Kabanata 3
"EAT."
Napasulyap si Erienna sa pintuan ng kuwarto bago binalik ang tingin sa lalaki. Paggising niya kaninang umaga, ang mukha na kaagad ng lalaki ang bumungad sa kaniya.
"What are you looking at?" kunot-noong sabi nito at pinaningkitan siya. "Don't just stare at me and eat."
Hindi naman siya sumagot at kinuha ang pagkaing dala nito. Maka-what are you looking at, e, siya naman 'tong titig na titig sa kaniya. At isa pa, kakakain niya lang dahil may pagkain ng nasa small table kanina pagkagising niya, pero itong si Midnight, dinalhan pa siya.
Pinasadahan niya ito ng tingin at napalaki ang kaniyang mga mata nang nakatingin ito sa kaniyang dibdib.
Agad niyang niyakap ang sarili.
"Tsk. I wasn't looking at your breast," depensa ng lalaki nang mapansin nito ang masama niyang tingin.
"Shut up! Nagdadahilan ka pa, e, huling-huli ka na sa akto!"
Midnight rolled his eyes. "I was looking at your necklace."
Napataas ang kaniyang kilay dahil hindi pa rin siya kumbinsido sa sinabi ng binata. Baka gumagawa lang ito ng excuse para mapagtakpan ang kamanyakan.
"It's beautiful," sinserong sabi nito at ngayo'y nakatingin na ito sa kaniyang mga mata. May bigla na namang gumalaw sa tiyan niya nang magsalubong ang kanilang tingin.
The man suddenly smirked at her. "Your necklace is much more beautiful than your breast, you know."
Napaawang naman ang kaniyang labi. Hindi pa niya naranasang makatanggap ng komento patungkol sa katawan niya. It was her first time receiving one, but it wasn't a compliment. It's an obvious insult.
Unti-unting uminit ang kaniyang mga pisngi habang napapakagat na lang siya sa pang-ibabang labi.
This werewolf!
Naiinis siya dahil sa pagiging blunt nito, ni hindi nito naisip na nakakainsulto ang mga salita na binitiwan. Hindi ba nito alam na nakakasakit sa tao ang magkomento ng hindi maganda sa katawan nila?
Oh well, hindi nga pala ito tao.
Napairap siya at hindi sumagot. Tinuloy na lang niya ang kaniyang pagkain at hindi pinansin ang lalaki.
May kumatok sa pinto kaya napunta ang tingin niya roon.
"Come in," saad ni Midnight.
Iniluwa naman doon ang isang lalaking may puting mga buhok. "Uno." Pinilig nito ang ulo na para bang sinesenyasahan si Midnight.
Tumayo naman si Midnight mula sa pagkakaupo sa kama. Sinulyapan muna siya nito bago tumalikod. "I'll be back."
Lumabas si Midnight kasama ng lalaki kaya naiwan na lang siyang mag-isa. Tinapos niya munang kainin ang dinala nitong karne dahil sa sarap. Masiyadong nakakatakam. Hindi niya alam kung dahil ba ito sa pagkakaluto o masarap talaga ang karne nila rito.
Nang matapos siyang kumain, bumaba siya sa kama at dahan-dahang naglakad papunta sa nakasarang pinto.
Napalunok muna siya bago hinawakan ang doorknob. Simula kahapon, hindi pa siya nakakalabas sa kuwarto. Hindi niya rin sinubukan kahapon dahil nakatulog siya. She was too tired and overwhelmed that she forgot about thinking of ways to escape.
Pinihit niya ito at laking gulat niya nang hindi pala ito naka-lock. Napasinghap siya sa tuwa. Mabilis niyang tinulak pabukas ang pinto at lalabas na sana nang may isang bagay siyang natamaan sa pagbukas.
Natigilan siya nang may malaking lobo ang nakaharang sa pinto.
---
MIDNIGHT came back in the palace after he and Fenrys went out to check their boundary. They were on guard for quite some time now because of the sudden movement from their neighboring kingdom.
He was in his wolf form when he went to the fifth floor. Papunta na siya sa kaniyang kuwarto. At dahil madadaanan niya ang kuwarto ni Erienna, tumigil muna siya saglit.
Hihilahin na sana niya ang doorknob gamit ang kaniyang bibig ngunit napaigtad siya nang bigla itong nagbukas at tumama ang doorknob sa kaniyang ilong.
He glared at Erienna who was standing in front of him like a frozen cat.
"That hurts," he sneered.
"Midnight?" Nakaawang ang bibig nito habang tinitigan ang mabalahibo niyang katawan.
"Who else?"
Napalunok naman ito. "S-sorry. Hindi ko alam na nandiyan ka pala."
Hindi siya sumagot. Napunta ang tingin niya sa pisngi nitong may piraso ng karne. Napangiti siya.
It seemed that she ate it all.
He licked her cheek to remove the remaining piece.
"Anong--" Nabalot naman ng gulat ang mukha ni Erienna. Ilang sandali pa ay agad itong napangiwi.
"Yuck!" pandidiri nito at kaagad na pinahid ang mga kamay sa sarili nitong mukha.
A little smile formed from his lips before turning. "Follow me."
Naglakad na siya. Nilampasan niya ang kaniyang kuwarto.
He groaned in annoyance when he felt a pair of hands touching his tail. Nilingon niya si Erienna na nagmamadaling tinago ang mga kamay sa likuran.
