WL 10
WL 10: Escape from Hell
"An envious heart that welcomes greediness and harted will lead you to do horrible things." - Wet Link 10
3rd Person's POV
Nadudurog pa rin ang puso ni Aling Riza habang maingat na dinadampian ang mga pasa na katawan ng dalagang kanilang napulot may dalawang linggo na ang nakalilipas. Pagaling na ang mga pasa nito ngunit ingat na ingat pa rin siya na baka masaktan ang dalaga.
Sariwa pa sa isip ng ginang ang naganap noong araw na iyon. Muntik na nilang mabundol ang babae nang bigla itong sumulpot sa kanilang daraanan pauwing Maynila. Mabuti na lang at nakapagpreno agad ang kanyang asawa. Galing sila sa San Martin kung saan may dinalaw siyang kamag-anak na may sakit. Madaling araw nang sila ay bumiyahe upang hindi maabuyan ng trapiko.
Bumaba sila ng sasakyan at tiningnan ang babaeng napatihaya sa kalye, dahil na rin sa pagkabigla. Madungis ang kasuotan nito, gayundin ang buong katawan. Basa ang kamisetang suot nito at amoy mapanghe pa. Matinding awa ang naramdaman nila para rito. Gusto na sana nilang iwan ang babae dahil baka kasabwat lamang ito ng mga tulisan sa lugar na iyon. Subalit, naantig ang kanilang puso nang magsalita ito.
"T-tulong... parang awa n'yo na po... tulungan n'yo ko."
"Dalhin natin siya sa ospital," ani Aling Riza sa asawa.
"Huwag po sa o-ospital... m-mahahanap po... ako ni Fera. P-pakiusap... itago n'yo p-po ako... sa k-kanya," pautal-utal at nanginginig ang boses ng dalaga na tila hinahabol ang hininga sa tindi ng pagod. Nabasa rin nila ang matinding takot sa mga mata nito, bago tuluyang nawalan ng malay.
Pinagtulungan nilang buhatin ang dalaga at isinakay sa likod ng sasakyan. Nagpasya ang mag-asawa na dalhin siya sa pribadong klinika ng doktor na kaibigan ng kanilang amo.
Ikinuwento nila sa doktor ang nangyari at ang pakiusap ng dalaga bago ito nawalan ng malay. Gusto kasi ng doktor na dalhin sa ospital ang dalaga nang mas masuri ang mga sugat nito sa katawan. Nakita pa kasi nito ang sariwa pang sugat sa balikat ng babae at ang namamaga nitong bukong-bukong.
Gusto rin sana ng doktor na iulat sa pulisya ang tungkol sa babae, ngunit nakiusap si Aling Riza na baka lalong ikapahamak ng dalaga ang kanilang gagawin. Nais niyang magising muna ang dalaga nang matanong nila ito.
Gayunpaman, ang pasya pa rin ng doktor ang nasunod. Dinala nila ang dalaga sa ospital kung saan nagkadu-duty ang doktor. Ngunit hindi na muna nila ini-report sa awtoridad ang tungkol sa dalaga.
Nagising ang dalaga makalipas ang tatlong araw ngunit hindi nila makausap. Nakatulala lamang ito. Na-trauma raw ito ngunit ligtas na sa panganib. Maliban sa pilay nito sa kanang bukong-bukong ay walang ibang baling buto ang babae. Pakiwari nila'y madalas saktan ang dalaga dahil sa mga marka ng pasa nito sa iba't ibang parte ng katawan.
Hindi nilubayan nina Aling Riza at Mang Teo ang dalaga. Nagsasalitan sila sa pagbabantay dito sa ospital. Sila na rin ang nagbayad sa mga gamot na kailangan nito. Wala silang bayad sa doktor at sa ospital dahil inilagay ni Dr. Delos Santos ang dalaga sa charity organization nila.
"Wala bang puso ang Fera na iyon para saktan ang isang batang tulad mo," sabi ni Aling Riza sa natutulog na dalaga habang nililinis pa rin niya ang katawan nito.
Nang malinisan kasi ang dalaga ay nakita nila ang maganda at maamo nitong mukha. Tantiya nila ay wala pa sa disiotso ang edad ng babae.
