Kabanata 23
ILANG beses na napamura si Midnight dahil hindi niya maigalaw ang mga paa niya.
Who held this freaking ability?
Nilingon niya ang lalaking may nakakakilabot na ngiti. It was the guy wearing a robe.
"C-can't move?" Humalakhak ito. "That is b-because I'm great."
Great my ass!
Hindi niya pinansin ang pinagsasabi nito at nagpumilit pa rin na gumalaw. Just wait, he'd surely gonna rip his ass when he figured it out.
"Stop ma--" Hindi nito natuloy ang sasabihin nang may mga paang l-um-anding sa pisngi nito dahilan para matumba at masubsob ang mukha sa sahig.
It was Fenrys who kicked him on the face.
Ilang segundo pa itong nakadapa sa sahig dahil siguro sa hilo bago napailing.
"Oh, c-can't stand?" Ginaya ni Fenrys kung paano ito magsalita. "That's because I'm handsome!"
Ngayon siya naman ang napailing. He was about to glare at Fenrys when he felt his feet. Nakakagalaw na siya. Pansin naman niyang nakangisi si Fenrys sa kaniya. His eyes were saying, 'You should thank me.'
"Tsk. Yeah, thanks," sabi niya bago ito talikuran at hinarap si Ethan.
Let's have a great battle.
---
EVERYONE was busy fighting Silva's remaining guards. Rauis gazed on the queen sitting comfortably while watching the battle. Nakikita pa lang niya ang pagmumukha nito, hindi na niya mapigilang mapuno sa galit. Nasa harapan niya ang rason kung bakit nahiwalay siya sa pamilya niya. Kung bakit hindi na niya makakapiling pang muli ang ama at ina.
He used his invisibility and rushed towards Silva's. Mukhang hindi nga siya napansin nito dahil nakatuon lang ang atensyon nito sa ibang mga lobo. He prepared his canine and was about to bite her neck when Silva covered her face with her arm.
Aang braso nito ang nakagat niya, ngunit hindi man lang ito umaray o magulat man lang. Kalmado lang itong nilingon siya at nagulat siya nang mawala ang invisibilibad niya.
How did she . . .
Mas lalo siyang nagitla nang hindi niya maalis ang mga ngipin sa braso nito. Parang unti-unting hinihigop ang kaniyang mga pangil sa braso kaya hindi niya magawang tanggalin.
"An invisibility. Hmm, magaling. I keep on wondering why you only got one but it seems like you were keeping this to me the whole time," she said, giggling. "Oh well, I'm actually doing the same thing."
Got one? Anong ibig niyang sabihin?
"Kung akala mo special ka dahil marami kang abilidad, well, let me tell you this." Biglang nag-iba ang kulay ng mga mata nito. Ang ube ay naging bughaw. Itinaas nito ang kanang kamay at kamuntikan nang lumuwa ang mata niya sa gulat nang may lumabas doon na bakal na sibat.
"You are not special. To inform you, Visandras were all born gifted, including myself."
A realization hit Rauis after hearing her words. He almost cursed in his mind. Silva's metal-like body may not be from her guards but from one of her ability.
Midnight must know about this!
"Oh! And excluding your little sister, Erienna." She flashed her darkest smile at him and all he could reply was a glare.
You're wrong!
He tried to rip Silva's left arm but his teeth was getting more stuck. Napasinghap siya nang itarak ni Silva ang sibat sa kaniyang gilid. Naramdaman niya ang bakal na pumasok sa kaniyang katawan. Ilang saglit pa bago niya naramdaman ang hapdi.
"Sayang ka. Kung sinunod mo na lang sana ako, hindi sana ito mangyayari sa 'yo." Marahas itong tinanggal ni Silva.
Sa pagtanggal nito ay unti-unti na ring dumidilim ang paningin niya. Si Silva na mismo ang nag-alis sa bibig niyang nakakagat sa braso. Bumagsak siya sa sahig habang nilalabanan ang antok na humihila sa kaniya.
Sinulyapan niya si Silva at nakita niyang nakatutok ang sibat nito sa isang direksyon. She was aiming at Midnight. He wanted to shout but he couldn't find his voice.
Wala siyang nagawa kundi panoorin kung paano paliparin ni Silva ang sibat patungo kay Midnight. May mga yabag ng paa siyang narinig at nagulantang na lang siya sa sunod na nakita.
N-no!
Bago siya tuluyang mawalan ng malay, nakita niya ang kaniyang kapatid. Sinalubong nito ang sibat na dapat ay para kay Midnight.
---
MABILIS na nakarating sina Erienna at Ana sa Blaitheria. Nagpakilala na ito sa kaniya kanina sa gitna ng pagtakbo nila. Hindi nga rin maipaliwanag ni Erienna kung paano nila nalampasan ang guwardiya nang hindi sila napapansin. Maybe it was Ana's ability.
