Kabanata 25
LIMANG araw na ang nakalipas pagkatapos ng nangyaring labanan. Nanatili muna sila sa Blaitheria hanggang sa gumaling ang iba nilang kasamahan. Nakangiti ngayon si Erienna habang nasa terrace ng palasyo kung saan tanaw na tanaw niya ang buong Blaitheria.
Nabawi na rin nila ang kaharian. Ang kaniyang kapatid na ang namumuno. Pinalaya rin ni Rauis ang lahat ng mga ikinulong na Havoc.
Iba't ibang reaksyon ang nakuha nila nang nalaman ng buong Blaitheria na sila ang anak ng pinunong Reece--ang kanilang ama. Na buhay pala ang akala nilang pinatay na anak nito. May ibang hindi makapaniwala, natuwa at naiyak sa sobrang pasasalamat.
Si Silva? No'ng gabi ring iyon ay kinuha nila ang bangkay nito at inilibing.
"Hi, mademoiselle!"
"Ay, lobo!" Napaigtad siya nang biglang sumulpot si Fenrys sa tabi niya.
"Bakit mag-isa ka lang? Where's Uno?" tanong nito. Napapikit ito dahil sa hanging sumalubong sa mukha at napasuklay pa sa maputi nitong buhok.
Napailing na lang siya. "E, ikaw? Nasaan si Ana?"
"Tsk. Even just hearing her name pisses me off," saad nito at napasimangot. "Don't ask me. Wala akong pakialam sa kaniya."
Pfft. Kahit kailan talaga ang dalawang 'to. Wala talagang araw na hindi nag-aaway.
Nasaan na ba kasi si Midnight?
Medyo nababagot na rin siya kakahintay dahil kanina pa ito pumasok sa isang silid kasama ang kaniyang kuya. Nag-uusap kasi ang mga ito patungkol sa muling pagkakaisa ng Raeon at Blaitheria.
Plano ni Erienna na pumunta sa mundo ng mga tao upang puntahan si Aling Using. Na-mi-miss na niya ito at nais niyang pormal na magpaalam dito. Hindi pa man din siya nakapagpaalam noon, baka labis na itong nag-alala sa kaniya. Ilang buwan na rin ang nakalipas nang makarating siya rito dahil lang sa isang aso.
Nasaan na kaya si Kibi? Hindi niya pala ito nahanap at hanggang ngayon hindi niya alam kung ano nang nangyari sa tuta.
"Eri."
Napalingon siya. "Buti naman at tapos na kayong mag-usap."
Ngumiti lang ito sa kaniya at hinalikan ang kaniyang noo matapos makalapit. "And now, ikaw naman daw ang kakausapan niya."
"Ha? Bakit daw?" pagtataka niya.
Midnight just shrugged and gestured his hand. Ngumiwi lang si Erienna at naglakad papunta sa silid kung saan naroroon ang kapatid.
"Kuya, bakit?" Napakunot pa ang kaniyang noo dahil napapalibutan ng kurtina ang buong sulok ng silid. Nilapitan niya si Rauis na nakaupo sa kama.
"May sasabihin ka ba?"
"Midnight told me pupunta kayo sa mundo ng mga tao?" mahinahong tanong ni Rauis.
Tumango siya bilang sagot.
Ngumiti naman ang kaniyang kuya. "Could you bring this for me?"
"Ang alin?" nalilitong tanong niya at tinaasan ng kilay ang kaniyang kuya.
She was startled when Rauis suddenly whistled. Magsasalita na sana siya nang may marinig siyang mga tahol.
Huh?
Kaagad siyang napalingon sa kaniyang likuran at napatakip sa bibig. Sa likod ng mga kurtina ay lumabas ang isang maliit na aso at patakbong nagtungo sa direksyon nila.
"Kibi!" napatili siya sa tuwa at dali-dali itong binuhat. Dinilaan naman siya ni Kibi bilang pagbati. Pansin niyang medyo lumaki rin nang kaunti ang aso.
Pero teka . . .
Nilingon niya si Rauis. "Paano siya napunta sa 'yo, Kuya? Saan mo siya nakita?"
"Oh, well . . ." Napakamot si Rauis sa buhok.
Napalaki ang mata ni Erienna nang may ideyang pumasok sa isipan niya. "Don't tell me . . ." Tinuro niya si Rauis. "Ikaw ang may pakana no'ng gabing 'yon?"
Muling ngumiti si Rauis sa kaniya at tumango. "Well, you two got separated for a very long time. I just guess it's time for you and Midnight to see each other again." Rauis patted her head. "That night, I purposely let myself be chased by them. It was me whom Kibi was following too. I was really glad when my plan worked. Though, I forgot to return Kibi," saad nito at napakamot sa ulo.
Hindi makapaniwala si Erienna sa narinig niya. Ang buong akala niya ay nagkataon lang ang pangyayaring iyon pero hindi pala. Sinadya ito ng kuya niya.
Binaba niya muna si Kibi at kaagad na niyakap nang mahigpit ang kapatid. Kung hindi dahil sa kaniya ay baka hindi ito nangyari. Kung hindi dahil sa kuya niya ay baka 'di pa sila nagkita ni Midnight hanggang ngayon.
"Maraming salamat, Kuya." Naramdaman naman niyang niyakap din siya pabalik nito. She was very thankful to have him as her brother. "Oh, dapat pala 'your highness' na ang tawag ko sa 'yo," pagbibiro niya.
Natawa naman si Rauis at humiwalay sa yakap. "Stop that."
