Kabanata 14
"WE are siblings."
Rauis saw how Erienna's face turned into a bewildered awe. Kumunot ang noo at binigyan siya ng nakapagtatakang tingin.
He smiled at the back of his head.
She really looked like Mom.
He heaved off a deep sigh when Erienna shook her head. Well, what did he expect? Hindi siya paniniwalaan nito. He knew from the very beginning that telling her little sister wouldn't be enough. He needed proof.
Napaisip siya kung anong maaari niyang gawin para paniwalaan siya nito.
"'Wag ka ngang mag-imbento. Wala akong kapatid!"
Hearing those words pained him. It seemed like his mom and dad never told Erienna about him. Pero kahit na ganoon, hindi siya nagtanim ng galit sa mga ito. He never hated them.
Hindi rin naman kasi niya masisisi ang mga magulang niya.
"Eraia Lin and Reece Visandra."
Natigilan ang dalaga sa sinabi niya. He thought it would be better if he started off from their names.
Tumayo siya sa pagkakaupo sa lamesa at nilapitan ang dalaga.
"Erienna." Sinubukan niya itong hawakan pero tinabing ito ng dalaga.
"Lumayo ka sa 'kin! Sa tingin mo ba 'pag sinabi mo ang mga pangalan nila ay maniniwala na kaagad ako sa 'yo?"
Napabuntonghininga ulit siya. "Will you please listen to me first?"
Pero umiling ito at agad na tinalikuran siya. "Ayoko, baka kung ano pang gawin mo sa 'kin."
Napahilamos na lang siya sa kaniyang mukha. His little sister and her stubbornness. Hindi niya talaga binibigyan ng pagkakataong magpaliwanag ang isang tao.
"Wala akong gagawing masama sa 'yo, okay? And we're not your enemy here."
"Anong hindi? K-in-idnap niyo nga 'ko, e. Kinuha niyo 'ko kay Midnight!" asik nito habang nakatalikod.
Mukhang wala nga talaga itong plano na makinig sa kaniya. She left him no choice but to use one of his abilities. Ito na lang ang paraan para paniwalaan siya ng dalaga. Kung hindi makikinig si Erienna, ipapakita na lang niya.
"Will you let me show you my memory?" tanong niya dahilan para mapalingon ito sa kaniya.
"Ano?" Halata sa mukha nito ang pagkalito. "Paano mo naman gagawin 'yon?"
He smiled at her. Mukhang nakuha na niya ang atensyon nito. "Remember what I did on the library?"
Mukhang na-gets naman ng dalaga ang ibig niyang sabihin kaya humakbang siya papalapit dito.
"Teka lang." Iniharang nito ang dalawang kamay. "Paano ako makasisiguro na alaala mo nga 'yong ipapakita mo?"
"My ability don't tell lies. It only shows memory." He smiled at her again.
Hindi naman sumagot si Erienna. Napalunok ito at mukhang kinabahan. Humakbang pa siya palapit at pinaglapat ang noo nila.
"Don't worry, it won't hurt you," he said, assuring his little sister.
He closed his eyes while concentrating. Pinatili niyang kalmado ang kaniyang sarili habang unti-unti nang nararamdaman ang kakaibang bagay na dumaloy sa iba't ibang parte ng katawan. Parang tinusok ng isang daang karayom ang kaniyang ulo sa sobrang hapdi nang makarating ito sa kaniyang utak.
He felt his body numbed and memories started flashing from his mind.
"Reece, look! His eyes."
Warm smiles from two persons greeted him as he opened his eyes. Isang araw pa lang matapos siyang ipinanganak, nakakakita na kaagad siya. Naunawaan na rin niya nang mabuti ang lenggwaheng ginagamit nito na para bang napag-aralan na niya no'ng nasa sinapupunan pa lang siya.
Karga-karga siya ng kaniyang ina habang abala naman ang ama na pisilin ang mga pisngi niya.
"Yeah, it's beautiful."
