Story #14 Kidney for Sale
I'm selling my right or left kidney. Both are in good condition.
Not a smoker ✓
Occassional drinker ✓
Reason for selling: pambili ng VIP ticket sa Westlife concert
Nangingiti kong pinindot ang post button nang matapos kong i-type iyon.
Kailangan ko naman talaga ng pera pambili ng ticket pero wala akong balak totohanin ang pagbebenta ng kidney. Though scientifically speaking, one kidney is already enough to keep your body from functioning normally e mabuti pa ring meron kang dalawa. We don't know what will happen in case that remaining kidney fails in the future, 'di ba?
Then why did I post that? For clout chase. Papansin kasi ako. Natutuwa ako kapag maraming nagre-react sa post ko. I seek for attention.
Speaking, sunod-sunod na haha react ang lumalabas sa notifications ko. May mangilan-ngilan na ring nagshe-share ng mismong post.
I grinned my mouth widely. This is what I wanted.
I turned off my phone then laid my back at the bed. I looked at the ceiling.
Muling bumalik ang alaala ko sa nakita kong post kanina. Westlife will be back again in 2023 for a concert!
Nakaramdam ako ng excitement sa loob-loob ko. Gusto kong maranasang mag-VIP. Noon kasing huling concert nila noong 2019 e team bahay lang ako. Wala pa kasi akong trabaho noon.
Ngayon, may trabaho nga pero kaunti lang ang ipon ko. Hindi ko naman kasi akalaing magko-concert agad ang Westlife. Nanggugulat na lang bigla, eh. E sakto, kache-check out ko lang ng kung ano-ano sa Shopee.
Anyways, speaking of ipon, iche-check ko kung magkano na ang naiipon ko sa isa kong savings account. Wala akong ideya kung magkano ang total noon kasi lagay lang ako nang lagay. Gusto kong sorpresahin ang sarili ko para may thrill naman ang boring kong buhay.
Nag-download ako ng online banking app ng BDO. Iyon kasi ang bank ng savings account ko. Sa una at pangalawang try ay nagkamali ako ng inilagay na password. Buti na lang sa pangatlo e naalala kong Nickybyrneanakanmoako123* nga pala iyon. Buti na lang talaga.
4,122php. Iyan ang laman noon. Puwede nang pambili ng upperbox ticket.
Humahaging pa rin sa isip ko ang VIP ticket. Wala eh, hindi ko afford.
Medyo gumagabi na kaya natulog na ako.
***
Kinabukasan ay nagising ako nang maaga. Binuksan ko na rin ang phone ko. Hindi ko iyan ginagamit pang-alarm. Bakit ko pa kakailanganin iyon e kusa naman akong ginigising ng mga problema sa umaga? Ems.
Napabalikwas ako nang matanto kong sabog na ang notifications ko sa Facebook. Nag-trending pala ang post ko!
Sabik kong binasa ang comments. Pati caption sa shared posts ay aliw na aliw rin ako.
Inabot na ako ng thirty minutes kababasa e saka ko lang naisipang bumangon.
Ngiting-ngiti ako. First time kong makakuha ng 21,000 likes, 15,000 comments, at 75,000 shares sa isang post. Marami kasi ang naka-relate. Pati fans ng ibang artists e gano'n din. Biro nila ay magpo-post din sila ng gano'n sakaling mag-concert ang favorite group/artists nila.
***
Nasa fx na ako nang maisip kong magbasa naman ng request messages. Marami na rin kasi ang nag-i-stalk sa profile ko. Nadagdagan na rin ng limang libo ang followers ko. Shems, I'm so famous!
ate, relate ako sa post mo hahaha btw, kumain ka na?
Pa-share ako ng post mo ha =)
hi, im steven, and i'm divorced. i'm wondering if we can be friends.
Napatawa na lang ako habang nagbabasa ako. Kung sino-sino na lang kasi ang nagme-message sa akin, eh.
Muli kong ipinagpatuloy ang pagbabasa. May isang account na pumukaw sa akin. Wala iyong profile pic at naka-lock. Ang name noon ay Robert G.
hi, miss. interested ako sa isang kidney mo.
Magkano offer mo? giv kita 250k, sarado
Aksidente kong na-reply-an iyon ng like emoji kaya napunta iyon sa main inbox ko.
Shet. Kung kailan wala ng option to ignore messages.
miss, payag kb?
