Kabanata 12
"ARES."
His jaw tightened. He stepped back, lowering his body while gazing at the seven black wolves. Hinanda niya ang kaniyang sarili kung sakali man na atakihin sila nito.
"Kung sinuswerte ka nga naman. Ang pinuno pa ng Raeon ang nakasalubong natin," sabi ng lobo na nasa gitna. Siya rin ang pinakamalaki sa kanila.
Tinitigan niya ang mga mata nito. Hindi ito ang tinutukoy ng mga Knights.
Tanging angil lang ang sinagot ni Midnight habang nakatingin pa rin sa mga ito.
Napahagikhik ang lobo na nasa kanan nito habang sinusulyapan ang mga troso. "Cheap trick, eh? 'Yan lang ba ang kayang isipin ng makikitid niyong mga utak?"
Siya ang pinakamaliit sa kanila pero mukhang siya pa ang pinakamayabang.
"Bakit 'di na lang kayo sumuko at magpaalipin sa 'min?"
Those lines insulted him. He was about to answer when he heard a scraping sound. Napalingon siya sa kanang bahagi at nakita si Fenrys na marahas na kinakalmot ang lupa. Showing off his sharp teeth meant that he, too, was damn pissed.
"Ang baho niyo, especially you!" Fenrys snarled at the smallest of the seven.
Kita niya kung paano nalukot ang mukha ng Havoc. Sumiklab ang galit sa mga mata nito. Fenrys insulting him meant that the battle was about to begin.
Tinignan muna nito ang kabuohan ni Fenrys bago sumagot.
"Ugly, eh? I'm gonna kill you!"
"Try me."
The Havoc jumped, trying to cross the river with his mouth wide open. Pero bago pa man ito makatapak sa lupa, agad siyang sinalubong ni Fenrys at ibinaon ang mga ngipin sa leeg nito. Isang malakas na ungol ang pinakawalan ng lobo. Kasabay nang pagbagsak nila ay ang pagtalsik din ng tubig sa ilog. Fenrys was on top of him still biting its neck. Sinubukang magpumiglas ng lobo kaya mas lalo pang diniinan ni Fenrys ang pagkakakagat sa leeg nito.
One of them started to move. Midnight settled his muscles on his legs. He sprinted towards Fenry's direction, turning around, he kicked the face of the Havoc who attempted to help his fellow.
Bago pa niya masilip kung saan ito tumilapon, may mabigat na bagay ang pumatong sa kaniya dahilan para mapasubsob siya. Napadaing siya nang tumama ang kaniyang panga sa bato. He tried to move but the Havoc's grip was too tight. Ramdam din niya ang mga kuko nitong bumabaon sa kaniyang likod.
"Hindi mo 'ko kaya, Ares," bulong nito sa kaniyang tainga.
Damn, Havoc!
He held his breath, gathering his strength to get up, he could feel his lungs burning. Midnight banged his head to the Havoc's jaw and he felt its grip loosened, grabbing the chance, he turned around and reached its neck.
The table had turned, he was now on top of the Havoc.
"Argh!"
His canine pierced the Havoc's neck. Blood flowed from his teeth, making his whole body burned. He remembered how these creatures ripped his Raeon before. His heart wanted to explode. The emotion he concealed for ten years started to arise. The lust in his blood to avenge his parents' death intensified throughout his body.
Diniinan niya pa ang pagkakabaon ng mga ngipin sa balat nito. Without thinking twice, he ripped the Havoc's flesh.
He licked the blood from his teeth, satisfying his whole being. He never felt this good before, like a king who defeated a monstrous creature ruling over an entire empire.
Umalingaw-ngaw sa buong paligid ang pagtangis ng lobo. Seeing the creature in an excruciating pain freed him from all the frustration, hatred and resentment he felt for ten years.
He felt great. He felt satisfied.
Napalingon siya sa gawi ni Fenrys. Nabahiran ng dugo ang kulay nyebe nitong mga balahibo. Nakahandusay na sa gilid ng ilog ang lobong sumugod dito at wala ng malay. Nasilayan din niya ang lobong sinipa niya kanina na tumilapon pala sa mga nasirang troso.
Three out of seven.
Sabay nilang nilingon ang mga natitirang Havoc.
"Surrender, my ass." He glared at them, still not letting his guard down. "Don't even try to step on our territory."
Imbes na masindak ito, isang ngisi ang pinakawalan nito. Ngising tagumpay.
Nagtaka naman siya sa inakto ng lobo.
'Fenrys.' He used his telepathy to communicate with him.
'This doesn't look good,' sagot nito sa kanya.
'I know.'
"Fools. We already did," ani ng Havoc at iginalaw-galaw ang buntot nito na para bang aliw na aliw sa kanilang dalawa.
"Sa ginawa niyo mas lalo lang kayong nahulog sa patibong namin."
"What do you mean?"
"We're just buying time. Hindi ikaw ang pakay namin."
Napakunot ang noo ni Midnight sa sinabi nito. What the hell? Anong ibig nilang sabihin? Sinong pakay nila?
