Kabanata 2

"MOMMY, I want this dog." Palukso-luksong turo ng batang babae sa isang tuta. Napangiti naman ang ina sa walong taong gulang nitong anak.

"Yes, sweetie, but promise me na aalagaan mo siya nang mabuti, okay?"

Sabik na sabik siyang tumango. Nang makita niya na karga-karga na ng ina ang aso, hindi niya mapigilang hindi mapatili sa tuwa.

Erienna's chocolate eyes were locked on the Shih Tzu who kept on waggling its tail.

"Thank you po, Mommy. I love you!" She gave her mom a kiss on the cheek.

Napangiti naman ang kaniyang ina.

Masaya silang lumabas ng pet shop habang karga-karga niya sa mga braso ang tuta.

Naabutan nila sa labas ang kaniyang ama na nakangiting nakatingin sa kanila. Agad siyang tumakbo papalapit at ipinakita ang baby Shih Tzu.

"Daddy, I got a new pet!" she said, raising the puppy up. Ginulo naman nito ang mahaba at maitim niyang mga buhok.

"Nako, madadagdagan na naman ang maingay sa bahay," biro ng ama na nakapaghagikgik sa kaniya. Nauna siyang pumasok sa loob ng kotse habang iniisip ang mga alaga niyang aso na naghihintay sa kanilang bahay. Isang German Shepherd, Poodle at Chihuahua. At ngayon naman ay isang Shih Tzu.

"Hmm . . . ano kaya ang ipapangalan ko sa 'yo?" she muttered while patting the pup's brown fur which was now sleeping on her lap.

Ang kaniyang magulang naman, nag-uusap habang nagmamaneho ang ama. Abalang-abala siyang mag-isip kung anong ipapangalan sa aso nang bigla na lang nagmura ang kaniyang ama.

"Damn!" Nagtaka siya at agad na napatingin sa daddy niya na tagaktak na ang pawis habang inaapakan nang paulit-ulit ang break. Napatingin siya sa unahan at nakita ang intersection.

"Ba't ayaw gumana ng break?"

"D-daddy, what's going on?" Unti-unting nakaramdam ng kaba ang bata habang nakatingin sa traffic light na naka-stop sign. Malapit na sila sa intersection at kitang-kita ng kanyang mga mata ang mga sasakyang nagdadaanan. Isang kamay ang humila sa kaniya at yinakap siya nang mahigpit.

"Close your eyes, sweetie." Ang mga katagang narinig niya mula sa kaniyang ina na nakapagbigay takot sa kaniyang puso. Napapikit siya dahil sa maingay na busina. She heard a loud crashing sound and the next thing she knew, their car was already flying on the air.

"Mommy, D-daddy . . ." pahikbi-hikbing saad ng dalaga habang napapanaginipan ang sinapit ng kaniyang mga magulang.

Tagaktak ang pawis niya sa noo at habol-habol ang hininga. Walang tigil sa pag-agos ang mga luha habang niyayakap na siya ng kaniyang nakaraan. Fear was swallowing her. The loneliness that occupied her heart was overpowering her body.

Subalit isang kanta ang nakapagpatigil sa lahat ng nararamdaman niya.

Hush now, my tiny wolf
Let your nightmares be eaten by the big wolf

Hindi niya mawari kung bakit parang hinahaplos ang kaniyang puso sa kanta. Pamilyar ito sa kaniya.

Ang takot na kaninang kumakain sa kaniya ay unti-unting nawala na para bang nahiya na itong lumabas. The loneliness that she felt melted. She felt safe. She felt protected.

I will put away your fear
Plunk it down into a deeper slumber
So hush now, my tiny wolf

Unti-unti siyang kumalma. Sa pagbukas ng kaniyang mga mata ay ang pagkawala rin ng kanta. Napalaki ang mga mata niya nang mapansing hindi pamilyar ang lugar sa kaniya. Unang nakakuha sa kaniyang tingin ang chandelier na nasa ceiling. Napababa ang tingin niya sa malaking kama kung saan siya nakahiga. Sobrang lambot ito.

Hindi ko 'to kuwarto!

Napabangon siya at inikot ang mga mata sa paligid.

"Done scanning?" a baritone voice said, making her head turned to the left side of the room. There, she saw a fine man looking at her intently as if it was memorizing her whole being.

Black suit and pants. Hindi mapigilan ni Erienna na purihin ang lalaki sa kaniyang utak. Mayroon itong bughaw na mga mata at tindig na sumisigaw ng kakisigan.

Hindi niya magawang kumurap.

His shoulder-length hair started dancing as he walked towards her.

"Sino ka?" tanong niya at dumapo ang kaniyang tingin sa peklat na nasa kanang mata ng binata.

That scar.

Napakagat siya sa kanyang labi nang mapagtanto kung sino ang nasa harapan niya. Biglang may nag-flashback sa kaniyang utak.

The scar and those deep blue orbs. Katulad na katulad ito sa taong lobo na nakita niya.

