Kabanata 17

"NAKUHA mo ba?"

"Yeah. Thank you, Lenox," pagpapasalamat ni Rauis habang nakatingin sa hawak-hawak niyang gem sa kaliwang kamay.

Binigyan siya ng pagkakataon nitong magpaliwanag at nakumbinsi niya ito matapos sabihin lahat ng dapat nitong malaman, pati ang kaniyang plano at kung ano ang dapat nitong gawin.

"Tsk. Bakit ang dami ng kakayahan mo?" tanong nito at sinulyapan ang kanang kamay niyang nakahawak sa braso nito.

Rauis concealed his smell and used his invisibility in order for Lenox to touch Silva without noticing them. Pinlano niyang gamitin ang abilidad ni Lenox upang linlangin si Silva at makuha ang gem sa gintong upuan.

And his plan succeeded.

Ngayon, palabas na sila ng palasyo.

"You don't have to thank me. Ginagawa ko lang 'to para sa Raeon at isa pa, sinabihan na kita na 24 hours lang ang tagal ng ilusyon ko, kapag nawala ito, kusang ipapakita ang katotohanan sa taong iyon. Malalaman niya na kinuha natin ang gem."

"Can you stop it from happening?"

"Sabi nang hindi nga, e. Once na umepekto na ang ilusyon, magsisimula na rin ang time limit. That's how my ability work at wala na akong magagawa pa. Kaya kong patigilin pero hindi ko kayang pahabain ang oras."

Tumango siya bilang sagot. Isang araw. Kapag lumipas ang isang araw, aasahan niyang magkakaroon ng giyera.

"Itong ginagawa mo, hindi ba't mas lalo mo lang nilalagay sa panganib ang mga lobo mo? Paniguradong magkakaroon ng labanan."

He looked up and saw the crescent moon lighting above them. "Kahit pa hindi ko 'to gawin may mangyayaring labanan pa rin, Lenox. We can't avoid war. The best thing we can do is to face it."

Napatigil ito sa paglalakad at salubong ang kilay nitong tinignan siya. "Baliw ka ba? Makikipaglaban ka sa kanila? Iilan lang tayo at masyado silang marami--"

"I have a plan."

"At ano naman ang planong iyon?"

"Uunahan natin sila." Nilingon niya si Lenox. "We will be the one to declare war."

He knew his plan was quite suicidal. Hindi nila makakayang talunin ang libo-libong tauhan ni Silva. Kapag sinubukan nilang lumaban, paniguradong kamatayan ang susundo sa kanila. They wouldn't stand even just a little chance.

But declaring war wasn't the only thing Rauis had in his mind.

Sa mga nakaraang taon, wala siyang ibang inisip kundi gumawa ng stratehiya kung paano matatalo ang kaniyang tiya. He studied even the smallest detail that he had to know about Blaitheria. What his tiya and her army could do. Ilang taon din siyang naghintay ng tamang pagkakataon upang maisakatuparan ang kaniyang plano.

Now, the time had come and he already executed the first phase of his plan.

Hindi niya kailangang pantayan ang dami ng tauhan ni Silva. He only needed someone who knew how to lead and fight.

He already got a name on his mind but that wolf might not listen to him.

He heaved off a deep sigh. "This will be challenging."

---

NAKAABANG na sila Erienna sa labas ng gate ng Blaitheria, hinihintay na lang nila na makabalik si Lenox at ang kaniyang kuya. Nagpaiwan ang ibang havoc sa bahay na gawa sa bato at si Oli, Steven at Van lang ang sumama.

Napayakap siya sa kaniyang sarili at dumutdot sa mabalahibong leeg ni Steven dahil sa lamig.

"Hindi mo 'ko kumot," reklamo nito at tinulak siya gamit ang panga nito. Hindi naman niya ito pinansin at sumiksik ulit.

"Hindi ko ba kayang mag-anyong lobo kagaya niyo?" taka niyang tanong.

