Story #18 You Are My Starlight
Limang beses pinasadahan ng tingin ni Ella ang grocery list na hawak. Nais niyang siguruhing wala na siyang nakaliligtaan bago niya tuluyang dalhin ang mga pinamili sa check out counter.
"Green lentils, tuna, salmon, unsweetened granola, yogurt. . ." Napangiti siya nang makarating siya sa dulo ng listahan. "Ayan, ayos na!"
Habang naghihintay na matapos ang nasa unahan ng pila, inilibot muna niya ang tingin sa kinaroroonan niya. Mababasa pa rin sa kaniyang mukha ang pagkamangha gayong hindi bababa sa sampung beses na siyang nakapupunta rito para mamili.
"Walang sinabi ang SM sa laki nito. Kahit limang Hypermarket e magkakasya rito," bulong ng dalaga sa sarili.
Higit tatlong buwan pa lamang mula nang makarating siya sa Rochdale, Manchester. Dito siya dinala ng kapalaran at ngayon nga ay namamasukan siyang isang kasambahay. Pansamantala lang naman iyon habang naghihintay siya ng tamang pagkakataon para makalipat sa London, ang kaniyang dream city.
Isa-isang inilagay ni Ella ang mga pinamili sa conveyor belt. Naririnig niya ang sunod-sunod na pag-beep sa tuwing itinatapat ng cashier ang items sa barcode scanner.
"That would be £376.00, miss."
Nang makapagbayad ay agad na niyang binuhat ang eco bags na kinalalamnan ng mga pinamili niya. May kabigatan iyon pero hindi na niya ininda. Sanay na siya.
Papunta na sana siya sa kinaroroonan ng sakayan ng cab nang maisip niyang tingnan ang cellphone. Baka kasi may ipapahabol pang bilhin ang amo niya. To her dismay, wala siyang na-receive na anumang text mula sa lalaki. Napabuntong-hininga na lamang siya.
Napayapa ang katawan ng dalaga nang sa wakas ay madama ang malambot na upuan ng sinakyan. She is exhausted. Alas kuwatro pa lamang ng umaga ay gising na siya. Nag-prepare ng almusal ng amo niya, nagpakain sa aso, nagbunot ng damo sa garden. Pinalitan din niya ang tubig sa swimming pool. At ngayon, alas diyes na ng umaga. Pagdating naman sa bahay ay mag-aasikaso na siya ng tanghalian.
Iidlip sana siya nang mabulahaw siya ng stereo na binuksan ng driver.
"Sorry." Hindi pa man siya nagre-request ay nagkusa na ang driver na hinaan ang volume ng radyo.
Napayapa siya at babalik sana sa naudlot na pagtulog nang mapukaw ang atensiyon niya ng liriko at beat ng pinatutugtog na kanta.
Could it be, could it be the start of something
"That's Starlight, miss."
Napatingin si Ella sa driver na tinitingnan siya mula sa rearview mirror. Wari niya ay nabatid nito ang kaniyang reaksiyon nang marinig ang kanta.
"Starlight?"
The driver slightly nodded. "Yup. By Westlife."
Bumilog ang bibig ni Ella sa pagkamangha. Pamilyar sa kaniya ang Westlife. Alam niya ang kanta ng mga ito na "Swear It Again", "Bop Bop Baby", "Fool Again", "If I Let You Go", at "My Love". Pero itong "Starlight" ay ngayon lang niya nalaman na kanta rin pala ng naturang grupo.
Nagsimulang magkuwento ang driver tungkol sa Westlife. Halatang fan. Noon niya nalaman na kari-release lang ng "Starlight" na isa sa tracks ng pinakabagong album na "Wild Dreams".
Starlight
Lighting up the darkest night
Something I can see in your eyes
Keeps mе alive tonight, oh, oh-oh
We can all be starlights
Racing at thе speed of light
I found you in my darkest time
Now look how we shine so bright, woah
Ella instantly fell in love with the song. Nang makarating siya sa bahay ay hinihimig pa rin niya ang kanta na hindi na maalis ang tono sa utak niya.