Ngumiti siya. "Siguradong proud na proud sina Mommy at Daddy sa 'yo."
Kita ni Erienna ang tuwa sa mga mata ni Rauis. "Thank you, princess. I was really happy about what you told me." Ginulo nito ang buhok niya. "Sige na, naghihintay na si Midnight sa 'yo."
Kinuha nito si Kibi at ibinigay sa kaniya. "Return him for me, okay?"
Tumango naman siya at lumabas na ng silid.
---
NANG makarating sila sa mundo ng mga tao ay napangiti si Erienna. Wala pa ring pinagbago ang lugar. Ang pet shop ni Aling Using ay katulad pa rin ng dati.
"Teka, d'yan ka lang sa labas. Huwag ka pumasok," pigil niya kay Midnight.
"And why?"
"Basta. D'yan ka lang."
"Tsk." Sinamaan siya nito ng tingin at tumalikod. "Make it fast."
Sungit.
Ngumiti na lang siya kahit hindi kita ni Midnight at pumasok na sa loob. She was nervous at the same time excited to see her again. Ito ang tumayo na kaniyang pangalawang ina at palaging nag-aalaga sa kaniya sa tuwing binubugbog siya, kaya 'di niya mapigilang manabik.
Bitbit niya si Kibi nang pumasok siya.
"Aling Using?" tawag niya nang makapasok sa loob. Nakarinig naman siya ng mga yabag papunta sa direksyon niya.
"Erienna? Erienna, hija!"
"Aling Using!" Binaba niya si Kibi at dali-dali siyang napatakbo patungo kay Aling Using nang makita niya ito. Sinalubong niya ito ng mahigpit na yakap.
"Sobrang na-miss po kita," sabi niya.
"Saan ka ba nanggaling bata ka at bigla ka na lang nawala? Dinala mo pa si Kibi," pag-aalala nito habang hinawakan ang magkabilang pisngi niya. "Hindi ko na rin nakikita ang tiya mo. Akala ko kinuha ka niya."
"Hindi po. Ano kasi . . . ahm . . ." Napaisip si Erienna kung anong klaseng palusot ang sasabihin niya. "May . . . kumuha po sa aking kamag-anak nila mommy no'ng gabing 'yon."
"Kamag-anak?"
"Opo kaya 'di po ako nakapagpaalam sa inyo. Ngayon lang po nila ako pinayagang makapunta rito kaya ngayon lang din nakadating." Napakamot siya sa kaniyang ulo.
Kahit na medyo na-g-guilty siya sa pagsisinungaling, kailangan niya pa ring gawin. Hindi naman kasi puwede na sabihin niya ang totoo dahil baka pagtawanan lang siya nito. Paniguradong hindi siya paniniwalaan ni Aling Using.
"Ganoon ba. Maayos naman ang pagtrato sa 'yo?"
"Opo." Tumango siya sabay ngiti.
Nginitian din siya nito at hinaplos ang kaniyang buhok. "Hala sige, mag-ingat ka."
Muli niya itong niyakap at nagpaalam na. Pagkalabas niya, sumalabong sa kaniya ang nakabusangot na si Midnight.
"Oh? Anong problema mo?"
"Kamag-anak? Psh," sabi nito at umiling.
"Pinakinggan mo usapan namin?" tanong niya at dinuro si Midnight.
Inalis naman nito ang kamay niya. "Kahit na ayaw ko, maririnig ko pa rin naman."
Napanguso na lang si Erienna. Oo nga naman, lobo pala itong kasama niya.
"Why are you pouting? You want me to kiss you?" Napalaki naman ang kaniyang mga mata nang bigla nitong inilapit ang mukha sa kaniya.
Tinulak niya ito. "Ano bang sinasabi mo?"
Nginitian lang siya nito na may halong pang-aasar at pumunta sa likuran niya. Nagulat siya nang may isinuot na kuwintas si Midnight. It was her necklace.
"Don't ever lose it again."
Hinarap naman niya ito. "Paano 'to napunta sa 'yo?"
Imbes na sumagot ay hinawakan nito ang kamay niya at hinila na para tumawid sa kalsada.
"Hoy, paano 'to napunta sa 'yo? Saan mo 'to nakita?" pangungulit niya.
Nilingon siya nito matapos silang makatawid at nginitian siya.
"I love you."
Napakurap si Erienna sa sinabi nito at napaiwas ng tingin. Bakit bigla-bigla na lang itong nag-a-I love you?
Mas lalo pa siyang napaiwas nang inilapit nito ang mukha.
"Look at me," sabi nito pero hindi siya nakinig.
"Hindi mo sinagot tanong ko," pag-iiba niya. Ramdam na rin niya ang pamumula ng kaniyang pisngi.
"Hindi mo rin ako sinagot." Bigla nitong hinila ang baywang niya. Ngayon ay magkadikit na ang mga ilong nila. Ramdam din niya ang paghinga nito.
"Eri."
"Hmm?"
He stared at her. Nangungusap ang mga mata nito. Hinigpitan nito ang pagkakahawak sa kaniyang baywang.
"Don't forget me again."
Sinalubong naman niya ang asul nitong mga mata. Hinaplos ang pisngi papunta sa peklat ng lalaki.
"I won't."
And with that, Midnight claimed her lips. Tinugon niya ang bawat halik na binibigay nito.
Hindi na niya muli pang kakalimutan ang lalaki. Kahit kailan.
'I love you.' She smiled between their kisses when Midnight used his ability.
'I love you too.'
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top