"Too bad, meat, you can't. Wolves who were born on the human world can't transform in their wolf state."

Napatango na lang si Erienna.

"They're here," rinig niyang sabi ni Oli kaya napalingon siya.

Habang papalapit, nagpalit na ng anyo ang mga ito. Ang mga damit ay napupunit dahil sa paglaki ng kanilang mga katawan. Unti-unti na ring nababalutan ng balahibo at napapalitan ng matutulis na mga kuko ang mga daliri.

Napanganga na lang si Erienna sa lobong nakaluhod sa harapan niya. 'Di hamak na mas malaki ito kaysa kay Midnight.

"Let's go," sabi ng kaniyang kuya.

Tumango naman siya at sasakay na sana nang mapansin niya ang mga daliri ng paa nito.

Why does his dewclaw as big as the other toes?

"Kuya, bakit--"

"I don't know either. I don't have any problems with my toes and fingers but when I'm in my wolf state, my fifth toe seems to be bigger."

"We need to move now," sabi ni Oli at nauna nang tumakbo sa kanila.

Sumakay na siya at halos maestatwa siya dahil sa malamig na hanging sumasampal sa kaniyang mukha nang magsimula na itong tumakbo. Pumikit siya. Wala rin namang silbi kung imumulat niya ang mga mata dahil wala rin naman siyang makikita sa bilis ng takbo nila.

Napahigpit ang kapit niya sa mga balahibo habang tinitiis ang lamig. Pinakinggan niya na lang ang mga mabibigat na yabag nito habang tumatakbo. Bigla niyang naalala ang araw no'ng binilhan siya ng damit ni Midnight. Tama nga ito. Mukhang jogging lang ang ginawa ng binata dahil mas doble pa ang bilis ng kaniyang kuya.

Ganito pala sila tumakbo.

Biglang napakagat si Erienna sa kaniyang labi nang maramdaman niyang may umaakyat mula sa kaniyang tiyan at papunta ito sa kaniyang bibig. Kamuntikan na siyang mapamura. Mukhang masusuka pa yata siya.

Tinapik niya si Rauis. "Malapit na ba tayo?"

"Yeah."

Lumunok siya upang pigilan ang sariling masuka. Hindi na mapakali si Erienna at wala siyang ibang iniisip kundi ang makarating na kaagad sa Raeon. Kating-kati na siyang bumaba. Pakiramdam niya'y isang oras na silang tumatakbo, ngunit sa katunayan, wala pang limang minuto matapos silang umalis ng Blaitheria.

"We're here."

Agad niyang iminulat ang mga mata at nagpadausdos pababa. She opened her mouth and was about to vomit when she heard footsteps coming to their direction. Napaurong ang mga kinain niya na dapat ay isusuka niya nang mapansing nasa harapan pala sila ng gate ng palasyo ni Midnight.

Nagbukas ang gate at sumalubong sa kanila ang lobong may bughaw na mga mata at masama itong nakatingin sa kanila.

"Midnight." Tumayo siya at lalapitan na sana ito pero bigla itong umangil at agad na sinugod ang kaniyang kuya.

Kakagatin na sana nito si Rauis pero pumagitna sina Oli at Van. They showed him their sharp teeth while growling, warning him to stop what Midnight was about to do.

"You again, little creature?"

Napalingon siya sa pinanggalingan ng boses. Napangiti siya nang makita ang puting lobo na taas-noong naglalakad papunta sa direksyon nila. Mabuti naman at maayos na ang kalagayan nito.

Sa likuran ni Fenrys, nakasunod ang mga Knights.

"We meet again, ugly," sabi ni Oli nang makarating si Fenrys sa tabi ni Midnight.

"We're gonna fucking tear you off." Midnight growled.

Sinundan din ito ng nangangalaiting angil sa kabilang grupo.

