WL 9
WL 9: Breaking Her Innocence
"Are you ready to break the innocence of your mind? Think twice or thrice, there's no turning back! Once it's broken, your mind will forever be corrupted." - Wet Link 9 by Eiramana325
You's POV
Kakaibang kuryente ang nararamdaman ko sa aking sistema sa dahan-dahang pagguhit ang kanyang daliri sa aking likod pababa sa aking puwetan. Napasinghap ako sa nakakakiliting sensasyon at hindi ko mapigilang mapa-ungol nang pisil-pisilin niya ang aking bombom mallows.
My golly wow! Am I really in my natal suit?
Napapaigtad ako sa gulat ngunit hindi ko maitatangi na nasasarapan ako sa ginagawa niya. Hinahalik-halikan niya pa ang aking balikat paakyat sa aking leeg.
"Aaahhh..." impit kong ungol at agad ko rin kinagat ang aking labi. Pakiramdam ko'y nagbabaga ang buo kong katawan. You, gumising ka... baka nananaginip ka lang! Baka nakatulugan mo ang pagbabasa!
But someone is really behind me, I can feel his blazing torso on top of my naked back. It's him. I am not dreaming. Yes, my eyes are shut but I can feel his sweet and lustful glare all over me. He is the only one who can make me feel this way.
But thinking that he is looking at my bare and helpless skin and touching my delicate body parts as he wishes make me flush in shamefulness.
Jusmiyo, You! Huwag kang mahiya d'yan... parehas lang naman kayong nakahubad. It's your chance to see him.
Nag-iinit man ang aking pisngi sa hiya ay unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. True, I need to see him. I want to see him. All of him.
Ilang saglit bago ako nakaaninag sa kadiliman ng paligid. Tanging ang kaliwang bahagi lamang ng kanyang mata ang nasilayan ko dahil nasa likod ko siya. Ang kulay tsokolateng at mapungay niyang mata ay nakatitig sa aking mga labi. Gusto niya ba akong halikan? I bit my lower lip, anticipating his lusty and daring wet lips.
Oh, I can't wait for that...
Napapikit akong muli nang ilapat nga niya ang malambot niyang mga labi at marahan sakupin ang aking uhaw na mga labi. Napakasarap sa pakiramdam kung paano niya ito angkinin.
Say goodbye to the virginity of your lips, You!
Hmm... Sadya nga palang napakatamis ng unang halik. Halos bawian ako ng aking katinuan nang pasukin ng malikot niyang dila ang aking bibig na tila ba may hinahanap ito sa loob. Wari'y nasusunog naman ang aking buong kalamnan sa sobrang init na aking nararamdaman.
I can't suppress my moan inside his sweet mouth. Especially when I feel his hand, gently massaging my precious gem.
Again, my golly wow!
The feeling is so new to me yet it's so wonderful. How I wish it won't end?
Malakas na pagyugyog ang aking naramdaman. "You... gising... You!" Idinilat ko ang aking mga mata at nag-aalalang mukha ni Quennie ang aking namulatan. "Binabangungot ka! Kanina ka pa ungol nang ungol."
Hindi ko sinasadyang mapanguso sa panghihinayang. First kiss na and beyond - panaginip lang pala! Tsk! Tsk!
"Huh? Ba't nakasimangot ka d'yan? Parang naiinis ka pa na ginising kita? Dapat pasalamat ka pa at iniligtas kita sa pagpapahirap ni Fera sa iyong bangungot." Mahaba niyang lintanya ngunit lalo lamang nanulis ang aking nguso.
Sana nga hindi mo na ko ginising... baka sakaling na-devirginized na ako ng aking Prince Charming.
Napakunot ang makinis niyang noo at biglang umangat ang gilid ng kanyang labi. Isang mapanuksong ngiti ang ibinigay niya sa akin at saka tumawa na parang nababaliw.
"Oh my gosh! Oh my gosh!" Tinakpan pa niya ang kanyang bibig pero sadyang ang lakas pa rin ng boses niya. Baka marinig pa siya ng nasa kabilang silid, lalapain na naman kami ng sermon ni Leona.
"You're having a wet dream! Don't deny it!" Parang nangingisay na butiki si Queenie sa kilig.