Eraia, his mom, was a human while his dad was a Havoc. Mahilig pumunta noon ang kaniyang ama sa mundo ng mga tao. Doon nagkita ang landas ng dalawa.
"Ito na ba ang pamangkin ko?" Tili ng babaeng kararating lang at agad na pinanggigilan ang kaniyang mga braso.
Ang kaniyang Tiya Silva, ang nakababatang kapatid ng kaniyang ama at kasama nito ang clone ng asawa. Duplication was her husband's ability. Kaya nitong gumawa ng sariling clone o ng ibang tao. Palagi kasi itong wala dahil abala itong sanayin ang mga Havoc sa pakikipaglaban.
"He looks like you, brother."
Tumawa naman ang kaniyang ama. "Alam ko. Mana 'to sa 'kin, e."
"Anong sa 'yo? Sa akin!" angal naman ng kaniyang ina.
"Sa akin, tignan mo." Ginaya nito ang kulay ng kaniyang mga mata. Ito ang abilidad ng kaniyang ama pati na ang kaniyang tiya. They could change their eye colors the way they wanted it to.
"Hindi. Mana pa rin siya sa 'kin," nakasimangot na sagot ng ina kahit alam nitong magkamukha talaga sila ng ama niya.
Nagpaalam na ang kaniyang Tiya Silva kaya sila na lang tatlo ang naiwan.
Natuwa siyang pagmasdan ang mga magulang niya. Kinabisado niya ang mukha ng mga ito pati na ang kanilang amoy.
Lumipas ang araw na nasa tabi lang niya ang dalawa.
"Good night, Rauis." Her mom put him on a crib and planted a kiss on his forehead. Hinalikan din siya ng kaniyang ama bago tuluyang lumabas ng kuwarto.
From the vintage ceiling to the giant chandelier lighting above him, he knew that they lived on a palace. Tuwang-tuwa siyang pagmasdan ang mga ilaw na parang diyamante na kumikinang. Itinaas niya ang kaniyang kamay at umaktong inaabot ito pero nagulat na lang siya nang biglang tumambad ang mukha ng kaniyang tiya.
"Hi, Rauis," bati nito habang nakangisi.
Sa hindi malamang dahilan, bigla siyang kinilabutan. Kakaiba ang ngising binibigay nito na para bang may pinaplano itong masama.
"So, ikaw pala ang susunod na uupo sa trono." Kinarga siya nito at sininghot-singhot siya. "Wala nga talaga siyang amoy, akala ko nagkaproblema lang 'yong ilong ko kanina."
"Mas mabuti nga 'yan, e. Hindi tayo mahihirapan na gawin 'yong plano natin," nakapamulsang sagot ng asawa nito.
Napahagikhik naman ang tiya niya at tiningnan siya.
"Pasensya na, Rauis, ah? Pero kailangan kasi namin 'tong gawin, e. Pagod na kasi kaming maging pangalawa," sarkastikong saad nito at sinenyasahan ang asawa.
Nagulat siya nang makita ang isang sanggol na kamukhang-kamukha niya. Ang kaibahan lang, duguan ito at wala nang buhay. Inilagay ito ng kaniyang tiyo sa hinigaan niya kanina.
"Ayos, ah. Kopyang-kopya."
"Ha! Ako pa."
"Paniguradong mababaliw ang mga 'yon 'pag nakita nila 'to," saad nito at umalingaw-ngaw sa kaniyang tainga ang mala-demonyo nitong mga tawa.
Nanginig ang sanggol na si Rauis dahil sa takot. Hindi pa nga siya naipakikilala sa buong Blaitheria, nangyari na ang ganito sa kaniya. Gusto niyang umiyak upang tawagin ang kaniyang mga magulang subalit walang lumabas sa kaniyang bibig kahit ni isang hikbi. Nanatili lang siyang tahimik hanggang sa makalabas sila sa palasyo.
Malalim na ang gabi at malamig na rin ang paligid. Mabuti na lang at nababalutan ang kaniyang katawan ng tela kaya hindi siya masyadong nilalamig.