Mas lalo pa itong napangisi nang masilayan ang kaniyang reaksyon. "Hanggang ngayon hindi mo pa rin ba napapansin?"
Napaangat ang kaniyang ulo at agad na napalingon sa direksyon patungong palasyo. Agad siyang napamura nang masinghap ang matapang na amoy at papunta ito sa kaniyang Raeon. Papaanong hindi niya ito napansin kanina? Saan dumaan ang ibang lobo?
"Bago pa kayo nakarating dito, nakapasok na ang ibang kasamahan namin. Rauis concealed their smell para hindi niyo sila maamoy." Humagalpak ito ng tawa. "Wala ka nang magagawa, Ares. Napapalibutan na namin ang pinakamamahal mong Raeon."
Agad siyang kinabahan sa sinabi nito. Wala siyang ibang naiisip kundi ang kaniyang mga nasasakupan.
His wolves. His Erienna.
Naiisip niya pa lang ang mukha ng kaniyang mga lobo, bumibilis na ang tibok ng kaniyang puso. Unti-unting nababalutan ng pangamba ang nararamdaman niya. Ayaw niyang mangyari ulit ang nangyari dati. Hindi niya hahayaang mapahamak ulit ang mga ito.
'Fenrys, get back to the kingdom and help the Knights,' utos niya.
'Pero--'
'I can handle them.'
Nilingon niya si Fenrys at nakatingin ito nang seryoso sa kaniya.
'Sumunod ka kaagad,' saad nito bago tuluyang mawala sa kaniyang paningin.
"Mukhang iniwan ka na ata ng kasamahan mo, Ares." Napabalik ang kaniyang tingin sa mga lobo at naghanda na ito para labanan siya.
Hindi pa rin nawala ang ngisi sa mga labi nito.
Hindi niya pinansin ang sinabi nito. Midnight positioned himself while tripling his guard. He was too focused that he even forgot to blink.
He needed to defeat them alone.
"I won't let you through."
---
NAGISING si Erienna sa mga sigawan na nagmumula sa labas ng palasyo. Napakamot pa siya sa kaniyang ulo habang humihikab. Tinungo niya ang bintana para silipin ang nangyayari sa labas. Pero bago pa man niya mabuksan ito, isang malakas na kalabog ang narinig niya dahilan para magising siya sa diwa.
Napalingon si Erienna sa pintuan ng kuwarto at iniluwal do'n ang isang itim na lobo.
Those purple eyes.
Katulad na katulad ito sa mga sumugod sa kaniya no'ng nakaraang linggo. Umakyat ang kaba sa kaniyang puso nang maalala ang sinabi ni Midnight.
"H-havoc?"
Umangil ito dahilan para mataranta siya. Napatakbo si Erienna patungo sa kaniyang kama, kinuha niya ang unan at ibinato sa pagmumukha ng lobo.
Napalunok siya nang hindi man lang ito kumurap. Nagsimula itong maglakad papunta sa direksyon niya. Anong gagawin niya? Bukod sa lalabas na ang kaniyang puso sa kaba, hindi rin siya makatakbo dahil nakaharang ang lobo.
Sumagi sa kaniyang isip ang propesiya.
Kaya ko silang kontrolin. 'Yon ang sabi niya sa 'kin.
Pero paano naman niya gagawin 'yon? Wala siyang ideya kung paano niya kokontrolin ang mga ito. Hindi niya alam kung sisigawan ba niya ito o kung may babangitin siyang kakaibang lenggwahe para makinig ito sa kaniya.
Tinitigan niya ang mukha ng lobo at napangiwi pa siya nang masilayan ang tumulong laway mula sa bibig nito.
"You look like a tasty meat," natatakam nitong saad habang dinidilaan ang sariling bibig. "Meat!" Ungol nito at tinitigan siya na para bang handa na itong kainin siya.
Yuck.
"D-d'yan ka lang." Dinuro niya ito pero parang walang narinig ang lobo at patuloy lang sa paglapit sa kaniya.
"D'yan ka lang sabi, e!" sigaw niya at binato ulit ang lobo.
Nanginig siya nang ipakita sa kaniya ang matutulis nitong mga ngipin. Tumakbo ito palapit sa kaniya at gamit ang panga, binunggo siya ng lobo. Dahil sa lakas, tumilapon ang dalaga at tumama ang kaniyang mukha sa sahig.
Napahawak siya sa ulo at ilang beses na napakurap.
"Argh . . ."
Umiikot ang paningin niya. Ramdam din niya ang likidong lumalabas mula sa kaniyang ilong.
Dugo.
Unti-unti nang namuo ang luha sa kaniyang mga mata. Habol-habol niya ang kaniyang paghinga. Pilit siyang tumatayo ngunit wala nang lakas ang kaniyang mga paa at kamay dahil sa panghihina.
Katapusan na ba niya?
Nilingon niya ang lobo.
