Kabanata 5

MAHIGIT isang linggo na ang lumipas matapos siyang bilhan ng mga damit ni Midnight. Pagkatapos ng pangyayaring iyon, ilang beses na rin siyang nagpaikot-ikot sa palasyo dahil hinahayaan lang din naman siya ni Midnight. Hindi pa nga niya halos naitikom ang kaniyang bibig no'ng napunta siya sa salas at nasilayan ang napakalaking chandelier na gawa sa diyamante.

Sa bawat pasilyong nadaan niya, may nakasabit na larawan ng mga ninuno ni Midnight. Hindi naman nakakatakot ang mga ito pero nakapagbigay tindig pa rin ito sa kaniyang mga balahibo.

Nasa hardin siya ngayon sa likod ng palasyo at nawiwiling pumitas ng mga bulaklak. Nagpaalam siya kay Midnight at pumayag naman ito.

"Wah, ang gaganda niyo naman!" nakangiting sabi niya habang inaamoy ang pinitas niyang Daisy.

"Yes, maganda, mana sa 'kin. Magandang lalaki." Napaigtad si Erienna nang may biglang nagsalita sa likuran niya.

Dahan-dahan siyang lumingon. Sumalubong sa kaniya ang nakangiting mukha ng isang lalaki. Matangkad at maganda ang tindig nito. Kulay nyebe ang mga buhok nitong bahagyang tumatakip sa mapupungay at berdeng mga mata.

It was the guy he saw the first morning she woke up in Raeon.

Erienna thought that Midnight was way more ravishing, but this guy had its own appeal. Gorgeous? Good-looking? Attractive? Pretty? She didn't know how to explain the charm that this guy possessed.

Isang itim na damit at pantalon lang ang suot nito pero parang modelo itong nag-p-promote ng sinusuot dahil sobrang bumagay ito sa hubog ng katawan. Para bang ginawa lang ang kasuotan para sa lalaki.

He was beautifully handsome.

"Pleasure to meet you, mademoiselle. I'm Fenrys," pakilala nito at inilahad ang kamay.

Inabot niya iyon habang nakatingin pa rin sa gawi ng lalaki. She slightly gasped when Fenrys kissed the back of her hand.

"I-I'm Erienna," nauutal niyang sabi. Sino ba naman kasing hindi mauutal kung ganito kagandang lalaki ang makakaharap mo.

Ngumiti ito sa kaniya at napababa ang tingin sa kaniyang kwintas.

"What a wonderful necklace."

Napahawak naman si Erienna sa pendant. "My mom gave this to me."

"Really?" kunot-noong tanong nito na ikinataka niya. "Are you sure?" he added while his lips were raising at one corner.

Erienna heard a woozing sound. Wala pang isang segundo, ibang lalaking na ang nasa harapan niya. Napamulagat ang kaniyang mata nang makita si Fenrys na tumilapon at nagpagulong-gulong sa lupa.

"Don't touch her!" The guy who owned a scar and a pair of blue orbs growled at the beautiful man.

"Aw! Galit ka naman agad, Uno." Fenrys hissed. Dahan-dahan itong tumayo habang napapangiwi. "Buti na lang hindi nagasgasan ang guwapo kong pagmumukha," dagdag pa nito sabay iling.

Lalapitan sana ni Erienna si Fenrys upang tingnan kung nasugatan ba ito pero may humawak sa kaniyang braso.

"Don't you dare." Midnight snarled.

Napalunok naman siya. Madilim ang mukha nitong nakatingin kay Fenrys na para bang anytime ay lalapain ito nang buhay.

Paika-ikang naglakad si Fenrys palapit sa kanila. Nasilayan niya ang braso nitong nagkasugat. Agad niyang nilingon si Midnight bago nagsalita.

"Bakit mo 'yon ginawa sa kaniya? Look!" Turo ni Erienna sa braso ni Fenrys. "Look what you did!"

She received a glare from Midnight. "Are you fucking concerned to this damn moron?"

"Sino ba kasing hindi? Tingnan mong ginawa mo sa kaniya, oh. Mapapatay mo pa yata siya," sabi ni Erienna at nakipagsukatan ng tingin kay Midnight. Ayaw niyang magpatalo rito.

Napatiim-bagang si Midnight at magsasalita na sana nang bigla namang umeksena si Fenrys.

"Tama na 'yan," awat ni Fenrys at tumingin sa kaniya. "I'm fine. You don't have to worry about me." Ibinaling naman nito ang tingin kay Midnight. "And I don't have any plan on stealing what you own, Uno. So, kalma," he added while combing his hair.

Maaliwalas ang mukha nitong nakatingin sa kanilang dalawa na para bang hindi nasaktan sa pagtilapon kanina.

"What do you want?" tanong ni Midnight, medyo kalmado na ang mukha nito.