Natawa ko sa itsura niya pero pakiramdam ko ay namula ang mukha ko sa pagkapahiya. Pero wala naman kaming lihiman ni Queenie. Siya ang nagtuturo sa akin ng mga bagay na hindi ko natutunan sa mga guro ko.
Hindi na ako ang dating si You na nasa isla na napaka-inosente at ignorante sa maraming bagay-bagay. Kung noon ay para kong dose anyos na bata kung umasta kahit bente unos na ako. Ngayon, mas matured na akong mag-isip at kumilos.
Naunawaan ko na ang ibig sabihin ni Yaya na dalaga na ko kaya dapat ay pino na kong kumilos at manamit. Mas naintindihan ko na ang salitang nobyo kahit hindi pa ko nagkakaroon nito. Base sa kuwento ni Queenie dahil may nobyo siya na taga-bayan. At hindi rin niya inililihim sa akin na nagtatalik sila pag nagkita sila sa tuwing nakakalabas sila ng Linggo.
Hindi na rin ako ignorante kung paano ang pagtatalik. Sex, wet dream, cum - ipinaliwanag sa akin ni Queenie. Kaya may idea na ako kung ano 'yon.
Masama siyang impluwensiya sa ignorante kong pag-iisip pero palagay ko ay mas magandang marami akong alam sa mga bagay-bagay sa mundong wala sina Yaya at ang Abuelo ko.
Dahil bukod sa mga istoryang nabasa ko na nasa Devirginizer Reading List ni Queenie. Nanood kami ng pirated DVD ng Fifty Shades of Darker kasama namin si Leona. Si Leona ay trenta'y siyete anyos na pero dalaga pa rin. Sawi daw sa pag-ibig kaya sobrang sungit. Nanood din kaming tatlo ng porn DVD. Si Manang Marta ay nag-rosaryo para daw patawarin kami sa kalaswaang pinapanood namin. Pinagalitan pa niya si Queenie dahil kung ano-ano ang itinuturo nito sa akin.
Naalala ko tuloy ang panaginip ko. Kung paano ko halikan ng lalaki na 'yon at himas-himasin ang matambok kong bombom mallows.
Gosh! Kelan ko kaya mararanasan ang ganoong halik?
"Hoi! Para kang timang d'yan na nakakapit pa sa labi mo." Tinuktukan ni Queenie ang noo ko. "Hinalikan ka na ba ng Prince Charming mo sa panaginip mo?"
Nginitian ko siya at tumango. "Ang ganda talaga ng mga mata niya. Singkit na parang laging nakangiti." Para kong nakalutang sa alapaap habang inaalala kung paano ako tingnan ng lalaki na 'yon. Parang gandang-ganda siya sa akin.
Kinikilig ako!
"Mata pa rin? Nakita mo na ba ang buong mukha niya?" excited niyang tanong.
"Hindi pa rin," dismayado kong sabi. Bigla tuloy akong napalabi. Pangatlong beses ko na napapanaginipan ang lalaki na 'yon. I know that he's the same guy because of his eyes. Pero unang beses pa lang kami naghalikan at unang beses pa lang niyang hinawakan ang aking mga kayamanan. Tila nararamdaman ko pa ang kakaibang sensasyon na bumabalot sa buo kong sistema sa pagdampi pa lang ng balat niya sa akin.
Pero sino siya? Bakit lagi ko siyang napapanaginipan? Nag-umpisa ito nang makita ko si Fera at ang bisita niya na naghahalikan. Singkit din ang bisita ni Fera pero alam kong hindi siya ang lalaki sa panaginip ko.
The first time I dreamt of him, he approached me from a beautiful garden and handed me a white flower. Hindi ko matandaan kung bakit hindi ko makita ang kanyang mukha. Tanging mga mata lamang niya ang natandaan ko.
I searched the flower in the Internet when I woke-up and its called Gardenia Jasminiodes o Rosal. Nilibot ko ang bakuran ng mansion pero wala akong nakitang ganoon klase ng bulaklak dito.
The second time I dreamt about him was in different scenery. I was swimming in a pool and he handed me my towel. The brightness of the sunrays that was behind him blinded me so, all I saw were those pair of chinky eyes.
At sa panaginip ko ngayon, I was lying next to him on a soft bed... I cannot see anything because it was so dark but I can hear water murmuring mellifluously.