Sa dalawang linggo ay madalas na tulog pa rin ang dalaga. Nagigising ito na umuungol at umiiyak, tila dinadalaw ng nakahihindik na bangungot. Pag nagmulat ito ng mata ay nakatulala lamang ito at hindi sumasagot sa mga tanong nila.
Isang linggo pa ang inilagi nito sa ospital bago i-discharge ni Dr. Delos Santos. Kahit hindi pa nagsasalita ang dalaga ay sumasagot na ito sa pamamagitan ng pagtango at pag-iling kapag kinakausap. Kung hindi nga lamang nila narinig na nagsalita ito noon ay iisipin nila na pipi ito. Kumakain na rin itong mag-isa. Iniwasan muna nila ang pagtatanong tungkol kay Fera at sa nangyari rito. Ipina-schedule na ito ni Dr. Delos Santos sa kaibigan na Psychologist.
Isinama pauwi nina Aling Riza at Mang Teo sa kanilang tahanan ang dalaga. Nasa mahigit sisenta na ang edad ng mag-asawa at wala silang anak. Kaya napagkasunduan nilang kupkupin ang babae hanggang naka-usap na ito nang maayos.
"Gusto mo bang magpahangin sa bakuran?" tanong ni Aling Riza rito matapos silang mag-almusal.
Isang linggo na rin nang makauwi sila mula sa ospital. Hindi pa rin nagsasalita ang dalaga, ngunit hindi sila nagsasawang kausapin ito. Nababasa pa rin nila ang takot sa mga mata nito, katulad ngayon.
"Huwag kang mabahala, hija. Ligtas ka sa lugar na ito. Walang mananakit sa iyo. Nandito kami ng Tatay Teo mo para protektahan ka," pagbibigay seguridad ni Aling Riza sa dalaga. Matamis na nginitian ng ginang ang babae.
Bahagya itong gumanti ng ngiti at tumingin sa paligid na tila isang sundalong sinisigurado ang kaligtasan ng lugar. Ngayon lamang nasilayan ng ginang ang pagngiti ng dalaga.
"Lalo kang gumaganda pag naka-ngiti ka, hija. Halika't maglakad-lakad tayo sa labas. Mas mabuting maarawan ka nang hindi ka gaanong maputla," pagkumbinse pa rin ni Aling Riza sa dalaga.
Tumungo ang dalaga. Inakay ni Aling Riza ang dalaga, medyo paika-ika pa rin kasi itong maglakad dahil naka-cast pa ang paa nito. Dalawang linggo pa raw bago tanggalin iyon.
Masikat ang araw nang umagang iyon, ngunit maraming malalaking punong nakapalibot sa bungalow style na bahay ng mag-asawa. May katabi rin itong isa pang bungalow at sa bandang harap ay isang malaking mansyon.
Mayordoma si Aling Riza sa mansyon at hardinero naman si Mang Teo. Sa kabilang bungalow nakatira ang dalawa pang kasambahay na pawang matandang dalaga, na lagpas na sa kalendaryo ang edad. Ang driver ng kanilang amo ay hindi roon nakatira. Ang kanilang amo ay kasalukuyang nasa ibang bansa.
Nakabuti nga sa dalaga ang pagpapahangin sa bakuran. Madalas na itong ngumiti ngunit hindi pa rin nagsasalita. Isinulat lang niya ang palayaw sa isang papel.
Ilang linggo pa ang lumipas, nabura na ang bakas sa hirap sa kanyang katawan. Humilom ba rin ang sugat sa kanyang balikat at maayos na siyang nakapaglakad. Ngunit ang may takot at lungkot pa rin ang mga mata nito. Hindi pa rin siya nagsasalita at madalas pa rin ang pagdalaw ng masamang panaginip.
~👹~👹~👹~
Iminulat ni You ang namimigat na talukap. Hindi siya pamilyar sa amoy ng paligid. Masyadong masangsang ang amoy na tila may nabubulok.
Hindi ito ang silid namin ni Queenie. Nasaan ako?
Iginala niya ang nanlalabong mga mata sa paligid na nasisinagan lamang ng kaunting liwanag ng araw, nagmumula sa mga butas sa dingding. Nasa isang bakanteng lumang silid siya ngunit hindi ito ang imbakan na dating pinagkukulungan sa kanya ni Fera. Mga putol-putol na karton ang higaan niya na nakapatong sa lupa.
