Story #12 That Guy Who Lost His Memory

"Hmmmmm.... O-Ouch!"

Napatigil ako sa pagtatanggal ng dahon ng malunggay nang may marinig akong pagdaing mula sa kuwarto.

Gising na siya.

Dali-dali ko munang iniwan ang ginagawa ko para puntahan ang pinagmulan ng tinig.

Dahan-dahan kong inililis ang dilaw na kurtinang may burda ng bulaklak upang sumilip. Tama nga ako, gising na ang estranghero na nakahiga sa papag.

Wala pang ilang segundo ay napadako ang tingin ng lalaki sa akin. Naroon ang gulat sa mukha niya na nahaluan ng pagtataka.

"Who are you? Where am I?"

Sa pagkakataong iyon ay tuluyan na akong pumasok sa pinto. Dahan-dahan akong lumapit sa gilid ng hinihigaan niya.

"I-I am Faye. You're at my house."

Napahawak sa may gilid ng ulo ang lalaki. Wari ba ay may iniindang sakit. Dali-dali ko siyang dinaluhan. "Are you okay?"

Mayamaya ay kumalma ang lalaki. Siguro ay humupa na ang sakit na nararamdaman.

Tumango-tango siya.

"And how about you? What is your name?" tanong ko sa kaniya. Ngayo'y nakaupo na ako sa gilid ng papag.

Tinitigan niya ako. Mayamaya ay lumambong ang mga mata niya. "I-I don't know. I barely remember... anything... I-I don't know where I came from, who am I and... and..."

Hindi na niya itinuloy ang pagsasalita.  Muli na naman siyang inatake ng sakit ng ulo.

Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi. Dali-dali kong tinungo ang cabinet at kumuha roon ng panghilot. Nang makita ang hinahanap ay nilapitan ko siya sabay minasahe ko ang gilid ng kaniyang ulo.

"Don't force yourself to think hard. It may cause you headache again."

Nakakaloka. Napapalaban ako sa English sa lalaking ito.

•••

Mula nang magkamalay ang lalaki ay hindi ko muna siya pinakilos para magpagaling siya nang lubusan. Dahil hindi pa niya alam kung sino siya ay pinangalanan ko muna siyang Mark.

Isang buwan ang nakaraan, pauwi ako sa probinsiya sakay ng owner-type jeep na dina-drive ko.  Bakasyon na kasi. Katatapos lang ng academic year. Third year na ako sa kursong nursing sa Unibersidad ng Pilipinas. Magfo-fourth year college  na ako sa enrollment.

Madilim na ang gabi. Pauwi ako sa Buenavista, Quezon noon. Nasa kadiliman na ako ng zigzag road sa Atimonan nang may mamataan akong van na nakatumba. Hindi kaya ay naaksidente iyon?

Ipinara ko ang jeep na minamaneho ko. Kumpirmadong naaksidente nga ang mga sakay. Sa aking tantiya ko ay mga kaedad ko lang din ang mga naroon. Mga binata. Hindi Pilipino. May lahi.

"H-Help us," saad ng isang lalaking blonde ang buhok.

Dahil likas sa akin ang pagtulong lalo na sa mga nangangailangan ng medical attention ay agad akong rumesponde. Isa-isa kong hinila ang nga binata na pawang may malay naman. Isa lang ang walang malay. Iyon na nga si Mark.

Sa tulong ng isang blondeng matangkad at isang lalaking itim ang buhok na may kastanyong mga mata ay pinagtulungan naming isakay si Mark sa owner-type jeep.

Bumalik ang dalawang lalaki sa van para naman pagtulungan nilang apat na alisin sa pagkakataob ang sasakyan. Ako ay naiwan sa jeep para bigyan ng first aid ang lalaking walang malay.

Hindi pa ako nakatatagal sa pagpunas sa lalaki ay may narinig akong pagbusina sa 'di kalayuan. Sinundan iyon ng pagsigaw ng isa sa mga lalaking kasama ni Mark.

"Run away, Miss! Run as fast as you can!"

