Story #8 To Give Up or Not?
Matagal nang nakatitig sa blangkong papel si Shane Filan. Mas hinigpitan niya ang paghawak sa ballpen na kanina pa nasa kamay niya.
Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga. Sa huli ay napagpasyahan niyang bitiwan ang panulat at hinayaan iyong gumulong sa ibabaw ng papel na kanina’y tinititigan.
Sumandal siya sa upuan at ini-stretch stretch ang leeg. Isang tapik sa balikat ang kumuha ng atensiyon niya.
"Bro? Balita?" Si Nicky iyon.
Nang walang makuhang tugon sa kabanda ay siya na ang nagkusang humanap ng sagot sa tanong. Inilipat ni Nicky ang tingin sa blangkong papel sa mesa. May pangungunot ng noo niyang kinuha iyon.
"I see." Tumango-tango ang binata habang hinihimas ang tumutubong balbas. "Huwag mo munang piliting sumulat ng kanta, Bro. Makakapaghintay pa naman kam—"
Sumabad si Shane. Sa wakas ay hinarap na niya ang kaibigan. "Bro, listen."
Maging sina Mark at Kian ay napukaw ang atensiyon.
Isa-isang tiningnan ni Shane ang tatlong kabanda. "It's not working anymore."
Nagtinginan sina Kian, Nicky, at Mark.
"What do you mean not working?" tanong ni Kian.
Tinungo ni Shane ang mini bar. Kumuha siya ng isang lata ng Guinness beer at ibinuhos iyon sa pint glass.
"Itong pagkanta natin. Wala na. Hindi na tayo patok sa masa. Kpop na ang gusto ng mga tao. Hindi n'yo ba napapansin? Bumababa na ang engagements natin. Sa Twitter, Instagram. Pati sa Facebook. 'Yung mga kantang niri-release natin, hindi na rin nagta-top sa charts. And here we are, making another album? For what? Para ipamukha sa ating flop na tayo kapag walang gaanong bumili ng album natin?"
Nagkatinginan sina Nicky, Kian, at Mark.
Muling nagsalita si Shane. "I think we should quit."
"Quit again?" Lumapit si Mark sa kabanda. Kinuha niya ang pint glass na may lamang beer na isinalin ni Shane. Siya ang tumungga noon. "Do you know how much I regret the decision of qutting our band in 2012? At ngayong nagkaroon tayo ng chance na mabuong muli at makabalik sa music industry e magki-quit tayong muli?"
Napasinghap lamang si Shane. Kumuha siyang muli ng isang lata ng Guinness beer. Binuksan niya iyon at dire-diretsong tinungga ang laman.
"Kung gusto n'yo pa rin namang magpatuloy as a three-piece boyband, bakit hin—"
"Damn it!" Sa wakas ay napakawalan na ni Nicky ang emosyong pinipigil. Susugurin niya sana si Shane pero napigilan siya ni Mark.
Sunod-sunod na paghinga ang pinakawalan ni Nicky bago muling nagsalita. "Shane, did you even consult us about this? Bigla-bigla? I think neither of the three of us wants to quit." Tiningnan ng binata sina Kian at Mark. Tumango ang mga ito. "And there you are, deciding for your own self? Napaka-selfish mo, Bro!"
"Ilang buwan ko na itong pinag-iisip—"
"Fuck! Stop it, Bro!" muling bulyaw ni Nicky.
Inakbayan ni Kian si Shane. Iginiya ito palabas. "Bro, magpalamig ka muna. Pumunta ka kung saan-saan para makapag-isip isip ka. Wag kang mag-alala, ako na ang bahala kay Nicky. Kami na ang magpapakalma sa kaniya."
Tinungo nila ang sasakyan ni Shane. Yumukod si Kian para silipin ang kaibigang nasa driver's seat.
"Bro, sana mahanap mo ang kasagutan sa kung anuman ang gumugulo sa isip mo." Tinapik ni Kian ang balikat ng huli.
Tango lang ang itinugon ni Shane. Sa loob-loob niya ay desidido na talaga siya.
He will quit the band.
----
Ilang oras nang binabaybay ni Shane ang coastal road. Nasa County of Galway na siya. Malayong-malayo sa Sligo. Punong-puno pa rin ang isip niya ng alalahanin. Nagtatalo ang pagnanais niyang umalis sa Westlife at ang desire niyang ituloy pa rin ang pagkanta.
Mahal na mahal niya ang pag-awit. Kaya ang desisyong pinakawalan niya kanina ay hindi ganoon din kadali. Talagang pinag-isipan niya.
His love for singing will never fade, but sadly, the fans are starting to lose interest in them, iyon ang tingin niya.
He ran out of reasons to continue. At kung ilang rason ang nasa listahan niya para mag-quit sa Westlife ay hindi niya na matandaan kung ilan ang bilang.