Pumasok sila sa palasyo. Mga naglalakihang kristal ang sumalubong sa kanila. Napasinghap pa siya dahil sa gulo ng lugar. Si Ana naman ay abalang amuyin ang buong paligid. Kamuntikan pa siyang mahulog nang bigla na lang itong tumakbo paakyat sa hagdan na nakita nila.
"Nasa taas sila."
Habang paakyat sila, 'di niya mapigilang kabahan. Sana okay lang sila. Sana walang nasaktan sa kanila.
Nang tuluyang makaakyat, sumalubong sa kanila ang ingay ng mga nagrarambulan. Nakita nila sina Fenrys at ang ibang pang mga lobo na abala sa pakikipag-away. Kaagad siyang bumaba sa pagkasakay kay Ana nang makita niya ang kaniyang kuya na nakahilata sa sahig at duguan.
Nakahanda na ang kaniyang mga paang tumakbo ngunit nahagip ng kaniyang mga mata ang kanyang tiya. Napalunok siya nang makita ang sibat nitong nakatuon sa direksyon ni Midnight.
Tinignan niya si Midnight ngunit nakatalikod ito at abala sa lalaking nakasuot ng robe.
Hindi niya alam ang gagawin. Nabato siya sa kinatatayuan niya. Umakyat ang kaba sa puso niya nang ibinato ni Silva ang sibat sa direksyon ni Midnight.
No!
Awtomatikong humakbang ang kaniyang mga paa papunta sa pinakamamahal niya at walang pagdadalawang-isip na sinalubong ang sibat. Walang ibang pumasok sa isip niya kundi iligtas si Midnight.
"Argh!" Tumarak ang sibat sa kaniyang tiyan. Nanginig ang kaniyang mga tuhod. Napaubo siya at naramdaman ang mainit na likidong lumabas sa kaniyang bibig.
Bumagsak siya sa sahig nang manghina ang kaniyang katawan.
"Eri!" sigaw ni Midnight.
She felt relieved when she heard his voice. Ligtas ito. Sapat nang malaman niya na naprotektahan niya ang pinakamamahal niya.
Ipinikit niya ang kaniyang mga mata at hinayaan ang sariling hilahin ng kadiliman.
"Erienna? Erienna, wake up."
Naririnig na naman niya ang boses. Tinatawag siya nito ngunit ayaw niyang makinig. Ayaw niyang imulat ang mga mata niya. Hindi niya mawari kung bakit nakakaramdam siya ng pangamba. Sunod-sunod ang kaniyang paghinga nang bumigat ang puso niya na para bang may batong nakadagan.
Hush now, my tiny wolf
Let your nightmares be eaten by the big wolf
I will put away your fear
Plunk it down into a deeper slumber
So hush now, my tiny wolf
I will envelop my fur
So let your dreams be filled with light
And I will caress you tight
It's the lullaby again, but this time it wasn't Midnight's voice. It was from a woman.
Nightmares creep, but my song heals
Ssh, let me kiss you a good night
Until your light will shine, my wolf
Sing my lullaby, let the wolves rely
Keep everyone alive
Control, control, your power will rise
And I will no longer envelop my fur~
Unti-unting nanginit ang gilid ng kaniyang mga mata. Kahit nakapikit ay kumawala pa rin ang mga luha niya. Ngayon lang niya napagtanto kung sino ang nagmamay-ari ng boses.
Rescue, rescue, forget your fear
This song is the destiny's gift
So please do not forget~
It was from her mom.
"Erienna?" Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata at agad na sumalubong ang ngiti ng kaniyang ina.
"Mom?" Inilibot niya ang kaniyang paningin at nanlambot siya nang nasa loob siya ng kaniyang silid.
Paano siya napunta rito?
"You're crying again." Naramdaman niya ang haplos ng kaniyang ina.
Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman. Ilang taon na ang lumipas bago niya ulit naramdaman ang haplos nito. Hindi na niya inisip kung paano siya nakarating at agad na niyakap ang ina.
She missed her. She missed her so much that she didn't want to let go. Natatakot siya na baka pagbumitiw siya, mawala na lang ito bigla.
"Mom, don't leave me again," bulong niya.
Naramdaman niyang hinaplos nito ang kaniyang buhok. "Erienna, do you remember now?"
"Ang alin?" tanong niya habang nakapatong pa rin ang baba sa balikat nito.
"The lullaby your dad and I taught you." Hinawakan ng ina ang mga balikat niya at hinarap siya.
Bigla siyang nataranta kaya hinawakan niya ang mga kamay nito. Nagkasalubong ang kanilang tingin. Pakiramdam niya'y parang tinitignan niya lang ang sarili niyang mga mata.