Hindi siya mapakali nang makalapit na ito sa gawi niya. Umakyat ang kaba sa puso niya at tarantang napatingin sa kaliwa't kanan, nagbabakasakaling makaisip siya ng paraan para makatakas.

The guy leaned in. She froze when he started smelling her. Masyadong malapit ang mukha ng guwapong nilalang sa kaniya kaya napalunok siya.

Lumayo ito at bahagyang ipinilig ang ulo. The ends of his eyes were pointed and sharp, the main feature that made him look intimidating. "I should be the one asking you that, who are you?"

"K-kakainin mo ba ako?" nauutal na sagot ng dalaga. Napansin naman ng binata ang takot niya dahil dumapo ang tingin nito sa kamay niyang kanina pa nanginginig.

"My taste would be very bad kapag kinain ko ang isang kagaya mo. Walang lasa," he said.

Hindi niya alam kung matutuwa ba siya dahil wala itong interes na kainin siya o maaasar dahil sinabihin siya nitong walang lasa.

Sinalubong niya ang nakakalula nitong tingin na agad din namang niyang pinagsisihan. Sobrang nakakaapekto ang mga titig ng lalaki dahilan para makaramdam siya ng pagkailang.

"Who.are.you?" tanong ulit nito sa kaniya ngunit sa pagkakataong ito, pinagbantaan na siya ng lalaki. "You're going to tell me your name or I'm going to introduce you to death. Choose, human."

Dahil sa takot na baka itawid siya nito bigla sa kabilang buhay ay agad siyang sumagot.

"Erienna."

"Erienna?"

"Erienna Visandra," mahina niyang sabi at napayuko dahil sa nakakatakot nitong aura.

The way how his captivating eyes looked and how his broad shoulder complemented his manliness, she couldn't help but applaud mentally. She had seen no man like him.

"So, Erienna . . . " Matalim siya nitong tiningnan. "Are you spying on us? Sino ang nagpadala sa 'yo? Are you trying to--"

"Spying? Of course not!" mabilis pa sa alas kwatrong sagot niya at mahigit na sampung beses umiling. "Hinahanap ko lang iyong aso ng friend ko at sa paghahanap ko sa kaniya, 'di ko namalayang nawawala na pala ako. Nagkataon lang na nakita ko kayo. Hindi ako spy. Promise!" she said, raising her right hand, pledging that she was telling the truth.

The man stared at her for a moment as if it was reading her. Napapaso siya sa mga titig nito at pakiramdam niya parang may nagwawala sa tiyan niya.

This is so weird.

Ilang segundo ang lumipas, tumayo na ang lalaki na wala man lang kaimik-imik. Tatalikod na sana ito pero pinigilan niya.

"Sandali, nasaan ba ako? Saan mo ba ako dinala? Papakawalan mo na ba ako?" she said, hoping that the guy would say yes.

Liningon siya nito at sinulyapan. "No, I can't let you. You saw me transformed at kapag pinakawalan kita, baka ipagkalat mo ang nakita mo. It would be threatening for our kinds."

"H-hindi ko naman ipagsasabi, e. Swear!" she said, trying to convince him.

Isang katahimikan ang bumalot sa buong kuwarto bago tuluyang sumagot ang binata.

"Human words are full of uncertainty and sometimes suspicious. I can't trust you." Mga salitang binitawan ng lalaki na nakapagbagsak sa kaniyang balikat.

She felt hopeless and worried. Hopeless that she might be locked here forever and worried that Aling Using was searching for her. Hindi pa man din siya nakapagpaalam.

"And you're currently at my palace," dagdag nito.

Napaangat ang tingin niya at gulat na tinignan ang lalaki.

"Ano?! Palasyo mo?!" Napanganga siya. Kaya pala parang isang bahay na ang laki ng kuwarto kung nasaan siya ngayon. Napakaengrande.

"Palasyo ko," pag-uulit nito na may pagmamalaki sa boses. Tumalikod na ito sa kaniya. Sinundan naman niya ito ng tingin nang bigla niyang maalala ang kantang narinig niya kanina.

"Teka--" Pigil niya at mabilis na tumayo para sundan ang lalaki. Dahil sa pagmamadali niya, nasabit ang mga paa niya sa kumot. Natisod siya dahilan para mahulog sa kama at masubsob ang mukha sa sahig.

"Aw!" Daing niya nang maramdaman ang sakit sa kaniyang ilong. Napahawak siya rito dahilan para maramdaman ang likidong tumutulo.

Naman, oh!

Napapikit na lang siya habang iniinda ang kirot sa ilong niya at sa mga pasang nakuha niya sa kaniyang tiya na hindi pa rin gumagaling.

Nakarinig siya ng malalim na buntonghininga. Bago pa man maimulat ni Erienna ang kaniyang mga mata, may pares nang kamay ang sumakop sa kaniyang mukha at isang malambot na bagay ang dumampi sa mga labi.

The man kissed her.

Nanigas siya at hindi niya magawang ikurap ang mga mata. Hindi niya alam kung itutulak ba niya ito, sisipain, sasakalin o sasambunutan ang lalaki.