Oh gosh, who is he? Why does he keeps on hunting me in my wildest dream? Is he real? Or is he just a product of my untamed imagination?
But whoever he is... he is my imaginary boyfriend. "Ayyiii! May nobyo na ko!" kinikilig kong sabi. Medyo nanginig pa ang aking katawan at napahawak ako sa bibig ko para hindi ako mapasigaw.
"Tongeks!" Napakapit ako sa noo kong tinapik ulit ito ni Queenie. "Nobyo sa panaginip? Kung kiligin ka... akala mo tunay ah!" Gumuhit ang kulubot sa manipis na labi ni Queenie. Agad din nagliwanag ang kanyang mukha. "Ipakilala ko na lang sa 'yo 'yung kaibigan ni Renante. Naku! Gwapo rin 'yon... at... jusmiyo... ang mga masel, Sisteh, namumutok!" Para na naman siyang bulate na binuhusan ng may sabon na tubig.
"Eh 'di sabog na katawan niya!" pamimilosopo ko, namumutok daw eh. "Kung kiligin ka d'yan, parang siya ang nobyo mo." Magkasalukob pa ang mga kamay niya sa bandang dibdib at nakatingin sa kawalan na tila nanaginip.
Sino kaya ang tongeks sa aming dalawa? Eh, siya 'tong parang timang na kiligin sa lalaki na 'yon.
"Siya kasi talaga ang crush ko kaso si Renante ang nanligaw sa akin," nanulis na naman ang labi niyang may lipstick pa eh, nandito lang naman kami sa loob ng mansion. At take note, kagigising lang niyan. 'Di pa nga 'ata siya nagsisipilyo, naka-lipstick na! Tsk! Tsk!
Gan'on ba talaga dapat? Dahil hindi nanligaw sa iyo 'yung nagugustuhan mo, sasagutin mo kung sino lang ang nanligaw sa iyo? Sabi ni Queenie, it's better than no boyfriend at all. Ewan ko, wala pa naman kasing nanligaw sa akin kaya hindi ko maintindihan ang logic niya.
Basta ako---I'm happy with my imaginary boyfriend!
Ang sabi ni Queenie, mukhang masaya raw si Fera. Kaya subukan ko raw magpaalam na isasama nila ko bukas sa pagsisimba sa bayan. At kapag pinayagan daw ako, doon na kami parehas tatakas. Sasakay daw kami ng bus, papuntang Maynila. Pagkatapos ay barko, pauwi sa amin. Sasamahan muna daw niya ko, bago siya umuwi sa kanilang probinsiya na hindi kalayuan sa amin.
Pinuntahan ko nga si Fera sa opisina niya dito sa mansion. Nagdala ako ng maligamgam na gatas. Lagi siyang umiinom sa gabi para daw siya nakatulog.
Hindi na ko kumatok at pinihit ko seradura. Sigaw niya kasi sa akin dati noong kumatok ako, "Tonta! Pumasok ka na lang!" Ilang beses na rin akong naghatid ng gatas na hindi na kumakatok.
"Mga inutil! Isang matandang mataba, natakasan kayo!" sigaw niya sa kausap niya sa phone. Nakatalikod siya sa may pinto kaya 'di pa niya ko napapansin.
Sabi ni Queenie, maganda mood eh, mukhang nag-aalburotong bulkan na naman ito. Makalabas na at baka ako pa madaluyan ng lava ng impiyerno.
"Mga gago! Hanapin n'yo agad. Sa isla, baka bumalik 'yon doon!" Napahinto ako sa paglabas nang narinig ko ang isla. Sino ang babalik sa isla? Si Yaya ba? Siya ba ang tumakas?
Pumihit ako paharap kay Fera at siyang pihit din niya. Parang siyang uminom ng isang boteng suka at biglang namutla. Agad siyang nagpaalam sa kausap niya.
"You! Kanina ka pa ba d'yan?" tanong niya at ngumiti siya sa akin na halatang peke.
"Si Yaya ba ang babalik sa isla?" balik-tanong ko sa kanya sa seryosong tono. "Siya ba ang tumakas?" may kalakasan na ang boses ko.
Ngayon naman ay parang maiiyak ang itsura niya sa pag-aalala. "Hindi makakabuti sa kaso ng Yaya mo ang pagtakas niya sa kulungan. Malapit nang lumabas ang summon."