Sandali niyang itinigil ang sasakyan sa tabing-daan. Nagmuni-muni siya. Hinahaplos niya ang puso kung may natitira pang pag-asa roon para hindi iwanan ang Westlife. Ngunit makailang ulit na niyang ginawa iyon ngunit wala siyang makapa.
Binigyan niya ng mahihinang suntok ang gitna ng steering wheel. Nasabunot na rin niya ang sariling buhok. He starts to feel frustration.
Binuksan niya ang stereo. Pumailanlang doon ang awitin ng KPOP band na sikat na sikat ngayon. Lalong nanlumo si Shane kaya sa huli ay pinatay na lang niya ang radyo.
Napansin niya ang pagdilim ng kalangitan. May namumuong ulan mula roon. Hindi iyon binigyang-pansin ni Shane. Nagpatuloy siya sa pagmumukmok.
Mayamaya nga ay bumuhos na ang malakas na ulan. Sa sobrang lakas ay umaabot ito hanggang sa loob ng kotse. Walang choice si Shane kung hindi ang maghanap ng masisilungan.
Pinaandar niya ang kotse. Mas lalong lumakas ang ulan. Sa di kalayuan ay may natanaw siyang maliit na bahay.
Buo ang desisyon ng binata. Tinungo na niya iyon.
Pinunasan ni Shane ang bahagi ng damit niyang nabasa ng ulan. Nang magawa iyon ay naglakad na siya papalapit sa pinto.
He's in the middle of walking when he heard a very familiar tune coming from inside the house.
Dahan-dahan siyang lumapit. Nang magawa iyon ay lalo lang luminaw ang pinakikinggan.
"Kanta namin 'yun ah!" mahinang bulalas ng binata.
You give me hope
You give me love
When nobody else could help
And I could've given up
You give your heart
You give your soul
Sumaya ang puso ni Shane. Pinatutugtog kasi ng may-ari ng bahay ang kanta nilang "Lifeline" na mula sa Wild Dreams album nila. Sinasabayan iyon ng pag-awit ng nasa loob. Sa wari ni Shane ay matanda na iyon. Naglalaro sa sisenta ang edad.
When nobody else could see
I had nowhere else left to go
When everything's dark
You shine a light
You are a lifeline that I'm gonna hold on tight
Whatever it takes
I hope you stay
Being my lifeline, lifeline, lifeline
Always
Ilang minuto nang natapos ang kanta ngunit nanatili pa ring nasa labas ng pinto ang binata. Napuno ng init ang puso niya.
Mayamaya ay kumatok na si Shane. Nakarinig siya ng pagyabag palapit sa pinto.
"Sino 'yan?"
"Ah eh. S-Shane po ang pangalan ko. Galing po akong Sligo. Inabutan po ako ng ulan sa daan. Makikisilong po sana ako," dire-diretsong saad ng binata.
Limang segundo yata ang lumipas at saka lang siya pinagbuksan ng nasa loob. Tama siya, isang matandang lalaki ang nasa loob. Nakabaston ito. Nakaharap man sa ay hindi nito diretsong tinitingnan si Shane. Nahinuha agad ng binata na bulag ang matanda.
"O sige. Tuloy ka. Wala ka bang kasama?"
"Wala po. "
Hinubad ni Shane ang jacket.
"Pagpasensiyahan mo na ang munti naming bahay. Dalawa lang kami ng asawa ko rito. Nasa market siya ngayon."
Inilibot ni Shane ang tingin sa bahay. Tama. Maliit nga ito ngunit para bang masaya ang awrang ibinibigay nito sa kaniya. It's calming.
"Kumuha ka na lang ng cookies sa lamesa at magtimpla ka ng sariling kape. Paumanhin kung hindi kita maipaghahanda dahil sa kondisyon ko. Bulag ako, hijo."
"Nauunawaan ko po. Sige po, kukuha na lang po ako kapag nakaramdam ako ng gutom."
"Sige, hijo. Tara sa living room. Magpahinga muna tayo."
Nagpatianod si Shane sa matanda. Mayamaya ay nakaupo na silang dalawa. Magkaharap.
"Hijo, pasuyo naman."
"Po?" tugon ni Shane.
"Makikipindot muli ang play all sa player."
Napatingin si Shane sa kinaroroonan ng tinutukoy ng matanda. Bumungad sa kaniya ang isang CD player na sa palagay niya ay pinaglipasan na ng panahon. Sa palagay niya ay inilabas iyon sampung taon na ang nakaraan.
Tinungo niya iyon. Napangiti siya dahil sa tabi noon ay ang blangkong jewel case ng Wild Dreams album na ini-release nila ilang taon na ang nakaraan. Ang huling album na tinangkilik ng mga tagahanga. Ang dalawa kasing sumunod na album na ini-release nila ay hindi na gumawa ng ingay. Ika nga niya kanina, ay hindi na sila nagiging patok sa fans.