Sa taranta ay hindi ko na nagawang tingnan ang apat na binata. Dali-dali akong sumakay at pinaharurot ang sasakyan ko.

Hindi pa ako nakalalayo ay narinig ko ang sunod-sunod na pag-alingawngaw ng tunog ng baril na nagpahindik sa akin.

Kung tumama iyon sa apat na binatang kasama ng lalaking walang malay ay wala na akong kaalam-alam.

Sunod-sunod na kaba ang tumira sa dibdib ko sa sumunod na isang oras. Nabatid ko kasing may dalawang kahina-hinalang sasakyang sumusunod sa akin. Paniguradong ang lalaking kasama ko ang pakay nila.

Nagkaroon ako ng pagkakataong iligaw sila nang maparaan kami sa bayan ng Gumaca. Nagpasikot-sikot ako para lang mailigaw ang mga sumusunod sa akin.

Nakahinga ako nang maluwag nang mapagtagumpayan kong ilihis ang daan nila.

Nang masigurong ligtas na kami ay saka ko lang idiniretso ang pagda-drive papunta sa Buenavista.

Siguro sa takot na rin at trauma na naranasan ko kaya hindi ako nagkaroon ng lakas ng loob na sumuplong sa pulis o dalhin si Mark sa ospital. Takot na takot kasi ako. Kahit ngayong may isang buwan na lang ang natitira bago mag-enrollment ulit ay may phobia pa rin ako. Baka ako ang pagdiskitahan ng misteryosong mga taong humahabol kay Mark.

Ngayon ngang gising na ang binata ay may isa namang problema. May amnesia ang binata. Hindi ko muna sinasabi sa kaniya ang traumatic events na nangyari nang una ko siyang makita dahil baka mag-cause iyon ng shock sa kaniya. Hahayaan kong siya ang kusang makaalala.

Sa mga sumunod na araw ay isinasama ko si Mark sa mga puwedeng puntahan dito sa aming probinsiya. Siyanga pala, kasama ko sa bahay ang mga magulang ko at dalawang kapatid. Iyon nga lang ay wala sila ngayon. Ilang araw na silang nasa lupain namin sa bundok na dalawang oras ang layo sa bahay namin sa paang-bundok. Nandoon sila kasi nangongopra sila at nag-uuling.

Sa ilang araw nang may malay si Mark ay natuturuan ko siya ng ilang Filipino words na madali niyang natututuhan. Fast learner naman pala.

"Ingat, Mark!"

Sumampa kasi siya sa kabayo kong si Melette. Matagal na niyang nire-request na sakyan iyon. Hindi lang ako pumapayag kasi baka malaglag siya. Delikado kapag nabagok ang ulo niya.

"Kaya ko na ito, Faye." He winked at me. "Angkas ka sa unahan ko dali."

"Weh? Kaya mo na?"

Tumango-tango siya.

Pinagtitiwalaan ko siya kaya pumayag na rin ako. Takot ako noong una pero nakampante rin ako nang medyo tumagal. Para bang sanay na sanay na siyang magpatakbo ng kabayo.

Tumungo kami sa may matarik na parte ng bundok. Nang makarating kami malapit sa bangin ay bumaba na kami. Ibinaba ko rin ang basket namin na naglalaman ng pagkain.

Nag-usap kami ni Mark. Dahil nga sa kakaunti lang ang naaalala niya ay ako ang madalas magkuwento nang magkuwento. Sa gilid ng mga mata ko ay nakikita kong mataman niya akong tinititigan.

Ewan ko ba, sa pagkakataong iyon ay nakadama ako ng kakaibang pakiramdam. Parang hinahalukay ang loob ng tiyan ko. At para bang umiinit ang pisngi ko.

Ipinagkibit-balikat ko iyon.

Pero ewan ba, sa mga sumunod na araw na kasama ko si Mark e madalas ko nang maramdaman iyon. Mas tumitindi lalo na kapag sinasalubong ko ang asul niyang mga mata. Para bang nalulunod ako sa tuwing gagawin ko iyon.