Napatingin siya sa likuran nito nang may marinig na mga yabag. Nakita niya ang nakangiting mukha ng kaniyang ama.
"Ikaw talagang bata ka." Ginulo nito ang kaniyang buhok nang makalapit sa kanila. "Nakalimutan mo na ang sinabi ko? Ang kantang 'yan ang magiging kapangyarihan mo."
Napakunot-noo si Erienna. "Kapangyarihan ko?"
"It's Blaitheria's lullaby. Galing pa sa mga ninuno natin ang kantang iyan at ang tadhana mismo ang pipili kung sino ang karapat-dapat na humawak nito."
"T-teka Daddy, wala po akong maintindihan. Naguguluhan ako."
"Makinig ka." Umupo ang kaniyang ama sa kama katabi ng ina. "That lullaby is the bearer's comforter and shelter. Whoever sings it, can give comfort to someone else. Ang kantang 'yan ang dahilan kung bakit buhay ka pa hanggang ngayon. Lalabas ang tunay na kapangyarihan nito sa tamang oras at ngayon na ang oras na 'yon. Sa henerasyon namin, ako ang pinili ngayon naman ay ikaw. So please, anak, huwag kang matakot alalahanin ang bagay na nakalimutan mo."
"Pero Dad, sabi ni Midnight galing ito sa kaniyang ina."
Nagkatinginan ang kaniyang mga magulang at sabay na napatawa. Nalito naman siya sa inakto ng mga ito. Anong nakakatawa sa sinabi niya?
"It wasn't from his mom. He was just trying to let you remember him by saying the same line you said when you were kids."
"What?"
Naglaho ang kaniyang mga magulang sa harapan niya. Bago pa siya makapagsalitang muli ay biglang umikot ang paligid niya. Napapikit siya at napasapo sa kaniyang ulo. Pagmulat niya ay nasa ibang lugar na siya.
It wasn't totally in a different place. Dahil nasa salas lang siya ng kanilang bahay. Nasa harapan siya ng isang batang babae at lobong nakaupo sa sofa.
"Gising ka na!" The girl patted the wolf's head.
"What was that?"
"Hmm?"
"The song?" tanong ng lobo.
"Oh." Napakamot ang batang babae sa ulo bago sumagot. Nagdadalawang-isip pa ito kung anong sasabihin dahil sabi ng ina na huwag sabihin sa kahit na sino ang tungkol sa kanta.
"It was my mom's lullaby. Palagi niyang kinakanta sa 'kin 'yon if I'm having nightmares or trouble in sleeping. Do you feel okay now?" pag-iiba ng babae sa usapan.
Tumango naman ang lobo. "Yeah, can you sing that song again for me?" the wolf said and laid on the girl's lap.
It was Midnight and her.
Tumulo ang kaniyang luha kasabay nang kaniyang pagpikit. Sa una pa lang, sinusubukan na pala ni Midnight na paalalahanan siya sa nakaraan niya. Ngayon na isa-isa na itong bumabalik ay natatakot naman siyang maalala ang lahat.
Bakit nga ba siya natatakot? Dahil baka muli siyang lamunin ng sakit na idinulot ng aksidente sa kaniya? O baka ayaw niyang maalala ang mga mukha ng kaniyang mga magulang noong araw na 'yon?
Kung ano pa 'yon, alam niyang hindi niya rin naman ito matatakasan. Babalik at babalik ang mga alaala niya. Kung pinili niyang kalimutan ang nakaraan niya noon, ihahanda niya ang sarili upang tanggapin ang lahat ngayon.
Una si Midnight, sunod ang kaniyang kapatid at ngayon naman, ang kaniyang mga magulang na ang nagpapaalala sa kaniya. Wala ring kuwenta kung tatakbo pa siya.
Kahit na masaktan pa siya, tatanggapin niya ito. She needed her memories back. She needed to remember her past. She needed to remember what her parents told her about the lullaby.
Kahit na nakakaramdam na siya ng pagkahilo ay tinanggap niya ang mga alaalang bumabalik sa kaniyang isipan. Mga alaalang kasama niya si Midnight, ang kaniyang pamilya at kung paano ikuwento ng kaniyang ina ang kapatid niyang namatay.
Si Kuya Rauis.
Napalunok siya nang maalala ang sinabi ni Rauis sa kaniya.
"Looks like Mom and Dad never told you about me."
"I'm sorry," Erienna uttered. Nagkakamali ang kuya niya. Her mom told her about him but she chose to forget it. It was her fault for not remembering it.
Isang bulong ang narinig niya bago siya tuluyang bumalik sa reyalidad.
"Eri," ang boses ni Midnight ang unang bumungad sa kaniya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top