Story #4 I am My Ex's Wedding Singer
Buong puso akong kumakanta ng Beautiful in White na kantang pinasikat ni Shane Filan dito sa loob ng simbahan. Kasal kasi ngayon ng ex ko at ako ang nakuhang wedding singer. The couple requested me to sing on their beautiful day. I didn't think twice. Pumayag agad ako.
Others may think I am a martyr... Who would be on the right mind to sing to a wedding of the man you loved for six years? None? Nope. Because here I am.
E ano naman. Tatlong taon na rin ang nakaraan mula nang maghiwalay kami. We both moved on and I am genuinely happy to see him finding the woman of his dreams.
Napadako ang mga mata ko sa mga upuan kung saan naroon ang mga imbitado sa kasal hanggang sa magtama ang mga mata namin ng isa sa groomsmen. I was caught off guard when I realized he was staring at me the whole time. Hindi ko namalayang napako na pala ang tingin ko sa kanya hanggang sa navi-visualize kong ako na mismo ang naglalakad sa gitna ng simbahan at siya ang nag-aabang doon sa altar. Everything became magical hanggang sa maputol ang daloy ng isip ko dahil nagsalita na ang commentator. 'Yun pala ay nakarating na sa may altar ang mapapangasawa ng ex ko. Tiningnan ko silang dalawa at isang totoong ngiti ang pumorma sa mga labi ko.
I focused on the ceremony. Dagli ring nawala ang 'weird vision' na sumingit sa isip ko kanina. Kakatwa naman din kasi na mag-isip ako ng gano'n e noon ko nga lang nakita ang estrangherong iyon.
I shrugged the idea off.
Hours passed at nasa reception na ang lahat ng bisita. Pinapunta sa gitna ang mga dalaga para sumalo ng bouquet ngunit sa kasawiang-palad ay hindi ako ang nakakuha. Uupo na sana ako nang mapatigil ako dahil may isang kamay na nag-abot sa akin ng isang tangkay ng bulaklak. Pag-angat ng aking mukha ay isa pala 'yun sa groomsmen... iyong nakatitigan ko sa loob ng simbahan.
"Para sa iyo, Miss."
Isang tipid na ngiti ang pinakawalan ko habang tinatanggap ang bulaklak at doon na niya naisipang tumabi sa akin.
We talked about anything under the sun hanggang sa natapos na pala ang buong programa.
"How are you related to the newly married couple?" tanong niya. Napansin niya sigurong sinusundan ko ng tingin ang bagong mag-asawa.
Binalingan ko siya. "Ex ako ng groom."
He crossed his arms. "Really? I am the ex of the bride."
We both chuckled. We even joked that we were meant to meet that time to comfort each other.
We laughed again and at that moment, our eyes met again. I don't know if he felt it too but at that time, a spark enveloped my entire system. I just ignored it.
Seven years from that day, here I am, blessed with three kids with the man I met on the wedding of my ex.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top