Chapter 1: Her Eyes

MY BUTT felt numb. Mahigit apat na oras na kasi akong nakaupo rito sa van namin, pinapanood ang mga taong naglalakad, mga bahay na magkakahanay at ang walang katapusang kalsada. Dapat two hours lang pero dahil traffic kanina sa Calamba, dumoble 'yung oras ng biyahe.

Laking tuwa ko nang makarating kami sa bago naming bahay. Hindi ko na matandaan kung naka-ilang lipat na ba kami ng bahay. I thought our previous house will be the last but here we are again, magbubuhat ng mga gamit.

Sa pagkakatanda ko, nung isang buwan nasa Quezon City kami tapos lumipat ng Pasay, ngayon naman napadpad kami sa Laguna. Hindi ko alam kung magiging masaya ako't nalilipat si papa ng distino. Sa totoo lang, nakakapagod.

My jaw dropped when I saw our new house. Mas malaki 'to kaysa do'n sa dati. May malapad na gate na may combination ng color gray at white. Halata mong malaking bahay ang nagtatago rito. Pagkapasok ko, bumungad ang two storey building with balcony which built with cultured stones and ballusters; sa ilalim ng balcony ang maliit na garahe. May space rin na pwedeng gawing garden sa tabi. Hindi ko tuloy mapigilang mag-isip at magtanong, "Is this for good Ma, Pa?"

Nang makita ko silang ngumiti, alam ko na ang sagot. "Yes, Edoy."

My forehead twitched when I heard that name. "It's Aedrian, ma, just so you know." Tumawa naman sila.

"Ma, tigilan mo na ang Edoy natin. Malaki na siya. Senior high na nga 'yan eh." I just shook my head hearing those lines from my father. Hindi talaga sila nagsasawang asarin ako. But an idea suddenly came up.

"Pa, speaking of Senior High. Where am I going to transfer?" Tanong ko.

"Nasa sa 'yo kung sa'n mo gusto."

"Saan ba malapit?" Again, I heard them laugh. Para bang laging joke ang lumalabas sa bibig ko. Napailing na lang ako.

Kinuha ko na ang mga gamit mula sa van at isa-isang ipinasok sa loob ng bahay. Huli kong kinuha ang isang malaking maleta na ang laman ay ang pinagkasya-kasya kong mga damit. Hindi rin naman ganoon karami kasi nga palagi kaming lumilipat ng bahay. Masyadong hassle.

Ipinalibot ko ang mga mata ko sa buong bahay.

"Doon ang mga kwarto natin sa taas, Edoy." Itinuro sa 'kin ni papa ang hagdanan.

May tatlong pinto. Pinili kong pumasok sa pinakadulo at doon ko inayos ang mga gamit ko. Tsaka ko binuksan ang bintana para makalanghap ng sariwang hangin bago ako nahiga sa kama. Nakakapagod at parang gusto kong umidlip.

"Edoy!" Rinig kong sigaw ni mama. Agad akong bumangon at bumaba. Nakakagulat naman kasi ang sigaw niya, akala ko tuloy may masama nang nangyari.

Pero mukhang tama ako, nakita ko ang sobrang lungkot na may halong pagkabahala sa mukha ni mama. Isang beses ko lang 'yon makita sa isang taon. Mukhang alam ko na kung bakit. Tiningnan ko ang relo ko, tama nga. Ngayon ang araw na 'yon.

"P-pa, bigyan mo muna ng pera si Edoy. P-pupunta lang ako sa kwarto." Sinundan ko ng tingin si mama paakyat sa hagdanan. Alam ko na ang gagawin niya sa kwarto. Hindi niya naman kasalanan na nalimutan niya kung anong meron sa araw na ito. Kahit ako, nawala rin sa isip ko dahil nga okupado ang isip namin sa paglilipat ng gamit sa bagong bahay. Maiintindihan naman siguro ni kuya ang dahilan namin.