Humahanga na ba ako sa kaniya?

•••

Isinama ko siya sa sentro kung saan mas marami ang kabahayan. Dahil napakalayo ng palengke ay ang sentro ang tinuturing naming pamilihan ng lahat. Balak ko kasing magluto ng spaghetti at manok bilang pag-celebrate ng isang buwan niyang paggising.

Magalang akong nagpasalamat sa tindera nang makuha ko na ang binili ko. Akma akong babalik kung nasaan sina Melette at Mark ay napatigil ako. Nakatulala kasi si Mark sa isang direksiyon, at kung tama ang pagkakadinig ko ay nakikinig siya sa kantang pumapailanlang mula sa isang bahay.

But if I let you go
I will never know
What my life could be
holding you close to me

Alam ko 'yang kantang iyan. Hindi ko lang alam ang title. Wala kasi akong hilig sa foreign bands. Puro OPM ang pinakikinggan ko.

Matamang nakatingin si Mark sa bahay na nagpapatugtog. Seryosong-seryoso siya. Mayamaya ay nagyaya na siyang bumalik sa bahay.

Pagbalik namin ay sinimulan ko na agad ang pagluluto sa kalan na gumagana kapag nilalagyan ng uling. Dito kasi sa probinsiya e hindi uso ang mga awtomatiko. Puro manual ang narito.

Habang nagluluto ako ay pinakikiramdaman ko si Mark. Tahimik pa rin siya. Wari ko ay malalim ang iniisip niya.

Nang maluto ko ang spaghetti at chicken ay tinabihan ko siya.

"What's bothering you, Mark?"

Nagbuntong-hininga siya. "Westlife. I came from the boyband, Westlife."

Westlife? Hindi ba at sikat na banda iyon?

Sa puntong iyon ay napatingin ako kay Mark. Nanggilalas ako. Ibig bang sabihin ay member siya noon?

"It is a coincidence, Faye. Cause Mark is my real name. I am Mark Feehily." Hinarap niya ako.

"N-Nakakaalala ka na?"

Tumango-tango siya. "Nang mapakinggan ko ang kanta namin, para bang naalala ko lahat sa isang iglap lang."

Hinayaan ko siyang magpatuloy. "Siguro, noong araw na makita mo kami, iyon yung araw na katatapos lang naming mag-concert. The lads and I agreed to have an outing somewhere in Bicol. Pero nagulat na lang kami nang may dalawang sasakyan na humahabol sa amin. Huli kong naalala ay tumaob ang sasakyan namin na mabilis na pinatatakbo ni Kian."

Now I understand. Ngayon ko lang na-realize kung gaano kabigat na tao si Mark. Na posibleng marami na ang naghahanap sa kaniya ngayon.

"H-How's the lads?" he bravely asked me.

Ikinuwento ko ang nangyari ng gabing iyon.

Pagkatapos ko sabihin ang nalalaman ko ay nakita ko ang pangingilid ng luha sa mga mata niya.

"I hope the lads are fine."

Wala akong ibang nagawa kung hindi ang i-comfort siya.

•••

Sakay ng owner-type jeep ay kasama ko si Mark pabalik ng Manila. Kailangan kong mag-enroll and at the same time e kailangan ko siyang i-endorse sa awtoridad.

Tama nga ang hinala ko. Nagkakagulo na ang lahat dahil sa pagkawala ni Mark.

Ayos naman ang iba niyang mga kasama na sina Shane, Nicky, Kian, at Brian. Nang gabing makarinig ako ng putukan ay masuwerte nilang napagtaguan ang goons na humahabol sa kanila.

Parte pala ng kidnap for ransom ang mga suspek. Mula nang dumating ang Westlife sa Pilipinas ay tinitiktikan na ng mga ito ang limang Westlife members. Nang magkaroon ng pagkakataon ay sinundan ng mga suspek ang lima at noon na nga nagsimula ang habulan.

