Kabanata 11
ALA-UNA na ng madaling araw at katatapos lang din ng Moon Festival. Nakapagpalit na rin ng anyo si Midnight at nandito sila ngayon sa kuwarto ng dalaga. Hindi maipagkakaila ng lalaki ang sayang nararamdaman niya ngunit hindi rin niya mapigilang hindi mag-alala.
"Hindi ko pa rin maalala ang lahat." Napakamot ito sa ulo. "Kahit anong gawin kong pag-iisip, wala talagang lumalabas sa utak ko."
Tinabihan niya ito sa kama at niyakap ito mula sa likuran. Sumusuot sa kaniyang ilong ang halimuyak ng dalaga kaya siniksik niya ang mukha sa leeg nito. Matagal na niyang gustong gawin ito ngunit nag-aalangan siya. Pero ngayon hindi na niya pinigilan ang sarili. Malaya na nilang naipapahayag ang damdamin sa isa't isa kaya bakit magdadalawang-isip pa siya?
Gustong-gusto niya ang amoy ng dalaga. Tila ba'y mababaliw siya kapag hindi niya naamoy ito. Erienna's scent was his favorite, after all.
"You're so sweet. I wanna bite you." He groaned and kissed her neck.
Siniko naman siya ni Erienna. "Ano ba! Tumigil ka nga!"
Hindi niya pinansin ang dalaga at pinagpatuloy ang kaniyang ginawa. He felt Erienna flinched. He was kissing every corner of her neck. Walang pinalampas ang kaniyang labi at pati na ang mga balikat nito ay ginawaran niya ng halik. He groaned when he couldn't get enough. Nakakagutom ang halimuyak nito at nais niya pang tikman ito.
"M-midnight, m-may sasabihin pa a-ako." Bahagya siyang natawa nang mapansin ang dalagang nahihirapang magsalita. Mas lalo tuloy siyang ginanahan sa kaniyang ginagawa.
"I'm listening."
"M-midnight . . ." Inakyat ng kaniyang mga labi ang tainga ng dalaga at kinagat ito. Napadaing ang dalaga at bahagya siya nitong tinulak.
"Masakit 'yon, ah!" reklamo nito at nilingon siya.
Sobrang lapit lang ng mukha nila sa isa't isa at rinig na rinig niya ang paghinga nito. Hindi rin niya maalis ang tingin sa mapupula nitong mga labi.
Napalunok siya.
"Bakit ka ba--"
He claimed her lips.
Tinugon ito ng dalaga at ipinulupot ang mga braso nito sa kaniyang leeg. Inihiga niya ito sa kama at pumaibabaw rito. Dumaloy ang kakaibang kuryente nang magdikit ang kanilang katawan. Nagsimula siyang gumalaw at mas pinalaliman pa ang halik na pinagsaluhan nila. Ramdam nila ang init na unti-unting nagigising sa kanilang sistema.
Kinagat niya ang pang-ibabang labi nito habang ang kaniyang kamay naman ay nagsisimula nang maglakbay sa iba't ibang parte ng dalaga.
"So, what do you wanna tell me?" he uttered. Ang leeg naman nito ang pinagdiskitahan niya.
Nakita niya ang kuwintas na ibinigay sa dalaga. "Beautiful." Napangiti siya at hinalikan ito.
"A-ano kasi . . . may lalaki kanina sa palasyo."
Napatigil si Midnight at napaangat ang tingin kay Erienna. "What?"
"Siya ang tumulong sa 'kin para maalala kita."
Napakunot-noo si Midnight. A guy, huh? Sa pagkaalala niya, wala naman siyang pinapasok na lalaki kanina.
Hindi maganda kaniyang kutob dito.
"Can you tell me what he looks like?"
"Ahm . . ." Tinuro ni Erienna ang kanyang mga mata. "His right eye was purple and--"
"Fuck!" Hindi pa natatapos ng dalaga ang sasabihin niya ay napamura na si Midnight.
It was a Havoc! Papaanong nakapasok ito ng palasyo at hindi man lang niya ito naamoy?
Agad niyang hinawakan ang mga pisngi nito at alalang tinignan ang dalaga. "Did he hurt you?"
Umiling ito. "Tinulungan niya pa nga ako, e. He showed me my memory, pagkatapos no'n ay umalis na kaagad siya."
"Wala talaga siyang ginawa sa 'yo?" paninigurado niya at muli namang umiling si Erienna. Tinitigan muna niya ang dalaga bago ito hinalikan sa noo at umalis sa ibabaw nito.
"Matulog ka na, Eri."
"Aalis ka ba?" tanong nito at hinawakan ang kamay niya.
"I'll just take a roam around the kingdom," sabi niya at nginitian si Erienna.
Bumangon naman ang dalaga sa kama. "Sama ako."