Yari sa makalawang mga yero ang silid na may malilit na butas ng pinagpakuan. Walang bintana ngunit may pintuan na yari rin sa yero at may nakakabit na kadena. Paika-ika siyang lumapit dito. Sinubukan niyang alisin ang kadena ngunit nasilip niya na may malaking padlock ito.
"Señora, pakawalan mo na po ako!" pagsigaw niya na umugong sa loob ng silid.
Hinampas niya ang yerong pintuan ngunit naramdaman niya ang matinding kirot ng kanyang kanang balikat. Kinapa niya ito at napagtantong may benda ito, na nagpaalala sa kanya ng natamong sugat sa pagtama ng bala rito.
Totoong binaril ako ni Fera? Bakit hindi pa ko namatay?
May lumandas na mainit na likido sa kanyang pisngi hanggang sa tuluyang nang bumaha ang kanyang mga luha.
"Mama... Abuelo... sana sinundo n'yo na lang ako," aniya sa pagitan ng paghagulgol.
"Bakit hinayaan pa niya akong mabuhay? May kailangan pa ba siya sa akin?" paulit-ulit niyang tanong na tila isang sirang plaka.
Muli na naman niyang kinalampag ang dingding at humiyaw, "Tulong! Parang awa n'yo na, tulungan n'yo ko!"
Ilang ulit pa siyang naghihiyaw ngunit siya lamang ang nangbubulabog sa nakabibinging katahimikan sa paligid. Sumilip siya sa mga butas ng yero. Mga tambak ng basura ang nasilayan ng kanyang paningin. May bundok ng mga plastik na sisidlang ng mga tubig, mga salansang ng mga papel at diyaryo, mga bote ng soda at alak. Nahagip pa ng mata niya ang mga nagliliparang langaw at naghahabulang mga daga.
Walang pag-asa siyang sumalampak na lang ulit sa lupa hanggang sa tuluyang huminto ang pagpatak ng kanyang luha na tila ilog na natuyot.
Muli niyang iginala ang paningin sa loob ng bodega. Sa isang sulok ay may malaking arinolang kinakalawang na rin ngunit wala naman butas nang ito'y kanyang inspeksiyunin. May mga plastik bag at tambak ng lumang diyaryo. May isang papel na may nakasulat na ang hirap basahin dahil para itong kinahig ng manok.
"Ga-me-ten ang d-yar-yu pam-po-nas ng pwit pag ti-mai ka sa plas-tek. Hwag kale-motan ibo-hul. Ila-gay ma-la-pet sa pin-tu para mata-pun sa labas kong a-yaw mung mamahu," putol-putol niyang pagbasa.
Diyaryo ang pampunas? 'Di kaya magasgasan ang puwet ko? Wala man lang bang tubig at tabo?
Tongeks ka talaga, You! Naisip mo pa iyan eh, ikinulong ka nga sa tambakan ng basura.
Sabi ng maliit na boses sa kanyang utak. Kumalam ang kanyang sikmura sa gutom.
Baka gusto ni Fera na unti-unti kang mamatay sa gutom at bantot ng lugar na iyan. Tamang pahirap sa panibago mong impiyerno!
Noon lamang niya napuna na may isang supot na kulay tsokolate sa tabi ng kanyang higaang karton. Nang tingnan niya ang nasa loob ay may nakabalot na kanin sa isang plastik at isang pirasong pritong galunggong. May isang boteng tubig din. Agad niyang nilantakan ang pagkain at pinawi ang uhaw ng kanyang lalamunan.
Hindi pa ko gustong mamatay ng demonya. Ano kaya ang kailangan niya sa akin? Paano kaya akong makatakas dito?
Sinubukan niyang sipain ang mga yero, nagbabakasakaling matanggal ito sa pamakuan, ngunit nayuyupi lamang ito. Matibay ang pagkakapako sa mga ito. Tanging ang pintuan lamang ang naisip niyang labasan.
Tiyak na may kampon si Fera na siyang nagbigay sa akin ng pagkain. Pero wala akong masilip sa labas.
