WL 7

WL 7: Her Miserable Life

"Life isn't always good. Time will come that you will ask - why is life unfair? But believe me, you are still luckier than others.  Just trust - all your adversity will end soon."  Eiramana325 (WL7)

YOU's POV

Napasalampak agad ako sa sofa dahil sa tindi ng pagod nang sa wakas ay nakauwi na ko dito sa maid's quarters.  Nasa bandang likod ito ng mansion ni Fera, palayaw na ibinigay ko kay Selina na pinaiksi sa Lucifer-a.   Sobrang sama kasi ng ugali niya.  Kung Luci kasi ay sobrang halata.

"Umakyat na ba si Fera?" bulong sa akin ni Queenie.  Kaming dalawa lang ang nakakaalam ng palayaw na 'yan. 

Nasa kabilang upuan lang kasi si Leona, ang lintang leon na alipores ni Fera.  Nanonood sila ng pelikula sa DVD.  Ewan ko lang kung ano. 

Tumango lang ako kay Queenie.  Masyado kong pagod para sumagot pa.  Gusto ko na nga sanang pumasok sa silid namin na ilan hakbang na lamang ang layo pero nangangalog na  talaga ang aking mga tuhod.  Baka pagapang akong pumaroon kung pipilitin ko.

"Halika, magpahinga ka na." Inalalayan ako ni Queenie na makatayo at maglakad papasok sa silid namin.  Nahiga agad ako kama. 

"Ano na naman ang pinagawa sa'yo ni Fera at ganyang ang itsura mo?"  may awang tanong sa akin ng kaibigan ko. 

Inabutan niya ko ng damit kong pambahay, isang lumang t-shirt at short.  Mga pambahay at panloob ko lamang ang binitbit ni Selina nang dalhin niya ko rito.

"Salamat, bukas ko na ilalahad sa 'yo," matipid kong sambit.  Nginitian ako ng matipid ni Queenie at nagpaalam na lalabas lang ulit.

Ilang saglit bago ko bumangon para makapagbihis.  Hindi ko kayang mag-shower man lang at baka mapasma lang ang aking katawan kung maliligo ako.  Lalo na't malamig ang tubig.  Ayaw na ayaw ni Yaya na maliligo agad ako kapag pagod ako sa kalalaro sa isla.  Pinagpapahinga niya muna ko ng ilang oras.  Miss na miss ko na si Yaya.

"You, maglinis ka muna ng katawan bago ka magpalit ng damit."  Nagulat ako sa biglang pagbalik ni Queenie.  Akala ko manonood pa siya ng DVD.  Napatakip ako sa dibdib ko.  Nahubad ko na kasi ang uniporme namin.  Nakapanty na lang ako.  Hindi kasi ko natutulog ng may bra.

"Ay sus! Ba't nagtatakip ka pa d'yan? Nakita mo na nga ang lahat sa akin, ayaw mo man lang ako pa silipin ng sa 'yo.  Parehas naman tayong babae."  Alam kong pilit niyang pinasisigla ang tono ng boses niya.  Kung sa bagay, talaga naman masayahin siyang tao.  Humagikgik pa siya at iniabot sa akin ang isang palangganang may tubig at bimbo. 

"Ang puti-puti mo, ang seksi pa at sobrang ganda.  Buti na lang mas malusog ang hinaharap ko kaya 'di ako gaano nai-insecure sa 'yo."  Humalakhak pa siya matapos sabihin 'yon.

"Sabi kasi ng Yaya ko huwag akong maghuhubad sa harap ng ibang tao."  Pangangatwiran ko at nahihiya pa rin akong makita niya ang aking bundok ng susong dalaga. 

"Palagay ko'y si Fera ang insecure sa ganda mo,"  aniya.  Tumalikod ulit ako sa kanya.  'Di ko maiwasan mapangiti sa sinabi niya.  Inumpisahan kong magpunas ng aking mukha. 

"Ay!  Tattoo ba 'yang nasa likod mo?"  Napaigtad ako nang haplusin niya ang ibabang bahagi ng aking likod, malapit sa aking pang-upo.

"Balat 'yan, sabi ni Yaya."

"Talaga?  Kakaibang balat ito, kulay pula at hugis puso pa."  Napangiti na lang ako sa tinuran niya.  

"Sabi ni Yaya baka may pinaglihihan daw si Mama na hindi niya nakain noon kaya nagkabalat ako," pahayag ko kay Queenie.  Sabi pa rin niya na suwerte daw ito dahil kulay pula.  Sana nga...  Sana nga, Yaya, suwerte ito... At sana magkita na tayo ulit.

