Kabanata 16

"AKIN na 'to." Gamit ang kutsilyo ay tinusok ni Erienna ang natitirang karne na niluto ng kuya niya.

"Greedy, eh?" nakasimangot na saad ni Oli.

"Mahimik ka nga, Oli. Isa ka rin, e. Halos ilamon mo na nga lahat ng karne sa bunganga mo!" bulyaw ni Van.

"Kay liit-liit pero ang laki ng bibig," sabi pa ni Steven habang napapailing.

Natawa naman si Erienna sa kanila. Nag-anyong tao na ang mga ito. Si Van ang pinakamalaki sa kanila habang si Oli naman ang pinakamaliit. Magdadalawang linggo na siyang nananatili sa Blaitheria at sa dalawang linggong 'yon, wala siyang ginawa kundi pisilin ang matabang pisngi ni Oli.

"Don't you dare!" banta sa kaniya ni Oli nang aabutin niya na sana ang pisngi nito.

Napangiti na lang si Erienna. Hindi naman pala talaga sila masama, mapaglaro nga lang.

Tumayo siya at lumapit sa kaniyang kapatid. Nakadungaw ito sa bintana habang pinagmamasdan ang buwan.

"Ah, K-Kuya," nahihiyang saad niya. Kahit magdadalawang linggo na matapos ipakita ni Rauis sa kaniya ang lahat ay naiilang pa rin siya na tawagin itong kuya.

Nilingon siya nito. "Hmm?"

"Gusto mo?" alok niya sa karne pero umiling lang ito at nginitian siya.

"Sa 'yo na lang. I know it's still not enough for you."

"Anong--" Napakurap si Erienna. Anong tingin nito sa kaniya? Patay gutom?

"Kung ayaw mo, 'di wag." Inirapan niya ito at agad na kinagat ang karne.

Napatawa naman si Rauis at ginulo ang kaniyang buhok. Natutuwa siya sa tuwing ginagawa ito sa kaniya, naaalala niya kasi ang kaniyang ama. Her father used to do that to her.

Kung dati ay nalilito siya, ngayo'y nauunawaan na niya kung bakit nasasaktan siya sa tuwing masisilayan ito. Kung bakit hindi niya magawang magalit kahit na harap-harapan nitong sinaksak si Fenrys.

Dahil kapatid niya ito. No wonder those eyes were familiar to her. Nakita niya na pala ito dati. Si Rauis ang nagligtas sa kaniya sa nangyaring aksidente na pinlano pala ng kaniyang tiya.

Sa tuwing mapapaisip siya sa kaniyang Tiya ay hindi niya mapigilang kasuklaman ang sariling tiyahin. Hindi siya makapaniwala na bukod sa pambubugbog, kaya pala nitong pumatay ng sariling kadugo.

Ang kaniyang tiya ang puno't dulo kung bakit nasira ang pamilya nila. Kung bakit nailayo si Rauis at namatay ang kanilang mga magulang. Pati ang kaharian na dapat ay sa kanila, kinuha nito.

Matapos ipakita ng kaniyang kapatid ang buhay nito, ikinwento rin sa kaniya ang nangyaring labanan sa pagitan ng Raeon at Blaitheria. Nangyari ito pagkatapos ng aksidente sa kaniyang pamilya. Hindi pa nakuntento ang kaniyang tiyuhin at pinlano pa itong sakupin ang nananahimik na Raeon.

Nasawi ang kaniyang tiyo sa labanan kaya si Silva ang pumalit sa trono.

Napaisip naman si Erienna. Doon kaya nakuha ni Midnight ang peklat nito? Kaya ba wala na itong mga magulang dahil nasawi sa nangyaring labanan noon?

"Kuya." Nilingon niya si Rauis. "Puwede bang ipakita mo rin sa akin ang alaala ko?"

Hanggang ngayon, hindi pa rin bumabalik ang memorya niya. Kahit marami na siyang nalaman, hindi pa rin niya magawang maalala ang nakaraan niya.