Nabalot nang kadiliman ang buong paligid nang lumubog ang haring araw. May narinig siyang mga boses na tila nagdiriwang, nakatulog pala siyang muli. Kinakain siya ng matinding takot ngunit nilakasan niya ang kanyang loob. Muli siyang sumilip sa mga butas at nakita niyang may tatlong lalaking nag-iinuman. May nakasinding gasera na nagbibigay ng konting liwanag sa kadiliman ng paligid. Nakatalikod sa kanya ang dalawa lalaki at isa ay hindi niya maaninag ang mukha dahil natatabingan ng isang lalaki.
Alam kaya nilang may tao rito o sila ang kampo ng demonya?
Nagtalo ang kanyang isip kung hihingi ba ng tulong o hindi. Nagpasya siyang subukan.
"Tulong! Tulungan n'yo po ako! Tulong!" paghiyaw niyang muli habang kinalampag ang pintuang yero.
"Bulate, patahimimik mho ngah ang babaeng iyon, hik! Masakit sha thenga ang bhoses," sigaw ng isang lalaking nakatalikod. Nangilabot siya sa lalim ng boses nito na tila nanggagaling sa ilalim ng lupa kahit pa halatang lunod na ito sa alak.
"Sa pagmumukha pa lang ni Bulate, siguradung tatahimik na ang babaing iyon," mapang-uyam na sabi ng isa pang nakatalikod na lalaki. Halata rin lago na ito sa alak. Malakas pa na nagkawanan ang tatlo.
Tumayo ang lalaking payat at nasinagan ng konting liwanag ang itsura nito. Nais niyang pagsisihan ang pagsigaw dahil naaninag niya ang malaking peklat nito sa kalahating mukha na nagbigay lalo ng kilabot sa buong niyang katawan. Pakiwari niya'y nasunog ang mukha nito.
"Sa gandang lalake ku, mahoholug ang pante ng babaeng iyun," sabi ng lalaki. "Hende naman senabe ni busing na bawal tekman ang babaing iyun, 'de ba? Nalelebogan aku sa kenes n'ya," anito na tila naglalaway pa.
"Tarantado! May katas ka pa ba? Magdamag mong niromansa ang dalawang belyas sa kasa, libog ka pa rin!" sabi pa rin ng pangalawang lalaki.
Nangilabot siya sa pinagsasabi ng mga lalaki. Hindi na siya ang dating You na ignorante sa ganoong bagay. Nauunawan na niya ang pinag-uusapan ng mga ito. May plano itong gahasahin siya. Nanahimik na lang siya at umupo sa isang sulok malayo sa pinto. Naghanap siya nga maaring ipanglaban ngunit wala naman kahit putol na tabla o bote sa loob ng bodega. Ang bote ng tubig na pinag-inuman niya kanina ay yari sa plastik.
"Sa tagal ba naman nategang ni Bebe Bulati sa luob ng presu kaya bumabawe. Nuong nakalawa ku pa gostung tekman si Tesay kasu ang tagal natolog. Gostu ku pa naman sa babai iyung lumalaban. Mas masarap rumansahen!"
Nakatutulig na halakhakan na naman pinakawalan ng tatlo.
"Putahnah kah, Bhulateh! Akoh ang uunah sa babaeng iyan, akoh ang boss n'yo!"
Kahit nakatakip na ang kanyang kamay sa kanyang tenga ay rinig pa rin niya ang usapan ng tatlo.
"Tutulugan mo lang si Tisay niyan, Kobra! Sobrang laseng ka na. Bukas ka na tumira! Kami na lang ni Tuknoy ang magpapakaligaya ngayon! Tumatayo na rin si Baby Tuklaw!" sabi ng pangalawang lalaki at hinimas pa ang pag-aaring namumukol sa kanyang pantalon.
"Tarantadoh ka, Tuklahw, 'deh pa ko lasheng!" sigaw nito, kasunod ang suntok sa mukha ni Tuklaw.
"Putang'na! Ba't mo ko sinuntok!" Pinalipad rin ni Tuklaw ang kamao at napangahan niya ang lalaking mas malaki ang katawan sa kanya dahil nga sa sobra na itong lasing.
Nilapitan ito ni Tuklaw, tatadtakan pa sana, ngunit nasalag nito ang paa ni Tuklaw at mabilis na pinilipit.
