Kabanata 13

MIDNIGHT groaned while catching his breath. Kumikirot ang kaniyang tagiliran at tumutulo pa rin ang dugo sa kaniyang sugatang tainga. Sinunggaban siya ng apat na natitirang lobo kanina kaya hindi maipagkakaila ang natamo niyang pinsala.

One of them bit his left fore feet, now it was swollen and he couldn't even step it on the ground. But despite of the attack he received, he still managed to defeat them and stand as firm as he could, showing that he won the fight.

Sinulyapan niya ang isang lobong pilit na tumatayo at ayaw tanggapin ang pagkatalo. May hiwa ang gilid ng panga nito dulot ng kalmot niya. Pumapatak din ang dugo mula sa leeg nito at bumibigay ang mga paa dahil sa panginginig.

"We're still not--"

"Shut it."

Hindi na niya pinatapos ang lobo at walang pagdadalawang-isip na tumalikod.

Kailangan na niyang bumalik sa palasyo.

Nagsimula nang tumakbo si Midnight. He wanted to run at full speed but he couldn't. Tatlong paa lang ang gamit niya sa pagtakbo at halos maubos na rin ang lakas niya sa laban kanina. He felt exhausted and his body wanted to rest.

Napailing siya at kinagat ang kaniyang dila. He needed to stay awake. Hindi pa siya puwedeng magpahinga dahil hindi pa tapos ang laban.

Malapit na siya sa palasyo at nasilayan na rin niya ang kaniyang mga nasasakupan na nagkakagulo. The Knights were busy fighting the Havocs who tried to harm his wolves. Nang makarating, agad niyang tinungo ang direksyon ni Lelo at gamit ang natitirang lakas, binangga niya ang lobong nakadagan dito.

"Thanks, Uno."

Hindi pa siya nakakasagot, naamoy na niya ang malansang dugo na nagmumula sa palasyo. Pupunta na sana siya nang mahagip ng kaniyang mga mata ang isang batang lobo na sinusugod ng Havoc.

Leven!

Agad niyang tinungo ang direksyon nito at pumagitna sa kanila. Tumalon ang Havoc dahilan para bumangga ang mukha nito sa kaniyang tiyan. Napasinghap siya nang maramdaman ang pagkirot.

"Kuya Uno!"

Damn. Masakit na nga, mas lalo pang sumakit dahil sa pagkakasubsob nito.

"Ares!" Napaatras ang lobo nang makilala siya. Ang akala niya'y tatakbo na ito ngunit hinanda nito ang mga paa upang sugurin siya.

Pero bago pa man ito makalapit ulit sa kanila, isang malakas na ungol ang narinig nila. Hindi niya alam kung saan ito nanggagaling.

"Tsk. Masuwerte ka, Ares," ang huling sinabi ng Havoc bago tumalikod. Ganoon din ang ginawa ng iba at tumakbo na paalis.

"Are you okay?" Agad niyang nilingon si Leven at umiiyak ito.

He sighed in relief when he didn't see any wounds from the pup's body.

"It's okay now," pagpapatahan niya. He licked his tears to stop him from crying.

"Uno!" Napatingin siya sa tumawag sa kaniya. It's Meira with Lorcan. Agad itong lumapit sa kanila at kinarga si Leven.

"He's fine."

"Maraming salamat, Uno."

Tango lang ang isinagot niya at nagmamadaling pumasok sa palasyo. Kinabahan siya dahil hindi na niya maamoy ang dalaga. Tinungo niya ang kuwarto ni Erienna, umaasang makikita ito subalit walang malay na puting lobo ang naabutan niya.

Napamura siya nang makita ang kondisyon nito.

"Fenrys." Nilapitan niya ang duguan nitong katawan.

Nagsidatingan na rin ang iba pang mga Knights at agad na lumapit kay Fenrys.

Hinawakan ni Gav ang leeg nito. "He's still alive."

He sighed in relief. "Take him to Ana."

Agad na sinunod ng mga Knights ang inutos niya. Inamoy ni Midnight ang buong paligid subalit wala siyang makitang bakas ng mga pumasok dito. Kahit ang amoy ng pinakamamahal niya, hindi niya mahanap.