Naging usap-usapan sa buong mundo ang pagbabalik ni Mark. Nawalan na rin ako ng komunikasyon sa kaniya. Ninais kong umalis nang kusa sa buhay niya. Nang matanto ko kasi kung gaano kasikat siya ay nanliit ako sa sarili ko. Na isa lang akong ordinaryong tao sa buhay niya. Na ngayong naalala na ni Mark kung sino at ano siya ay hindi mahirap na agad niyang malimutan ang isang tulad kong probinsiyana lamang.

Masakit para sa akin ngayong may namumuo na akong damdamin kay Mark pero pinili kong lumayo.

Ngunit iyon ang akala ko...

•••

Isang buwan mula nang huling magkita kami ay balik ang buhay ko sa normal. Ngayon ay nag-o-OJT na ako sa isang may kalakihang ospital sa Maynila.

"Nurse Faye Protacio, may code blue tayong pasyente sa emergency room. Pakipuntahan muna. Maghahanda lang ako!" ani Doctor Jones sa akin.

Taranta kong inayos ang sarili ko at nilakad-takbo ko ang emergency room.

Habang ginagawa ko iyon ay namuo ang pagtataka sa isip ko.

Bakit ako ang pinapunta ni Dr. Jones? Intern palang naman ako?

Bakit kalmado lang ang mga tao gayong code blue na nga?

Bakit ako lang ang taranta?

Natatanaw ko na ang emergency room. Malapit na ako.

Puno ng pag-aalala ang utak ko pero pagbukas ko ng pinto ay napalitan iyon ng gulat. As in gulat na gulat.

Hindi pasyente kundi Westlife ang bumungad sa akin... at ang lalaking pinakapumukaw ng atensiyon ko ay ang lalaking kailanma'y hindi nawaglit sa isip ko mula nang magkahiwalay kami ng landas.

"M-Mark."

Nagsimulang umawit ng acapella ang apat. Hinayaan ng mga iyon si Mark na lumapit sa akin.

"Ano ang ibig nitong sabihin?" Medyo naiiyak na ako. Napalingon naman ako sa may glass window. Nandoon ang mga katrabaho kong nurses at doctors na nanonood sa amin.

"Napakarami ng nangyari nitong nakaraang buwan, Faye. May magaganda, mayroon ding pangit. Ngunit kung bibigyan ako ng pagkakataong may baguhin doon, wala akong pipiliing palitan. I would still choose the same event to occur the way it exactly happened."

Hinawakan niya ang mga kamay ko at pinakatitigan ako. "Dahil sa pagkakataong iyon ay dinala ako ng tadhana papunta sa iyo. During the short period of time we were together, it made me realize how you really mean to me. At alam mo, kung magkaka-amnesia ulit ako? Gusto kong kalimutan lahat maliban sa iyo. Cause the moments I spent with you are the most beautiful events that ever happened in my life."

He cupped my face. "I love you, Faye."

Iniwasan ko ang tingin niya. "P-Pero probinsiyana lang ako. Sikat ka sa buong mundo. Paan—"

Itinaas niyang muli ang mukha ko. "Kahit sino ka pa o anong estado mo, wala akong pakialam. Ngayon, isa lang ang gusto kong malaman..."

Para bang kumukuha siya ng lakas para sabihin ang mga sumusunod na kataga. "Are our feelings mutual?"

Tiningnan ko siya. Sinundan iyon ng makailang beses na pagbuga ng hangin which made him worried.

Gumaan ang mukha niya nang pakawalan ko ang isang ngiti. "Mas nauna pa nga yata kitang minahal, Mark. Bago ko pa malamang si Mark ka ng Westlife, lihim na kitang iniibig. A-At sobrang saya ko na malamang parehas tayo ng nararamdaman sa isa't isa."

I buried my face on his chest while hugging him. Mayamaya ay inangat ko ang mukha ko para salubungin ang titig niya. "I love you, Mark."

"Mahal din kita, Faye."

"Oh tara na, baka gagamitin na itong emergency room. Ipakikilala ko kayo sa mga katrabaho ko."

Magkaakbay kaming lumabas ni Mark kasunod ang apat na lads.

The End

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top