado alas sais, paano mo ipapaliwanag ang larawang ito?" Ipinakita ni papa kay Marco ang kuha ng CCTV footage na malinaw na makikita ang mukha niya.

"Dahil ang katotohanan ay nasa likod ng time clock. Hindi ba?" Sabat ko. "Isang linggo nang late ng sampung minuto ang time clock niyo sa fast-food restaurant, ayon sa supervisor mo. Sinamantala mo ang pagkakataong 'yon upang magkaroon ka ng alibi. 6:00 ang nakalagay sa time clock kahit 6:10 na ng gabi. Hindi ba? Ibig sabihin, nasa school ka pa alas sais ng gabi. At alas sais diyes ka nakarating sa trabaho mo." Paliwanag ko.

"Huwag mo nang subukang itanggi dahil kinompirma na rin ng supervisor mo ang tungkol dito." Dagdag ko pa.

"Sige, sabihin na nating totoo ang tungkol sa time clock! Na nandito pa ako sa school ng ganoong oras! Anong kinalaman nito dito at bakit ako ang pinagbibintangan niyo?! Nasa'n ang ebidensya niyong ako nga ang pumatay?" Sunod-sunod na tanong ni Marco.

Tumawa ako. "Naalala ko muntikan na akong maabutan ng ulan kahapon. Mabuti na lang at nakauwi na ako." Kwento ko.

"Anong kinalaman niyan dito Aedrian?" Tanong ni papa.

"5:30 kasi ako nakauwi, saktong umulan noon. Hindi ba Marco?"

Napansin ko ang paglaki ng mga mata niya.

"Pareho kayong naabutan ng ulan kaya naghubad kayo ng mga sapatos ngunit mukhang hindi mo alam na nagkapalit kayo ng medyas." Ito lamang ay hula ko.

"Tumawag ang lab, totoo ngang may dalawang magkaibang fingerprints sa medyas na suot ng biktima." Pagsang-ayon ng isang pulis na kanina'y nagbigay ng autopsy result kay papa.

"Patunay lang na magkasama kayo ni Paul 5:30 ng hapon kahapon. At ikaw lang ang posibleng pumatay sa kaniya, Marco." Nakakuyom ang mga kamay niya habang tinititigan kami nang masama.

"Pwedeng ibang oras ko nahawakan ang medyas ni Paul. Huwag niyong sabihin na 'yon ang ebidensya niyo?"

"May kakaiba rin po sa medyas na suot ng biktima." Dagdag ng pulis na kumuha ng interes ko.

"Ano 'yon?"

"Nandoon rin ang footprint ni Mr. Sanceda." Napatingin kami ni papa kay Marco. Sumilip ang ngisi sa mga labi ni papa.

"Kung ganoon, papaano mo ipapaliwanag sa amin kung bakit nandoon ang footprint mo sa medyas na suot ng biktima?"

Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya.

"H-hindi ako ang pumatay sa kaniya... Hindi ako ang may kasalanan!" Napaluhod siya sa sahig habang ang dalawang kamay niya ay nakatuon din. "Hindi ako ang naglason sa kaniya! Totoong nagkita nga kami ngunit nagkayayaan lang kaming maglaro ng basketball. Umiinom lang kami ng tubig nang biglang magconvulsion siya. Pero hindi ako ang pumatay sa kaniya! Natakot lang ako na posibleng ako ang sisihin kaya iniwan ko siya! Pero nakunsensya ako! Kaya binalikan ko siya pero nakita ko na lang na may nagbibigti na sa kaniya!" Puno ng emosyong pagpapaliwanag niya.

"A-anong ibig mong sabihin?" Tanong ni papa.

Ngunit bago pa man makapagsalita si Marco ay nakarinig kami ng putok ng baril. Kasunod ang malakas na irit ng kaklase ko.

Nagkalat ang dugo sa sahig kasabay nang pagbagsak ng katawan ni Marco.

Nagkagulo ang buong pulis sa hindi inaasahang pangyayari. May tama ng baril ang ulo ni Marco. Hindi namin alam kung kanino nagmula.

Agad akong lumapit kay Marco. Nakadilat ang mga mata niya at may luha pang pumatak mula rito. Ngunit ang mas ikinakilabot ko ay ang malaking ngiti sa mga labi niya.

Napansin ko ang kamay ni Marco na nasa loob ng kaniyang bulsa. Kinuha ko 'yon at nakita ko ang iPhone niya. Ang mas kahina-hinala ay ang papel na nakalukot sa kamay nito.

"Aedrian, tumayo ka na d'yan. Kukunin na nila ang kaklase mo." Rinig kong sabi ni papa. Kasabay no'n ay ang dalawang lalaking magkatulong sa pagbuhat kay Marco papunta sa stretcher.

"Aalis na ako. Magkita na lang tayo sa bahay." Tumango ako. Mukhang mahabang araw na naman ang isang ito para kay papa.

"Teka pa!" Lumingon siya sa pagtawag ko. "Nasaan si Nica? Nakita mo ba?" Ngayon ko lang napansin na nawala na ang presensya ng kaklase ko. Saan naman kaya nagpunta ang isang 'yon?

"Hindi. Sige, mauna na ako." Naglakad na siya palabas sa gym.

"Sinong Nica? 'Yung babae bang kasama mo kanina?" Tanong sa 'kin ng isang pulis.

Tumango ako. "Siya nga, nakita mo ba?"

"Oo, napansin ko siyang lumabas kanina na para bang may hinahabol. Susundan ko nga sana kaso naisip ko baka magbabanyo lang."

Magbabanyo? May comfort room naman dito sa gym, bakit lalabas pa siya?

Kinuha ko ang cellphone ko at sinubukang hanapin ang number niya sa contacts ko. Naloko na, wala nga pala akong number ng babaeng 'yon. How can I find her?

Naglakad na ako palabas ng gym. Baka nga may pinuntahan lang siya. Hindi naman kasi kailangang magpaalam sa 'kin. At isa pa, galit siya sa 'kin.

Teka...

Hindi kaya, kaya siya lumabas kasi may hinahabol nga siya at ang hinahabol niya ay ang bumaril kay Marco? Holy cheese! Bakit ang bagal mag-function ng utak ko ngayon?

###

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top