Napatiim-bagang na lang siya.

Who stole his Erienna?

---

KUMIKIROT ang ulo ni Erienna kaya nanatili muna siyang nakapikit habang pinapakinggan ang sigawan sa kaniyang paligid.

"Bwisit na Ares na 'yon! Akala ko mamamatay na ako."

"Tsk. Thank me, you all are still alive because of my ability."

"Thank, eh? It didn't even heal our wounds and for wolf's sake, it's still aching!"

"How many times do I have to tell you, my ability doesn't heal wounds, it only stop the blood from bleeding!"

Dahan-dahang iminulat ni Erienna ang mga mata. Agad na sumalubong sa kaniya ang mukha ng lalaking may kakaibang mata. Karga-karga siya nito. Napamulagat siya nang maalala ang nangyari kanina.

"Ah!" sigaw niya dahilan para mapaigtad ang lalaki at kamuntikan na siyang mabitawan.

"Erienna, you're awake," nakangiting bati nito.

Napahiyaw ulit siya nang malakas at pinagsusuntok ang mukha ng lalaki.

"Aw!" Napadaing ito nang matamaan niya ang mga mata.

Nabitawan siya ng lalaki dahilan para bumagsak siya at mauntog ang balakang sa lupa. Matigas pa naman ang lupa at may mga batong nakahalo kaya napakamot na lang siya sa kaniyang balakang habang iniinda ang sakit.

"Don't shout, meat. Ang tinis-tinis pa naman ng boses mo."

Napaangat ang kaniyang tingin sa nagsalita. Napalaki ang kanyang mga mata nang makita ang lobo na sumugod sa kaniya kanina. Pansin niyang may nakasakay sa likod nito. Duguan ang ulo nito at walang malay. Mas lalong napalaki ang mga mata niya nang makilala niya kung sino ito.

Kasamahan ito ni Midnight. Si Lenox.

"Pfft. I didn't know you could make your eyes open that big. You look like an owl now."

Napatingin siya sa kanang bahagi at nasilayan ang lobong tumatawa. Ito yata ang pinakamaliit sa kanila. Tumawa rin ang ibang kasamahan nito. Unti-unting bumalik ang kabang naramdaman niya kanina nang masilayan niya ang sugatan nitong mga katawan. Kung wala sa leeg, mga kalmot naman sa mukha ang natamo nila.

They were all 13 including the guy with heterochromatic eyes.

Napalibot ang kaniyang tingin. Nagpalinga-linga pa siya at sinubukang hanapin ang kaharian ni Midnight ngunit matatayog lang na mga puno ang nasilayan niya.

Nasaan siya?

"Oli, stop," mahinahong saway ng lalaking may kakaibang mata.

Tinitigan ni Erienna ang kabuohan nito. Kung pagbabasehan sa katawan, magkasinglaki lang sila ni Midnight. Maputla ang balat nito na para bang kinulang ng dugo. Kung ano ang kinagulo ng maitim nitong mga buhok, ganoon din kaamo ang mukha nito.

"Ayos ka lang ba, Erienna?" Lumapit ito sa kaniya.

Kaagad niyang tinabing ang kamay nito nang sinubukan siyang abutin.

"Sino ka?" Tinignan niya ang ibang lobo. "Sino kayo? Anong kailangan niyo sa 'kin?"

"Meat. We want your meat!" sigaw ng kumarga kay Lenox. Umakyat ang kaba sa puso ni Erienna nang sinugod siya nito, ngumanga at umakmang kakainin siya kaya agad siyang napapikit.

"Pfft." Napamulat siya nang sinundan ito ng mga tawanan. Akala niya'y kakainin na siya pero mukhang pinag-t-tripan lang siya ng mga lobo.

"Kinabahan ka ba, Erienna?" panunukso ng lalaking may kalmot sa panga at humagalpak din ng tawa.

Aba't!

Hindi niya alam kung matatakot ba siya o maiinis sa kanila. Nasiraan na ba 'to ng ulo dahil sa natamo nilang mga sugat?

Napakagat na lang siya sa pang-ibabang labi at napaiwas ng tingin.

