Kabanata 6

ERIENNA woke up feeling the warmth around her. Gising na siya pero ayaw niya paring imulat ang mga mata. Imbes na bumangon, isiniksik niya ang kaniyang katawan sa malambot at mainit na bagay na nakapalibot sa kaniya.

Napangiti siya at ipinulupot ang kaniyang braso sa pag-aakalang unan ito. Kumunot ang noo ng dalaga nang mapansing gumagalaw ang unan. Kailan pa natutong gumalaw ang unan?

Iminulat niya ang mga mata at nasilayan ang isang lobong mahimbing na natutulog katabi niya.

"Midnight?" ani niya at napatakip bibig.

Napabangon siya at inikot ang buong paligid. Nakita niya ang mga nakakalat na mga bulaklak na hindi niya natapos i-arrange kagabi.

Nakatulog pala ako rito.

Napakamot siya sa kaniyang ulo at ibinaling ang tingin kay Midnight. She traced the mark of his scar down to his nose. Hinaplos niya ang makapal na balahibo pero agad ding napatigil nang may ideyang pumasok sa isipan niya.

"Hmm . . ." Napansin ni Erienna na may kahabaan na ang mga balahibo nito.

Napangisi siya sa naisip.

She patted Midnight's head. Tumayo at tinungo ang daan papuntang kusina. Naabutan niya ang mga katulong doon na nagluluto, binati naman niya ang mga ito.

"Good morning!"

"Good morning din po, Miss Erienna."

Kumuha siya ng gunting at dali-daling bumalik kung saan natutulog si Midnight.

"Iti-trim ko lang ang balahibo mo, okay?" mahina niyang sabi at nakakalokong tinignan si Midnight.

Inumpisahan na niya ang paggupit sa balahibo sa walang kamuwang-muwang na lobo. Magmula sa leeg nito patungo sa katawan at sa mga paa. Nagkalat na tuloy ang mga balahibo sa sahig. Masyadong masarap ang tulog ng lobo kaya hindi nito napansin ang pinaggagawa niya.

Nang matapos, tinignan niya ang kabuohan nito. He looked cute. Pinanggigilan niya naman ang leeg nito.

Midnight groaned. Agad niyang tinago ang gunting sa kaniyang likuran nang magising na ito.

"Morning hehe," bati niya pero kinunutan lang siya nito ng noo.

"Are you hiding something?" ani nito at pilit na sinisilip ang kaniyang likuran.

Umiling siya.

Tumayo ang lalaki at doon lang nito napansin ang mga balahibong nakakalat.

"What did you do?" Agad na nagsalubong ang kilay ni Midnight at sininghalan siya.

"I just gave you a trim," sagot niya at pilit na iniiwisan ang matatalim nitong mga tingin.

"Eri!" Midnight growled.

Nagulat siya sa itinawag ng lobo sa kaniya at hindi niya alam kung bakit kumabog bigla ang kaniyang puso.

"Sino ka para bigyan ako ng nickname, ha?!" singhal niya rito at sinalubong ang mga tingin nito.

"At sino ka rin para bigyan ako ng trim?"

Erienna crossed her arms showing off the scissors she used to cut his fur. Napasimangot siya sa lobo. Imbes na magalit ito, ba't 'di na lang ito mag-thank you sa kaniya, 'di ba? After all, she made him look cute.

Lumapit ito sa kaniya at marahas na kinuha ang gunting sa kamay gamit ang bibig nito. Umalis ito sa harapan niya at padabog na naglakad palayo. Naiwan siyang mag-isa kaya niligpit muna niya ang mga bulaklak at mga balahibo ni Midnight na nakakalat sa sahig bago pumunta sa kaniyang kwarto.

Naligo muna siya at pumili ng damit na ipinadala ni Meira noong isang linggo. She looked at herself while fixing her hair. She saw her reflection and her necklace. Napahawak siya sa pendant at hinalikan ito bago tuluyang lumabas ng kuwarto.

"Hi, mademoiselle!"

"Ay, lobo!" Napahawak siya sa kaniyang puso dahil sa gulat nang may biglang sumulpot na puting lobo sa kaniyang harapan.

His fur was white and shiny. Hindi niya ito kilala pero nang dumapo ang kaniyang tingin sa berde nitong mga mata, agad niyang napagtanto kung sino ang nasa harapan niya.

"Fenrys?"

"Iyon nga ang aking magandang pangalan." At nag-bow pa ito sa kaniya. "Follow me. Naghihintay na si Uno sa labas."

"Huh? Aalis tayo?" tanong niya pero hindi siya sinagot nito at naunang maglakad.

Napabuntonghininga na lang siya.

Mga bastos talagang kausap.