Ipinatong nito ang kamay sa kaniyang ulo. "I don't have to. Babalik din naman ang alaala mo sa tamang panahon."

"At kailan naman 'yon? Gusto ko nang maalala ngayon, Kuya," pamimilit niya pero nginitian lang siya nito at ibinalik ang tingin sa bilog na bilog na buwan.

Napabuntonghininga na lang siya. Ba't 'di na lang kasi ipakita sa kaniya? Ba't kailangan niya pang maghintay? Kating-kati na siyang maalala ang nakaraan niya. Gusto na niyang maalala ang pinagsamahan nila ni Midnight dati.

Speaking of Midnight, she missed him already. Gusto na niyang makita ito pero hindi naman niya alam kung kailan siya ibabalik ng kaniyang kapatid.

Tatanungin na niya sana ito nang mapansin niyang nakatitig ito sa mga tore--kung saan ikinulong ang mga mahihina at hindi na makikinabangan pa. Kasama roon ang mga pamilya nila Oli. Gusto ng kaniyang kapatid na palayain ang mga ito kaya bumuo ito ng sariling grupo. Ngunit kaunti lang ang umanib sa kanila. Dahil na rin sa takot na baka patayin sila ng pinuno, hindi umanib ang iba sa plano ni Rauis. Hindi lahat ay handang isakrispyo ang kanilang buhay para palayain ang kanilang mga pamilya.

"Tutulungan kita, Kuya."

Nilingon siya nito. He saw from Rauis' eyes the desire to save his wolves. Minsan na rin niya itong nakita kay Midnight sa tuwing nahuhuli niya itong pinagmamasdan ang sarili nitong nasasakupan.

"Babawiin natin ang kaharian ni Daddy," sinserong saad niya.

Matapos niyang malaman ang mga kagagawan ng demonyo niyang tiya, nagkaroon siya ng determinasyon na bawiin ang kaharian na dapat ay sa kanila. Hindi niya hahayaang mamuno ito. Tutulungan niya ang mga Havoc na lumaya sa kamay ng kanyang tiyahin.

"Pero Kuya, paano ba natin mababawi ang trono kung pinasa na ito ni Daddy?" Napapakamot siya sa kaniyang ulo.

Itinaas ni Rauis ang kanang kamay. "There are two options. It's either Tiya will surrender the throne or fight her at sapilitang kunin ang trono."

Napangiwi naman siya. Bakit pa sinali ni Rauis ang first option, e alam naman nito na malabo iyong mangyari.

Magsasalita na sana si Erienna nang ngitian siya nito na para bang alam nito ang iniisip niya.

"The first one is far from possible so we will be doing the latter. We are going to seize the throne by getting that thing from her."

Napatango naman si Erienna pero agad ding napaisip. Naiintindihan naman niya ang sinabi ng kaniyang kapatid pero nalilito pa rin siya kung ano ang dapat nilang kunin para mabawi ang trono. Isa ba itong kasulatan na dapat pirmahan o . . .

"It's a gem."

Napatingin siya kay Rauis. "Ha?"

"It's a gem that we need to get in order to have the throne."

Napataas ang kilay niya matapos iyong sabihin ni Rauis. "Papaano mo--"

"Hindi ko nababasa ang isip mo. It's just that I know how your brain works," he said while chuckling.

Napa-cross arms na lang si Erienna at hinayaan ang kapatid na magsalita. Kung sabagay, palagi nga pala siya nitong binabantayan simula pa noong bata pa siya kaya hindi na nakakagulat kung kilalang-kilala siya nito.

"The Gem of Oath were cut in two. One was put on the king's golden chair and the other half was in the heart of the ruler. Madali lang kunin ang una but the other half . . ." he paused and shook his head. "It'll be hard for--"

"Teka lang, Kuya," awat niya habang s-ni-sink in sa kaniyang utak ang mga sinabi nito. Hindi na naman bago sa kaniya ang mga 'di kapani-paniwalang bagay pero nagtataka siya kung paano ito napunta sa puso ng kaniyang tiya.

"Puwede bang paki-explain pa sa 'kin ang tungkol sa Gem of Oath?"

