Story #7 Stop Courting Me

Shane and I are in the getting to know each other stage for quite some time.

Nililigawan na niya ako sa loob ng isang taon.

Kung paano nangyari 'yun, it seems unbelievable and impossible.

Bata palang ako, masugid na akong tagasubaybay ng bandang kinabibilangan niya– ang Westlife. Ilang taon ba ako noong nag-debut sila noong 1998? Five? O six? Parang five. Sila naman ay naglalaro sa 18-20 ang edad.

Twenty years later, taong 2018 e naging matunog ang pag-come back nila sa music industry. Nag-disband kasi sila noong 2012.  I was just a lowkey fan of Westlife bago mangyari 'yun. Pa-download download lang ng kanta sa phone. Ganun lang. Kung tutuusin hindi ko nga alam ang pangalan ng bawat members e. Basta ang alam ko, Westlife sila. Gano’n.

Then the reunion took place. Ewan ko ba, para akong hinipan ng hangin. Pati mama ko nga nagtaka. Bigla kasi akong nabaliw sa kanila– lalong-lalo na sa bokalista nilang si Shane!

Halos lahat ng miyembro ay pawang may mga asawa na, liban kay Shane. Base sa pagbabasa-basa ko, he had a longterm relationship with an Irish woman named Gillian. Ikakasal na nga sana sila kaso namatay noong 2010. Vehicular accident.

Simula noon, hindi na nagkaroon ng karelasyon si Shane, which lead him to become a bachelor at the age of 39.

Naging interesado ako sa buhay niya. Research research tapos pinanood ko lahat ng vlogs nila ni Gillian sa YouTube. As in lahat.

They were so inlove with each other, and I can see it in their eyes. Kilig na kilig nga ako e.

Hindi ko namamalayan na unti-unti ko na palang nagugustuhan siya. He became my ideal man. Nasa kaniya na ang lahat ng hinahanap ng isang babae!

I bought his solo albums. Lahat ng poster na na-release na dati, pati rare doll na inspired sa kaniya, talagang pinaghahanap ko.

Isa na lang ang kulang, ang ma-meet ko siya.

Yung totoo, nag-concert sila noong 2019 pero hindi ako nakapunta. Sayang, chance na eh. Kaso ang toxic ng boss ko. Dineny 'yung leave ko. Understaffed daw kasi eh. E kung marunong ba naman siyang mag-manage ng tao e di hindi siya palaging aalisan ng mga empleyado.

I was really devastated that time lalong-lalo na noong araw ng concert.  That is why I made a decision few days after that.

I quit my job. It is an immediate  irrevocable resignation.

Taranta pa nga sila kasi biglaan ang pag-alis ko. Wala man lang kasing turn over na nangyari. E wala e. Gusto ko nang umalis e. Bakit ba?

Supportive naman ang parents ko sa akin. Saksi rin kasi sila kung ano ang dinadanas ko sa trabaho. Matagal na nga nila akong pinapag-resign e. Tinatamad lang talaga ako.

So naging tambay ako ng ilang buwan. Puro Netflix, YouTube, basa ng Manga, tumulala. Gano’n lang. Hindi naman ako pinepressure ng parents kong mag-apply agad. Only child eh.

Hanggang sa isang araw, bigla na lang pumasok sa isip kong mag-apply sa Ireland. Oo, sa Ireland.

Wala na akong pinalampas na pagkakataon. Iba't ibang kumpanya ang pinasahan ko ng cv and luckily, may ilang interesado sa application ko.

After contemplating, I proceed with my application in a bank in Sligo as Operational Risk Manager. Long story short, natanggap ako.

Isang buwan lang ang inabot ko pag-aasikaso ng requirements at ayun, lumipad agad ako pa-Ireland.

I was really excited. Bukod sa siyempre, bagong career, bagong journey e masaya rin ako dahil nasa county of Sligo ako kung saan nakatira ang iniidolo kong si Shane. Imagine that, mas malaki ang chance na makasalubong ko siya!

