Chapter 14: Top Suspect

"You're at the top of my suspect's list, just so you know." Mas lalong kumunot ang noo ko. Hindi ko alam kung bakit masama ang tingin niya sa 'kin at kung bakit pinagbibintangan niya ako ngayon.

"Ano? Ano ba 'yang sinasabi mo?" Nahihiwagaan ako sa kaniya. Para bang hindi siya ang seatmate ko.

"Magkasama kayo kahapon hindi ba? Hindi mo ako pinasama sa inyo dahil may balak kang masama sa kaniya. Mukhang nagkamali ako ng pagkakilala sa 'yo, Aedrian. Siguro niloloko mo lang din ako tungkol sa nagtetext sa 'yo. Pakana mo lang lahat at ikaw talaga ang pumapatay."

Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Ganito pala ang pakiramdam ng napagbibintangan sa bagay na hindi mo naman ginawa. All you did is to help pero ikaw pa rin ang lumalabas na masama. Kaya una palang, itinanggi ko na. Hindi ako isang detective,

I stepped closer to her. "Ano bang sinasabi mo? Hindi kita maintindihan." I tried to ask her 'cause I don't really understand kung anong kinikilos niya.

"Sabing huwag kang lalapit!" Tinulak niya ako. Kitang-kita ko ang galit sa mga mata niya na para bang nagkamali siya ng pagkakilala sa akin.

I let out a deep sigh. "Look, you don't have the right to push me away. I'll investigate this case to prove my innocence and to gain your trust again. I will find the real culprit."

Ngumisi siya. "Bakit? Detective ka ba? Bakit kailangan mong imbestigahan ang kasong 'to?" Iniwas ko ang tingin sa kaniya. Pumikit ako upang makuha ang konsentrasyon na kailangan ko ngayon. Nasagot ko na ang tanong niya, hindi ko na kailangang ulitin pa.

Nilapitan ko ang nakasabit na bangkay ng kaklase ko. Hindi siya ganoong kataas kaya malaya pa rin akong suriin siya. Nag-rigor mortis na rin ang katawan niya. Ibig sabihin, nasa sampu o higit pang oras na ang nakakalipas nang mangyari ang pagpatay. Ano nga bang ikinamatay niya?

Napatingin ako sa bagay na suot niya. Nakakapagtaka. Sa pagkakaalala ko, hindi 'yon nandoon. Nagkamali lang ba talaga siya ngayon o may ibang naglagay nun sa kaniya?

Tiningnan ko ang seatmate ko na sa kasalukuyan din ay nakatingin sa akin. Sa ngayon, kakalimutan ko muna ang mga paratang mo. "Anong masasabi mo sa suot niyang medyas?" Tanong ko.

Napatingin siya doon at nakita kong lumaki sandali ang mga mata niya. Tama ako, hindi nga doon nakalagay 'yon. Sa pagkakaalala ko, palaging suot ni Paul ang itim na medyas sa kaliwa niyang paa at puti naman sa kanan niyang paa. Madalas ko pa ngang maalala ang Yin and Yang kapag nakikita kong suot niya ang magkaibang pares ng medyas. Bakit ngayon nabaliktad ito?

Mas nilapitan ko iyon at napansin kong medyo basa ito katulad ng ibang bahagi ng uniform niya. Nakakapagtaka. Bakit nga ba magpapakamatay si Paul? Anong dahilan? Paano niya rin ba mabibigti ang sarili niya sa ganitong kataas na ring at bakit dito sa gym? Sa pagkakausap ko sa kaniya kahapon, wala naman sa tono niya ang pagpapakamatay.

Kinuha ko ang cellphone ko tsaka ako tumawag kay papa. Wala pang ilang minuto ay rumesponde na ang mga pulis. Ibinaba nila ang kaawa-awang bangkay ng kaklase ko upang dalhin sa lab. Tinawagan din nila ang mga magulang nito upang humingi ng permiso para sa autopsy test.