Wala akong alam sa batas pero sa konting nabasa ko noong isang araw---na nakapagtago ako para makagamit ng WiFi---hindi nila dapat ikinulong ang Yaya ko. Iyon ang intindi ko pero hindi ako sigurado dahil hindi ko pa nga nakaka-usap si Selina tungkol doon. At gusto kong basahin sana ulit.
"Bakit nila dapat ikinulong ang Yaya ko kung wala pang-summon, 'di ba?" Medyo naningkit ang mata niya sa tanong ko. Nang mabasa ko iyon ay pinag-isipan kong mabuti. Puro tanggap lang ako sa sinasabi ni Fera. Naniwala ako na tinutulungan nga niya si Yaya. Napaka-ignorante ko. Tatanga-tanga. At takot dahil hindi ko man lang siya kinumpronta sa mga sutpetsa ko.
"Hindi kaya itinatago mo lang ang Yaya ko? Ikaw ang nag-frame up sa kanya. Dahil ikaw ang totoong nanglason sa Abuelo ko!" Ibinuhos ko sa mukha niya ang gatas niya at itinulak ko siya. Napasalampak siya sa sahig. Tumakbo ako palabas ng opisina niya. Kailangan makaalis na ko dito. Hahanapin ko si Yaya.
Mabilis akong tumakbo sa labas pero nakakandado ang mataas na tarangkahang bakal. Nakita ko na tumatakbo palapit si Manong Mateo, ang panggabing gwardiya, na nagtataas pa ng zipper ng pantalon niya. Tila umihi siya sa tabi-tabi.
"Manong, buksan mo po ang tarangkahan. Kailangan ko pong makaalis dito parang awa mo na po." Alam kong na kay Fera ang loyalty niya pero baka mapakiusapan ko siya ngayon. Binilinan sila ni Fera na huwag akong papayagang lumabas.
"Mateo! Pigilan mo ang batang 'yan!" malakas na sigaw ni Selina.
"Pasensiya na, Hija." Akmang hahawakan ako ni Manong kaya mabilis ko siyang tinuhod sa pagitan ng kanyang hita. Napahawak siya roon at napahiyaw sa sakit.
Napanood ko 'yon sa isang pelikula.
"Pasensiya na rin po!" Agad akong umakyat sa tarangkahang bakal. Bahala na. Sana lang hindi ako mapilayan sa pagtalon ko. Mahigit sa dobleng taas ko ang gate. Mga matutulis na bakal ang nasa tuktok. Sana lang ay huwag sumabit ang uniporme ko. Hindi pa kasi ako nakapagpalit ng padyama.
Nakapakabila na ko sa taas ng tarangkahan nang ...
BANG!
Nahulog ako sa gulat sa malakas na putok ng baril. Nagpaputok sa langit si Fera. Binubuksan na ni Manong ang tarangkahan. Kaya pinilit kong makatayo.... "Urgh!" napadaing ako sa sakit ng kanang paa ko. Nakasama ang bagsak ko at parang nawala sa ayos ang bukong-bukong ko.
Hindi ko ininda ang sakit at pinilit ko pa rin lumakad palayo.
"Sige, You! Lumayo ka pa - sa likod mo na ang susunod na bala nito!" malakas na sigaw ni Fera. Hindi ko pinansin ang babala niya. Kaya niya ba talaga kong patayin? Kung papatayin niya ko sana noon pa.
Nagpatuloy ako sa paglakad, hila ang kanang paa ko. Isa na naman nakakabinging putok ng baril ang narinig ko...
...at padapa akong humalik sa lupa.
Hindi ko alam kung saan ako tinamaan ng bala... ang alam ko lang... para akong itinulak ng napakalakas na puwersa. At narinig ko ang malakas na hiyaw ni Quennie sa pangalan ko.
Naramdaman kong may lumapit sa akin at itinihaya ako. Nanlilisik ang mga mata ng demonya. "Sumama ka na sa malandi mong ina!" Sinampal niya ko habang hawak ang baril.
Mama, magkikita na rin po tayo!
Pumikit na ang nanlalabo kong paningin.
To be continued...
6 May 2017
A/N: Hold your breath until next update...
Please Vote, Comment and Share.
Lab yah,
eiramana325 & -SilverPen
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top