Nang makapagbihis na ko at pahiga na ulit sa aking kama.  Tumabi muna sa akin si Queenie at may iniabot.

"Bumili ako ng bago sa bayan kaya sa iyo na ito." 

Sumilay ang ngiti sa aking mga labi.  Hindi ako makapaniwalang may cellphone na ko sa unang pagkakataon.  "Pero wala akong pambayad dito."  Bigla akong nanlumo.  Sweldo kasi nila kahapon pero ako - ni isang kusing na duling, hindi binigyan ni Fera. 

Pasalamat na raw ako at kinupkop niya ko, pinapakain at kung magmamaldita pa raw ako ay hindi niya aasikasuhin ang kaso ni Yaya.  Iyon ang dahilan kaya natigil ako sa paglaban sa kanya.  Kaya sinusunod ko ang mga gusto niya para magkita kami ulit ni Yaya.

"Ano ka ba?  Bigay ko na nga 'yan sa 'yo.  May bagong sim card na rin 'yan.  Isinayb ko na rin ang bagong number ko diyan.  Sige, subukan mo kong i-text."  masayang sabi ni Queenie.  Alam ko nang gamitin ito dahil tinuruan niya ko dati.  Touch screen din ito na medyo lumang modelo na nga lang. 

Nakayakap ako sa kanya.  'Di ko mapigilan humikbi.  "Salamat."

Tinapik-tapik niya ko sa likod ko.  Buti na lang sa kabila nang paghihirap ko rito, nakatagpo ako ng mabuting kaibigan.  Inilahad ko na rin sa kanya kung bakit sobrang pagod ako ngayon.

Mula nang magising ako kaninang ala-singko ng umaga, ako ang nagluto ng almusal, naglinis ng buong salas, nagpalit ng naglalakihang kurtina, nagwalis sa bakuran, naglinis ng swimming pool, pati ang isang silid sa taas ay pinalinis din ng todo at ako pa rin ang pinagluto ng tanghalian at hapunan.  

Bakit ako lahat ang gumawa niyan?  Linggo kasi, day-off ng lahat ng kasambahay dito, maliban sa akin.  Pinalabas ni Fera ang tatlong kasamahan ko: si Manang Marta ang tagaluto, si Leona ang tagalaba at si Quennie na kasama kong maglinis.   Pati sina Manong Lukas na hardinero at Manong Juan na drayber ni Fera.

Utos dito, utos doon ang ginawa niya sa akin habang nakapamaywang at lumuluwa ang malaking mga mata.  Talagang sinasadya niya kong pahirapan pag nandito siya sa bahay.

Mahigit isang buwan na ko rito sa impiyernong kaharian ni Fera.  Pagsumasagot o lumalaban ako sa kanya ay sakit ng katawan ang napapala ko - sampal, hampas, kamot at sabunot.  Pagkulong sa akin sa imbakan ng magdamag at hindi pagpapakain.  At nitong huli nga kaming nagkasagutan, hiniling kong ibalik na lang ako sa isla.  Mabuti pang nag-iisa ko d'on, kaysa sa ganito na inaalila niya lang ako.

"Kung gusto mo pang makita ang Yaya Eva mo---isaksak mo sa kakarampot mong utak ang sasabihin ko---mamamatay sa bilangguan ang Yaya mo kung hindi mo susundin ang gusto ko.  Mabigat ang kaso sa kanya at pag nagmaldita ka pa, walang tutulong sa inyo.  At hindi mo na siya makikita."

Iyan ang eksaktong sabi ng demonya.  Naghahanap lang ako ng pagkakataon makatakas dito.  Mataas ang mga pader at may barbed wire  pa.  Ni hindi pa ko nakakalabas sa bakuran na ito.  Ayon kay Queenie, malayong takbuhin bago kami makarating sa pinakamalapit na hacienda. 

Kung makalabas man daw ako at siguradong maabutan lang ako ni Fera.  Kung sa loob naman daw ng kakahuyan ako dadaan, baka raw maraming mabangis na hayop.

Kailangan daw pag-isipan namin mabuti kung paano ako makakatakas sa impiyernong kinasasadlakan ko.

Abala ako sa paggu-google kung gaano kalayo ang aming probinsiya dito sa kaharian ni Fera.  Nasa Timog ang isla ni Abuelo at nandito ako ngayon sa San Martin, malapit lang daw ito sa Maynila.  Ibig sabihin, sobrang layo ko ngayon.