Pinakisuyuan na rin ang mga estudyanteng na huwag nang makiusyoso at makigulo pa sa imbestigasyon. Ang mga professors ay nakipagtulungan na rin upang pabalikin ang lahat sa kani-kanilang klase.

"Kilala mo ba ang biktima?" Tanong sa 'kin ni papa. Tumango ako.

"Kaklase ko." Napatingin sa 'kin si papa. Tila ba iniisip kung ano bang kababalaghan ang nangyayari sa paligid at bakit palaging sangkot ang pangalan ng anak niya.

Pinapanood ko lang sila sa kanilang ginagawa hanggang sa napagdesisyunan kong maglakad-lakad sa loob ng gym habang nag-iisip. Maya-maya pa ay may pulis na tumatakbo papalapit kay papa dala ang isang papel. "Lumabas na ang result ng autopsy test ng biktima. Namatay siya dahil sa cyanide na-intake niya. At ang estimated time of death is around 6 o'clock pm kahapon."

Cyanide?

Paano nangyari yo'n?

Kung totoong cyanide ang cause of death bakit natagpuan siyang nakabigti dito?

Imposibleng mabigti niya ang sarili niya kung uminom siya ng lason. At imposible din namang makainom siya ng lason kung nakabigti siya.

Lalong tumataas ang porsyento na posibleng may pumatay nga sa kaniya at hindi ito suicide lang. Ngunit sino?

At kung iisipin, bakit nga kaya kinailangan pang ibigti ang biktima kung nilason na ito?

Lumapit ako kay papa at palihim na tiningnan ang autopsy result na hawak niya. At tama nga ang hinala ko, may bakas ng kamay sa ilalim ng bakas ng lubid sa leeg ng biktima.

Pinapatunayan lang na nilason nga ito bago binigti.

At kung alas sais ng gabi namatay ang biktima. Ang range of time na kasama niya ang salarin ay maaaring ten minutes or more before the said time of death kung kakalkulahin ang oras ng pagsasagawa ng krimen.

"Aedrian! Kilala mo ba ang taong ito?" Halos magulat ako sa sigaw ni papa dahil nasa likod niya lang naman ako. Hindi niya siguro ako agad napansin dahil abala siya sa pagsusuri at pagoobserba sa palagid ng krimen.

Isang litratong kuha mula sa CCTV footage ang ipinakita niya sa akin. Tiningnan kong maigi ang lalaking nakuhanan ng CCTV na nasa loob pa ng school pasado alas sais ng gabi. Hindi kalayuan sa gymnasium hall.

"Yes pa, kilala ko ang taong 'yan. Kaklase ko rin siya."

"Pinapatawag niyo raw ako? At bakit?" Tono palang ng boses niya ay kilala ko na kung sino siya. Si Marco, isa sa mga kaklase namin. Para siyang sigang naglalakad papunta sa amin habang kumakalansing ang susi na nakasabit sa kaniyang sinturera.

"Gusto lang naming malaman ang statement mo. Nasaan ka bandang alas sais ng hapon kahapon?" Tanong ni papa. Napansin ko ang paglakad ng seatmate ko sa tabi ko.

"Ang totoo niyan..." Huminga nang malalim si Marco bago ako tiningnan nang masama. Tila ba nagdadalawang isip siya sa aaminin niya. "Nagpa-part-time job ako sa isang fast food chain. Pagkatapos ng klase ay dumederetso na ako doon."

Sinungaling. May ebidensya na, nakuha niya pang magsinungaling.

"Ibig mong sabihin ay dumeretso ka na sa trabaho mo?" Tanong pa ni papa. Sumilip na ang ngiti nito. Nananatili akong tahimik habang nakikinig sa kanila.

"Hindi, dahil nakipagkita pa ako kay Paul kahapon bago ako pumunta sa trabaho dahil may sasabihin ako sa kaniya. Saglit lang 'yon at nauna na rin ako sa kaniyang umalis ng school." Nawala ang ngiti ni papa at doon na rin ako nagtaka. Inamin ba niyang nakipagkita siya kay Paul?

###

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top