Habang nakasunod, pinagmasdan niya kung paano lumakad si Fenrys. Sobrang ingat nitong tumapak kaya wala siyang marinig kahit na kaunting ingay. His moves were soft and feminine. Hindi kagaya ni Midnight na sobrang brusko at para bang anytime, magwawala.

Maybe Fenrys was raised by a family full of etiquette?

Tinungo nila ang gate at may pigura ng lalaki ang nakaabang sa kanila. His fitted, black long sleeve was exposing his manliness. Napasingkit ang kaniyang mga mata at tinitigan ito nang mabuti. Pamilyar ang tindig nito.

Nang tuluyan na silang makalapit, doon pa niya napagtanto kung sino ito.

"M-Midnight?" Napatakip siya sa kaniyang bibig habang nakaturo sa buhok ng lalaki. "Your hair!"

"Tsk. Shut up. Ikaw ang may gawa nito," inis na sabi nito at tumalikod.

Nakaawang ang mga labi ni Erienna at hindi niya magawang ialis ang tingin kay Midnight. She thought that the long-haired Midnight was the most ravishing man she had ever seen, but she was wrong. Maikli na ang buhok nito at aminin man niya o hindi, mas lalong g-um-wapo si Midnight.

He looked better with his new hairstyle.

"How's the preparation?"

"Doing fine."

"Preparation? Para saan?" sabat niya sa usapan ng dalawa.

"For the Moon Festival and it will be held next week."

Naunang maglakad si Midnight sa kanila. Susunod na sana siya pero humarang si Fenrys.

"Mind if I give you a ride, mademoiselle?"

Ngumiti siya at tumango.

Pagkasakay niya, agad silang humabol kay Midnight.

"Ano 'yong Moon Festival?" tanong ni Erienna habang napapatingin sa mga taong lobo na abalang-abala sa paglalagay ng mga dekorasyon sa kanilang bahay. Ang bawat bahay ay may iba't ibang disenyo, may simple at ang iba naman ay engrande.

"Ang moon festival ay ginaganap sa tuwing kabilugan ng buwan. Lahat kami ay magiging isang lobo at hindi makakapag-anyong tao sa araw na iyon. Dito rin, kadalasan, nagkakatagpo ang mga nakatadhana sa isa't isa."

"You mean, their mate?"

"Yes. Isa ito sa pinakamalaking selebrasyon sa Raeon kaya pinaghahandaan ito ng lahat."

Napatango naman siya sa paliwanag ni Fenrys.

"Pero bakit ang dami masyadong lights na nakakabit? Akala ko ba festival 'to bakit parang pasko?" usisa niya habang nakaturo sa mga lights na nakakabit sa mga kabahayan, sa mga puno at pati na sa gilid ng daan.

Napatawa naman si Fenrys.

"Ang dami mong tanong, Eri. Manahimik ka nga," sabat ni Midnight na nasa unahan lang nila at nakapamulsang naglakad.

Napasimangot siya at inambaan ang masungit na si Midnight.

"Lights are very meaningful to us, werewolves," sagot ng puting lobo pero hindi na siya sumagot pa.

Abala siyang awayin si Midnight sa kaniyang isipan kaya hindi niya napansing nasa harapan na pala sila ng isang sira-sirang gate. The irons were brownish and rusty. Sa loob no'n ay isang bahay na halatang napaglipasan nang panahon. Mukhang isang ihip lang nito ay magigiba na.

Lumuhod si Fenrys at inalalayan siya ni Midnight na makababa. Hawak-hawak ng lalaki ang kaniyang kamay at pakiramdam niya'y may dumaloy na kuryente sa pagitan ng kanilang mga palad. Napaisip tuloy siya kung siya lang ba ang nakakaramdam ng ganito sa tuwing magdadampi ang kanilang balat.

"Keep out. Knights on guard?" basa niya sa karatulang nasa gilid ng gate.

"We'll be having a meeting with the Knights. Stay here until we get back," sabi nito at binitiwan siya.

"Sandali! Iiwan niyo ko rito? At saka Knights? Anong Knights?"

Hindi naman nag-a-alien language ang mga ito pero wala siyang maintindihan sa mga pinagsasabi ng dalawa.

"I'll explain everything later," sagot nito at pumasok na sa loob kasama si Fenrys.

"Aish!" Padabog siyang tumalikod at pinagkrus ang mga braso.

Naiwan si Erienna na mag-isa kaya naglakad-lakad muna siya at pinasyal ang sarili sa Raeon. She gladly greeted everyone and they greeted them back. Napangiti ang dalaga sa itrinato sa kaniya, akala niya'y hindi siya papansinin ng mga ito. But no, they were very welcoming.

"Ganiyan nga. Sige, sakmalin mo!"