"When the king gives up his throne, the Gem of Oath will appear. The king will and can only cut the gem, symbolizing that he is giving the throne to the other Havoc. The first half will automatically enter the heart of the ruler and the other one will stick on the king's chair, bestowing the ruler the power to rule the kingdom. If the ruler dies, kusa itong pupunta sa kabiyak nito at ito ang papalit sa trono. But . . ." Nilingon siya ni Rauis. "If someone who has the blood of a king take those two pieces, it will automatically give him the right to rule the kingdom."

"Ganoon din ba sa Raeon?"

Umiling ito. "Nope. Raeon and Blaitheria have different traditions, Erienna."

Napatango si Erienna. Kung ganoon, mukhang mahihirapan nga sila lalo na't hawak ng kaniyang tiya ang buong Blaitheria at sumusunod pa ang mga Havoc sa inuutos nito.

Sumusunod?

Biglang pumasok sa isip niya ang kaniyang abilidad. Puwede niyang gamitin ito upang pasunurin ang mga Havoc sa kaniya.

"Alam ko na, Kuya!"

"Hindi 'yan puwede, Erienna. Nakalimutan mo na ba? The number of Havocs you can control will depend on the amount of blood you'll lose. Posible kang mamatay kapag sinubukan mong kontrolin silang lahat at hindi ako papayag na mangyari 'yon," saad ng kapatid at seryosong tinignan siya.

Napasimangot siya. E, ano na lang bang gagawin niya? Paano nila matatalo ang kaniyang tiya kung sa dami pa lang ng tauhan ay lugi na sila?

Naalala niya si Midnight. Maybe Midnight and the Knights could help them.

"Kuya, kailan mo pala ako ibabalik kay Midnight?"

Nilingon naman ni Rauis ang natutulog na si Lenox. Hanggang ngayon, hindi pa rin ito nagigising. Naglakad ang kaniyang kuya palapit kay Lenox kaya sumunod naman siya.

"Argh . . ." 

Napansin niyang gumalaw ang kamay nito hanggang sa kumunot ang noo.

Kaagad niya itong nilapitan.

"Lenox," sambit niya.

Unti-unti nitong iminulat ang mga mata. Ilang beses pa itong napakurap bago tumingin sa kaniya.

"M-Miss Erienna?"

"Wah! Salamat naman at gising ka na," tuwang-tuwa niyang sabi.

Inikot nito ang tingin sa paligid hanggang sa dumapo ang mga ito sa likuran niya, kung saan naroroon ang kaniyang kuya at iba pang mga Havoc. Napalaki ang singkit nitong mga mata at agad na napabangon. Mabilis pa sa alas kuwatro na hinila siya papunta sa likuran nito.

Iniharang ni Lenox ang mga braso upang 'di makalapit si Rauis sa kaniya.

"Oh, chill, you're being too defensive, dude," nakangising saad ni Steven.

Imbes na sumagot ay pinukol ni Lenox ng matatalim na mga tingin ang mga Havoc.

"Lenox--"

"'Wag mong subukan na lumapit!" matigas nitong saad.

Nakita naman niya na napabuntonghininga si Rauis.

"Lenox." Hinawakan niya ang balikat nito. "Wala silang gagawing masama."

Liningon siya nito. "Anong sinasabi mo, Miss Erienna? Kinuha nila tayo kaya imposibleng wala silang gagawin sa atin."

Ganitong-ganito rin ang reaksyon niya no'ng isang linggo. Hay, mukhang mahabang paliwanagan ang kailangan nilang gawin para makinig si Lenox sa kanila.

"Lenox." Lumapit si Rauis sa kanila. "I'm sorry for what I've done to you. I know you're mad, but I want to ask for your help."

"At bakit naman kita tutulungan?"

"Because we are your ally."

Natigilan ito. Ilang sandali pa ay nagpakawala ito ng pekeng tawa.

"Ha! Sa tingin mo ba ay paniniwalaan kita? Sinira niyo ang buhay namin tapos sasabihin niyo na kakampi namin kayo?" Umigting ang panga nito at sumiklab ang galit sa mga mata.