"No. Stay here, Eri."
"Pero--"
Hinalikan niya ito. "Stay here. Babalik kaagad ako."
"Promise 'yan, ah?" nakasimangot nitong sabi.
Napatawa siya nang mahina at hinalikan ang tungki ng ilong nito. "Promise."
Naglakad na siya papunta sa pintuan. Sinulyapan niya muna ang dalaga at akala niya'y bumalik na ito sa pagkakahiga ngunit nakatingin pala ito sa kaniya. Hinihintay na makalabas siya. Isang ngiti ang pinakawalan ng kaniyang mga labi at tuluyan nang lumabas ng kuwarto.
Pagkalabas na pagkalabas niya, agad siyang nagpalit ng anyo. He was bothered about what Erienna told him. Hindi siya makapaniwalang may nakapasok na Havoc sa palasyo at hindi man lang niya ito naramdaman. Papaano? Anong klaseng abilidad ang mayro'n ang lalaking 'yon? Pumunta pa ritong mag-isa. Sa pagkakaalam niya, hindi sumusugod nang mag-isa ang mga Havoc.
Lumabas siya ng palasyo at napatingin sa kalangitan. Maliwanag pa rin ang buwan ngunit tahimik na ang buong paligid. Nilibot niya ang palasyo habang inaamoy ang bawat sulok nito. Nagpunta siya sa likuran at nasilayan ang bakas ng mga paa ng lobo sa lupa. He could tell the fore and hind feet just by looking at how the footprints were pressed on the ground.
Midnight thought that these forefeet were weird. The dewclaw shouldn't touch the ground so why the hell there were five toes printed in the soil?
Anong klaseng lobo ito?
Inilapit niya ang kaniyang ilong dito. Napakunot ang kaniyang noo nang wala siyang maamoy. Ilang beses niya pa itong sininghot-singhot ngunit amoy lang ng lupa ang sumusuot sa kaniyang ilong.
Something was off.
Sinundan niya ang mga bakas at patungo ito sa timog na bahagi ng Raeon--ang daan patungong Blaitheria.
Midnight gritted his teeth. Hindi nagparamdam ang mga Havoc kanina sa Moon Festival. Now, he was wondering what they were planning. Who was this Havoc who helped his Erienna?
Tumalikod na siya at bumalik sa harapan ng palasyo habang nag-iisip pa rin sa posibleng gawin ng mga Havoc. Papasok na sana siya pero napatigil siya nang may malanghap ang kaniyang ilong. Napalingon siya at pilit na hinanap kung saan nanggagaling ang amoy ng malansang dugo. Pamilyar ang amoy ng dugo. Kilala niya kung sino ang nagmamay-ari nito.
Seconds later, a figure of a white wolf showed up in front of him.
Nababahala ang mga mata nito. "Uno, si Lenox . . ."
Hindi na niya pinatapos si Fenrys at agad na kumaripas ng takbo papuntang Ran--ang training ground ng mga Knights. Sumunod naman sa kaniya si Fenrys.
Tinungo nila ang sira-sirang bahay na pinuntuhan nila ni Erienna noon. Binunggo ni Midnight ang pinto dahilan para matumba ito. Hindi mga haligi ang sumalubong sa kanila kundi isang sikretong daanan. Pinapalibutan ito ng mayayabong na mga damuhan. Agad nilang sinuot ang makipot na daan. Hindi na pinansin ni Midnight ang mga nagtataasang damo na tumatama sa kaniyang balahibo habang ang iba naman ay dumidikit.
Napatingin siya sa unahan at nasilayan niya ang bahay na gawa sa kahoy. The house was surrounded by wooden equipments used for their trainings. On the left side, were the wooden Hammer Strength and Knee Snaps to improve their chest and quadriceps. The other side, were the dumbbells used to strengthen their arms and bicep muscles.
Nang makarating, agad siyang pumasok sa loob. Sumalubong sa kaniya ang mga nakayukong Knights at ang pulang likido na nakakalat sa sahig. He couldn't be mistaken. It was from Lenox.
"Where is he?" tanong niya nang wala siyang makitang katawan.
"Pasensya na, Uno, pero hindi namin alam," sabi ni Dago.
"Fuck! You were with him so why the hell did you not know?" Midnight blurted out.
Nagsalita si Lelo, "May pumasok na lalaki rito kanina lang. Wala siyang amoy kaya hindi namin naramdaman ang pagdating niya."
"Kinuha niya si Lenox. Sinubukan namin siyang pigilan pero no'ng papalapit na kami sa kaniya, hindi namin maigalaw ang katawan namin. May kakaibang abilidad ang lalaking iyon, Uno," sabat ni Gav.
"Tell me what he looks like."