"Oh, magtanong-tanong ka na lang muna kung saan nakakabili ng bulaklak. Ako nang bahala sa mama mo."

Kinuha ko na ang pera kay papa. Ang kaninang masaya nilang mukha sa pagdating dito sa bago naming bahay ay biglang nawala at nabahiran ng lungkot. Sinundan ko siya ng tingin habang siya ay paakyat sa hagdanan. Huminga ako nang malalim tsaka ako lumabas. Sumakay na ako sa bisikleta ko at saka ako naghanap ng taong mapagtatanungan.

It is my first time here in Laguna kaya hindi ko pa alam ang lugar at mukhang naliligaw na nga ako ngayon. Medyo malayo na rin ang tinakbo ko kaya hindi ko na alam ang daan pabalik.

Napadaan ako sa playground. I can't help but to feel envious with those children whom are having fun. I don't know if I once experienced playing when I'm in my childhood. Hindi ko maalala. Ni hindi ko nga matandaan kung may naging kaibigan ba ako no'n bukod kay kuya. Siguro kasi talagang matagal na ang panahon na 'yon.

A group of children caught my attention. Para bang may pinagkukumpulan sila sa gitna nila.

"Bakit ganiyan ka makatingin? Dukutin ko 'yang mata mo eh!" I heard a strident voice kaya medyo napapikit ako.

"Ano bang ginawa niya sa 'yo girl?" Narinig ko pa ang isang babaeng mukhang nakiki-usyoso sa nangyayari.

"Eh kung makatingin kanina akala mo papatayin ako! Ano ba? Hindi ka ba man lang magsasalita? Nakakainsulto ka na ah!"

Hindi ko alam kung pinalaki ba akong usyusero kaya sinilip ko kung anong meron. May isang babaeng nakaupo sa gitna na tila ba walang paki sa sumisigaw sa kaniya. Mahaba ang itim nitong buhok, maputi at hindi kapayatan ang kaniyang katawan. Para bang isa itong bingi dahil hindi nito sinasagot ang mga tanong ng babaeng galit na nakapalibot sa kaniya.

Pero alam kong nakakarinig siya dahil nagbabago ang eye movement niya. Pansin ko ding kumukunot ang noo niya sa tuwing nagsasalita ang babaeng nasa harap niya pero para bang mas pinipili niyang huwag magsalita. Pride?

"Nakakaasar ka nang babae ka ah! Hindi ka magsasalita? Pwes! Pipilitin kita!" She grasped the neck forcing the girl to speak anything. "Ano? Hindi ka pa rin magsasalita? Ha? Bakit ganiyan ka makatingin sa 'kin?"

May mga nagtatangkang pumigil doon sa nananakal pero mukhang mas gusto nilang makitang masaktan ang isang babaeng 'yon na para bang gusto nilang matapos ang palabas at malaman kung sino ang mananalo at matatalo.

But still the girl doesn't even give a damn. Wala lang sa kaniya ang pananakal ng babae. Hindi man lang siya mababakasan ng pagkatinag kundi pawang mga pagkunot lang ng noo. Her uncanny caught my attention. Bumaba ako sa bike ko tsaka ako pumunta sa gitna nila. Hinawakan ko ang kamay ng nananakal at tinanggal iyon.

"Walang namamatay sa tingin para sabihin ko sa 'yo." I uttered to the girl giving her an idea that she's just arguing for petty things. Ano naman kung masama ang tingin niya? Hindi naman niya ikamamatay 'yon. She glared at me then she walked out murmuring, "Psh. Pakialamero."

Para bang galing sa sinehan na nagsi-alisan ang iba. Animo'y tapos na ang palabas at nabitin sila. Ibinaling ko ang tingin ko sa babaeng nasa harap ko. Mali, wala na rin pala siya at naglalakad na palayo.
Agad kong kinuha ang bike ko at hinabol siya. "Sandali, miss!"

Tumigil ako sa harap niya upang magtanong sana. I was surprised nang mapatingin ako mismo sa mga mata niya.

###

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top