Nagtatago ako sa broom closet dito sa mansyon.  Dito kasi may WiFi, wala sa maid's quarter.  Oo, hindi na ko gaanong ignorante sa Internet at sa maraming bagay-bagay.  Tinuturuan ako ni Queenie.  Dito sa Internet lang din ako nagse-search ng balita tungkol kay Yaya pero wala akong mahanap.

"YOUUUU!"  Naulinigan ko ang paghiyaw ni Fera.  Nagmamadali kong ibinulsa ang cellphone at nag-alis ako ng ilang hibla ng aking buhok sa maayos na pagkakatali para kunwari ay magulo na ang buhok ko sa pagod.  Tumakbo ko papunta sa living room kung saan naghihiyaw si Fera.  "Asan na naman ba ang malditang bab--" 

"Ba--bakit po, Señora?"  kunwari'y hinihingal kong tanong. 

"I have a visitor coming today and I want you to stay in your room.  Huwag mong ipakita 'yang pangit mong pagmumukha sa bisita ko.  Kung hindi - alam mo na mangyayari sa Yaya mo."  Nanlilisik na naman ang luwa niyang mga mata. 

"Opo,"  mahina kong sagot. 

Aba! Mabuti nga iyon at makakapagpahinga ko ng maaga.  Alas-kuwatro pa lang ng umaga' gising na ko.  Bakit ko naman nanaising makita ang bisita niya kung kasing sama naman ng ugali n'ya.  Sabi nga... Friends with same bad motives are partners in crime.

Lunch time niya ini-expect ang panauhin niya.  Kaya nang papasok na ito sa mansion ay itinaboy na agad ako ni Fera.  Pinagbilinan na huwag akong lalabas ng silid namin ni Queenie. 

Ayos! Magbabasa na lang ako ng Wattpad.  May mga naka-download na mga istorya si Queenie dito sa dati niyang phone. 

Nahiga ako sa kama ko at inumpisahang maghanap ng babasahin.  Nabasa ko na pala ang lahat ng istorya dito sa reading list niya na Tweetums.  Sabi niya ito lang daw ang puwede sa akin at huwag ko raw subukang basahin iyong nasa reading list niya na Devirginizer.  Kung ayaw ko raw mamulat sa kamunduhan.  Itanong ko kung ano ibig niyang sabihin, tinawanan lang ako.  Minsan may pagkabaliw din talaga si Queenie.   

Dahil wala na kong ibang mabasa kaya binuksan ko ang Devirginizer at pinindot ang unang istoryang nandoon.

Wet Link? Ba't kaya ganito title nito?

Pinagmasdan ko ang book cover - Babaeng nakatingala? May tinatanaw lang? Ano kaya iyong hawak niya, totoong tao ba iyon o mannequin na basa ng tubig?  Ahh, kaya Wet.  Eh, ano kaya 'yung Link?

Matanong talaga ko, lagi kong pinag-iisipan ang pamagat ng librong binabasa ko.  Dahil sa pamagat malalaman mo na kung ano ang nilalaman nito.  Pero itong Wet Link, wala akong maisip na ideya.      

Binasa ko na lang ang deskripsyon ng istorya...

Do you believe in destiny? Where someone is rightfully yours? When somebody's heart belongs to you and to no one else?

Napangiti ako at sumagot ako ng... Oo naman! 

Does happily ever after even exist? Where love is pure? When love becomes eternal?

Interesting!  Kaya ipinapatuloy ko ang pagbabasa.  Napa-isip ako habang nagbabasa... posible nga kayang mapanaginipan mo ang nakatakdang tao para sa'yo?  Sa akin kaya, may nakatakda rin?

And many nights after the other, in a dream, you always find yourself with that someone passionately having sex in a wet dream that makes you cum every night.

Ilang ulit kong binasa ang talata na ito, pero hindi ko gaano maunawaan.  Passionately having sex, wet dream that makes you cum?

Sex? Wet dream? Cum?

Wala pa naman WiFi dito, hindi ko mahahanap ang ibig sabihin ng mga salitang ito.  Ang alam ko lang - sex meaning gender, male o female.  Pero parang iba ang ibig sabihin sa pangungusap na ito.  Sayang kung nandoon sana ko sa silid-aklatan sa bahay namin, mahahanap ko sa diksyonaryo.  Tanungin ko kaya si Queenie?  Ay, bawal nga pala ko lumabas!

Ipinapatuloy ko na lang ang pagbabasa ng Wet Link: Prologue. Saka ko na hanapin ang kahulugan ng mga iyon.  Ganito talaga kong magbasa, gusto kong naiintindihan kong mabuti ang aking binabasa.