"Lenox--"

Hindi natapos ng kaniyang kapatid ang sasabihin nang kuwelyuhan ito ni Lenox.

"Ang kapal ng mukha mo para sabihin 'yan. Kayo ang sumira sa Raeon. You ruined our home! At hindi lang ang tahanan namin ang sinira niyo pati na ang mga pamilya namin. Lumaki kaming ulila dahil sa inyo! Nawala ang pamilya namin dahil sa inyo!"

Ramdam ni Erienna ang pait sa bawat salitang binitiwan ni Lenox. Naglalaro sa mga mata nito ang iba't ibang emosyon at ang mga kamay ay nanginginig dahil sa 'di mapigilang galit. Kulang na lang na sakalin nito si Rauis sa higpit ng pagkakahawak nito.

"Hindi niyo alam ang hirap na pinagdaanan namin kaya wala kang karapatang sabihin 'yan. At kahit kailan hindi ko tutulungan ang mga lobo na naging dahilan ng pagdudusa namin!"

Pumagitna si Erienna at pilit na pinaghihiwalay ang dalawa.

"Lenox, tama na," awat niya.

Napakunot naman ang noo nito at palipat-lipat ang tingin sa kaniya at kay Rauis. "Anong ibig sabihin nito, Miss Erienna? Kinakampihan mo ba sila?"

"Hindi. Wala akong kinakampihan." Agad siyang umiling. "Alam kong galit ka sa kanila, pero puwede bang bigyan mo sila ng pagkakataon? Kung ayaw mo silang paniwalaan then ako. Ako ang paniwalaan mo, Lenox. Hindi sila ang kaaway natin. Hindi sila masama."

Hindi naman sumagot si Lenox at nanatili lang nakatingin sa kanila.

"Lenox, eh?" sumabat si Oli sa usapan at nakipagsukatan ng tingin kay Lenox. "Maybe our kinds killed yours but don't act like you're the only victim here, 'cause we are too."

"Tsk, 'wag nga kayong--"

"If Blaitheria ruined your home, Blaitheria ruined itself, too," putol ni Rauis at napatiim-bagang. "Our ruler ruined us, too. We are suffering, too, Lenox. See those towers." Turo nito sa bintana na nakabukas at kitang-kita roon ang mga tore. "It was supposed to be our houses but it became dungeons to those wolves who couldn't serve our ruler anymore. Kasali na roon ang mga pamilya nila."

"At least they are still al--"

"Still alive? They couldn't even get a single glance just to see their parents. Hindi nila puwedeng kamustahin ang mga ito, makita o kahit na makausap. At sa ganiyang kalagayan, para na rin silang namatayan." Turo ni Rauis kina Oli na ngayo'y nakayuko at ang iba naman ay napapaiwas ng tingin.

"Do what the ruler wants or your family gets in trouble. That's our law, Lenox. Kamatayan ang kapalit kapag 'di namin sinunod ang pinuno namin." Sinalubong ng kaniyang kapatid ang mga mata nito. "I know you know what we feel. You're not the only one who are suffering here."

Wala ni isa sa kanila ang kumurap. Nanatili lang silang nakatingin sa isa't isa na para bang binabasa ang dumadaloy sa mga isipan nila.

"We have the same enemy, Lenox. And I know you're seeking for vengeance. But I just want freedom for my wolves." Napakuyom ang mga kamao nito. "I won't ask you to trust me but please help me. Help us, Lenox. If you do, I will not just get our freedom but you'll get your revenge too. It's a win-win situation for Blaitheria and Raeon."

Pagkatapos sabihin iyon ni Rauis ay wala na ni isa sa kanila ang nagsalita. Nagpakiramdaman ang isa't isa hanggang sa nagpakawala ng malalim na buntonghininga si Lenox.

---

PRENTENG nakaupo sa gintong upuan ang isang babae habang pinaglalaruan ang kaniyang mahabang buhok. Maputla ang kulubot nitong mga balat ngunit nangingibabaw pa rin ang taglay nitong ganda.