Nagpalitan ng matatalim na mga tingin at wala kahit ni isa sa kanila ang balak na kumurap. They were showing off their canines, trying to intimidate each other but no one seemed to back off. Walang balak na magpatalo. Walang gustong umatras.

Napalunok si Erienna.

Pakiramdam niya'y nawala lahat ng lamig na naramdaman niya at napalitan ito ng kakaibang init dulot ng matinding tensyon sa pagitan ng dalawang grupo. Hindi magawang gumalaw ni Erienna dahil pakiramdam niya'y kapag gumawa siya ng ingay, magpapatayan ang mga ito.

Paano ba 'to?

Ayaw niyang mag-away ang dalawang panig. Gusto niya itong awatin ngunit hindi niya alam kung paano. Sisigaw ba siya? O pagigitnaan? Sa ganitong pagkakataon, si Fenrys ang inaasahan niyang pipigil sa kanila ngunit mukhang isa pa ito sa nanghahamon.

Si Lenox!

Napalingon siya sa kaniyang likuran, umaasang handa siya nitong tulungan subalit wala na pala ito roon. Napabalik ang kaniyang tingin at nakita itong umaangil din sa mga Havoc.

Napabuntonghininga siya. Nakiisa pa talaga sa mga Knight.

Anong gagawin niya?

Biglang pumasok sa isipan niya ang kaniyang abilidad pero agad naman siyang napailing. Kahit na makinig pa sa kaniya ang mga Havoc, sigurado naman siyang hindi magpapapigil sina Midnight at mga Knight.

Napayuko si Erienna at pilit na nag-iisip ng paraan nang magsalita ang kaniyang kapatid.

"Ares, I'm not here to have a battle with you and your group. Guys, step back."

"Pero Rauis--"

"Please, step back," mahinahong saad nito.

Napaangat ang tingin ni Erienna. Napangiti siya nang umatras sina Oli at bahagyang pumunta sa likuran ni Rauis pero nananatili pa rin ang masama nitong mga tingin.

"Tsk. You attacked my Raeon weeks ago, you even kidnapped my wolves and you're telling me you're not here to fight? Stop fooling us." Midnight stepped his foot forward.

"But I'm returning them now."

Kaagad siyang lumapit kay Midnight at niyakap ang leeg nito upang pigilan na makalapit kay Rauis.

"Eri." Nilingon siya nito at bakas sa mukha nito ang pagkagulat.

Mukhang hindi ata siya napansin ni Midnight kanina dahil masyadong nakatuon ang pang-amoy nito pati na ang atensyon sa mga Havoc.

"Thank God, you're okay."

Isiniksik niya ang mukha sa leeg nito. She felt Midnight's head resting on her shoulder. Niyakap siya pabalik ng lobo.

"Look, Ares."

Napabalik ang kanilang atensyon kay Rauis. Magsasalita na sana ito ulit pero naunahan siya ni Midnight.

"Then, why the hell are you here? What do you want? 'Cause I can't think of any reason except for battling us."

"I need your help," diretsang saad nito.

"Ha! Why would I help those creatures who ruined my Raeon before?"

Humakbang papalapit si Rauis at nakipagsukatan ng tingin kay Midnight. "You don't want your wolves to suffer again like what happened ten years ago, right? I, too, want my wolves to end their sufferings."

"What are you saying? Kami lang ang nagdusa." Hindi rin nagpatalo si Midnight at nakipagtagisan kay Rauis.

"Midnight," sumabat si Erienna sa usapan at inangat ang tingin. "Please, Midnight. Pakinggan mo muna siya."

Kita niya naman kung paano kumunot ang noo at pinasadahan siya ng matatalim nitong mga tingin.

"What are--"

"Walang kinakampihan si Miss Erienna, Uno." Napalingon sila at nakita si Lenox na bumuntonghininga. Yumuko ito bilang paggalang kay Midnight. "Wala akong tiwala sa lalaking ito, pero Uno, tama si Miss Erienna. Pakinggan mo muna siya. Hindi sila ang kaaway natin."