"Steven, Van, stop it already."

"Oh, come on, Rauis. We're just having fun!"

"Continue it later, okay?" kalmado nitong sabi at tumingin kay Erienna. "We'll introduce ourselves later. Nandito na tayo."

Nagtaka ang dalaga sa huli nitong sinabi. Pansin niya na nakatingin ito sa kaniyang likuran pati na ang ibang lobo. Sinundan niya naman ang mga tingin nito at halos hindi na niya maisara pa ang kaniyang bibig sa pagkamangha.

Ang akala niya'y kay Midnight na ang pinakamalaking palasyo na nakita niya ngunit may mas malaki pa pala. Napakunot pa ang kaniyang noo dahil ang mga dulo ng toresilya ng palasyo ay matutulis.

Half of the palace was surrounded by walls made of cements and stones. The spear-shaped metals were attached above the walls that would surely pierce someone who would try to climb up.

"Welcome to Blaitheria, meat," nakangising sabi ni Steven.

Blaitheria?

"Oli." Ibinaling ni Rauis ang tingin sa maliit na lobo.

Tinignan ng dalaga si Rauis. Napakamalumanay ng boses nito na para bang mapapanatag ka sa tuwing kasama mo siya.

Ganito ba talaga 'to magsalita? O nagpapanggap lang?

Sumagot naman si Oli, "Yeah, yeah."

Nagsimula nang maglakad ang ibang lobo. Napansin naman ni Rauis na hindi pa siya gumagalaw sa kinatatayuan niya kaya hinawakan nito ang kaniyang pulso at hinila siya para sumunod sa kanila. Nasa harapan na sila ng gate na gawa sa bakal. Kinakalawang na ito subalit ang mga dulo nito ay matutulis din kagaya sa mga pader.

Sa gilid no'n, may nakabantay na dalawang Havoc. Nagulat na lang ang dalaga nang biglang magbago ang kulay ng mga mata nito. Ang kaninang kulay ube ay naging puti.

"Anong nangyayari sa kanila?"

"Hypnotism. It's Oli's ability."

Nagtaka naman si Erienna sa isinagot ni Rauis. Bakit nila gagawin 'yon? Bakit naman nila hihipnotisahin ang sarili nilang kasamahan?

"Wala kayong nakita, okay?" sabi ni Oli sa mga nakabantay at wala sa sariling tumango ang mga ito.

"Now, open the gate."

Ilang sandali pa, unti-unti nang bumubukas ang gate. Napangiwi siya dahil sa magaspang na tunog ng bakal habang umaangat ito. Sumusuot din sa kaniyang ilong ang nangangalawang nitong amoy.

Nagdadalawang-isip pa siyang pumasok dahil baka bigla itong bumagsak at matusok sila sa mga matutulis nitong ngipin.

Wala sa sariling napahawak siya sa kaniyang leeg at doon lang niya napansin na wala na pala ang kuwintas niya. Nataranta siya at kinapa ang leeg papunta sa kaniyang batok ngunit wala siyang mahawakang kuwintas.

Napaisip naman siya kung saan niya posibleng nahulog ito. Hindi kaya natanggal ito no'ng tinulak siya ni Steven kanina sa palasyo? O baka naman kinuha ito ni Rauis habang wala siyang malay kanina?

Napabalik siya sa kaniyang diwa nang hilahin ulit siya ni Rauis.

"Anong . . ."

Nagtaasan ang balahibo niya sa katawan nang masilayan ang loob. Erienna thought that her vision went black and grey because of the towers' shades. Yes, instead of houses, the palace was surrounded by towers. Walang makikita na mga punong-kahoy sa daanan kundi puro mga bitak-bitak na semento lang. Nakakabinging katahimikan ang bumabalot sa buong lugar dahil wala kahit ni isang lobo ang palakad-lakad sa daan. Idagdag pa ang simoy ng hangin na mas lalong nakapagbibigay lamig sa buong lugar.

Lifeless. The word she could ever think of while looking at the place.

She wondered what had happened here.

"Nasaan ang mga nakatira dito?"

"Inside." Turo ni Oli sa mga tore.