Saksi ang bilog na buwan sa ginawa ng kaniyang tiyahin. Dinala siya nito tiya sa tore kung saan ito nakatira. Wala siyang amoy kaya kampante ang kaniyang tiya na hindi siya mahahanap ng kahit na sino.
"Ba't hindi na lang natin 'yan patayin?"
"Ano ka ba, hindi puwede."
"At bakit?"
"Kasi ang batang 'to," saad nito at hinaplos ang kaniyang mukha. "Ang magiging sandata natin balang araw."
No'ng gabing 'yon, hiniling niya sa buwan na sana'y ituro sa kaniyang mga magulang kung nasaan siya ngayon.
Subalit lumipas ang dalawang taon at hindi na niya nakita ang mga magulang niya. Nabalitaan niya mula sa kaniyang tiya na labis na naghinagpis ang ang mga magulang sa pagkamatay ng kanilang anak. Ipinalabas ng mga ito na pinatay siya.
He was locked inside the tower and not even once he was able to stepped his foot outside. The window was his only way to see Blaitheria.
Nagpanggap siyang walang alam sa ginawa ng kaniyang tiya sa kaniya. Hinayaan niya ang kaniyang sarili na maging isang normal na batang lobo na kunyari'y walang naalala tungkol sa pagiging sanggol niya. Si Greg--ang kaniyang tiyuhin--ang nagturo sa kaniyang lumaban.
Habang lumalaki siya, unti-unti na rin niyang nadidiskubre ang kaniyang mga abilidad ngunit itinago niya ito sa kanila. Bukod sa abilidad niyang magmanipula, wala ng ibang alam ang tiyahin niya. Nag-iisip rin siya kung paano makakaalis sa tore ngunit bago pa man siya makagawa ng plano, isang malungkot na balita ang nalaman niya na ikinasaya naman ng kaniyang tiya.
"Finally, napa sa 'tin na rin ang kaharian!" tuwang-tuwa na hiyaw ni Silva habang nakataas pa ang dalawang kamay.
Bumagsak ang mundo ni Rauis nang malaman niyang umalis ang mga magulang niya. Ibinigay nito ang trono sa kaniyang tiyuhin. Nais ng mga itong magsimula ng panibagong buhay sa mundo ng mga tao kaya nilisan nila ang kaharian.
His parents left him.
Napaiyak na lang siya nang palihim. Pakiramdam niya'y namatayan siya. Nagluluksa ang kaniyang puso dahil alam niyang wala na siyang pag-asa pang makasama ang mga ito muli.
Pagkatapos ng pangyayaring iyon, sila na ang tumira sa palasyo.
Nasa terrace ng palasyo si Rauis habang pinagmamasdan niya ang kabuohan ng lugar. Kasabay ng pag-upo ng panibagong hari, ang pagbabago rin ng Blaitheria.
"Praise your ruler and obey his orders. Whoever tries to betray him shall be beheaded."
Dahil sa batas na iyan, nagbago ang lahat. Ang mga tore na nagsisilbing tahanan ay naging kulungan na ng mga mahihinang Havoc na 'di na kayang pagsilbihan ang kaharian. The battlefield that was supposed to be a room for learning became a survival of the strongest.
Before, Havocs fights for justice and pride but now, they're fighting for fear. Fear that they would become weak. Fear that they might lose their family and fear that they might face death.
"Vain," That's what his aunt named him.
"Yes, Mom?" Hindi niya mapigilang masuka sa isipan niya sa tuwing tinatawag niya itong 'mom'.
"Pumasok ka na sa kuwarto mo," utos nito na agad din naman niyang sinunod.
Hindi niya inakala na masisilayan niya muli ang kaniyang silid, kung saan siya kinuha ng nagbabalat-kayo niyang mga tiyo at tiya.
He clenched his jaw. That day, he promised himself that he would get his kingdom back and save his wolves.