Napangiti siya sa sinabi ni Lenox. Salamat naman at tinulungan din siya nito. Napabalik ang tingin niya kay Midnight at seryoso itong nakatingin sa kaniya na para bang binabasa ang nasa isipan niya.

Pinagsaklop naman niya ang dalawang kamay at nagpaawang tinignan ang lalaki.

Hindi sumagot si Midnight at nanatili lang na nakatingin sa kaniya. Pakiramdam niya'y matutunaw na siya sa nakakapaso nitong mga tingin pero hindi niya iyon pinansin at pilit pa ring nagpaawa sa binata.

A minute later when Midnight turned his back.

"Follow me." Sinulyapan nito si Rauis at sinenyasahan na sundan ito. Ngingiti na sana si Erienna sa tuwa nang tinignan ulit siya ni Midnight.

"We're gonna talk later," pahabol nito habang dinidiinan ang bawat salita bago tuluyang naglakad papasok ng palasyo.

Mukhang malalagot pa ata siya.

---

NAUNANG maglakad si Midnight habang pinapakiramdaman ang lobong nakasunod sa kaniya. Huminga siya nang malalim upang pigilan ang galit na pilit na kumakawala sa kaniyang puso. Iisipin pa lang niya na isang Havoc ang nakasunod sa kaniya, gusto na niya itong sakmalin.

"Talk," saad niya nang makarating sila sa hardin. Nasa gilid niya ang lobo.

"Let me apologize first. I'm sorry for taking Erienna and Lenox from you. I'm sorry for stabbing the white wolf. I know Raeon suffered a lot because of our kinds. We became enemies because of the war happened ten years ago and this might sounds ridiculous to you that a Havoc is now asking for your help."

Hindi sumagot si Midnight at nananatili lang tahimik. Nakatingin siya sa buwan at wala siyang balak na lingunin o kahit sulyapan man lang ang Havoc na kasama niya.

He hated them after all.

"But, Ares, my wolves also suffered and they're still suffering."

"Your wolves? So you're their king?"

"I was supposed to be."

Napakunot ang kaniyang noo dahil sa sinabi nito. He was supposed to? What did he mean by that?

Humugot ito ng malalim na hininga. "Our kingdom was stolen. Well . . . you really can't call it that way because it was Dad's will to give up the throne. But because of what they did, Mom and Dad ended up leaving Blaitheria and--"

"Just get to the point. I don't need your mom and dad's love story," pagpuputol niya ngunit nagulat na lang siya nang bigla itong pumunta sa harapan niya at sinalubong ang kaniyang mga mata.

"You need it." The Havoc smiled and it pissed him. Lalo na't napakamahinahon ng boses nito. Idagdag pa ang kakaiba nitong mga mata.

Sa tuwing mapupunta ang tingin niya sa kulay ube nitong mga mata ay kumukulo ang dugo niya pero kapag sa kaliwa naman, hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya.

It somehow reminded him of someone. It reminded him of his Erienna.

"I want to take back my kingdom and I need you to help me."

Midnight eyebrows arched. Hindi niya magawang paniwalaan ang mga sinasabi nito lalo na't isa itong Havoc. Paano kung gumagawa lang pala ito ng kuwento? Paano kung may binabalak pala itong masama sa kanila? His words wasn't convincing at all. Bukod sa sinsero nitong mga tingin, wala na siyang ibang makitang rason para paniwalaan ito. His eyes wouldn't be enough to convince him, even though there's a part of him that wanted to believe what the wolf was saying.

"I can't find any reason to help you. I'm out of your problem. Take your kingdom back all by yourself," diretsahang saad niya at saka tumalikod.

He was about to leave when the Havoc spoke again. "It's not just my problem. It's yours too. If you'll not gonna help me, our leader will attack your Raeon again."