Naglakad na silang muli. Ang daanan ay nahahati sa tatlo. Sa gitna ay papuntang palasyo. Akala ni Erienna na pupunta sila roon ngunit lumiko ang mga ito sa kanang bahagi. Nakita niya ang isang maliit na bahay na gawa sa bato. Agad silang pumasok doon. Bukod sa mesa na may karne at mga patalim, wala nang ibang bagay na nakalagay sa loob.

Agad na humiga ang ibang lobo sa sahig dahil na rin siguro sa pagod at sa mga sugat na natamo nila.

Yumuko si Steven at basta na lang ibinagsak si Lenox sa sahig.

"Lenox!" Nilapitan ito ng dalaga at tinignan ang kondisyon nito. Sinilip niya ang mukha at sugatan ang gilid ng noo nito pero hindi na naman dumudugo.

"Don't worry, meat. Buhay pa 'yan, pinatulog lang."

Sinamaan naman niya ng tingin ang nakangising si Steven. Naasar siya sa inasta ng lobo. Ni hindi man lang nito inilapag nang maayos si Lenox.

"Ba't niyo 'to ginawa sa kaniya? Wala ba kayong awa, ha?!" bulyaw niya sa mga ito.

Sumabat naman ang lobong may kalmot sa panga--si Van, "Bakit? Si Ares ba naawa sa 'min, ha? Tingnan mo nga ang ginawa niya sa 'min!"

"Yeah and that ugly white wolf. Look what he did to me. Argh! If I see him again, swear, I'm gonna take my revenge!" sigaw ni Oli habang pinapadyak ang mga paa.

"Kung hindi kayo sumugod, e 'di sana hindi 'yan nangyari sa inyo! Ano ba kasing kailangan niyo? Ba't dinala niyo kami sa walang buhay na lugar na 'to!"

Agad na nagbago ang ekspresyon sa mga mukha nito matapos 'yong sabihin ni Erienna. Napaiwas ng tingin si Steven habang sina Oli at Van naman ay hindi na umimik at humiga na lang sa sahig.

May nasabi ba akong mali?

A moment of silence when someone heaved off a deep sigh.

"Look, Erienna. I'm sorry for hurting him and for hurting the people of Raeon. But I want you to know that everything happened earlier is just a show."

"A show?"

Tumango si Rauis. "A show to get you. I have to bring you here, Erienna."

"Bakit niyo naman ako kailangan dalhin dito? At kung ako lang naman pala ang pakay niyo, bakit dinamay niyo pa si Lenox?"

"Because we need him too. His ability is quite helpful," sagot nito at sinulyapan ang natutulog na si Lenox.

Ibinalik ni Rauis ang tingin sa kaniya. "Bakit ka namin dinala rito, you ask? Because it's my job to show you who you really are and what you can do."

Napakunot ang kaniyang noo sa sinabi nito. Naiintindihan naman niya ang lalaki ngunit hindi niya maunawaan kung ano ang nais nitong iparating. Naguguluhan siya sa mga pinagsasabi nito.

Napalaki ang kaniyang mga mata nang kumuha ito ng kutsilyo at naglakad papunta sa direksyon niya. Shit! Sasaksakin ba siya nito? Papatayin na ba siya ng lalaki? Bago pa man makapagsalita si Erienna, inabot nito ang kamay niya at hiniwa ang kaniyang palad.

"Ah!" Napadaing si Erienna dahil sa hapdi.

Pinisil ito ni Rauis dahilan para maglabasan ang dugo mula sa kaniyang palad. Inangat nito ang sugatan niyang kamay. "Utusan mo sila."

"Ha?"

Tinuro ni Rauis sina Steven. "Command them and they'll listen."

Kahit na nalilito, sinunod pa rin ni Erienna ang sinabi nito. Tinignan niya sina Steven at napaisip kung ano ang iuutos dito. Sumagi naman sa kaniyang isip ang pan-t-trip nila kanina at kung paano na lang nito ibinagsak si Lenox.

Pinaningkitan niya ito. Gusto niyang gantihan ang mga lobo.

"Oli." Tinuro niya si Steven. "Sipain mo siya sa mukha."