I started from scratch. Mula sa naipon kong pera sa pagtatrabaho sa Pinas ay bumili ako ng kutson, at ilang gamit. Hanggang sa ayun, unti-unti na akong nakapagpupundar. Ngayon nga ay halos mapuno ko na ang apartment.

Three months na akong nagtatrabaho nang sabihan ako ng ka-work kong si Madel na magkakaroon ng concert ang Westlife sa Knocknarea Arena. Siyempre, ang lola mo naloka. Nangarag pa nga ako kasi hindi naman kalakihan 'yung area na 'yun. Base sa research ko, kapag nakatayo, aabot lang sa 1,650 na tao ang puwede sa loob.

Hindi ko talaga pinalampas ang ticket selling. Mangiyak-ngiyak pa nga ako kasi ayaw mag-push through ng payment. E baka kako maubusan ako ng slots. Kabadong-kabado talaga ako noon.

But it turned out na na-process naman pala. Nadoble nga ang bili ko e. Ibinigay ko na lang kay Madel 'yung isa. Pa-thank you na rin kasi siya 'yung nagbalita sa akin tungkol sa concert.

The concert happened five days later. Friday 'yun. Bago kami dumiretso sa arena e nagpadaan muna ako sa apartment. Dinaanan namin 'yung placard na pinagpuyatan kong gawin.

"Seriously? You did this?" tanong ni Madel.

"Y-Yes. Is there a problem?"

Natatawang-naiiling lamang si Madel. Ako naman e nagkibit lang ng balikat.

Dumiretso na kami sa venue. Pagdating namin doon, marami nang tao. Pumila pa kami na inabot din ng 30 minutes.

Mayamaya, nakapasok din kami. Ang saya-saya. Iba yung feeling kasi finally makikita ko na sila!

Nagsimula yung concert nang magperform ang front act. Babae at lalake. Duo. Limang kanta yata ang kinanta nila.

At heto na ang pinakahihintay ko...

Napuno ng hiyawan ang paligid. Nagsipagtalunan ang fans na nakapalibot sa akin kaya nakitalon na rin ako.

Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para mahawi ang kumpol ng mga tao. I'm glad I did. Yun nga lang e nahiwalay ako kay Madel. Bahala na. Magkikita na lang kami mamaya.

Hindi ko kayang i-describe yung nararamdaman ko nang sa wakas ay makita ko ang apat na lads... mas lalo at higit si Shane na sobrang mas guwapo sa personal! Grabe, ilang dipa lang ang layo ko sa kaniya. Abot-kamay ko na siya.

They started singing Hello My Love, ang pinakabago nilang single sa bago nilang album na Spectrum. Nakakasabay ako sa pagkanta kasi alam na alam ko yan. Halos lahat yata ng kanta ng Westlife ay memoryado ko ang linya.

Sinundan iyon ng mga nakaiindak na kanta, ang  L.O.V.E, at Dance. Mapatid na ang litid kung mapapatid pero okay lang. Ang mahalaga e makakanta.

Pagkatapos ng ikatlong kanta ay nagpahinga muna ang lads. Kinausap ang audience.

Si Nicky ang nagsalita. Wala ang atensiyon ko sa sinasabi niya. Alam n'yo na siguro kung nakanino.

Siyempre, kay Shane.

Kung gaano kalaki ang pagngiti ko ay hindi ko nasukat. Ang tangi kong alam ay sobrang masaya ako kasi nakita ko na sa wakas ang crush ko.

Mayamaya ay siya naman ang nagsalita. Lumakad siya papalapit sa crowd. Nagbabasa siya ng placard!

Tinuro niya ang isa. "I came all the way from Thailand just to see you. Wow!  That's superb! Thanks for your effort, lady!" Tumingin naman siya sa kanan. "Kian, you are the king of my heart!"

Tiningnan ko si Kian at kinawayan niya ang may hawak ng placard.

At eto na. Naglakad naman si Shane palapit sa amin. Shems, it is my time to shine!