Nagliyab ang galit sa puso niya nang marinig ang huli nitong mga sinabi. Wala pang isang segundo ay agad siyang napalingon at pinukol ito ng masasamang mga tingin.

"Don't you dare."

"It's not me who will dare to ruin your kingdom but our ruler." He stepped forward. Pinantayan ang tingin niya. "Listen, Ares. We are both kings, the only difference is that I am powerless." Nawala ang pagkakalmado at tumaas ang boses nito. Muntik na siyang mapaiwas ng tingin nang masilayan ang mga emosyong naglalaro sa mga mata ng lobo.

"I did nothing but watched them plead and became slaves just to serve our ruler! You're a king, you should know how suffocating it is when you see your wolves suffering right in front of your face and you can't even do a single thing to save them. You should know it, Ares. You should know how I feel!" He shouted.

Ramdam ni Midnight ang panginginig sa boses nito.

Napatiim-bagang na lang siya habang bumabalik sa isipan niya ang hirap na dinanas niya para lang maitayo ulit ang Raeon. He was just ten that time and yes, he knew how it sucked to be a leader. Hindi niya alam kung saan siya magsisimula lalo na't nagluluksa pa ang puso niya. Pero dahil nga nakaasa sa kaniya ang mga lobo, isinantabi niya ang kaniyang nararamdaman at inuna ang responsibilidad. Kailangan niyang tumayo bilang pinuno, hindi siya puwedeng maging mahina sa harapan nila. Kailangan niyang maging malakas alang-alang sa nasasakupan niya.

The responsibility of being a king was too hard to bear. Minsan na ring pumasok sa isip niya na iwan ang Raeon, ngunit sa tuwing masisilayan niya ang mukha ng kaniyang mga lobo at ang mga iyak nito, hindi niya ito kayang talikuran.

He promised himself that he would protect them and not let them suffer again.

"Who the hell are you to shout at me? I'm fucking aware of what you're trying to say so don't rub it on my face about how you feel!"

"I'm Rauis Visandra."

Napakurap siya sa sinagot nito. "V-Visandra?"

It was Erienna's family name. How could this wolf--

"I'm Erienna's older brother."

"What?!" singhal niya. "Ha! Stop making things up. Erienna doesn't have a brother."

Hindi siya pinansin nito at nagpatuloy sa pagsasalita. "Our parent's names are Eraia and Reece Visandra. You knew them, right? But the only thing you didn't know about is that Reece Visandra is the former king of Blaitheria."

Natigilan si Midnight. Naguluhan siya sa mga sinasabi nito. That's impossible. His mom told him that they were just humans. There was no way they were Havocs.

"I was their first born, but my Tiya stole me away from them, making my Mom and Dad left Blaitheria and chose to start a new life in the human world. My Tiyo took over the kingdom and made my Havocs slaves. They're still not contented, so they decided to conquer Raeon, too. My uncle was the one responsible for your parent's death."

His jaw tightened. Sa tuwing mababanggit ang pagkamatay ng magulang niya, umiigting ang poot sa puso niya. But this time, he chose to stay calm and let Rauis continue.

"But your dad also killed Tiyo. The battle happened years ago was a draw. Tiya Silva couldn't accept Tiyo's death that's why she wants to avenge him. She's after your kingdom again, Ares."

Midnight closed his eyes while trying to absorb what Rauis had said. Hindi niya inakala na ang mga katanungan na nabuo sa kaniyang isipan dati ay mabibigyan ng kasagutan. Hindi niya alam na may mabigat din pa lang pinagdadaanan ang mga nilalang na sampung taon niyang kinamuhian.

"Ares, please help me." Desperado ang mukha nitong nakatitig sa kaniya. "For Erienna and for our wolves. Let's stop this war."

He let out a deep sigh. "By what you are doing, aren't you declaring a war?"

"I know, but this time, it will be different. This war will end the war between our kingdoms."

---

Dedicated to ginoongyu ❤️ Salamat sa magandang review!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top