"I have news," makahulugang sabi ni Fenrys at bigla na lang nagbago ang ekspresyon nito. Ang kaninang maaliwalas ay napalitan ng pagkaseryoso.

News? Anong news?

Hindi mapigilan ni Erienna na maintriga sa pinag-uusapan ng dalawa.

"Let's talk inside." Midnight signaled Fenrys to follow him. Paika-ika naman itong sumunod. Sumunod din siya sa dalawa pero agad ding napatigil nang lingunin siya ni Midnight at pinaulanan ng matatalim na tingin.

"Stay here."

"Pero--"

"I said stay!"

"Hindi mo ba papagalingin si Fenrys?" Erienna said, still concerned of the guy's condition.

Napakunot ang noo ni Midnight.

"Sabi mo you have the ability to heal someone by kissing them, right? Why don't you kiss him nang gumaling na siya?" Turo niya kay Fenrys.

"What?!" sabay napasigaw ang dalawa.

"Pfft. Since when did you--" Hindi natapos ang sasabihin ni Fenrys nang bigla siyang pinaningkitan ng mata ni Midnight. Napasipol na lang ito habang iniiwasan ang matatalim na tingin ng kanilang pinuno.

Hindi naman sumagot si Midnight at tinalikuran na sila.

"Hoy! Midnight!" tawag niya sa lalaki pero hindi siya nito nilingon at naglakad na palayo.

Napasimangot na lang siya habang tinitingnan ang papalayong si Midnight.

"Magiging okay rin ako mayamaya so you don't have to worry. Malayo 'to sa bituka," Fenrys said.

Nagsimula na rin itong maglakad pero bago pa man tuluyang makalayo si Fenrys, lumingon ito sa kaniya at makahulugang tinitigan siya.

"And the kiss thingy won't work on me," he said and disappeared.

Anong--

Nagpalinga-linga si Erienna upang hanapin kung nasaan si Fenrys pero kahit na anino nito, wala siyang makita.

"Nasaan na 'yon?"

Napakamot na lang siya sa kaniyang ulo. Hindi niya mapigilan ang sariling mahiwagaan sa abilidad ng mga taong lobo.

---

PINAKIRAMDAMAN ni Midnight ang presensyang sumusunod sa likuran niya.

"What do you want to tell me?" he asked without looking at Fenrys. Alam niyang paika-ika itong naglalakad dahil sa ginawa niya kanina pero hindi naman siya nakonsensya. Fenrys wasn't weak so he didn't feel bad at all.

"Telling won't be enough. I need to show it to you," ani nito.

Rinig niya ang tunog ng damit na unti-unting napupunit. He turned to face Fenrys and he was transforming. Lumikha ng kaluskos sa semento ang matutulis nitong mga kuko. Ang katawan nito'y unti-unting lumalaki at naging mabalahibo na ipininta sa kulay na nyebe.

The beautiful man turned into a white wolf.

Fenrys was signaling him to transform too, so he did. Ngayo'y magkaharap na ang dalawa. Biglang magsalita si Fenrys at nanunuya siya nitong tinignan.

"But before that, ano 'yong kiss kiss, ha? Don't tell me you--"

"Since when did you become so nosy, Fenrys Niran?" he said cutting Fenrys' words.

Imbes na mainis ang puting lobo ay ngumisi ito habang naglakad papunta sa direksyon niya.

"Hay nako, Midnight Ares," sabi nito at binanggit din nang buo ang kaniyang pangalan. Pailing-iling pa ito habang nakangiti na parang aso.

Midnight groaned. Tinignan niya ang kabuohan nito at hindi niya mapigilang hindi mainis. Kung maglakad pa'y napakaelegante na para bang isang prinsipe.

Elegant moron!

Sinalubong niya ang berde nitong mga mata. "Cut your crap. Ipakita mo sa akin ang gusto mong ipakita."

"Fine, fine. Follow me," sabi ng puting lobo at hinanda ang mga paa sa gagawing pagtakbo.

Sumunod naman kaagad siya rito.

Nakalabas na sila ng palasyo at agad na sinuot ang kagubatan ng Raeon. Napaangat ang tingin ni Midnight sa kalangitan at dakot hapon na. Sumalubong sa kanila ang nagtataasang mga puno at mayayabong na mga damuhan.

The two had an incredible speed. Wala pa ngang limang minuto ay nasa kalagitnaan na agad sila ng gubat na kilometro ang layo mula sa palasyo.

Habang sila'y tumatakbo, hindi mapigil ang kaniyang tainga sa paggalaw habang pinakiramdaman ang buong paligid. Iba't ibang mga ingay ang naririnig niya. Bird chirps, snake hisses and a current made by the strong flow of water. Naaninag nila ang nagraragasang tubig sa ilog. Hinanda nila ang kanilang sarili at tumalon nang pagkalakas-lakas upang makatawid sa ilog.