Nahagip ng tingin ni Ella ang amo na nasa balkonahe sa ikalawang palapag. Nakaupo ito sa rattan chair habang nakatingin sa malayo tulad ng nakagigisnan niya araw-araw. Hinayaan na lang niya ito at dumiretso na siya sa kusina para maghanda ng makakain.
Kinahapunan ay nagwalis naman ng bakuran si Ella. Napatingin siya sa balkonahe. Naroon pa rin ang amo niya.
"Ganyan na talaga si Sir Brian mula nang mamatay si Ma'am Dani at 'yong anak nila sa sunog. Tapos nawalan pa 'yan ng career kasi 'yong kasamahan niya e magfo-focus na raw sa pamilya. Eh, humina ang raket noong sinubukang magsolo," kuwento ni Nadine, ang Pilipinong kasambahay sa kapitbahay. Nagpuputol naman ito ng ligaw na damo sa garden ng amo.
"Napakabigat pala ng pinagdadaanan ni sir," sagot ni Ella na bahagyang nakaramdam ng bigat sa dibdib nang malaman ang pinagdaanan ng amo.
"Totoo," pagsang-ayon ng kausap. "Eh teka, bakit hindi mo ba alam iyan? Matagal ka nang namamasukan diyan, ah?"
Tipid na ngumiti si Ella. "Hindi ko lang talaga hilig panghimasukan ang personal na buhay ng amo ko. Alam mo ba, pangalan lang niya ang alam ko. That's it."
Nanlaki ang mga mata ni Nadine. "So hindi mo rin alam na member ng sikat na boyb— ay wait, tinatawag na ako ng amo ko."
Kumunot ang noo ni Ella. Hindi niya masyadong nadinig ang huling sinabi ni Nadine. Ipinagsawalang-bahala na lang niya iyon.
~°~
Pagsapit ng alas nuwebe ng gabi ay natapos na ang lahat ng gawain ni Ella. Wala na rin ang amo niya sa balkonahe. Oras na kasi ng pagtulog.
Siya naman ay kinuha muna ang laptop na pagmamay-ari na niya noong nasa Pilipinas pa lang siya. Nagsimula siyang hanapin sa YouTube ang "Starlight" para mapakinggan niya.
"Wow, sakto may music video."
Di mapigilan ni Ella ang mapaindak sa kanta. Hindi pa nakuntento ay ilang beses pa niyang pinaulit-ulit iyon hanggang sa halos mamemorya na niya ang bawat liriko.
Mula nga noon ay nagustuhan na ni Ella ang pakikinig sa Westlife. Inuna muna niya ang pinaka-latest na album ng mga ito. Ang Wild Dreams at Spectrum. Katwiran niya, ihuhuli niyang pakinggan ang album na naunang i-release ng mga ito.
Mas lalong ginanahan ang dalaga. Bawat housechores ay magaan na niyang nagagawa dahil sa pakikinig sa musika ng boyband na hinahangaan.
One day, nagva-vacuum siya sa living room. Hinayaan niyang naka-speaker ang cellphone. Hindi naman kalakasan ang pagpapatugtog niya pero sinasabayan niya iyon ng pagkanta na napapalakas na pala.
"So many times I turned away
But something held me back that day
And all I want to say is, I hope you're here to stay. Starl—"
"What do you think you're doing?"
Napatigil si Ella sa pagkanta nang marinig ang malagom na boses ng amo niya mula sa ibaba ng hagdanan. Tarantang kinuha ng dalaga ang cellphone at ini-stop ang kanta.
"S-Sir. . ."
Naglakad palapit si Brian kay Ella. Madilim ang mukha nito. Si Ella naman ay natriple pa ang kaba na nararamdaman kanina pa. Hindi niya inaalis ang tingin sa amo.
Natuon ang tingin ni Brian sa cellphone ni Ella. "I don't want to hear that song again. Understand?"
Nagtataka man ay tumango-tango na lang si Ella. Tumalikod naman si Brian at dire-diretsong umakyat pabalik sa balkonahe.
