Kabanata 24
KASABAY ng pagbagsak ng dalaga, ang pagbagsak din ng puso ni Midnight. Nanlalambot na tinungo niya ang katawan nito.
"Erienna." He touched her face with his nose, trying to wake her up. Kahit anong pilit niya ay ayaw pa rin nitong imulat ang mga mata.
"Erienna, wake up," Midnight whimpered. Nanunuyo ang lalamunan niya. Ang kaniyang binti ay bumibigay na rin dahil sa panginginig.
Hindi. Hindi ito totoo. Sobrang bilis ng mga pangyayari. Kanina lang ay nakikipag-away siya pero ngayon, nakahandusay na ang pinakamamahal niya. Hindi kayang tanggapin ng isipan ni Midnight ang nangyari.
"Mademoiselle!"
"Miss Erienna!"
Isa-isang naglapitan ang mga kasamahan niya ngunit hindi niya ito pinansin. Isiniksik niya ang mukha sa leeg ng dalaga at paulit-ulit na tinatawag ang pangalan nito.
This is not happening . . .
For the second time, he felt again the fear that was once swallowed him ten years ago. He suffered enough. Hindi na niya kaya. Hindi niya kakayanin kung pati si Erienna ay kukunin sa kaniya.
Pinakiramdaman niya ang dalaga. Humihinga pa ito. Bahagya siyang lumayo at tinignan si Erienna.
Isang paraan lang ang naiisip niya.
Pumikit siya at unti-unti siyang nagpalit ng anyo. Ngunit napatigil siya nang may kamay na humarang sa kaniya.
"What are you doing? You're gonna kiss her in that state?" Fenrys pointed at Erienna and glared at him. "Baliw ka ba? You know very well what the consequences are!"
"Then what do you want me to do? Watch her die?!" singhal niya at sinalubong ang tingin nito.
Erienna's life was all that matters to him. Wala na siyang paki kung ano man ang magiging kapalit nito. Ang importante ay mailigtas niya ang buhay ng dalaga.
He would do everything just to save her.
"Tumigil nga kayong dalawa!" Pumagitna sa kanila si Dago pero 'di pa rin sila nagpatinag.
"Erienna will lose some of her senses or worse, she will forget you! Think, Midnight." Fenrys calling his name meant that he was serious.
Ngunit hindi pa rin siya nakinig. "Shut up! You don't know how the fuck I'm feeling right now so shut up!" He shouted, emphasizing the last words.
Pain crossed on Fenrys' eyes. "I don't? Ha!" ang tanging isinagot nito at umiwas ng tingin.
He immediately regretted his words. Nagpapadala na naman siya sa emosyon niya at hindi inisip ang kaniyang mga salita. He knew he hit Fenrys' nerve. He shouldn't have said it to someone who suffered more than him.
He was about to apologize when he heard Ana gasped.
"Tingnan niyo!" Napalingon siya sa kanan kung saan naroroon si Erienna. Dahan-dahan siyang napaatras nang mapalibutan ang katawan nito ng kulay niyebeng usok. Unti-unti, umaangat ang sibat sa tiyan nito hanggang sa naging bola at dahan-dahang nawala.
What's happening?
Napaawang ang kaniyang bibig nang mag-isang naghilom ang sugat nito. Inangat niya ang tingin at kagaya niya rin, hindi rin makapaniwala ang iba. Nalilito rin ang mga ito sa nangyari.
Nahagip ng kaniyang mga mata ang mga Havoc. Nakatingin din ang mga ito kay Erienna na para bang gulat na gulat.
What the--
Umusbong ang galit niya dahil sa mga pagmumukha nito. Their queen did this, why the hell are they acting all shock now?
"M-Mid . . ." His heart skipped a beat after hearing those voice. Napayuko siya at nakita ang dalagang nakatingin sa kaniya.
"Eri," sambit niya.
Isa-isang kumawala ang luhang kanina niya pa pinipigilan. Muli niyang isiniksik ang mukha sa leeg nito. When he felt Erienna's arm around his neck, he was relieved, as if he was save by a sudden death.
