Kabanata 22
"UNO."
Napalingon si Midnight sa tumawag sa kaniya. Kakalabas niya lang sa kuwarto. Nakita niya ang iba pang kasamahan na papalapit sa kaniyang direksyon. Napakunot pa ang kaniyang noo nang mahagip ang suot-suot ni Fenrys.
"The hell are you wearing?"
"What? Am I too handsome for this outfit?" balik na tanong nito sa kaniya kaya napailing na lang siya.
Elegant moron.
Pinasadahan niya ng tingin ang dala-dala ni Lenox. Si Rei at isang tuta. Magsasalita na sana siya nang biglang yumanig ang paligid. Napaigtad siya at ganoon din ang iba. Pansin niyang nagbabago ang kulay ng sementong inaapakan nila, ang kaninang puti ay naging itim. Pati ang mga dingding at bawat sulok ng silid ay nagbago. Hindi lang kulay kundi pati disenyo. Naging rihas na ang mga ito.
The white light that the sconces produced turned red. The shaking stopped after the room turned into a different place--a dungeon.
"Welcome. Welcome i-intruders and a t-traitor."
A shaky voice of a man greeted them.
They turned around and saw a figure, wearing a robe and had a long black hair. Midnight thought the guy was nervous but he almost stepped back when he saw how creepy the guy smiled.
Is he the one responsible for changing the place?
"Queen i-is displeased on what y-you did." Sinundan ni Midnight ang tingin nito at nakapokus ito kay Rauis.
"Shut up, Ethan. I wasn't born to please her in the first place."
"She's y-your mother, you disrespectful c-creature."
"She's not my mom," Rauis said in a low voice but he couldn't hide the fact that he was annoyed.
"What exactly are you fighting for, my son?"
A stern voice got their attention. Behind the guy was a lady sitting on a glass-like chair. She crossed her legs while showing off his shining shoes. Her red dress and her hair that was curled up above her head made her look like a woman with power. Her aura was dominating the place. Not to mention the two men with bulky body standing beside her.
From the way she looked at them, Midnight could tell she was the ruler of Blaitheria.
Ngunit hindi lang iyon ang nakaagaw ng attention nila. Sa likuran ng babae ay mga lobong walang malay. Napasinghap si Midnight nang makita sina Oli, Lelo, Gav at Steven sa likod ng mga rehas.
Walang malay.
Agad na umakyat ang pag-aalala niya sa kondisyon ng mga lobo.Tatakbo na sana siya papalapit sa direksyon ng mga ito nang may kamay na humarang sa kaniya.
"Wait."
It was Fenrys.
"Who are you? Why would you wear a dress and sat on that shiny chair? Hindi bagay. Are you nuts or something? Or are you just lost?"
Midnight glared at Fenrys. Hindi niya alam kung nagpapatawa ba ito o hindi niya talaga kaagad nakuha kung sino ang kaharap nila.
Isang maliit na ngiti ang gumuhit sa mukha ng reyna. "Bakit 'di mo tanungin ang aking butihing anak?" she paused before continuing. "If only I had known from the very beginning, I shouldn't have raised you, you ungrateful brat."
"Thank you for raising me then," sarkastikong sagot ni Rauis.
Sa gitna ng pag-uusap ni Rauis at Silva, may biglang naalala si Midnight.
If she is the ruler, it's know our right time.
Liningon niya si Yves upang isagawa ang kanilang plano. Ito na ang tamang oras para malaman nila kung sino ang pumuprotekta sa katawan ni Silva.
"Yves, no--"
Bago pa matapos ni Midnight ang sasabihin niya, may pigura na mabilis pa sa hanging dumaan sa harapan niya. Hindi pa siya nakakakurap ay nakita niya na lang si Yves na bumagsak sa sahig matapos sinaksak gamit lamang ang isang kamay.
Napamura siya. He glared at the man who stabbed Yves. It was one of the men standing beside Silva's chair a while ago.
Susugod na sana siya ngunit hindi niya magawang igalaw ang mga paa niya. Napayuko siya at pilit na inaangat ito ngunit ayaw atang makinig ng mga paa niya.
Damn it.
---
"ERIENNA? Erienna wake up."
Napabalikwas sa kama ang dalaga dahil sa boses na narinig niya. Napahawak siya sa kaniyang puso at pilit na pinapakalma ang sarili. Dali-dali niyang inilibot ang tingin sa buong kuwarto at hinanap kung saan nanggaling ang boses ngunit wala siyang ibang nakita kundi ang nakabukas na pintuan papuntang terrace.
Maybe it was from her dream.
Humugot siya ng malalim na hininga bago tuluyang tumayo at naglakad patungo sa terrace.
Agad siyang niyakap ng malamig na hangin pagkalabas niya. Napapikit siya at dinama ang lamig. Sa pagmulat ng kaniyang mga mata, napatingin siya sa buwan.
Biglang sumagi sa isip niya si Midnight.
"Sana okay lang sila."
Ilang sandali rin siyang nakatitig sa buong Raeon habang hinahayaan ang sariling lamunin ng katahimikan.