~°~
"Bakit kaya galit na galit si sir kanina?" ani Ella nang makadaupang-palad si Nadine kinahapunan.
"O, ano bang ginawa mo?"
Nagkibit-balikat si Ella. "Ewan. Kumakanta lang naman ako ng "Starlight" eh. Baka hindi niya nagustuhan ang boses k—"
"Starlight? Ang ibig mo bang sabihin ay Starlight ng Westlife?" Napatigil sa pagdidilig si Nadine.
"Oo. Bakit? Anong masama sa pagka—"
"Patay ka talaga." Umiling-iling ang dalaga. "Wala ka ba talagang ideya kung sino si Sir Brian Mcfadden."
Napuno lalo ng pagtataka ang mukha ni Ella. "Wala."
"I-Google mo, girl."
~°~
"Shocks!" Tinakpan ni Ella ng dalawang kamay ang kaniyang bibig nang may mabasang article sa internet. Sunod-sunod ang pagtambol sa dibdib niya.
"Dating Westlife member si sir!"
Nagbasa pa siya nang nagbasa. Noon niya nalaman na kasama sa pag-debut ng Westlife si Brian noong 1998. Tumagal ng anim na taon sa grupo at nag-decide na umalis noong 2004. Pinursue ang solo career at nakipag-duo kay Keith Duffy para buuhin ang Boyzlife noong 2016. Ang huli ang nabanggit na tumalikod para mag-focus sa family.
Marami pang impormasyon ang nabasa ni Ella tungkol sa Westlife at sa kaniyang amo. Pinagpuyatan niya talaga iyon dahil naging interesado siya sa kaugnayan ni Brian sa grupo. Ginugol din niya ang oras sa panonood ng music videos na kasama ang amo.
"Guwapo pala ni sir. For sure maraming may crush sa kaniya noon," kinikilig na sabi ni Ella. Ang ngiti niyang abot-tainga ay agad na napawi nang matanto ang kaniyang sinabi.
Nagaguwapuhan siya sa amo niya!
Tinampal-tampal niya ang sarili dahil sa naisip. Tinapos na rin niya ang panonood dahil tuluyan na siyang na-distract sa naisip.
~°~
Ipinagpatuloy pa rin ni Ella ang pag-idolo sa Westlife. Sa pagkakataong ito ay idinamay na rin niya pati ang albums kung kailan parte pa si Brian ng grupo.
Mas lalong naging invested si Ella sa Westlife. Paminsan-minsan ay bumibili siya ng Westlife merch sa eBay o Amazon. Sa ganoong paraan ay gusto niyang ipakita ang suporta sa grupo.
Kapag gumagawa naman siya ng house chores ay nakikinig pa rin siya ng mga kanta ng Westlife. Dangan lamang na sa pagkakataong ito ay naka-earphones na siya para hindi madinig ni Brian. Ayun nga lamang, hindi niya maiwasan ang kabahan kapag nakakasalubong niya ang amo sa takot na malaman nitong nakikinig pa rin siya sa Westlife.
~°~
Dali-dali ang naging pagkilos ni Ella para makauwi agad sa bahay. Bumibili kasi siya ng buto ng daisy sa isang flower shop nang mag-text ang Amazon sa kaniya. On delivery na raw ang package niya na mula sa Westlife store!
Kinakabahan siya dahil sa address ni Sir Brian niya ipinadiretso iyon dahil nasa out-of-town sina Nadine at ang mga amo nito. Pinagpapawisan siya sa magiging reaksiyon ng amo niya sakaling ito ang maka-receive ng parcel na ang package ay may imprenta ng Westlife.
Your package has been delivered.
Tumaginting ang tainga ni Ella nang mag-notify ang online shop sa phone niya. Ibig sabihin noon ay may nag-receive na ng package niya.
Nagpatay-malisya siya nang makauwi siya. Pasimple niyang hinanap kung nasaan ang parcel pero hindi niya makita.
"Saan kaya inilagay ni sir 'yon?"
"I put your package in your room. I put it there because it was unlocked."
In my room!