She's laying under me with her back exposed.  Pareho kaming nakahubad sa malambot at mala-ulap na kama. Dahan-dahan ko siyang hinalikan sa braso patungo sa kanyang leeg.  She's submissively under me habang patuloy ako sa paghalik sa leeg at tenga niya.

Nanlaki ang mga mata ko sa pagbabasa habang isinasalarawan sa aking isip ang mga kaganapan sa binabasa ko.  Paghalik sa leeg at tenga?  Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko dahil parang may gumapang na kung ano sa katawan ko na nagbigay sa akin ng kakaibang init.

I can feel her shiver from her neck down to her naked back. My long and hard shaft grazing in between her smooth legs. 

Naked back?  Nakahubad sila? Long and hard shaft - ano 'yon?  May dala ba siyang patalim?  Papatayin niya kaya iyong babae?

May pinapanood dati sina Queenie... iyong lalaki sasaksakin iyong babaeng nakatalikod.  Nagtilian pa nga sina Leona at Queenie.  Nang biglang humarap ang babae, biglang itinago ng lalaki iyong patalim niya sa kanyang likuran at ngumiti sa babae.  Hindi ko na pala nalaman kung ano nangyari doon kasi inaantok na ko.  Hindi ako nakakapanood ng mga pelikula sa DVD dahil sobrang pagod na ko lagi.

Bawat halik ko sa leeg niya ay siyang ungol niyang napakasarap sa tenga.

Huh? Bakit siya umuungol?  Paano naging masarap sa tenga ang pag-ungol?

"Ohh uhuummm... Ohhh... I can't take it anymore... Ohhh... P-put it inside me, please?" maamo niyang boses na mas lalong nagpa-wild sa akin.

Put it inside me?  Gusto niyang saksakin siya? Baliw pala ito eh.  Itinigil ko muna ang pagbabasa--- kumakalam kasi ang sikmura ko---nagugutom na ko.  Ala-una na kaya.  Siguro naman tapos na kumain sina Fera at ang bisita niya.  Kukuha muna ko ng pagkain sa kusina.

Lumabas nga ako sa silid ko.  Kaso sinita ko lintang leon, "Ooops, saan ka pupunta?  Ang sabi ni Señora d'yan ka lang sa silid mo ah?"  Nakaupo siya sa sofa at nanonood.

"Gutom na ko, kukuha lang ako ng pagkain," pangangatwiran ko.

"Hindi pa tayo puwedeng kumain.  Tatawagin tayo ni Manang pag puwede na," sagot niya at nagmamadaling tumakbo sa banyo hawak ang tiyan.  Natawa ko, siguro natatae.  Hilaw na mangga ba naman ang pinapapak eh. 

Sa halip na sa kusina, sa likod-bahay na lang ako pumunta.   Umakyat ako sa puno ng Makopa.  Mga hinog na ang bunga dahil matitingkad na kulay rosas na ang mga ito.  Nanguha ko ng mga bunga at ibinulsa ko.  Pumuwesto ko sa medyo malapad na sanga na natatakpan ng maraming dahon para 'di ako makita.  Ang sarap manginain dito. 

Napatingin ako sa balkonahe ng silid ni Fera at nandoon pala sila ng bisita niya. Kaso nakatalikod ang lalaki kaya 'di ko makita ang mukha.  Parang umiinom sila ng alak. 

Malapit pala itong puno ng Makopa sa silid ni Lucifer-a.  Tanaw na tanaw sa puwesto ko ang loob ng kanyang silid, nakahawi kasi ang mga kurtina.

Napatigil ako sa pagkagat sa Makopa at napadilat ang aking singkit na mga mata nang makita kong magkadikit na ang mga labi nina Fera at ng lalaki.

Ipinulupot ni Fera ang mga braso sa batok ng lalaki pati na rin ang kanyang mga biyas sa baiwang nito at hawak nito ang pwetan ng demonya. 

Pumasok sila sa silid ni Fera at isinandal siya ng lalaki sa dingding.  Nakatagilid sila sa paningin ko kaya kitang-kita ko na patuloy na magkadikit ang kanilang labi.  Mayamaya ay tumingala si Fera at nasa leeg naman niya ang mukha ng lalaki.   

Dahil hindi naman kalayuan ang puwesto ko sa bintana... Rinig ko ang mga ungol ng demonya na parang nasasarapan.   Ganyan ba ang ibig sabihin sa librong binabasa ko?

Bawat halik ko sa leeg niya ay siyang ungol niyang napakasarap sa tenga.