S-in-een ko lang iyon.
miss, kelangan ko ng kidney.... reply ka
Nag-umpisang umakyat ang pangingilabot sa braso ko. Mas lumala iyon nang mabasa ko ang huli niyang mensahe bago ko i-restrict ang pagme-message niya.
kausapin nlang kta. alam q kung sn ka ngwowork...
miss, kailangang-kailangan ko ng kidney, hinde aq nkkipagbiruan
***
Simula nang matanggap ko ang message na iyon ay nagiging paranoid na ako. Naging mapagmasid na rin ako sa paligid. So far, wala pa namang nag-a-approach sa akin para tanungin ako tungkol sa kidney ko.
Baka naman tini-trip lang talaga ako ng nag-message na iyon.
Kumalma na rin ako at tuluyan nang nabura sa isip ko ang message.
***
Palapit na nang palapit ang ticket selling date. Excited na rin ako. Sa ticketnet outlet sa Araneta na lang ako bibili para sigurado. Mahirap na kasing makipagsapalaran sa pagbili online, eh. Baka mahaba rin ang queue tulad noong nagbukas ang ticket selling sa concert ni Justin Bieber. Biruin mo ba namang 22,000 ’yong nasa queue!
Kaya heto, ala una palang ng madaling-araw ay nagpe-prepare na ako. Nakakatakot din kasi. Baka may scalper na umubos ng ticket e 'di mauubusan ako. (’Yung scalper 'yong bumibili ng ticket nang bultuhan tapos ibebenta sa dobleng presyo. Mga mapanlinlang, 'no?)
Ini-lock ko nang maayos ang gate ng bahay namin para hindi kami mapasok ng kung sino. Mabuti na ang nag-iingat.
Ilang aso ang nagtahulan nang magsimula akong maglakad. Dinedma ko lang sila. Focus ako sa pagbaybay ng daan papunta sa stop over. Doon ako mag-aabang ng jeep papunta sa Araneta.
Isang kanto na lang ang layo ko nang mapatigil ako sa paglalakad. May yumapos sa akin mula sa likuran!
Akma akong sisigaw nang maramdaman kong may nakatutok na matulis na bagay sa aking leeg. Hindi ko na mapagsino iyon dahil naramdaman ko ang pagkahilo nang may isang panyong tumakip sa bibig ko.
Mayamaya ay nawalan na ako ng malay.
***
Nagising ako sa hindi pamilyar na lugar. Nang ilibot ko ang mga mata ko ay nasa loob ako ng isang kubo. May nakakabit na IV fluid sa aking kamay.
Nagtangka akong tumayo pero kakaibang sakit sa tagiliran ang naramdaman ko.
"Ano it—"
Halos lumuwa ang mga mata ko nang makita kong may nakatakip na gasa sa may sikmura ko, sa parte ng atay. Mali, sa kidney pala!
Sa puntong iyon ay nanumbalik ang lahat ng nangyari sa mga nakalipas na araw.
Ang pagka-clout chase ko.
Ang pag-message ng misteryosong account.
Lahat, kumonekta sa utak ko.
Napalingon ako sa side table. Lumipad ang mga mata ko sa isang maliit na bag na may lilibuhin. Sa ibabaw noon ay nakapatong ang isang pamilyar na ticket,
WESTLIFE
THE WILD DREAMS TOUR
MANILA
FEB. 20, 2023 MONDAY 8:00PM SMART ARANETA COLISEUM
GREEN GATE-VIP
Port 101 Row 1 Seat 5
Kung gaano kalakas ang pagtili at pagpalahaw ko ng iyak ay hindi ko na nasukat pa.
***
Walong buwan ang nakalipas, nandito ako ngayon sa pinakaunang row sa VIP seat. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nasilayan ko nang malapitan ang bandang hinahangaan ko.
Masaya naman ako, pero mas nangingibabaw ang traumang dulot ng nangyari walong buwan na ang nakalipas.
Napahaplos ako sa bahagi ng katawan kong dating kinalalagyan ng isang kidney ko. Nakaramdam ako ng kahungkagan sa parteng iyon.
Wala na, hindi ko na maibabalik iyon.
At iyon ay dahil sa pagiging uhaw ko sa kasikatan, sa atensiyon, at validation ng social media.
Kung maibabalik ko lang ang panahon, sana hindi na lang ako nag-post. Dalawa pa sana ang kidney ko.
The End
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top