Agad napalingon si Ella sa nagsalita. Si Sir Brian.
Pero taliwas sa inaasahan niyang madilim na anyo ay maaliwalas ang mukha ng kaniyang amo na sumalubong sa kaniya. Hindi niya alam kung bakit.
"T-Thank you, sir." Humangos na agad si Ella papunta sa kaniyang silid.
Nang matunton iyon ay hapong-hapo niyang isinara ang pinto. Literal siyang pinagpawisan ng malamig!
Paanong hindi? May isa siyang shelf na tadtad ng Westlife merch. Sigurado siyang nakita na iyon ng amo niya dahil doon nakapatong ang parcel niya.
Napakagat-labi pa siya nang makita ang pictures ng Westlife noong kasama pa si Sir Brian sa grupo. Naka-pin ang mga iyon sa white board.
Na-offend ko na naman kaya si sir? aniya sa sarili.
~°~
Hindi siya kinompronta ni Sir Brian tungkol sa mga naka-display na merch sa loob ng kaniyang kuwarto. Ganoon pa man, naging maingat pa rin si Ella sa takot na baka sa susunod na makita siya ng amo na nagfa-fangirl sa Westlife ay baka mawalan na siya ng trabaho. Which is ayaw na ayaw niyang mangyari kasi wala pa siyang sapat na pera at wala siyang alam na lilipatan.
Everything went back to normal not until one day, nagising si Ella sa tunog ng gitara. Sa kaniyang wari ay nagmumula iyon sa balkonahe.
Ilang segundo pa siyang naupo habang ginagawang pamilyar ang sarili sa tono ng pinakikinggang kanta. Mayamaya ay nagliwanag ang mukha niya nang napagtantong "My Love" iyon ng Westlife.
Nag-unahan ang mga paa ni Ella patungong balkonahe. Napasinghap siya nang makita niya ang kaniyang amo na siyang nagpapatugtog ng gitara!
Napuno ng emosyon si Ella habang pinakikinggan ang pag-awit ng amo habang naggigitara. Nagsalimbayan sa isip niya ang music video ng naturang kanta na kinuhanan nang binata pa ang Westlife kasama si Brian.
Ano kaya ang feeling na makita silang lima sa isang stage? ani Ella sa sarili.
~°~
Ang ideya na makita ang amo na kasamang muli ang apat na members ng Westlife ay hindi na umalis sa isip niya. Though, may bahagi sa isip niya na malabong mangyari iyon dahil base sa articles sa internet na nbabasa niya ay may sigalot pa na namamagitan kina Brian at Kian na nagsimula nang itatag ang Boyzlife. Kian, another member of Westlife felt offended when Brian and Keith founded Boyzlife and still sing Westlife songs. Hindi alam ni Ella kung magkakaayos pa ang amo niya at si Kian. They don't follow each other in Instagram until now.
Ganoon pa man, hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa na balang-araw ay magkakaayos muli hindi lang sina Brian at Kian kundi silang lima.
~°~
"Concert!" Napatayo si Ella sa kinauupuan nang mabasa ang bagong post ng Westlife. "Magko-concert sila sa AO Arena in one month!"
Nagsimula siyang maglakad paroon at parito sa sobrang tense. Idagdag pa sa nararamdaman niya ang pagkabahala dahil ang araw ng concert ay hindi natapat sa day off niya.
"Ano’ng gagawin ko? Ano’ng ipapaalam ko?" ani Ella habang kinakausap ang sarili.
Napuyat siya kakaisip kung paano i-a-approach ang amo. Kinaumagahan, nilakasan na niya ang loob. Kailangan na niyang makapagpaalam bago magbukas ang ticket selling.
"Sir Brian, can I. . . go on leave on the 15th of next month?"
Nag-angat ng tingin si Brian upang tingnan si Ella. "15? Wait."
Kinuha ni Brian ang tablet at may chineck doon. "I think it may not work. How about taking a leave on the 16th?"
Lumunok ng laway si Ella bago nagsalita. Gusto niyang ilaban ang 15 pero inabutan siya ng hiya.