Itinaas ko ang placard ko para makita niya.

"Shane, can I be your new Gillian Walsh?"

T-Teka. Placard ko yun ah?!

Napanganga ako. Inangat ko ang mukha ko.

I looked at Shane. Hindi ko mabasa ang ekspresiyon niya sa mukha.

Kapansin-pansin din ang pagtahimik ng paligid kaya inilibot ko ang paningin ko.

Lahat ng fans, masama ang tingin sa akin.

What did I do?

Hanggang sa maisip kong tingnan ang placard kong dala.

Shane, can I be your new—

What the fuck.

Wait.

Napatingin akong muli kay Shane. Nanlalaylay ang mga balikat niya habang nakatingin pa rin sa akin.

"That's offensive."

"You crossed the line, dear."

Sabi yan ng mga tao sa paligid ko.

Nakagat ko ang pang ibabang labi ko. Noon ko narealize na tama nga, nakakaoffend nga naman yung nasa placard ko.

Nakakahiya.

But what I am more concerned about is how Shane is feeling..

I think I opened his wound that was already healed... or healing..

I am sorry Shane.

Muli kong iniyuko ang ulo ko.

Someone grabbed my hand. Si Madel iyon. Hinigit niya ako pabalik sa pinuwestuhan namin kanina.

Muling pumailanlang ang tugtog. May sinabi si Mark na siyang nagpabalik sa atensiyon ng crowd. Hindi ko na maalala kung ano iyon.

Ako naman ay hindi ko na naenjoy ang buong concert. Nakatungo lang ako para di ko makita ang nanghuhusgang tingin ng mga tao. Kung pwede lang lumubog sa kinaroroonan ko e sana ginawa ko na.

Namalayan ko na lang na tapos na ang concert. Paalis na sana kami nang may lumapit sa amin. Security.

"Miss, follow us please."

"M-Me?"

Tumango ang security.

Sobrang lakas ng kabog ng puso ko. Sumama na lang ako. Nagpaiwan naman si Madel. Iintayin daw ako sa car.

Dinala ako ng security sa isang room.

Binuksan niya iyon at pinapasok ako.

Halos tumalon ang puso ko sa nasaksihan ko sa loob.

Si Shane!

Inilagay ko sa likod ang placard na dala ko. Pinakatago tago ko ang hawak ko.

"Hi."

"H-Hello." Pilit na ngiti ang pinakawalan ko.

Dalawang hakbang na lang ang layo sa akin ni Shane. Sa totoo lang, gustong gusto ko siyang yakapin pero mas nangingibabaw ang hiya ko.

"What's your name?"

"Johaira." Ilang lunok ang ginawa ko kasi nanunuyo ang lalamunan ko.

He nodded. Tiningnan niya ang likod ko. "May I see?"

Nagpakailing-iling ako. Pero wala na akong nagawa nang lumapit siya at kunin iyon mula sa akin.

"Is this a proposal?"

Di ko alam kung may halong sarcasm ba ang sinabi ni Shane. Tumango-tango na lang siya.

Ipinatong niya ang placard sa lamesa. He paced back and forth. Parang malalim ang iniisip.

Mayamaya ay hinarap niya akong muli. This time, mas malapit. Dama ko na ang paghinga niya.

"Let us give it a try."

Halos lumuwa ang mga mata ko sa sinabi ni Shane. Seryoso ba siya?

Lumulutang ang isip ko. Next thing I knew, binigyan ko na siya ng calling card ko at siya na ang naghatid sa akin papunta sa apartment ko.

"I'll see you tomorrow." Iyan ang sinabi niya at pagkatapos ay naglakad siya palayo sa pinto.

Tinakbo ko ang kama ko at padapang humiga roon.

Gusto ko lang namang um-attend ng concert pero bakit umuwi ako na may manliligaw na?

Shet. Paano 'yun?

Itinulog ko na lang ang iniisip ko. Baka naman kasi nagha-hallucinate lang ako.