Ohh!  Eh, ano kaya iyon hard shaft?  Baka mamaya patayin niya si Fera ah.  Pinagpatuloy ko ang panunubok at hinawi ko pa ang mga dahon sa aking mukha.  Tinitingnan ko kung maglalabas ng patalim ang lalaki.  Sisigaw ako at hihingi ng tulong kung mangyayari 'yon.  Kahit naman buwisit ako kay Fera, ayoko siyang mamatay.

Lumakad ang lalaki habang kalong pa rin niya ang demonya patungo sa kama at inilapag doon.  Maliit na babae lang si Fera kaya nakatayo siya sa kama at mataas lang ng konti sa matangkad na lalaki.

Nagmamabilis ang mga kamay niya sa pag-alis sa mga butones ng kamiseta ng lalaki at ang kamay naman ng lalaki ay nasa likod niya.  Tuluyang hinubad ng lalaki ang suot na pang-itaas at bigla naman bumagsak ang bestida ni Fera sa kama. 

Napasinghap ako dahil walang suot na bra ang demonya at naka-thong lang na pula.  Ang kanyang mga dede ay halos kasinglaki ng kay Queenie pero medyo bagsak.  Gosh! Pangalawang dedeng nakita ko.  At oo, alam ko na ang thong, may ganon panty kasi si Queenie.  Binigyan pa nga ako ng isa pero 'di ako komportable ng isuot.

Nagdikit na naman ang mga labi nila habang ang kamay ng lalaki ay nasa dibdib ni Fera at pinipisil-pisil iyon.  Umungol na naman si Fera nang bumaba ang labi ng lalaki sa kanyang leeg... pababa sa kanyang dibdib.

"Ohh!"  gulat kong sambit nang may kalakasan.  Para kasing sinisipsip ng lalaki ang tuktok ng bundok niya.

Napatingin sa bintana ang lalaki, narinig yata ako at parehas kaming nagulat nang nagtama ang aming mga mata.  Saglit lang iyon dahil agad hinapit ni Fera ang ulo nito para idiin sa kanyang dibdib.  Agad din akong nagkubli sa mga dahon at nagmamadaling bumaba ng puno.

Lagot ako!  Nakita ko ng bisita ni Fera.  Baka isumbong niya ko sa demonya, sakit na naman ng katawan  iyon.  Buti na lang at walang tao sa common area namin kaya pumasok ulit ako sa silid namin.  May pagkain na nasa tray at nakapatong sa kama ko.  May note pa si Quennie, bawal ka raw lumabas kaya dinalhan kita ng pagkain.

Parang nawalan ako ng gana o baka nabusog na ko sa Makopa.  Mamaya na lang ako kakain.  Ipinatong ko sa lamesita iyong tray ng pagkain at nahiga sa kama.

Iyong lalaking kasama ni Fera, marahil ay kasing-edad niya.  Gayon pa man, guwapo pa rin ito at maputi.  Ang mga mata niya... singkit din parang tulad ng sa akin.  Sino kaya siya?  Isusumbong niya kaya ako?  Ano ang ginagawa nila na parang hindi makapag-intay ang demonya?

Binasa ko ulit 'yung prologo ng istoryang binabasa ko kanina.

Hindi ko pa rin lubos maunawaan ang mga nakasulat dito.  Pero parang katulad ito ng ginagawa nina Fera.

Slowly, her right hand went down towards her wet private, spreading it deliciously. It's wet and surely is tight.

Wet private?

Narinig kong may mga yabag na papalapit sa aming silid kaya agad kong itinago sa ilalim ng unan ang cellphone at nagpanggap na natutulog.  Rinig ko ang galit na boses ni Fera, "siguraduhin mo lang na tulog nga ang malditang 'yan kundi pati ikaw malilintikan sa akin."

Ramdam kong bumukas ang pinto. "Sabi ko naman po sa inyo, Señora, kanina pa tulog si You." 

Nagmulat lang ako ng mga mata nang mapakiramdaman kong pahina nang pahina ang nagdadabog na yabag ng demonya.  Malayo na ito...

Pero nagulat ako na nakangisi sa akin si Queenie.  "Saan ka nanggaling kanina?"  pabulong na tanong nito.

Ngumiti rin ako sa kanya, "I'll tell you later."

20 April 2017

A/N:  Ikaw Queenie, reader ka pala namin ha... 
Hala!  Made-devirginized na utak ni You sa pagbabasa.

Please Vote, Comment and Share.

Lab yah,
eiramana325 & -SilverPen

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top