"I have an important event to attend on the 15th and I need you to come with me."
"Event. . . sir?" Halos maiyak si Ella sa lungkot. Mukhang hindi talaga siya nakatadhanang makapunta sa concert sa Manchester.
Pinilit niyang tumango at ngumiti. Itinago niya ang sakit para hindi iyon makita ng kaniyang amo.
~°~
Naging matamlayin si Ella nang mga sumunod na araw. Hindi na rin muna siya nakinig ng Westlife songs dahil lalo lang siyang nalulungkot. Ginawa na lang niyang busy ang sarili sa paggawa ng gawaing bahay.
The day of the concert came. Mas lalong nalungkot ang dalaga. Naiiyak pa nga siya pero pinipigil lang niya. Baka magtaka kasi ang amo niya.
"Are you packed up?" ani Sir Brian na inilalagay ang gitara sa passenger's seat ng kotse.
"Yes, sir."
Hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ni Ella ang event na pupuntahan nila. Siguro ay may gig ang amo niya at pansamantala siyang gagawing alalay. Wala na kasi itong personal assistant mula nang ma-dissolve ang Boyzlife.
Tahimik lamang sila sa buong biyahe. Nakuntento na si Ella sa pagmamasid sa tanawin habang nakikinig sa pagha-hum ng amo niya ng n tryga kantang hindi pamilyar sa kaniya.
Thirty minutes have passed, nasa Manchester na sila. Sa lugar na iyon ay tadtad na ng poster at naglalakihang billboard ng Westlife kaya lalo lamang nalungkot si Ella. Mas lalo siyang naiyak nang malapit na nilang daanan ang AO Arena.
"19 years had passed from the time I left them and they already had come a long way..." out of nowhere ay nasabi ni Brian dahilan para mapalingon sa kaniya si Ella. "I'm proud of them.
Hindi alam ni Ella kung paano tutugon. Gusto lang niyang makinig sa amo niya.
Katahimikan ang pumagitna sa kanila sa loob ng ilang saglit. Mayamaya ay nagpatuloy si Brian. "Is this where you were supposed to go when you told me you were going on leave?"
Lumikot ang mga mata ni Ella. Hindi siya nakasagot.
Natawa nang marahan si Brian sa pagkaumid ng dila ng kasambahay. "I think so."
Gustong bumusangot ni Ella. May isang bahagi ng isip niya ang nagsasabi na baka sinasadyang sabotahehin ni Sir Brian ang pagpunta niya sa concert.
Muling tumahimik sa loob ng sasakyan. Naiilang pa rin kasing makipag-small talk si Ella sa amo lalo na tungkol sa Westlife. Natatakot siyang may mabanggit na maaaring ika-offend ni Brian.
She slouched in her seat para hindi niya makita ang lagay sa labas. Naiinggit siya sa fans na pumapasok sa arena.
Pero kahit na hindi niya nakikita ang mga tao ay nakatatak na sa isip niya ang larawan ng mukha ng ilan sa mga tagahangang nakita niya kanina. Mayroong may hawak na tarp, lightstick, banners. May mga nakasuot ng t-shirt na may logo ng Westlife.
Lalo lamang siyang binalot ng kalungkutan.
Minutes have passed, matapos ang pakonti-konting pag-usad, sa wakas ay umandar na rin nang matiwasay ang sasakyan. Sa palagay ni Ella ay nakalagpas na sila sa lugar kung saan naroon ang maraming fans. Halo halong emosyon ang naramdaman niya sa pagkakataong iyon. Relief dahil hindi na siya maiingit at lungkot dahil palayo na siya sa lugar kung saan naroon ang boyband na hinahangaan.
"ID please." Narinig ni Ella ang pagsasalita ng isang lalaki mula sa labas ng kotse. Saka lang niya napagtantong nakatigil pala sila.
"I have passes. For two."
Napamulat si Ella nang sabihin iyon ng amo niya. Sinundan niya ng tingin ang lalaking kumuha ng passes. Sa pagkakataong iyon ay may hawak na itong radyo at tila may kinakausap.