"Mom."

Dumapo ang kulay ube nitong mga mata sa lalaking kararating lang.

Napangisi siya. "Vain."

Tumayo siya at lumapit sa kinaroroonan ng lalaking dinukot niya dalawampung taon na ang nakararaan. Hindi siya nagkamali na dukutin ito dahil kapaki-pakinabang ito. Nakakaawa nga lang dahil hindi man lang nito nakilala ang tunay na mga magulang at ang tunay nitong katauhan.

"Mom, I have a gift for you." Ngumiti nang madilim ang anak-anakan niya na si Vain or should she say Rauis.

"Bitiwan mo 'ko, parang awa mo na."

Napunta ang tingin niya sa kanang kamay nito. Isang babae, na ngayo'y humahagulgol na sa higpit nang pagkakahawak sa buhok nito.

Pinaningkitan niya ito. "Buhay ka pa pala, Erienna."

"Tiya--" Isang malutong na sampal ang pinakawalan niya. Kamuntikan na itong matumba sa kinatatayuan kung hindi lang nakahawak si Vain sa buhok nito.

"Na-miss mo ba ang sampal ko, my dear Erienna?" sarkastikong tanong niya. Hinawakan niya nang mahigpit ang magkabilang pisngi ng dalaga at pinaharap ito sa kaniya.

Napangiwi siya.

Sa tuwing masisilayan niya ang pagmumukha nito, kumukulo ang dugo niya.

Naaalala niya si Eraia, ang ina nito at ang kinasusuklaman niya. Kahit ni isang beses, hindi niya nagustuhan ang mga tao. Humans for her were weak. Kaya hindi niya maintindihan kung bakit isang tao ang inibig ng kaniyang butihing kapatid. But oh well, why would she bother, anyway? Matagal na niyang tinapos ang buhay ng mga ito.

Subalit nakaligtas naman ang letseng anak nila. Kahit siya, hindi niya maipalawanag kung bakit nabuhay pa ito. Sa pagkakaalam niya, kagaya ito ni Eraia, walang silbi at walang abilidad. Siya ang nagpalaki sa babaeng 'to, bukod sa mahina at iyakin, wala namang ipinakita itong kakaiba.

Mukhang sinuwerte nga lang ito at nabuhay pa.

"Hindi ka na talaga nagbago, Tiya," sabi ni Erienna. Galit ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya.

Napataas naman ang kaniyang kilay. "At kailan ka pa natutong sumagot, ha?"

Sasampalin na niya sana ito ulit nang kagatin nito ang kamay niyang nakahawak sa mga pisngi ng dalaga. Agad siyang napabitaw dahil sa sakit. Tinignan niya ang kaniyang kamay at humulma roon ang mga ngipin ni Erienna.

Mas lalong kumulo ang kaniyang dugo.

Walang hiya. Wala ni sino man ang nangahas na kagatin siya.

"Vain," nangangalaiting sabi niya.

Tumango naman ang lalaki at bago pa siya makakurap, iningud-ngod na nito pagmumukha ng dalaga sa sahig.

Rinig niya pa ang pagdaing nito at ang tunog ng mukha nitong tumama sa semento.

"Disrespectful." Inangat ng binata ang ulo nito at kita niya kung paano lumabas ang dugo mula sa ilong ni Erienna.

She smirked. "That's what you'll get kapag ginawa mo pa ulit 'yon, my dear."

Pero imbes na matinag ang dalaga, nanatili pa rin ang matatalim nitong mga tingin sa kaniya.

"Hayop ka. Mga hayop kayo!"

"Yes, we are, Erienna."

Sinenyasahan niya si Vain at tumalikod na para umupo ulit sa gintong upuan. She grinned when she heard a loud blow. At sinundan naman kaagad 'yon ng mga pag-ubo. Naupo siya habang pinagmamasdan ang kaniyang pamangking babae habang binubugbog ng sarili nitong kapatid.

What a nice view.

---

Dedicated to ehehex ❤️ Salamat sa magandang critique!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top