"Thank God." Ramdam pa rin niya ang kaba ngunit unti-unti na siyang kumakalma. Ang takot na kumakain sa kaniya ay unti-unti na ring nawawala. Hindi na niya inisip pa kung paano nagising ito. Ang importante ay buhay ang pinakamamahal niya.
---
TINULUNGAN si Erienna ng lobo na makatayo. Sumandal siya kay Midnight dahil nanghihina pa ang katawan niya. Kinapa niya pa ang tiyan kung saan siya natamaan kanina at magaling na ito. Wala nang sugat.
The lullaby saved her.
Tinignan niya ang direksyon kung saan naroroon sina Rauis at Silva kanina. Ngunit wala na ang mga ito roon. Nasaan sila?
"Why are you here and why did you bring Erienna?"
"Sinisisi mo ba ako, ha? E, ikaw 'tong umalis nang walang paalam. Kung sinabi mo sana na makikipagpatayan ka pala, e, 'di na sana ako sumugod dito!"
Napatingin si Erienna sa nagbabangayang si Ana at Fenrys.
"So sinasabi mong kasalanan ko?" Fenrys brushed his hair in annoyance.
"Oo!"
"You--argh! I'm losing my patience," Fenrys raised his hands as if he was surrendering.
"Ikaw pa ngayon ang nawawalan ng pasensiya? E, kung sipain ko 'yang pagmumukha mo!" sigaw ni Ana at kulang na lang na sakmalin si Fenrys sa sama ng tingin nito.
Hindi rin nagpatalo si Fenrys at matalim din itong tinignan. "Subukan mo."
"Stop, you two." Midnight stern voice stopped them from killing each other.
"Hmp!" sagot ng dalawa at tinalikuran ang isa't isa.
"A V-visandra." Napatingin si Erienna sa harapan niya nang isa-isang lumuhod ang apat na Havoc. Inangilan naman ni Midnight ang mga ito pero pinigilan niya.
"We a-are deeply sorry."
They recognized her now, but she wasn't sure what would she do with them.
"Hoy, buhay pa kayo?" Nakita niya sina Dago na pilit sinisira ang mga rehas upang mailabas sina Lelo at ang iba pa.
Binalik niya ang tingin sa mga Havoc. "Puwede niyo ba silang pakawalan?" saad niya sabay turo.
Isang Havoc na may matipunong katawan ang tumango at tinungo ang mga rehas. Gamit lang ang mga kamay, nagawa nitong tupiin ang mga metal.
Matapos nilang mailabas ang mga kasamahan inutos naman ni Erienna na dalhin sila kung saan sina Rauis at Silva dahil nawala ang dalawa sa kuwarto. Kailangan niya pang iligtas ang kapatid niya.
"M-masusunod." Another Havoc snapped his hand.
Napahawak siya kay Midnight nang biglang yumanig ang lugar. She gasped when the place was slowly changing. The metal bars disappeared and a vintage wall replaced it. The dim light created by the lamp on the walls reflected on the shiny floor. Sa unahan naman nila ang upuang gawa sa ginto at sa paanan no'n, ang kaniyang kapatid.
"Kuya!" napasigaw siya nang makita si Silva na may hawak na kutsilyo.
"Oh, buhay ka pa pala?" kunot-noong saad nito. "And you, Dreid? You brought them here?" tumaas ang boses nito. Hinarap sila ni Silva habang ang tingin ay nasa mga Havoc.
Tinuro nito ang mga Havoc gamit ang kutsilyo. "Come here."
Ngunit hindi nakinig ang mga lobo. Nanatili lang na nakatingin at hindi man lang natinag sa nanlilisik na mga mata ni Silva.
"I said come here or else, you'll know what will happen to your families," pagbabanta nito at muling sinenyasahan na lumapit.
Kita niya kung paano napakuyom ang kamao ng isang Havoc. The guy with a robe turned at Erienna. Ang akala niya'y aatakihin siya nito ngunit . . .