"Wha--Argh!" Bago pa man matapos ni Steven ang kaniyang sasabihin, l-um-anding na mukha nito ang mga paa ni Oli.

Hmp! Buti nga!

"Why did you kick me?" nangangalaiting sigaw ni Steven kay Oli.

"Mad, eh? She told me to do it so don't blame me!"

Ngayon ay nag-aalit na ang dalawa. Bahagya pa siyang natawa dahil sa lukot na lukot na mukha ni Steven.

"With your blood, you can control them. It's your ability, Erienna."

Ibinaling niya ang tingin kay Rauis. "Ability?"

He nodded. "The number you can control will depend on the amount of blood you'll lose."

Hindi sumagot si Erienna. Inalala niya ang nangyari no'ng unang beses siyang sinugod ng mga Havoc. Kinagat siya ng isa sa kanila at nasugatan siya. At 'yong nangyari naman kanina sa palasyo, dumugo ang ilong niya.

Napatango na lang si Erienna habang s-ni-sink in sa kaniyang utak ang nalaman niya.

That was why those Havocs listened to her.

"Anyway, are you hungry? Puwede mo 'yong kainin." Turo nito sa mga karne.

Napangiwi naman siya. Baliw ba 'to? Ipakain ba naman sa kaniya ang hilaw na karne?

Agad na umiling si Erienna. "No, thanks. Baka may lason pa 'yan."

Kahit na sinabihan siya nito sa abilidad niya, wala pa rin siyang tiwala rito. Hindi siya magpapadala sa maamo nitong pagmumukha. Kahit magbait-baitan pa ito, hindi pa rin maipagkakaila na siya ang pumatay kay Fenrys.

Mukha lang nito ang inosente pero 'yong ugali, masama.

"Lason? No way, I would never kill you."

"Mukha mo! Pinatay mo nga si Fenrys, ako pa kaya?"

Nagulat naman ito sa isinagot niya. "Erienna, since when did you learn to talk like that?"

Hindi siya sumagot at inirapan ito. Naiinis siya rito. Kung umasta ay parang kilalang-kilala siya. Parang kabisadong-kabisado niya ang pagkatao niya.

"And I didn't kill your friend. Pinatulog ko lang siya," he added. Hindi niya ito pinansin at tinalikuran ang lalaki.

"Mahapdi ba?" tanong nito kaya napalingon siya.

"Malamang! Ikaw kaya hiwain ang kamay?" asar na sagot niya kaya napakamot naman ito sa ulo at kinuha ulit ang kutsilyo.

This time, ang sariling palad naman nito ang hiniwa.

"Here, drink my blood."

"Ano?!" 'Di makapaniwalang sigaw ni Erienna.

Nababaliw na nga talaga ang lalaking 'to. Anong tingin niya kay sa kaniya? Umiinom ng dugo?

"Ba't mo naman ipapainom sa 'kin 'yan? Nakakadiri ka!"

Bigla namang sumabat si Van dahilan para matahimik siya. "Anong nakakadiri? Kadugo mo 'yang pinandidirihan mo kaya 'wag kang mag-inarte!"

Natigilan siya. Kadugo?

Napailing siya sa kaniyang isipan. Paano naman niya magiging kadugo ito, e, hindi naman siya lobo.

Napatingin ulit siya kay Rauis at nakayuko ito habang tinitignan ang sugatan nitong kamay. Bigla siyang kinabahan sa sasabihin nito.

"Drinking blood from your own bloodline is our family's way of healing."

Inangat nito ang tingin. Nagkasalubong ang mga mata nila. Sa hindi malamang dahilan, biglang nanikip ang kaniyang dibdib. Bakit ba palagi na lang siyang nasasaktan sa tuwing mapapatitig dito?

Napunta ang kaniyang tingin sa kaliwang mata nito.

Kulay kayumanggi.

Katulad na katulad ito sa kaniya. For a moment, she saw her reflection through those eye and it was telling her something.

"Anong ibig mong sabihin?"

Isang malungkot na ngiti ang pinakawalan nito bago tuluyang sumagot.

"We are siblings."

---

Dedicated to DeeMeySeeEy ♥️ Salamat sa suporta!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top