Kabanata 4

AGAD na humiwalay si Erienna nang mapagtanto ang kaniyang ginawa. Masyado siyang nawili sa paghawak sa makapal at malalambot nitong mga balahibo. Kung bakit ba naman kasi sobrang hilig niya sa mga hayop, ayan tuloy, kamuntikan na niyang makalimutan na isang taong lobo pala ang kaharap niya.

Nag-tsk lang si Midnight at binugahan siya nito ng hangin sa mukha.

"Anong--" palag niya at gulat na tinignan ang lalaking lobo. "Bakit mo ko hiningaan?!"

"I just want to."

Sinamaan naman niya ito ng tingin. Hindi naman mabaho ang hininga ng lobo pero naiinis siya dahil hindi niya ma-gets ang mga pinaggagawa nito. Nang-aasar ba ito? Nan-t-trip? O sadyang 'di lang talaga naturuan ng manners?

Pansin naman niyang nakatitig ito sa kabuohan niya. Nagtama ang tingin ng isa't isa at sa 'di maipaliwanag na dahilan, nakaramdam ng pagkailang si Erienna. Hindi niya kayang salubungin ang bughaw nitong mga mata. Pakiramdam niya'y matutunaw siya sa mga titig nito.

"You look awful." Humakbang palapit sa kaniya si Midnight.

"Your dress looks so terrible and your hair.  . ." he paused and sniffed her. "Stinks."

She flinched after hearing Midnight's words. Napakagat siya sa pang-ibabang labi dahil sa inis. Ramdam din niya ang unti-unting pag-init ng kaniyang mga pisngi. Hindi niya inakala na lalabas iyon sa bibig ng lalaki.

Kasalanan ba niyang mukha siyang gusgusing bata sa harapan ng binata?

"Sorry, ha? Hindi naman po kasi ako na-inform na bigla akong dadakipin ng isang lobo, 'di tuloy ako nakapag-ready ng mga damit!" hindi niya napigilang maging sarkastiko sa harapan ng lalaki. Pakiramdam niya ay lalabas na ang usok sa butas ng kaniyang ilong dahil sa sobrang inis.

"Don't talk back at me like that." Midnight threw a death glare at her. Pero imbes na matakot ay inirapan niya lang ito.

Midnight kneeled in front of her that made her eyebrows arched.

"Sakay."

"Huh?"

"Sumakay ka na lang," matigas nitong sabi at inungulan siya. Napalunok naman si Erienna at dali-daling sumakay sa likuran nito.

Ramdam ni Erienna ang init ng katawan ni Midnight dahil sa makapal nitong mga balahibo. Hindi niya mapigilang hindi ito haplusin. Napunta ang mga tingin niya sa tainga na kanina pa galaw nang galaw na para bang pinapakinggan nito ang buong paligid.

She pinched his ears that made him shook his head in irritation. Napatawa naman siya nang mahina.

"Cut that and hold on to me tight."

"Are we going somewhere?"

Imbes na sumagot si Midnight at dumungaw sa ibaba ng terrace. Magsasalita pa sana siya pero bigla na lang itong tumalon kaya napahiyaw siya nang malakas at agad na napayakap sa taong lobo. Napapikit siya dahil sa hanging tumatama sa mukha. Para na ring luluwa ang kaniyang puso sa sobrang bilis ng tibok.

Hindi man lang siya binigyan ng warning ni Midnight at ang tansiya niya, limang palapag ang taas ng itinalon nila.

Isang malakas na kalabog ang nilikha ng lalaki nang makatungtong ito sa lupa. Napabukas ang kaniyang mga mata at nakangangang dumaosdos pababa habang hawak-hawak ang kaniyang puso.

"Akala ko mamamatay na ako." Habol-habol niya ang paghinga habang nakasandal kay Midnight.

Pakiramdam niya'y na-misplace ang ilang organ niya sa katawan. Napaangat ang kaniyang tingin at halos hindi na niya maitikom pa ang bibig nang makita kung gaano kalaki at kataas ang palasyo ni Midnight.

Nakakalula! Sa isang talon lang ay nandito na agad sila sa labas.

Pinaningkitan niya ito. "Sana sinabi mo na tatalon pala tayo!"

Midnight just chuckled. Binugahan ulit siya nito ng hangin.

"Ano ba! Buga ka nang buga!" bulyaw niya at itinulak ang mukha nito palayo sa kaniya.

"Thought you need some air, namumutla ka, e." Ngumisi ito at nanunuya siya nitong tinignan.

Napairap naman si Erienna. The werewolf was getting on her nerves. Huminga siya nang malalim at pilit na pinapakalma ang sarili dahil baka sambunutan niya ito at walang itirang balahibo sa katawan.

"Can you stand?"