"Just go straight, sir. That is the way to the backstage."
Sunod ay ang pagtango ni Brian.
Nakatingin lamang sa unahan si Ella na tila walang kaalam-alam sa nangyayari.
Nang muling umandar ang sasakyan ay may napansin ang dalaga. They are in a parking lot in which there are posters of Westlife pasted everywhere.
Teka, nasa Arena pa ba kami? Bakit kami pupunta sa backstage? Anong meron? Dito ba mag— oh my gosh!
Unti-unting nilingon ni Ella ang amo na noo'y nakangiti sa kaniya nang malaki.
"S-Sir. . ." Halos hindi iyon lumabas sa mga labi ni Ella.
"Yup. whatever you're thinking now, that's it."
Tuliro pa rin si Ella. Ni sa hinagap ay hindi niya naisip na dadalhin siya ng amo sa concert mismo ng boyband na sinalihan nito noon.
Natigil ang malalim na pag-iisip ng dalaga nang marating nila ang backstage kung saan may naghihintay sa kanilang ushers
Backstage! Saka lang napaisip si Ella. Bakit sa backstage ang tungo nila at hindi sa entrance?
Natutop ni Ella ang sariling bibig para pigilin ang sarili sa pagtili. Sa pagkakataong iyon ay napakabilis ng pagtibok ng puso niya.
Magpe-perform sa concert ang amo niya!
Nagkaroon ng kumpirmasyon ang teorya niya nang mayamaya ay may apat na bulto na sumalubong sa kanila. Kung hindi siya nagkakamali ay sina Kian, Shane, Nicky, at Mark iyon. Ang members ng Westlife!
Mangiyak-ngiyak siya nang nakitang nagyakapan ang lima. Sa harap niya mismo pa.
~°~
Mapalad na nakapuwesto si Ella sa VIP seat kung saan kitang-kita niya ang Westlife. Sa unang bahagi ay iyong apat lamang ang nagpe-perform. Saka lamang lumabas si Brian nang kakantahin na ng lads ang medley ng tracks na kabilang sa mga una nilang album.
Halos dumagundong ang buong arena nang magpakita si Brian. A lot of fans are happy, including Ella. Sa wakas ay nagkaroon ng katuparan ang hiling ng karamihan na makita silang muli na magkakasama.
~°~
Pauwi na sina Brian at Ella. Kapwa kakikitaan ang dalawa ng labis na kasiyahan.
"Thank you, sir." Matapos humigit ng sapat na lakas ng loob ay nausal rin iyon ni Ella.
Tipid na ngumiti si Brian sabay sulyap kay Ella. "No. I should be the one saying that, Ella. When I saw our pictures in your white board, memories with the lads flashed in my mind. That is when I realized that I missed them. I contemplated for a few days then I came up with a decision, that I will make up with the lads most especially Kian. So I contacted them and the rest is history."
Tuluyang bumagsak ang pinipigil na luha ni Ella sa sobrang saya. Masaya hindi lang dahil nakapunta siya sa concert ng pinakamamahal na boyband kundi dahil bumabalik na ang pagiging masayahin ng Sir Brian niya. Ika nga ng huli, malaking pagkaalwan ang idinulot ng pag-reconnect niya sa lads. Tila ba may malaking tinik na dala-dala niya nang ilang taon ang nawala dahil doon.
Hindi tuluyang bumalik si Brian sa Westlife. Katwiran nito ay hindi na siya fit na naging miyembro muli dahil may sarili nang branding ang Westlife magmula nang umalis siya. Ganoon pa man, nakikipag-collab pa rin siya sa mga ito kapag my TV o radio program na nag-iimbita sa kanila. Occassionally, Brian will guest in Westlife concert at magpe-perform ng ilang kanta kasama ang lads.
Sa ganang kay Ella naman, wala na siyang planong ituloy ang paglipat sa London. Dumaan ang mga taon, may namuong pag-iibigan sa pagitan nina Brian at Ella at ngayon nga ay kasal na sila at may dalawa nang anak.
Wakas
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top