Lumipas ang ilang araw na nasa loob lang siya ng palasyo. Wala rin naman siyang ibang magawa dahil palaging wala ang kaniyang tiya habang ang tiyo naman niya ay abalang tamasahin ang karangyaan bilang isang pinuno.
He already gave up in believing that he would see his parents again when he saw a scroll from his aunt's room. Having no smell wasn't bad at all. He could freely stroll without anyone noticing him.
Binuksan niya ito.
"Portal Spell," basa niya sa nakasulat.
It was a gateway spell to the human world. Tatalon na sana siya sa tuwa nang mabasa ang huling bahagi nito.
"Kings and Rulers are the ones who could cast the spell."
(A/N: Kings - original heir to the throne. Rulers - pinasa/ibinigay ng hari ang trono.)
Kinabisado niya muna ito bago tuluyang lumabas at bumalik sa sariling kuwarto. He just needed to say it, but he was hesitant. He had the blood of a king, so he was thinking if the spell would still work even if his father already gave up the throne.
Bahala na.
No'ng gabing 'yon, hinintay niya muna na makabalik ang kaniyang tiya. Sinigurado niyang tulog na ang mga ito bago tuluyang ginawa ang spell.
"By the power of the wolves, ye doors shalt be entangled. Let ye force unlock the chain and allow me, ye rightful, set foot on the other land."
After he casted the spell, streaks of light suddenly appeared. Napakurap pa siya dahil sa sinag nito. He couldn't help but be mesmerized. The yellow lights were glittering, slowly forming a circle above him.
The portal!
He raised his hand. He almost cursed when he felt a strong current pulling him inside. Unti-unti siyang umaangat sa sahig. Napapikit siya at hinayaan itong higupin siya.
Sa pagmulat ng mga mata niya, wala na siya sa palasyo kundi nasa harapan nang isang gate. Nakaawang ito kaya sinilip niya ang loob. Hindi siya nagdalawang-isip na pumasok nang sumuot ang pamilyar na amoy sa kaniyang ilong.
He used his invisibility and rushed inside the two-storey house. Tumatalon ang kaniyang puso sa pananabik na makitang muli ang mga magulang niya.
"Mom, Dad," he whispered.
Naabutan niya ang mga ito na nakaupo sa isang sofa. Napakuyom siya upang pigilan ang sarili na yakapin at hagkan sila. He missed their scent. He missed them. Ngunit may isa pang amoy na sumuot sa kaniyang ilong at hindi ito pamilyar sa kaniya.
Napatingin siya sa kinakarga ng kaniyang ina.
A baby girl.
"Eraia!" Isang babae ang pumasok sa loob at may kasama itong bata. Tansya niya'y magkaedad lang sila nito.
"Selene!"
"Oh my! Ang ganda-ganda ng baby niyo!"
"Mama, who are they?" tanong ng bata.
"They're our friends, Midnight. Look, oh, ang ganda niya, 'di ba?"
Pinasilip ni Eraia ang anak sa batang lalaki.
Umiling ito. "Nah. She's bald."
Sinapok naman siya ng kaniyang ina. "Ikaw talagang bata ka, natural lang 'yan kasi baby pa siya. Kalbo ka nga rin dati, e."
Napakamot na lang ito sa ulo at sinilip ulit ang sanggol. Natigilan pa ito.
"Mama, what are these things that I'm seeing?"
"Hmm?" Nagtaka sila.
"I t-think I just saw my future with her."
Agad na nagkatinginan ang mga magulang niya at ang ina ng lalaki. Habang si Rauis, nakatayo lang sa gilid ng pintuan at pinagmasdan sila. Just by looking at how happy they were, he couldn't help but to feel sad and jealous. They had their new life and a new baby. Nasaktan siya dahil pakiramdam niya'y kinalimutan na siya ng mga ito.
Tears rolled down his cheeks.
Gusto niyang magpakita at sabihin na buhay siya, na nandito pa ang anak nila. Pero hindi puwede. Wala ng kapangyarihan ang kaniyang ama bilang isang hari at kapag sinabi niya ang totoo sa mga ito, siguradong magkakaroon ng giyera.