Kinabukasan, nagising ako nang maaga. Hindi ko na muna inisip ang nangyari kagabi.

It's Saturday, bale walang pasok. Balak ko sanang mag-bike na lang instead of jogging.

Medyo inaantok pa ako nang buksan ko ang pinto nang..

"Hi."

"Ay anak ng pating!"

Nabitiwan ko ang bike ko. Medyo malakas 'yun kaya na-detach 'yung gulong sa katawan ng bike.

Nagpaikot-ikot 'yung gulong. Di na ako nag-isip. Hinabol ko 'yun.

Late ko nang na-realize na mukha akong shunga habang hinahabol 'yun. What is worse is, may kasama nga pala akong nanonood sa akin.

"You're cute."

Napalingon ako sa nagsalita.

"W-What are you doing here, Shane?" Pilit kong pinakalma ang sarili ko habang sinasabi 'yan.

"Hmm, I'm picking up my new Gillian Walsh." She smirked and winked at me.

Gagi 'to. Sineseryoso niya talaga 'yung isinulat ko sa placard.

"Let me have that." Nakalapit na siya sa akin sabay kuha niya ng gulong. Next thing I know, e ikinakabit na niya ' yung gulong sa bike.

***

And the rest is history. Ayun na nga, we started dating. Marami ang nangyari. Ayun, pumutok ang pandemiya. Nagkaroon ng lockdown kaya bibihira lang kaming magkita. Pero continue pa rin kami sa communication.

Nawalan din sila ng gig kasi ipinagbawal ang pagsho-show dahil sa lockdown. Bawal magkaroon ng pagtitipon. Nawalan sila ng source of income..

A year later, medyo lumuwag na pero may restrictions pa rin. We met. It feel strange kasi noon lang ulit kami nagkita. Naninibago ako. Then that is the time I made a decision.

Nakaupo kami sa may likod na bahagi ng isang sinehan. Kakaunti lang ang tao noon.

I gathered all my strength para i-open ang topic na ito.

"Shane..."

"Hmm?" He looked at me.

I gulped. Nagdadalawang-isip pa rin kung sasabihin sa kaniya ang nilalaman ng isip ko. Tiningnan ko lang siya.

Tipid ko siyang nginitian. "Stop courting me."

Napalingon siya sa akin sa pagkakataong iyon. "W-What did you just say?"

Huminga ako nang malalim. "S-Stop courting me."

"No. I won't." Lumamlam ang mga mata niya."

"Please..."

Hinawakan niya ang kamay kong nakapatong sa upuan. "I will not stop courting you."

Nakipagtagisan ako sa kaniya ng titig. "Shane..."

Umiling-iling siya.

Ilang segundong namayani ang katahimikan. Nagsalita na ako. "Why would you court me if you're already my boyfriend?" Isang malawig na ngiti ang pinakawalan ko.

Ikiniling niya ang katawan niya papunta sa akin. "S-Seriously?"

I pouted. "Ayaw mo yata eh," pabulong kong sabi in Filipino language.

"N-No!" He cupped my face and tilted it towards him. Naunawaan niya ang sinabi ko. Sa tagal niya akong nililigawan ay may Filipino phrases na siyang natutunan mula sa akin.

"Please don't get it back. Those are the most beautiful words I've ever heard. I am your boyfriend, and you are my girlfriend."

I nodded. Inilandas ko ang kamay ko sa pisngi niya. "I am officially your new Gillian Walsh."

Umiling-iling siya. "No, you're different. You are not my new Gillian Walsh. You are what you are. You are Johaira Mendoza. When you came into my life, you made me realized that I've already moved on from my past relationship. God gave me you, Johaira. I love you."

"That's so sweet, my Mr. Shane Filan." I leaned to him and gave him a surprise kiss. "I love you too."

"Woah!"

I chuckled on his reaction.

Humilig ako sa dibdib niya samantalang inakbayan naman niya ako. Magsisimula na kasi ang pelikula.

Now, the member of the boyband I idolize is officially mine...

All thanks to that placard.

-end-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top