"Erienna." Napalingon siya nang may tumawag sa kaniya. Katulad na katulad ito sa boses na nasa panaginip. Ngunit paglingon niya, wala siyang nakita kundi ang tahimik na kuwarto kung saan nanggaling siya kanina.
Guni-guni niya lang ata 'yon. Siguro hindi pa gising ang diwa niya.
Umiling siya at ibinalik ang tingin sa buwan.
"Erienna." Naramdaman niya ang malamig na hangin sa kaniyang tainga dahilan para mapahawak siya rito at muling lumingon.
Ano iyon?
"Erienna, are you listening?" A soft and feminine voice echoed inside her room. Hindi niya alam kung sasagutin niya ba ito pero may parte sa kaniya na nagtutulak na ihakbang ang mga paa papasok sa kuwarto.
"Don't you remember me, sweetie?" Sa hindi malamang kadahilanan ay parang hinaplos sa tuwa ang puso ni Erienna. Imbes na kabahan siya at mataranta, nanabik pa siyang malaman kung sino ang nagmamay-ari sa boses na 'yon.
Pakiramdam niya'y narinig na niya ito ngunit hindi niya matandaan kung saan.
"Sino ka?" tanong niya nang makapasok sa loob. Hindi nakabukas ang ilaw sa kuwarto at ang tanging nakapagbibigay lang ng ilaw ay ang liwanag ng buwan.
"Do you still remember the lullaby I taught you?"
Napakunot ang kaniyang noo dahil doon. Anong ibig niyang sabihin? Naglakad siya papalapit sa kama at umupo nang maramdaman ang kirot sa kaniyang ulo.
"Do you still remember what I told you before?"
Napapikit siya at napahawak sa kaniyang buhok. Hinila niya ito para maibsan ang sakit ngunit mas dumoble pa ata. Pakiramdam niya'y mabibiyak ang ulo niya. Nang umalingawngaw ang boses sa buong paligid, mas tumindi pa ang sakit na nararamdaman niya. Tila may alaala itong pilit na pinapakita sa kaniya ngunit ang utak niya mismo ang umaayaw.
Natatakot siyang maalala ito.
"Sino ka ba?" Nakapikit pa rin ang kaniyang mga mata.
Matapos niyang itanong ulit iyon, wala siyang narinig na sagot. Namayagpag ang katahimikan sa paligid. Wala siyang ibang marinig kundi ang kanyang paghinga.
Bubuksan niya na sana ang mga mata nang may bumulong sa kaniyang tainga. "Please, remember it."
Nagdulot ng kalituhan ang mga salitang binitiwan ng boses. Bakit? Bakit kailangan niyang maalala? Anong ang kailangan niyang maalala? Sino ang boses na 'yon?
Tuluyan na niyang binuksan ang mga mata. "Magpakita ka, sino ka ba?"
Ngunit wala na siyang natanggap na sagot.
Matamlay siyang tumayo habang hindi pa rin mawala sa isipan niya ang sinabi nito. Bukod sa hindi niya alam kung saan nanggaling ang boses na 'yon, sumabay pa ang mga sinabi nito sa kaniya.
Parte ba ito sa nawawala niyang alaala?
Lumabas siya sa kuwarto at wala sa sariling bumaba papuntang salas hanggang sa makarating siya sa labas. Nagbabakasakaling sa paglalakad niya ay makahanap siya ng sagot ngunit iba ang bumungad sa kaniya.
Sa labas ng gate ay may nakatayong pigura ng babae. Nasilayan niya ang suot nitong puting dress dahil sa ilaw ng buwan pero hindi niya maaninag nang mabuti ang mukha nito kaya mas lumapit pa siya.
Nagulat siya nang bigla itong magsalita.
"Ano? Panonoorin mo na lang ako rito? Hindi mo bubuksan ang gate?" ramdam niya sa boses nito ang pagkainis.
Nataranta naman siya kaya dali-dali siyang lumapit ngunit agad din siyang napaisip kung paano niya bubuksan ang gate. Kusa lang kasi itong bumubukas kapag kasama niya si Midnight.
"Hindi ko alam kung paano--"
"Hawakan mo," putol nito.
"Ang gate?"
"Malamang! Alangan naman ako?"
Napalunok si Erienna dahil sa pagiging sarkastiko nito.
Dali-dali niyang hinawakan ang bakal na gate at halos lumuwa ang kaniyang mga mata nang unti-unti itong bumukas. Napaatras pa siya, ngunit parang wala lang ito sa babae at dali-daling pumasok.
"Tsk, kabiyak ng pinuno pero hindi alam 'to? Argh," reklamo pa nito.
May isang parte kay Erienna na naasar sa sinabi nito. Ano bang problema nito? Ang dami pang sinasabi siya na nga itong pinapasok, e.
"Sino ka ba?" may halong inis sa boses niya.
"Nasaan si Fenrys?"
Mas lalo siyang nainis sa sinagot nito. Bakit ba hindi siya sinasagot sa tuwing nagtatanong siya? Masakit na nga ulo niya dumagdag pa ito.