"S-sorry," mahinang sabi ng babae habang titig na titig sa kaniyang mabalahibong katawan. Hindi niya ito pinansin at tumalikod na ulit.
"Aw!" Sinadya niyang patamaan si Erienna sa kaniyang buntot at naglakad na palabas.
That's for touching my tail!
"Saan tayo pupunta?"
Naglakad sila sa isang mahabang pasilyo at rinig na rinig niya sa kaniyang likuran ang pagkamangha ng babae. Bahagya niya itong nilingon. Nawiwili itong tumitingin sa mga larawang nakakabit sa pader.
"Are they--"
"They're my ancestors," pagpuputol niya.
"Sabi ko nga," bulong nito na rinig na rinig naman niya.
He had a keen sense of hearing. His ears were sixteen times more sensitive than a human. Mga kaluskos, mga ungol ng hayop o mga huni ng ibon ay kaya niyang marinig kahit nasa malayo.
"I heard that." He released a threatening sound shutting Erienna up.
Tumigil sila sa harapan ng isang napakalaking pinto. Tinulak niya ito upang mabuksan at sumalubong sa kanila ang asul na ulap.
"Wow!" Erienna exclaimed. Napapadungaw pa ito sa terrace. Kita niya ang tuwa sa mga mata ng dalaga habang nakatingin sa baba kung saan nandoon ang iba niya pang mga kauri. Nasa itaas sila ngayon ng palasyo kaya kitang-kita nila ang mga kabahayan ng kaniyang mga nasasakupan.
"Are they werewolves too?"
"Yeah."
Sinulyapan ni Midnight si Erienna bago nagsalita. "This is Raeon."
"Raeon?"
He nodded. "A place where we werewolves live. Nakahiwalay ito sa mundo ng mga tao. Mga taong lobo lang ang puwedeng makapasok sa lugar na 'to."
"Ha? Kung ganoon, e, bakit ako nakapasok dito?" kunot-noong tanong ni Erienna.
"Because the king brought you here. I brought you here and sa lugar na 'to, I am the law. I have all the power kung sino man ang gusto kong papapasukin sa teritoryo ko," may pagmamalaki sa boses niyang sabi.
"Wait, you mean, ikaw ang nagmamay-ari sa lugar na 'to?"
"Yeah."
He smiled at the back of his head while staring at Erienna's bewildered face. Napaikot pa ang mga tingin nito sa kabuohan ng lugar at nakangangang ibinalik sa kaniya. Bigla itong napapikit dahil sa hanging sumalubong sa mukha. Kita niya kung paano sumayaw sa hangin ang maitim at mahaba nitong mga buhok.
Beautiful.
Napaiwas na lang siya ng tingin nang makaramdam ng pagpitik sa kaniyang dibdib. Hindi mapakali ang puso niya.
"Midnight?"
He turned to look at her making his heart pound real hard.
Nagtaka siya nang mapansing parang hindi mapakali ang babae. Ginagalaw nito ang daliri ng mga paa at paulit-ulit na pinipisil ang mga kamay. Napapalunok pa ito habang nakatitig sa kaniya.
Nagsalubong ang kaniyang mga kilay dahil sa inakto ng babae.
"What?"
"Ano kasi . . ." Napakamot ito sa ulo at parang nagdadalawang-isip. "Ahm . . . P-puwede ba kitang h-hawakan?"
Natigilan siya at napatitig ulit kay Erienna. He saw the desire of Erienna's eyes while looking at his fur. Parang kating-kati itong mahawakan ang kaniyang malambot at makapal na mga balahibo.
Napamura siya nang humakbang ito papalapit sa kaniya.
"No," sagot niya bago pa man makalapit ito nang tuluyan.
Napabagsak naman ang balikat ng dalaga.
"Okay," malungkot na saad nito.
Bigla naman siyang nakonsensya dahil sa ginawa niya. Gusto lang naman siyang hawakan ng babae pero tinanggihan niya pa.
Damn, Midnight! What's the big deal? She just want to touch you, that's all.
Yeah, right. Erienna just wanted to touch him, well, more like petting him.
"Fine." Before he could realize, Erienna was already smiling while rushing towards him. He felt Erienna's hands gently touching his fur.
He froze while remembering the foreign yet familiar feeling growing inside him.
Amoy na amoy rin niya ang mabangong halimuyak nito.
"You're so fluffy." Erienna giggled while rubbing her hands on his fur. Hindi niya alam kung bakit parang nanghihina siya.
Fuck! I'm not a dog, I'm a damn werewolf! I should not feel this.
He was trying to resist but he couldn't deny the fact that he was starting to like what the girl was doing.
It felt good and he's wanting for more.
Gustong-gusto niya ang ginagawang paghaplos sa kaniya ni Erienna.
Natigilan siya nang hawakan nito ang kaniyang tainga. Napaupo na lang siya nang tuluyan habang napapamura sa isipan. He regretted letting Erienna pet him, now, he was completely lost in his thoughts.
Naramdaman niya ang kamay ng dalaga na unti-unting bumaba sa kaniyang mga mata. Midnight felt the warmth of Erienna's hand while touching his scar.
"Anong nangyari dito?" she asked but he remained silent.
"It must've been painful," the girl uttered and before he knew it, Erienna was already embracing him.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top