Biglang nagbago ang ekspresyon nito. Ang kaninang natatakam ay napalitan ng pagkagulat. Lumapit ito sa kaniya at walang pagdadalawang-isip na lumuhod.
"I-I'm sorry," paumanhin nito sabay yuko.
Nagtaka si Erienna sa inakto ng lobo.
Anong nangyayari?
Kahit hindi niya maintindihan ang ginawa nito, bahagya siyang napahinga nang maluwag. Dahan-dahan niyang iginalaw ang mga paa para makatayo ngunit bumigay ito kaya umupo na lang siya sa sahig. Hindi pa rin nawawala ang pagkahilo niya.
Magsasalita na sana siya nang may isa pang lobong dumating.
"Mademoiselle!"
Nabuhayan siya nang makita si Fenrys. May mga dugo ang puti nitong mga balahibo pati na ang bibig nito na para bang kakasabak lang nito sa labanan.
Pumagitna si Fenrys sa kanilng dalawa habang inaangilan ang Havoc na ngayo'y nakatayo na at nakatingin sa kanila.
Napakapit siya kay Fenrys. "Anong nangyari sa 'yo?"
"Later, mademoiselle. Let me deal with this guy first."
Isang malakas na ungol ang pinakawalan ni Fenrys at buong tapang na sinugod ang Havoc. But before he could reach him, a man appeared behind him. Using his bare hands, he stabbed Fenrys on the abdomen.
"Ah!" Fenrys growled in pain. Sasakmalin na sana niya ito pero mas diniinan pa ng lalaki ang pagkakasaksak dahilan para mapaangil ulit si Fenrys sa sakit.
"I'm sorry, white wolf." Marahas na hinigit ng lalaki ang kamay at sinipa si Fenrys.
Napatakip siya sa kaniyang bibig. Bumagsak ito sa sahig na wala ng malay. Kita niya kung paano naglabasan ang pulang likido sa tiyan ni Fenrys. Ang puti nitong balahibo ay unti-unting napalitan ng pula.
"F-Fenrys . . ." Nanginig ang kaniyang boses.
Umagos na ang mga luhang kanina niya pa pinipigilan. Gusto niyang lapitan si Fenrys ngunit hindi siya makagalaw. Hindi siya makapaniwala sa nangyari. Hindi kayang tanggapin ng kaniyang utak ang nakita niya. Sa isang iglap, nakahandusay na si Fenrys sa sahig at wala ng buhay.
He killed him. He killed Fenrys.
Nilingon siya ng lalaking sumaksak kay Fenrys at halos manikip ang kaniyang dibdib sa sakit.
It was the guy with heterochromatic eyes.
Ito ang tumulong sa kaniyang makaalala pero bakit ginawa ito ng lalaki?
"Steven, what did you do to her?"
"P-pasensya na, Rauis."
Lumapit ito sa direksyon niya kaya napaatras siya. Kita niya kung paano tumulo ang dugo mula sa kanang kamay ng lalaki.
"Princess." Hinawakan siya nito sa balikat. Halos tumindig ang lahat ng balahibo niya sa katawan nang maramdaman ang malagkit na likidong dumikit sa kaniyang balat.
"Rauis, pabalik na si Ares." Nilingon nito ang itim na lobo pero agad ding ibinalik sa kaniya.
Ngumiti ito. "Come with me."
Hinila siya nito pero nagpumiglas siya. Tinulak niya ito gamit ang isa niyang kamay ngunit hindi ito natinag. Singtigas ng bato ang katawan nito.
"Bitiwan mo 'ko!" Sinubukan niyang alisin ang kamay nito pero masyadong mahigpit ang pagkakahawak nito sa kaniyang braso.
"Midnight!" isinigaw niya ang pangalan ni Midnight umaasang dadating ito at sasagipin siya.
Napabuntonghininga naman ang lalaki. "Erienna, uuwi na tayo."
Natigilan siya.
Ano bang pinagsasabi nito? Anong ibig nitong sabihin na iuuwi siya? At bakit siya kilala ng lalaki? Nahihirapan pa nga siyang alalahanin ang memorya niya, dumagdag pa ang lalaking ito sa iisipin niya.
Siya ang pumatay kay Fenrys ngunit bakit hindi niya magawang magalit dito? Bakit sakit ang nararamdaman niya?
Nasasaktan siya para sa lalaking ito.
"Ano bang k-kailangan mo sa 'kin?" pahikbi-hikbi niyang tanong at sinalubong ang tingin nito. Tinitigan niya ang kakaiba nitong mga mata.
For a moment, she felt something familiar. Pakiramdam niya'y nakita na niya ito noon pa.
Sa gitna ng pag-iisip, bigla na lang tinakpan nito ang kaniyang mga mata.
"Anong gin--"
"Sleep, Erienna."
Bumigat ang talukap sa mga mata ng dalaga at unti-unting dumidilim ang kaniyang paningin. Sinubukan niya itong labanan pero huli na, bumigay na ang kaniyang sistema.
---
Dedicated to serendipitynoona ❤️ Salamat sa suporta!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top