Naiinggit siya pero ayaw naman niyang sirain ang kaligayahan nila. He loved them so much he was willing to sacrifice his happiness just to see them doing well. Kahit na mabigat sa kaniyang puso, pinilit niyang maging masaya para sa kanila. Nagpapasalamat pa rin siya na kahit papaano, naiibsan ang lungkot niya sa tuwing nakikita ang mga magulang niya.
They may forgot about him, but he would always remember them.
Gabi-gabi, sa tuwing makakabalik sa palasyo ang kaniyang tiya, palagi siyang chi-ni-check nito kaya naman palagi rin siyang nagpapanggap na tulog. Nang masigurong nakaalis na ito sa kaniyang kuwarto, agad siyang pumupunta sa mundo ng mga tao.
Walong taon niya rin itong ginagawa. Palagi niyang binabantayan ang nakababata niyang kapatid. Lumaki itong maganda kagaya ng kaniyang ina. Palagi rin nitong kasama ang masungit na lalaki na nakatadhana sa kapatid.
One night, the 10-year old Rauis overheard his aunt's conversation with his uncle.
"So ano, dinispatya mo na?"
"Yeah, mas mabuting mawala na sila. Baka kasi maisipan pa nilang bumalik dito."
Mabilis siyang nagtungo sa mundo ng mga tao matapos 'yong marinig. Halos lumuwa na rin ang kaniyang puso dahil sa kaba. Unti-unti na rin siyang kinakain ng takot na baka hindi na niya maabutan pa ang pamilya niya.
Mom. Dad. Erienna.
Hindi puwedeng mawala ang mga ito sa kaniya. Sana walang nangyaring masama sa kanila. Hiniling niya na sana ay okay lang sila.
Agad siyang pumasok sa bahay ngunit wala roon ang pamilya niya. Lumabas siya at sinundan ang amoy na sumuot sa kaniyang ilong. Tumambad sa kaniya ang gupi-guping sasakyan. Dalawa ito, ang isa ay bumangga sa kotse ng mga magulang niya.
Kahit na nanginginig, pinuntahan niya pa rin ito. Using his manipulation, he removed the doors and immediately went inside.
"D-dad . . ."
Nasa driver's seat ito. Ramdam niya ang malagkit na likido sa kaniyang kamay nang hawakan niya ang balikat ng ama. Niyugyog niya ito pati ang kaniyang ina na nasa likuran at yakap-yakap ang kapatid niya.
Sinubukan niya itong gisingin ngunit kahit anong gawin niyang pagyugyog, hindi na nagising ang mga ito.
Umagos ang luha sa mga mata niya.
"No . . ."
Napatangis na lang si Rauis habang pinagmamasdan ang pamilya niya. Napahawak siya sa ulo dahil pakiramdam niya'y mababaliw siya. Hindi niya kayang tanggapin ang nangyari. Wala na sila. Iniwan na siya ng pamilya niya. Ni hindi man lang siya binigyan ng pagkakataong magpakita sa kanila.
Gusto niyang magwala at magsisigaw pero alam niya na kahit anong gawin niya, hindi na nito maibabalik pa ang buhay nila.
"H-help . . ." Isang palad ang humawak sa kaniyang pulso. Napaangat ang kaniyang tingin at nakita niya ang lumuluha niyang kapatid.
"E-Erienna."
Nabuhayan siya ng loob. Buhay pa ang kapatid niya.
Agad niya itong kinuha sa pagkakayakap ng ina at inilabas. Duguan ang ulo nito at bali ang kaliwang paa. Habol-habol nito ang paghinga at pilit na dinidilat ang mga mata.
"I'll save you."
He bit his wrist. Tiniis niya ang sakit at diniinan pa hanggang sa dumugo ito. Agad niya itong itinapat sa bibig ni Erienna at pinainom ang dugo na tumutulo mula sa pulsong sinugatan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top