"Kagatin mo!"

Napatingin siya sa kung saan nanggaling ang mga boses. Someone was having a duel. Mga ungol at hiyaw ang naririnig niya sa mga taong nagkukumpalan 'di kalayuan sa kaniyang kinatatayuan.

Napunta ang tingin niya sa kaliwang bahagi at nakitang may nag-iihaw ng barbeque kaya agad siyang napatakbo papalapit doon. Sumusuot sa kaniyang ilong ang mabango nitong amoy. Tinignan niya ito at akala niya'y makakakita siya ng isaw o betamax pero puro ito karne.

"Hi po!" bati niya sa taong lobong nakabantay.

Nginitian siya nito at inabutan ng barbeque. "Try some."

Malugod naman niyang tinanggap iyon at agad na kinain. Pagkagat niya, nalasahan niya agad ang juice. Malambot at hindi matigas ang karne kaya naman sarap na sarap siya sa pagnguya. Isa ito sa pinakamasarap na karneng nakain niya.

"Wah! This is so good!" Hanggang sa malunok niya, nanunuot pa rin sa kaniyang ilong ang mabango nitong amoy.

"You can have some more."

"Talaga po?"

Tumango ito. At dahil sa ayaw naman niyang tanggihan ang grasya, hindi na siya nahiyang kumuha pa.

"Pero hindi po ba kayo malulugi nito? Wala po akong pambayad," sabi niya bago kumagat sa barbeque na hawak-hawak.

Napatawa naman ito nang mahina. "Hindi mo na kailangang magbayad pa."

Pansin niyang dumapo ang tingin nito sa kaniyang kwintas habang nakangiti. That was the same smile Meira gave her when she saw her necklace.

Okay?

Nagtataka siya kung bakit ganoon ang kanilang reaksyon. First time ba nilang makakita ng kwintas o baka dahil sa pendant?

Napatigil siya sa pag-iisip nang mapansing may nakatitig sa kaniya. Napapalibutan ang lalaki sa mga taong lobong abalang-abalang maghiyawan dahil sa nangyayaring labanan pero bakit sa kaniya ito nakatingin? Bakit hindi sa mga lobong nag-aaway?

The guy had heterochromatic eyes. His right eye was purple and his left was brown just like hers. She was mesmerized by those eyes. Her mind became blank and all she could see was those captivating eyes.

Tumalikod ang lalaki at naglakad palayo. Hindi namalayan ni Erienna na sumusunod na pala ang kaniyang mga paa sa lalaki. Wala siyang marinig, wala siyang maramdaman at ang tanging nasa isipan niya lang ay ang lalaki. Hindi niya alam kung nasaan na siya hanggang sa lumingon ito at ngumiti. Hindi niya mawari kung para saan ang mga ngiting iyon pero parang nasugatan ang kaniyang puso.

Those smile made her heart ached and she didn't know why.

Gusto niya itong lapitan pero biglang nawala ang lalaki at doon lang siya natauhan.

Napakurap si Erienna. "What just happened?"

Napaikot ang kaniyang tingin. Napakunot-noo siya. Imbes na mga kabahayan ang kaniyang makita, puro mga kakahuyan ang nakapalibot sa kaniya. Natatabunan ng mga puno ang sinag ng araw kaya madilim ang paligid.

Nasaan ako?

Nagsimula siyang mataranta. Natatakot siyang ihakbang ang mga paa dahil baka may patibong na nakaabang sa kaniya o 'di kaya'y bangin at mahulog siya.

A loud howl got Erienna's attention. Rinig niya ang mga naaapakang tuyong dahon sa lupa. May papalapit sa direksyon niya. Napaatras ang dalaga nang makita ang isang pares--mali. Anim na pares ng ubeng mga mata ang matalim na nakatingin sa kaniya.

Werewolves. Mga tauhan ba sila ni Midnight? But why are they snarling at me?

Tatakbo na sana siya sa kabilang direksyon pero may anim pang lobo ang nakaabang doon. Twelve wolves were encircling Erienna and she couldn't even run. Her heart was already beating fast. Unti-unti na ring nanginginig ang kaniyang mga tuhod.

Kita niya ang matutulis nitong mga ngipin at tumutulo rin ang mga laway nito na para bang takam na takam ito sa kaniya.

One of them growled. Ibinaon nito ang matutulis na mga kuko sa kaniyang paa.

"Ah!" napasigaw siya sa sakit at napaupo.

Ramdam niya ang dugong lumalabas sa mga paa. Umagos ang luha sa mga mata niya  habang ipinagdadasal na sana'y dumating si Midnight at iligtas siya.

"D-don't come near me . . ." pabulong na saad niya nang mapansing humakbang ang lobo.