"Erienna, do y-you have a-any orders?" tanong nito. Tumingin din ang tatlo at naghihintay sa sagot niya.
"How could you ask orders aside from your ruler?" Binagsak nito ang kutsilyo.
Umiling muna si Erienna sa mga Havoc bago humakbang paharap.
"Hindi na sila makikinig pa sa 'yo, Tiya."
Dahil sa isinagot niya ay nag-apoy sa galit ang mga mata nito. Binitawan nito ang kutsilyo at biglang nawala. Napasinghap siya nang nasa harapan na niya ito at ang mga kamay ay nasa leeg niya.
"Eri!"
Sabay silang nawala dalawa at nagulat na lang siya nang nasa tuktok na sila ng palasyo.
"Ikaw na hayop ka!" Hinigpitan ni Silva ang pagkakasakal sa kaniya. Bumabaon sa kaniyang leeg ang mga kuko nito. Hindi siya makasigaw dahil sa higpit.
"Pinapainit mo talaga ang dugo ko. I should've killed you!"
Napatingala siya at nakita ang buwan. Malamig ang hanging sumalubong sa kaniyang mukha ngunit hindi man lang niya magawang huminga. Humakbang si Silva at napaatras naman siya hanggang sa makarating sila sa dulong bahagi na ikinataranta niya. Napatingin siya sa baba. Isang maling hakbang niya lang ay paniguradong mahuhulog siya.
"Ikaw at ang pamilya mo ay buwisit talaga sa buhay ko!" Nadulas ang isa niyang paa kaya agad siyang napakapit sa braso ni Silva. Nangangapa siya sa hangin at kunti na lang ay malalagutan na siya ng hininga. Tinutulak niya si Silva ngunit masyado itong malakas. Ano nang gagawin niya?
Pumikit siya. Rinig na rinig niya ang mabilis na pintig ng kaniyang puso. Nanlalambot na rin ang tuhod niya dahil sa kaba.
'Aim for her heart.'
Napamulat siya nang marinig ang tinig ng kaniyang ina. Napunta ang kaniyang tingin sa dibdib nito. Nasa loob ng puso nito ang isang piraso. But how could she get it?
Then the lullaby played on her head. The soft tone made her understand the lyrics more. Control? She needed to focus her power. Right at the moment, the only thing she had was her fist.
Aim for her heart with just my fist?
She was questioning herself if she could do it, but there was no time for her to doubt. If it would work or not, she needed to do it or else she would fall on the cold ground.
Tinaas niya ang kanang kamay. Hindi man lang tinignan ni Silva ang ginagawa niya at nakapokus lang ito sa pagsakal sa kaniya. Nahihilo na siya. Kaagad niyang inilapit ang kamay sa dibdib ng kaniyang tiyahin. Nagulat siya nang walang kahirap-hirap na pumasok ang mga daliri niya sa dibdib ni Silva. Naramdaman niyang may matigas sa loob nito kaya agad niya itong kinuha.
Napalaki ang mata ni Silva sa ginawa niya at kaagad na napalayo sa kaniya. "Papaanong--"
Napaupo si Erienna habang umuubo, malalim ang binibitawang hininga. Sinulyapan niya ang kanang kamay at bahagya siyang napangiti.
Ang gem!
"You! Anong ginawa mo!" singhal ni Silva habang nakahawak sa dibdib nito.
Susugurin na sana siya ni Silva pero kaagad siyang tumayo at tumakbo sa kanang direksyon. Inilayo niya ang sarili sa dulo upang hindi mahulog. Ngayon si Silva na ang nasa posisyon niya kanina.
Her aunt's right hand was starting to make a weapon. The same weapon that stabbed her a while ago.
"You won't get away with this!"
Palingon-lingon si Erienna sa kaliwa't kanan, umaasang may maiisip siya. Nakita niyang may pintuan sa kanang direksyon ni Silva. Siguro ay daanan ito pababa, ngunit hindi naman siya makakalapit doon dahil paniguradong haharangan siya ni Silva.