"We are certain that he's a Havoc but his eyes . . ." Yves trailed off while scratching his head. "His right eye is purple, but his left is brown."
Napakunot ang noo niya. Hindi siya sumagot at napaisip. Assumptions were starting to flow on his head. He was trying to analyze every single thing he found out, trying to solve the puzzle using the information he had.
A wolf with no scent, huh? Those footprints from the palace must be from him. But according to the Knights, that Havoc just went here. Kagagaling lang nito rito at salungat ang direksyon ng Ran sa palasyo.
What are those footprints for? A diversion? Did he use his footprints to deceive me? Of all the Knights, why does it have to be Lenox?
He gritted his teeth. Just who was this wolf? Ito kaya ang leader nila?
"Anong gagawin natin, Uno?"
'Yan din ang nais niyang itanong sa kaniyang sarili. Sumasakit ang kaniyang sentido sa nangyari. Hindi niya ito inaasahan. Hindi niya maisip kung bakit si Lenox ang kinuha nito. Bakit?
And then it hit him.
He cursed under his breath while calling himself a fool for not realizing it quick. Nilingon niya si Fenrys at sinalubong ang berde nitong mga mata. He sent him a message through his mind.
Telepathy. That was Midnight's ability. Ang abilidad na namana niya sa kaniyang ama. Isang titig lang ang kailangan upang ihatid ang mensahe o makapag-usap na gamit lang ang isip. Tanging ang mga Knights at si Fenrys lang ang nakakaalam tungkol dito. Ito ang kadalasang ginagamit nila na komunikasyon kapag nagpapatrolya sa paligid ng Raeon.
'Follow me.' Tumango si Fenrys bilang sagot.
Nilingon niya ang mga Knights. "Guard the kingdom."
Agad silang umalis ni Fenrys at tinungo ang timog. Napaangat ang kaniyang tingin sa kalangitan at malapit nang mag-umaga.
Hindi niya mapigilan ang sariling mabahala. Papalapit na sila sa hangganan ng Raeon at unti-unti na ring bumibilis ang tibok ng kaniyang puso dahil sa 'di mapigilang kaba. Pilit niyang pinapaniwala ang sarili na mali ang nahinuha niya, na hindi totoo ang hinala niya.
Ngunit huli na para kumbinsihin pa ang kaniyang sarili.
Napahinto sila sa harap ng mga trosong nagkagutay-gutay sa daan na para bang dinaanan ng bagyo. Ang iba nama'y palutang-lutang sa ilog at nagpapatangay sa agos.
His jaw tightened.
Ang harang na nilagyan ng ilusyon ni Lenox ay wasak na. Sira na ang kanilang plano.
He growled.
Unti-unting umakyat ang presyon ng dugo sa kaniyang ulo. Bumabaon na rin sa lupa ang matutulis niyang kuko. Blood pumping through his veins like it wanted to explode. Iisipin pa lang niya na naisahan sila ay gusto na niyang magwala. Anger was eating his sanity. He wanted to scream and go on a rampage. Ruin everything and kill every single Havoc who'd try to get on his way.
"Uno, calm down." Nilingon niya si Fenrys at seryoso itong nakatingin sa kanya. Lumapit ito sa mga troso at inamoy ang mga ito.
Napapikit siya at huminga nang malalim. Hindi ito ang tamang oras para magpadala siya sa galit.
Napataas ang kaniyang tainga nang may marinig siyang mabibigat na mga yabag ng paa at papunta ito sa direksyon nila. It was approaching at an incredible speed. Napaatras si Fenrys at napatingin sa direksyong tinitignan niya. Nanggagaling ito sa kabilang bahagi ng ilog.
Hindi niya mahulaan kung ilang lobo ang papalapit sa kanila ngunit nakasisiguro siyang marami sila.
Napaatras silang dalawa nang maramdaman ang paggalaw ng lupa.
Malapit na sila.
Midnight grimaced when a strong scent reached his nose. Ang amoy na kahit kailan, 'di niya malimut-limutan. Ang amoy na parang tinatawag ang digmaan at nagnanais ng madugong labanan. Ito ang amoy na nangingibabaw sa nangyari noon na nagsilbing bangungot sa kaniyang buhay. Ang nilalang na nagmamay-ari nito ang naging sanhi nang pagkawala ng kaniyang mga magulang.
Ang rason kung bakit nasira ang Raeon noon.
Umigting ang poot sa puso ni Midnight na sampung taon niyang kinimkim. Bumabalik sa kaniya ang ala-alang pilit niyang kinakalimutan.
Kumirot ang kaniyang peklat nang magtama ang paningin nila sa nilalang na sampung taon niyang kinamuhian. Nakatayo ito sa kabilang bahagi. Singdilim ng mga balahibo ang titig na binibigay nito.
"Ares."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top