Napapikit siya at isang alaala ng kaniyang tiya ang sumagi sa isip niya. Umakyat ang takot at kaba sa kaniyang puso nang gumuhit sa isipan niya ang malademonyong ngiti ng kaniyang tiya.

Tumalon ang lobo upang sakmalin siya. Napatakip siya sa kanyang mukha at sumigaw.

"Don't come near me!"

Nanginginig ang buong katawan ni Erienna habang hinihintay ang ngipin ng lobo na bumaon sa kaniyang balat pero ilang sandali ang lumipas, walang sumakmal sa kaniya. Instead, she heard whimpers.

Napabukas ang mga mata niya. Napaawang ang kaniyang labi at gulat na napatingin sa mga lobong nakaluhod na sa harapan niya.

A-anong!

"Eri!"

Two wolves were running towards her direction.

"M-Midnight!" Agad siyang napakapit kay Midnight nang makarating ito. Niyakap niya ang lalaki at isiniksik ang mukha sa mabalahibo nitong leeg.

"Havocs . . . shit," Fenrys cursed.

"What did you do to them?" bulong ni Midnight sa kaniya kaya napatingin siya sa mga lobong nakaluhod pa rin sa harapan niya.

"H-hindi ko alam."

Sinubukan niyang abutin ang mga ito kahit na nanginginig pa siya at laking gulat niya nang magpahawak ito sa kaniya. Hindi man lang ito pumalag.

Tahimik lang ang dalawang lobo at pansin niyang nagpapalitan ito ng mga tingin.

"Tell them to go back from where they came from," sabi ni Midnight na ikinalito niya.

"Ha? Makikinig ba sila sa 'kin?"

"Ba't 'di mo subukan?"

Kahit na nalilito ay ginawa pa rin niya ang inutos ni Midnight. Hindi siya makapaniwala dahil nakinig nga ito sa kaniya. Sabay-sabay na umalis ang mga ito at mabilis na tumakbo palayo.

"I'll follow them," Fenrys said at dali-daling sumunod.

"Are you okay?"

Umiling siya.

Midnight checked her wound. "It's quiet deep and I can't kiss you in this state."

Ha? kiss?

Naalala naman niya ang abilidad ng lalaki at namula siya nang sumagi sa isip ang ginawa ni Midnight sa kaniya dati.

"Anong ibig mong sabihin na hindi puwede?"

"I'm in my wolf state. Can you close your eyes?"

"Huh?"

"Just close your eyes."

Ipinikit niya ang kaniyang mga mata.

"And don't open it unless I said so," dagdag pa nito.

Tumango lang siya.

Ilang sandali ang lumipas bago dumampi ang mga labi ni Midnight kay Erienna. He was kissing her again. Nagwawala na naman ang mga kalamnan niya sa tiyan. It was the same feeling she felt when he first kissed her. Gusto niyang tumugon sa halik pero pinigilan niya ang kaniyang sarili dahil alam niyang ginagawa lang ito ng lalaki upang pagalingin ang kaniyang sugat.

She felt disappointed with that thought.

Iminulat niya ang kaniyang mga mata at anyong tao na si Midnight. She gasped when she saw Midnight's body naked. Hubo't hubad ang lalaki at wala man lang itong kahit kaunting saplot. Bago pa man siya maka-react ay may kamay na tumakip sa kaniyang mga mata.

"I told you not to open your eyes," sabi nito at humiwalay sa halik.

"S-sorry," nauutal niyang saad habang ramdam na ramdam ang pamumula sa magkabilang pisngi.

Midnight chuckled. "Pervert."

Inalis ni Midnight ang pagkakatakip sa kaniyang mata kaya napapikit siya at binulyawan ang lalaki.

"Anong pervert? Ang kapal mo! Hindi ko naman kasi alam na . . . na . . ." Hindi niya matuloy-tuloy ang sasabihin dahil nahihiya siyang banggitin ito.

"Na ano?"

"Na nakahubad ka pala," pabulong niyang sabi habang nakapikit pa rin ang mga mata.

Napatawa naman nang mahina si Midnight at hinalikan siya nito sa noo.

"Glad you're okay now."

Ginalaw ni Erienna ang kaniyang mga paa at wala na siyang maramdamang pagkirot. Epektibo nga talaga ang halik ni Midnight.

I wonder kung ilang babae na ang nahalikan niya.

Napatigil siya sa pag-iisip nang maramdaman ang hininga ni Midnight sa kaniyang tainga.

"Pervert," sabi ulit nito kaya napakagat siya sa kaniyang labi.

"Hindi ko nga sabi 'yon sinasadya!"

---

This chapter is dedicated to my critic Violet_Ybrehl07 Thank you so much and lovelots ❤️

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top