Sinamantala naman ni Bulate ang pagbabangayan ng dalawang kasama. Binuksan nito ang pintuan ng bodega at iginala ang tingin sa kadiliman nito. Naaninag niya ang pigura ng dalaga sa isang sulok.
"Tesay, cum tu dade!" pag-i-ingles pa nito habang humahakbang palapit sa dalaga.
"Huwag po. Maawa ka po sa akin?" nanginginig sa takot ang boses ng dalaga, kasabay rin ng panginginig ng kanyang katawan.
"Hendi keta sasaktan basta't mabaet ka lang. Sasakyan lang keta at palelegayahen." Tumawa pa ang lalaki habang papalapit sa kanya.
Nang dalawang hakbang na lang ang layo nito ay mabilis na tumayo si You at sinipa ang nasa pagitan ng hita ng lalaki. Patihaya itong natumba na sapo ang sandata. Paika-ikang tumakbo ang dalaga ngunit bago pa siya makarating sa pintuan ay nahila na ni Bulate ang kanyang buhok. Agad siyang sinampal nito at napasalampak siyang muli sa lupa. Nalasahan niya ang sariling dugo mula sa pumutok na labi.
"Sore, Tesay. Sabe ko pakabaet ka nang 'de ka masaktan." Pumaibabaw ang lalaki sa kanya at inilapit ang mukha sa kanya upang mahalikan siya.
Pilit naman niyang itinutulak ang mukha nito gamit ang kaliwang kamay. Ang kanang kamay niya ay naghagilap ng kahit anong bagay na makakatulong. Mariin na hinawakan naman ni Bulate ang kaliwang braso niya, naaninag niya ang pagngisi nito sa kasiguraduhang tagumpay. "Palaban ka talaga, Tesay. Lalu akung ginaganahan."
Muli nitong inilapit ang mukha ngunit bago pa ito makahalik sa kanya, ay sumaboy na sa mukha nito ang ihi sa arinola at humalik ang ulo nito ang nguso ng arinola. Napaalis ito sa ibabaw niya gawa ng malakas na paghampas niya. Muli niyang pinaghahambalos ang ulo ng lalaki gamit pa rin ang arinola. Hindi niya iniinda ang sakit ng sugat niya sa balikat. Nakatulog si Bulete sa tindi ng mga tama sa ulo.
Mahigpit pa rin ang pagkahawak niya ang arinola nang paika-ikang tumakbo sa pintuan. Sumilip siya sa labas at nakita niya na nagtatagisan pa rin ng lakas ang dalawang duguang lalaki. Nakapaibabaw ang medyo mas payat at patuloy na sinusuntok ang may malaking katawan.
Dalangin niya na hindi siya mapuna nito sa kanyang pagtakas. Pagapang siyang nagkubli sa mga salansang ng mga diyaryo. Nakalayo siya sa tambakan. Lakad-takbo ang kanyang ginawa sa gitna ng kabukiran. Hindi niya alintana ang sobrang pagod.
May natanawan siyang mga ilaw na pakiwari niya'y kalsada. Lalo niyang binilisan ang paika-ikang pagtakbo kahit sobrang sakit na ng kanyang paa at balikat. Ihinarang niya ang sarili nang may nakita siyang parating na sasakyan.
"Umiiyak ka na naman, anak. Ligtas ka rito." Napatingala siya sa malambing ni boses ni Nanay Riza, na humila sa kanya mula sa madilim niyang paggunita sa impiyernong pinagsadlakan sa kanya ni Fera.
Pinunasan nito ang mga luha sa kanyang mga mata gamit ang mga makulubot na nitong mga kamay.
Yumakap siya sa baywang ng ginang at sinabing sa kabila ng paghikbi, "Salamat po sa pagliligtas n'yo sa akin, Nanay Riza."
Iyon ang unang beses na nagsalita ang dalaga makalipas ang halos dalawang buwan mula nang matakpuan nila ito.
To be continued...
Date written: April 5-6, 2018
Unedited.
~👹~👹~👹~
A/N: Hahaha! After 11 months nakapag-UD na ko. Asan kaya ang partner kong mag-u-UD kay Seth? Naka-hiatus pa rin po yata. 😉
Please Vote, Comment and Share.
Lab yah,
Eiramana325 & SilverPenn
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top