Napahigpit ang hawak niya sa gem. If only she could make Silva's weapon disappear.
The lullaby played again and the word 'control' kept repeating on her head.
Control, focus and aim. She followed her instinct and locked her eyes on Silva's weapon. Nakatuon na ito sa kaniya ngunit hindi siya kumurap hanggang sa maramdaman ang kaniyang mga matang umanghang. She could feel something burning inside it. Before she knew it, the weapon was slowly disappearing.
Kita niya kung paano naghalo ang lito at pagkataranta sa mukha ng kaniyang tiya.
"What?" Silva tried to cast a weapon again but to no avail, none came out. Erienna saw her glared at her. Kulang na lang ay patayin na siya sa mga titig nito.
"Anong ginawa mo sa 'kin?! Bwisit ka, papatayin kita!"
"Tumigil ka na, Tiya!" saad niya. "Bakit ba ang laki ng galit mo sa 'min?"
"Bakit? Ha!" Napakunot-noo si Erienna nang humalakhak ang tiyahin. "Dahil epal kayo sa buhay ko. 'Yang ama mo na uto-uto at ang ina mo na walang silbi ay epal sa buhay ko. I should be the one ruling the kingdom in the first place because I know I deserve it! Ngayon na nakuha ko na, umepal naman kayo. Idagdag niyo pa ang mga walang silbing taga Raeon! Dapat sa inyo ay mamatay. Papatayin kita! Isusunod kita sa mga magulang mo!"
Sinugod siya ni Silva. Ngunit bago pa ito makarating sa kinaroroonan niya, isang lobo ang iniluwa sa pintuan at sinunggaban ang kaniyang tiya.
"Midnight!"
Pilit na kumakawala si Silva sa pagkakagat ni Midnight sa braso at marahas na hinila ito. At dahil sa lakas ng pagkakahila, nawalan ito ng balanse. Nadulas ang mga paa at tuluyang nawala sa paningin ni Erienna.
"Aah!" Narinig niya pa itong tumili habang tuluyan nang nahulog pababa.
Napapikit na lang siya at hindi magawang sumilip sa ibaba.
"She's dead." Iminulat niya ang mga mata at nakita si Midnight na nakadungaw sa ibaba. "It's over."
Nagpakawala siya ng malalim na hininga. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya dahil nanalo sila o malulungkot dahil wala na ang kaniyang tiya. Kahit pa pinagmalupitan siya, kadugo niya pa rin ito.
"Are you okay?" Nilapitan siya ni Midnight at tinignan ang kabuohan niya.
Tumango naman siya at niyakap ang lobo. "Thank you." Napatingin siya sa gem na hawak-hawak niya at naalala ang kaniyang kuya.
"Si Kuya Rauis. Kailangan ko siyang puntahan."
Lumuhod naman si Midnight at kaagad siyang sumakay sa likuran nito. Bumaba na sila at bumalik kung saan naroroon ang iba. Nang makarating ay dali-dali niyang pinuntahan ang kapatid.
"Kuya." Niyugyog niya ito upang magising.
Ilang sandali pa ay iminulat nito ang mga mata.
"Kuya, nakuha ko na ang gem." Tinignan niya ang kalagayan ng kapatid at hirap na itong huminga.
"E-Erienna, I'm g-glad you're s-safe," saad nito at pinikit ang mga mata. Patuloy pa rin ang pagdurugo sa sugat nito.
A little smiled formed on Erienna's lips. He patted his brother's head and said, "Niligtas mo ako dati, ngayon ako naman ang magliligtas sa 'yo."
Kinuha niya ang kutsilyo na nasa sahig at walang pag-aalinlangan na hiniwa ang kaliwang palad. Napasinghap pa siya dahil sa hapdi ngunit ininda niya ito. Pinanood niya kung paano tumulo ang dugo papunta sa bibig ni Rauis.
"Kuya, alam mo ba, hindi ka kinalimutan nina Mommy at Daddy," bulong niya. Kahit na nakapikit si Rauis ay alam niyang nakikinig ito sa sinabi niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top