"Of course!" pasinghal na sagot nito at naunang maglakad pero napatigil siya nang mapansin ang nasa harapan niya.

Isang napakalaking gate na gawa sa bakal at sa likuran no'n ay mga naglalakihang puno at mga kabahayan. Napalapit siya roon at unti-unti, nakarinig siya ng mga ingay galing sa labas. Nakita niya ang mga iba pang kauri ni Midnight, mga taong lobo na abalang-abala sa mga kani-kanilang gawain. May ibang nagkukumpulan, ang iba naman ay nakikipagkuwentuhan.

Napaigtad siya sa gulat nang bigla na lang bumukas ang gate at kasabay roon ang pagsalita ng isang baritonong boses.

"Let's go."

"Teka lang, saan ba kasi tayo pupunta?" naguguluhan niyang tanong dahil hanggang ngayon, nalilito pa rin siya kung bakit sila nandito.

"Kukuha tayo ng mga damit mo," sabi nito at saka naglakad na.

Agad naman siyang sumunod at laking gulat niya nang isa-isang yumuko ang mga taong lobo na madadaan nila.

"Uno," ang palaging sinasambit ng mga lobo sa kanila.

Are they pertaining to Midnight?

Napalingon siya sa gawi ng lalaki at kalmado lang itong naglalakad.

Ganito ba kalaki ang respeto nila sa lobong 'to?

Rinig niya pa ang mga bulung-bulungan ng iba sa tuwing mapapatingin ito sa kaniya. Nagugulat pa nga ang iba.

"She's a human."

"Totoo nga na nagdala ng tao si Uno sa kaharian."

"Uno? Is that what they call you?"
tanong niya.

Tumango naman si Midnight.

"Bakit--" Naputol ang kaniyang pagtatanong at napatingin sa mga paa nang may malambot na bagay ang bumangga roon.

Napatakip siya sa kaniyang bibig upang pigilan ang pagtili. Two little puppies with brown fur were waggling in front of her. Mabilis siyang yumuko para hawakan ang mga ito. Napaatras pa ang dalawang tuta sa simula pero kalaunan din ay nag-e-enjoy na itong hawakan niya.

"Where are you parents?" Napalingon si Erienna sa nagsalitang si Midnight.

Sumagot naman kaagad ang dalawang tuta, "Nasa bahay po."

Kinarga niya ang isang tuta na kanina pa dila nang dila sa kaniya habang ang isa naman ay naunang maglakad. Sinundan nila iyon ni Midnight.

"Do you know them?" tanong niya.

"I know them all."

Whoa! So, kilala niya ang lahat dito?

Usually leaders wouldn't waste time knowing all of their members. No wonder kung bakit ganito na lang kalaki ang respeto nila sa lobo.

Pumasok sila sa isang makipot na daan na pinapalibutan ng mayayabong at matataas na mga puno. Napapikit pa siya dahil sa preskong hangin na dumampi sa kaniyang balat. She felt refreshed. Matagal-tagal din bago siya nakalanghap ng ganito kapreskong hangin.

"Ano po ba ang pangalan niyo?"

"I'm Erienna and you are?" tanong niya at pinanggigilan ang pisngi nito.

The little wolf whined before answering. "I'm Lorcan and that's my brother, Leven," pakilala niya sa tutang naunang maglakad sa kanila.

Napatigil sila sa harapan ng isang mansiyon. Napataas pa ang kaniyang kilay dahil punong-puno ng mga kolorete ang buong mansyon. Iba't iba ang kulay sa bawat pader pati na rin ang gate.

Agad na tumalon ang batang si Lorcan nang tuluyan silang makapasok sa loob. Sumalubong sa kanila ang medyo may edad ng babae pero makikita pa rin sa mukha nito ang kagandahang taglay. Kulay abo ang mga mata at hanggang bewang ang kayumanggi nitong mga buhok. Ito yata ang ina ng dalawang tuta kanina.

Nakangiti ito sa kanila at yumuko bilang respeto kay Midnight.

"Uno, anong maipaglilingkod ko sa iyo?"

"She need some dresses." Turo ni Midnight sa kaniya.

Wala pang isang segundo ay nakalapit na agad ang babae sa kaniya at inamoy siya.

"You're a human?" patanong na saad nito at napatingin sa kaniyang kwintas. Nagtaka ang dalaga nang mapansing ngiting-ngiti na itong nakatingin sa kaniya.

"Ahm . . ." Biglang hinawakan ng babae ang kaniyang kamay at kinaladkad siya nito sa isang napakalaking kuwarto. Kamuntikan pa siyang matisod sa sobrang bilis nitong maglakad.

Halos lumuwa ang kaniyang mga mata nang makita kung ano ang nasa loob ng kwarto. Punong-puno ito ng mga damit na may iba't ibang mga disenyo at kulay.