They were at the boundary of Raeon, and Midnight could smell the lingering scent of blood. Palapit sila nang palapit sa direksyon kung saan nanggaling ang amoy. They stopped at the unsconcious man lying on the ground.

"It's a Havoc," Fenrys uttered and that made Midnight's blood boiled in anger.

The Havocs were black werewolves who traveled in packs. Isang bagay lang ang sinusunod nila. Ang kautusan ng kanilang pinuno at kung sino ang pinunong iyon ay wala silang alam.

Matagal nang nananahimik ang mga Havocs dahil sa nangyaring labanan ilang taon na ang nakakaraan. But now, they were starting to wreck Raeon again.

"I saw him with his pack observing Raeon. I attacked them and sad to say, siya lang ang nakuha ko but don't worry, buhay pa 'yan."

Ginalaw ni Midnight ang walang malay na lalaki gamit ang kaniyang paa. Nagulat siya nang bigla nitong iminulat ang mga mata at galit itong nakatingin sa kaniya.

"Ares . . ." the Havoc muttered and its purple eyes were glaring at him.

Diniinan ni Midnight ang pagkakatapak sa kaniya upang hindi ito makagalaw.

"Who gave you the permission to step on our territory?" Midnight growled showing his sharp teeth to the Havoc, but the Havoc showed no fear. Its eyes were burning with anger.

"Damn you, Ares!" Nagpupumiglas ito at pilit na inaalis ang mga paa ni Midnight na nakadagan sa kaniya. "I will kill you!" nangangalaiting sigaw nito at unti-unting nagbago ang anyo.

Hindi inakala ni Midnight na may natitira pa pala itong lakas para makapagpalit ng anyo, pero bago pa man matapos ng Havoc ang pagpapalit nito, isang puting lobo ang sumakmal at walang pagdadalawang-isip na pinugutan ito ng ulo.

"You'll be killed first," bulong ni Fenrys sa walang buhay na Havoc.

Hindi ito ang unang beses na nakahuli sila ng Havoc pero ilang beses na rin silang nabigo na makakuha ng matinong impormasyon. Palagi na lang ganoon ang isinasagot sa kanila dahilan para uminit ang kaniyang ulo.

Kapag nalaman niya lang kung sino ang pinuno nila, lalapain niya talaga ito nang buhay.

Tumalikod na si Midnight nang biglang magsalita si Fenrys.

"A human who could tame the Havocs," Fenrys said, opening about the prophecy. "She is here."

He knew who Fenrys was pertaining to.

"She's powerless."

"We haven't tested her out."

Hindi sumagot si Midnight at napatiim-bagang na lang. Nawala na sa likuran niya ang presensya ng puting lobo. Teleportation was indeed an advantage. Napailing na lang siya at mag-isang bumalik sa palasyo.

Madilim na nang makabalik siya. Agad siyang dumiretso sa living room kung saan nanggaling ang mabangong halimuyak ng dalaga. Napakunot pa ang kaniyang noo nang maabutan ang dalagang natutulog sa sahig. Pansin din niya ang mga bulaklak na nakakalat. Mukhang nakatulog ito kaka-arrange ng mga bulaklak.

Nilapitan niya ang babae at napansing humihikbi ito.

"Having a bad dream again, huh?"

Tinabihan niya ito upang hindi lamigin sa semento. Ipinulupot niya ang kaniyang buntot sa katawan ng dalaga na parang isang kumot at nagsimulang kumanta.

The lullaby that he used to hear when he was still a kid.

Hinalikan niya ang noo at pinakatitigan ang mukha nito. Tumigil na ito sa paghikbi at mahimbing nang natutulog.

Napangiti siya. Isang lullaby lang pala ang katapat sa mga masamang panaginip nito.

Ipinikit ni Midnight ang kaniyang mga mata at hinayaan ang sariling makatulog. Memories of his past were invading his dreams again.

"Eri, sabihin mo lang sa akin kung may nang-aaway sa 'yo at aawayin ko sila para sa 'yo."

"Talaga ba, Midnight? E, ang liit-liit mo, oh!" Nakangiti ang babae sa kaniya habang ginugulo nito ang makapal niyang balahibo.

"Someday, I'll become a very big wolf and when it happens, I'll protect you and no one can ever harm you."

"Promise?"

"Promise!"

Napamulat si Midnight habang nararamdaman ang bigat sa kaniyang puso. He felt guilty. Hindi niya naproktektahan si Erienna at mas lalong wala siya sa tabi nito nang mawala ang mga magulang ng dalaga.

Alam niyang namatay sa aksidente ang mga magulang nito pero iyon na ang huling bagay na alam niya tungkol kay Erienna. Wala na siyang nabalitaan pa tungkol sa dalaga matapos ang insidenteng iyon.

Many years had past and he never expected that their path would cross again. That night, when he saw her at the forest, he immediately recognized her. Those sweet scent she possessed and those brown eyes that he used to stare at, he knew it was her.

He knew it was Erienna.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top