"Sino ka muna?"
"Nasaan muna si Fenrys?"
Nakipagsukatan siya sa babae. Magkasingtangkad lang naman sila nito ngunit mas payat ito sa kaniya. Maikli ang buhok at maputla.
"Oh!" nagulat siya nang maalala ang sinabi ni Fenrys sa kaniya. Ito ba ang babaeng tinutukoy ng lalaki?
"Anong 'oh'?" taas-kilay nitong tanong.
"Wala siya rito."
"Alam ko, kaya ko nga tinatanong kung nasaan siya."
"Alam mo naman pa lang wala siya ba't mo pa tinatanong?" Hindi niya rin mapigilang magtaray sa harapan nito. E, kasi naman, puwede naman siyang kausapin nito nang hindi siya sinusungitan.
"Hindi ko alam kung nasaan siya," dagdag niya at tatalikod na sana pero pinigilan siya nito sa braso.
"Nasaan siya sabi, e!"
"Ba't mo ba ako pinipilit, e, sa hindi ko nga alam?" Iwinaksi niya ang kamay nito.
Nakapamewang naman siyang tinignan nito. "Bad liar. Alam kong nagsisinungaling ka, imposibleng wala kang alam. Nasaan si Uno? Nasaan kabiyak mo? Alam kong magkasama sila, nasaan sila?" pamimilit nito kaya napakamot si Erienna sa ulo niya dahil sa inis.
"Ano ba! E, sa hindi ko nga alam, e," pagsisinungaling niya. "Ba't mo ba kasi siya hinahanap?"
Napayuko ito matapos niyang itanong 'yon. Ilang saglit pa ay narinig niya itong humikbi. Inangat nito ang tingin at napakurap siya nang sunod-sunod ang pagtulo ng mga luha nito.
"K-kailangan ko siyang makausap kaya please, sabihin mo sa akin kung nasaan s-siya. M-may kailangan siyang malaman kaya please . . ." Hinawakan nito ang balikat niya at inalog-alog siya. "Sabihin mo sa 'kin kung nasaan siya, nakikiusap ako sa 'yo, please."
Bigla namang nataranta si Erienna dahil sa ginawa nito. Parang kanina lang ang sungit nito, ngayon ay nagmamakaawa na sa harapan niya.
Hindi niya mapigilang mag-alala kaya naman sinabi na niya kung nasaan ang lalaki.
"Ano?!" sigaw nito. "Nasa Blaitheria sila?!"
"Oo, pero huwag kang mag--"
"Humanda sa 'kin 'yang hinayupak na lobong 'yan!" Marahas nitong pinahid ang mga luha.
Napaatras siya nang magpalit ito ng anyo. Kulay kayumanggi ang mga balahibo nito at maliit ito kumpara kina Midnight.
"Saan ka pupunta?" tanong niya.
"Ano pa? Edi sa Blaitheria," bumalik na ulit sa pagiging masungit ito. "Salamat pala sa pagsagot. Kailangan ko lang pa lang umiyak para mapaamin ka. Pfft. Thanks dahil nagpauto ka."
"Anong--" Napanganga si Erienna sa sinabi ng lobo. Hindi siya makapaniwala na nagpanggap lang pala ito. Walang hiya!
Dahil sa inis ay sinugod niya ang babae at walang pagdadalawang-isip na hinila ang buntot nito.
Napaangil ito sa ginawa niya. "Ano sa tingin mong ginagawa mo!"
Hindi niya ito pinakinggan at hinila ang ilang balahibo nito.
"Aw! Masakit, baliw ka ba?!"
"Ikaw ang baliw! At umiyak ka pa talaga sa harapan ko para lokohin ako?" gigil na gigil niyang sigaw.
"Wow, galit na galit? Parang namang ang lala ng panlolokong ginawa ko, ang oa mo, ha!" sagot nito at sinampal siya gamit ang buntot nito. "Kaysa magalit ka r'yan, ba't 'di ka na lang sumama sa 'kin?"
Gaganti na sana siya pero napatigil siya sa sinabi nito.
"Sa Blaitheria? Pero paano? Hindi naman ako nakakapagpalit ng anyo kagaya niyo."
"Edi maglakad ka."
Sinamaan naman niya ito ng tingin. "Alam mo nakakabwisit ka!"
"Alam ko. Ito naman nagjo-joke lang, e. Edi sumakay ka sa likuran ko, duh!"
"Talaga lang, ha? Baka ilaglag mo pa ako," Erienna said while crossing her hands.
"Huwag ka na ngang dumaldal d'yan at sumakay ka na lang. Bumabawi na nga ako, e. Bilis na!" Yumuko ito at sinenyasahan siyang sumakay.
Kahit na nagdadalawang-isip siya ay sumakay pa rin siya. Gusto niya ring pumunta sa Blaitheria. Hindi niya alam kung ano na ang nangyayari kaya kailangan niyang makita ang mga ito. Nag-aalala rin siya sa kalagayan ni Midnight, Rauis at iba pa nitong mga kasamahan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top