Why is he kissing me?

Doon lang siya natauhan nang pinakawalan na nito ang kaniyang labi. "Masakit pa ba?"

"Ha?" wala sa sariling sagot ni Erienna.

"Your nose." Pinitik nang mahina ng lalaki ang kaniyang ilong dahilan para magising at bumalik siya sa diwa. Pinakiramdaman naman niya ang kaniyang ilong at wala na siyang maramdamang sakit kahit konting kirot man lang.

"Papaano--"

"When I kiss someone, all of their wound heals in an instant. It's one of my abilities." He just shrugged as if kissing someone was just normal to him. Hinawakan naman agad ni Erienna ang kaniyang mukha at pinindot-pindot ito sa parteng nagkapasa pero wala na siyang maramdamang sakit.

Namamangha siyang napatingin sa binata.

"May sasabihin ka ba? Hurry up, I still have lots of businesses to deal with," kunot-noong sabi nito.

"Ahm, about the song."

"Song?"

"Oo, i-iyong kinanta mo," napapayuko niyang sabi.

Nahihiya kasi siya dahil sa ginawa ng binata sa kaniya. Hindi pa rin mawala-wala sa isip ang paghalik na ginawa nito sa kaniya.

It was her first kiss after all. Never siyang nagka-boyfriend kaya never din siyang nahalikan ng isang lalaki.

"It was my mom's lullaby. Palagi niyang kinakanta sa akin 'yon if I'm having nightmares or trouble in sleeping," the guy said at napaiwas ng tingin.

Napatango naman siya. "Nasaan ang mama mo?"

"She's already dead," sagot nito na ikinagulat niya.

"S-sorry."

Hindi naman sumagot ang binata at tinalikuran na siya nito. Nagsimula na itong maglakad papunta sa pintuan ng kuwarto pero bago pa man tuluyang makalabas, sinulyapan muna siya nito at nagsalita.

"I forgot to tell you my name. It's Midnight Ares." At sinara ang pinto.

Napatitig siya sa nakasarang pinto bago tumayo at umupo sa kama.

Paano na ako nito? Paano ako babalik sa 'min?

Ni hindi niya nga alam kung nasaan siya ngayon. Niyakap niya na lang ang mga tuhod. Biglang sumagi sa isip niya ang imahe ng kaniyang nakakatakot na Tiya Silva.

"Nag-aalala kaya siya sa 'kin?"

Malamang hindi.

Nahiga siya sa kama. Nalungkot siya at nakaramdam ng pag-iisa nang maalala niya ang mga dinanas sa kamay ng kaniyang tiya. May parte sa kaniya na ayaw nang bumalik at hayaan na lamang ang sariling manatili sa kuwartong ito.

Napahawak na lang siya nang mahigpit sa kuwintas na binigay ng ina at napapikit.

Mom, what should I do?

---

"SO, anong plano mo sa kaniya?"

Midnight just shrugged while crossing his legs. Napangiwi naman ang kaniyang kausap na si Fenrys, his right hand man, at umupo sa sofa na kaharap ng inuupuan niya.

"Look, don't you think na ito na 'yong sinasabi ng propesiya?" seryosong tanong nito sa kaniya dahilan para mag-angat siya ng tingin.

"The prophecy isn't real," matigas niyang sagot at matalim na tinignan si Fenrys.

He didn't want to believe about the prophecy he received not too long ago. Para sa kaniya ay isa lamang itong mga haka-haka, pero habang lumilipas ang mga taon ay unti-unting nangyayari ang mga sinasabi rito.

"Stop being so indenial, Uno. Alam ko na alam mo na natutupad na ang propesiya. The Havocs are starting to wreck our world and that girl could be--"

"She's just a human. She can't help us." Midnight stood up cutting Fenrys' words.

Ayaw niyang idamay ang dalaga sa problema nila.

"But Uno--" He growled at Fenrys, warning him to stop from talking.

Napabuntonghininga na lang ito at yumuko bilang paumanhin. Wala pang isang segundo ay nawala na ito sa harapan niya.

Teleportation. Tsk!

He glanced at the window and there was no hint of light from outside.

Nakapamulsa siyang pumunta sa kusina at kinuha ang pagkain na dadalhin sana para kay Erienna. Pagkatapos, dumiretso siya sa kuwarto kung nasaan ang dalaga. Bago pa man niya mabuksan ang pintuan, humahalimuyak na ang mabangong amoy nito sa kaniyang ilong.

Kumatok muna siya bago binuksan ang pinto. Nadatnan niya itong mahimbing na natutulog. Nilapitan niya ito at inilapag na lang sa small table katabi ng kama ang pagkaing dala.

He stretched his hand and caressed the woman's cheek. Inalis niya ang ilang hibla ng buhok na tumatakip sa maamo nitong mukha.

A memory of his childhood suddenly flashed his mind, causing his heart to throb. He tilted his head, still feeling the foreign emotion, while looking at the woman's face.

Isang maliit na ngiti ang gumuhit sa kaniyang labi.

"Eri . . ."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top