May sumulpot na pait sa puso ni Shane. Ipinilig-pilig niya ang ulo. Inilipat niya ang tingin sa player at pinatugtog ito.
Pumailanlang ang Starlight sa buong bahay. Ang kantang matagal niya nang hindi napakikinggan. Nais niya sanang sabayan ang pagkanta ngunit nag-aalala siyang baka makilala siya ng matanda. Pinigil niya ang sarili.
"Salamat, Hijo." Sumandal ang matanda sa tumba-tumba na kinauupuan. Sa pagkakataong iyon ay nakangiti na ito nang malawig habang sinasabayan ang pagkanta.
Aliw na aliw na tiningnan ni Shane ang lalaki. Parang kinikiliti ang puso niya. Kaytagal na panahon na mula nang makakita siya ng fan na ganito.
"Nandito na ako, Eogha— Ohh, may bisita pala tayo."
Napalingon si Shane sa bagong dating. Isang matandang babaeng kaedad lang ng lalaking nasa harap niya ngayon. May dala itong basket na sa wari niya ay puno ng sangkap sa panluto.
Napatayo si Shane sa kinauupuan. Nagbigay-pugay siya sa bagong dating. Nagpakilala. Mukhang hindi naman namukhaan ng babae na isa siya sa miyembro ng sikat na boyband sa kanilang bansa. Nagpakalma iyon sa kaniya kahit papaano.
Nalaman niyang Mary ang pangalan nito at ang lalaking bulag ay si Eoghan, ang asawa nito.
"Pasensiya na po. Nakisilong lang po ako. Napakalakas po kasi ng ulan."
"Ayos lang iyon, Hijo. Mabuti nga iyon. Matagal na rin kasi kaming hindi nadadalawan ng mga tao." Pinuntahan ni Mary si Eoghan. Inalalayan ito. Pinainom ng gamot.
"Kami na lang dalawa ng asawa ko ang narito. Yung mga anak namin e nasa kani-kanilang asawa. Bibihira nang umuwi. Kaya eto kami ngayon, kami na lang ang magkasama." Nakangiti si Mary. Binalingan ang asawa. "Eto ang tubig."
"E mabuti na lang ay kahit papaano e nakakapaglibang kami dahil may CD player naman." Tinungo ni Mary ang kinaroroonan ng CD player. "Mabuti na lang may Westlife. Wala kaming sawang pinakikinggan ang mga kanta nila araw-araw." Ipinakita ng babae ang hanay ng mga CD na nakatago sa drawer. Kumpleto. Lahat ng ini-release ng Westlife ay naroon.
Kumalikaw ang bituka ni Shane sa pagkakataong iyon. Para bang gusto niyang umiyak pero pinigilan niya.
Hanggang hapag-kainan ay pulos Westlife ang ikinukuwento ni Mary. Pati si Eoghan ay nakikikuwento na rin. Aliw na aliw siyang pakinggan ang dalawa.
Kung hindi lang sana maggagabi na ay hindi muna sana aalis si Shane. Nagpaalam siya sa mag-asawa nang magaan ang loob at may ngiti sa mga labi. Nangakong hindi ito ang una at huling pagkakataon na bibisita siya roon.
Halos paliparin ng binata ang sasakyan papunta sa studio. Nasabihan na niya ang mga kabanda through video call na magkita-kita sila.
Nang makarating ay nag-uunahan ang mga paa ni Shane makapasok lang doon. Nabungaran niya agad ang mga kabanda na napintahan ng lungkot ang mga mukha. Siguro ay inaasahan ng mga ito na nakapagdesisyon na talaga siyang umalis sa Westlife.
Ngunit kasalungat noon ay iba ang ginawa ni Shane. Kumuha siya ng blangkong papel at isang ballpen. Sumulat siya nang walang tigil.
Sa loob lamang ng dalawampung minuto ay natapos na siya.
Pinuntahan niya ang mga kabanda at hinarap ang mga ito.
"Ito, ito ang una nating track sa susunod nating album."
Napalitan ng emosyon ang mukha nina Nicky, Mark, at Kian. Pare-pareho silang nagulat.
Isang ngiti ang pinakawalan ni Shane. "Hangga't may isang fan tayong natitira, hindi tayo titigil. Patuloy pa rin tayong kakanta at magpe-perform. Hangga't may naniniwala sa kakayahan natin, tuloy lang tayo."
"Bro!"
Mangiyak-ngiyak ang apat na nagyakapan.
Napatingin si Shane sa taas, lihim na umuusal ng pasasalamat sa mag-asawang nakasama niya kanina. Kung hindi dahil sa mga ito ay hindi magbabago ang kaniyang isip. Baka siguro ngayon ay tuluyan na niyang binitiwan ang pagiging miyembro ng Westlife.
Bukas, yayayain niya sina Nicky, Mark, at Kian. Babalik sila kina Eoghan at Mary para pormal na magpakilala.
-end-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top