"I made them all. Nga pala, I'm Meira at ako ang nagmamay-ari sa pagawaan na 'to."

"Pagawaan?"

"Pagawaan ng mga damit."

"Whoa!" she exclaimed. Pagawaan pala ng damit ang mansyon na ito.

Inikot niya ang kaniyang paningin sa mga naggagandahang damit at hindi niya mapigilang hindi mapangiti. Every girl wanted to have a closet full of different dresses and it felt like a dream come true for Erienna after seeing the room.

"Pick anything you like."

"Talaga? I-I can?" Napalingon siya kay Meira at nakangiti itong tumango sa kaniya.

Napangiti siya nang malawak at tuwang-tuwang napatakbo papalapit sa mga damit. Tinulungan siya ni Meira na makapili at hindi na rin niya mabilang kung ilang mga damit na ang ipinasuot sa kaniya.

It took a while before they got out of the room. Isang peach floral dress ang suot niya na sakto namang bumagay sa kaniyang maputing kutis. Hanggang tuhod ang suot-suot niyang damit at naka-flat shoes siya. B-in-raid din ni Meira ang kaniyang mahabang buhok.

She heard a rumbling and whining sound when they got out. There, he saw Midnight laying down, busy looking at the two puppies who were fighting.

So cute!

Midnight laid his eyes on her. Tiningnan nito ang kabuohan niya. Hindi niya alam kung bakit kinabahan siya sa magiging opinyon ng lobo. Nilait kasi nito ang itsura niya kanina at hindi naman sa nagpapa-impress siya pero gusto niyang makakuha ng compliment mula kay Midnight.

Tumayo ito at nilapitan sila. Malalim siya nitong tinitigan. His stare could almost pierce through her skin.

Her heart throbbed.

"Beautiful." Ang salitang lumabas sa bibig ni Midnight na nakapagpahinto sa kaniyang puso.

Ilang beses pa itong nagpaulit-ulit sa kaniyang utak na para bang sirang plaka. Napakagat siya sa kaniyang pang-ibabang labi upang pigilan ang sariling mapangiti. Napahawak din siya sa namumula niyang mga pisngi.

I'm not blushing! I'm definitely not blushing!

Pagtanggi niya pa sa kaniyang sarili pero huli na ang lahat dahil nagdidiwang na sa tuwa ang buo niyang sistema.

"Ipapa-deliver ko na lang ang iba pang damit sa palasyo, Uno."

"Thanks, Meira."

Nagpasalamat din si Erienna sa babae bago sila magpaalam at lumabas nang mansiyon.

Lumuhod nang bahagya si Midnight. Signaling her to ride on his back.

"Tatalon na naman ba tayo?" tanong niya nang makasakay.

"Nah. We'll just take a jog," sagot nito at napahawak siya nang mahigpit nang magsimula na itong gumalaw.

Akala niya'y mag-jo-jogging lang sila pero halos wala na siyang makita sa paligid dahil sa bilis ng takbo nila. All she could see was a blur. Tinatangay ang kaniyang buhok sa malakas na hanging sumalubong sa kaniyang mukha. Hindi niya magawang maaninag ang mga kabahayan dahil sa bilis ni Midnight at tanging mga yabag lang nito ang naririnig niya.

Wala pang ilang segundo nang makarating sila sa palasyo.

Agad siyang bumaba at hinarap ang binata. "Akala ko ba mag-jo-jogging ka lang? E, bakit parang nasa racing ka kung tumakbo?"

"Jogging 'yon." Nagkibit-balikat lang si Midnight at saka tinalikuran siya.

Sumunod siya rito. "Saan ka pupunta?"

"Magpapalit ako ng anyo." Tumigil ito sa paglalakad. "If you don't want to see me naked in front of you, turn around and don't try to follow me," sabi nito at humakbang papalapit sa kaniya. Inilapit nito ang mukha sa kaniya at nanunuyang nagsalita. "Unless, you want to see my body."

"W-what? As if!" Napaiwas agad siya ng tingin at tumalikod kay Midnight.

He really knew how to get on Erienna's nerves.

Isang mahinang tawa lang ang itinugon ni Midnight at iniwan na siyang mag-isa.

Naalala naman niya ang ginawa ni Midnight para sa kaniya.

"Ahm . . . Midnight?" mahina lang ang pagkatawag niya rito at malayo-layo na rin si Midnight sa kaniya pero narinig pa rin siya nito.

Lumingon ito sa kaniya.

"T-thank you pala sa mga damit," nahihiya niyang sabi at napakagat sa kaniyang labi.

Midnight just smiled at her and that tickled her heart. Deep inside her felt happy and she didn't know why.

Tinitigan niya na lang ang pigura nitong naglakad na palayo sa kaniya habang pinakiramdaman ang sarili.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top