Panimula
Dedicated to serendipitynoona ♥️
"FEN, look!"
"Hmm?" Fenrys turned with a hint of smile on his face. Nasa labas sila ng palasyo at hinihintay ang kanilang kaibigan na si Midnight. Usapan kasi nilang tatlo na maglalaro sila ngayong araw.
"Ano 'yan?" sabi niya habang pilit na tinatago ang ngiti. Nilingon siya ni Micaela at pansin niyang may hawak-hawak ito sa kamay.
"Rings!" masigla nitong sabi at pinakita sa kaniya. Inabot ito ni Micaela.
Nagdalawang-isip naman siyang tanggapin ito kasi 'pag tinanggap niya, ibig sabihin ay bati na sila. Nagtatampo kasi siya rito dahil inubos nito lahat ng karne na inihanda ng mama niya kanina.
"Galit ka pa rin? Sorry na." Inabot nito ang kamay niya. Isinuot nito ang singsing na nakuha sa ring finger niya. "Huwag ka na magalit, please?"
Nag-init ang kaniyang mga tainga nang halikan siya nito sa pisngi. Napayuko na lang siya at itinuon ang tingin sa singsing. Pansin niyang may mga gasgas na ito at may kaunting putik.
"'Wag mong iwawala 'yan, ah?"
"Ba't mo ba kasi 'to pinulot? Ang pangit pangit 'di bagay sa kagaya kong gwapo," naiiling niyang sabi.
Napatawa naman si Micaela at ginulo ang niyebe niyang buhok.
"Stop that." Inalis niya ang mga kamay nito ngunit hindi niya binitiwan. Holding them tight, he filled the spaces between their fingers. "Sa susunod tirhan mo na ako ng karne, ah?"
Napangiti si Micaela. "Oo na."
"And promise that you won't leave me."
"Huh?" Kumunot ang noo nito. "Why would I leave? Saan naman ako pupunta?"
"Just promise me," he said and squeezed her hand.
"Oo na, promise. At 'wag mo rin iwawala iyan, ah?" Turo niya sa singsing. "Isipin mo na lang na ako 'yan. 'Pag nawala 'yan, ibig sabihin mawawala rin ako sa 'yo."
"Hmm." Tumango siya. "I will keep this. Until we grow old."
Nagkasalubong ang kanilang mga tingin. Sa tuwing mapapatingin siya sa mga mata nito ay bumibilis ang tibok ng kaniyang puso. Wala nang mas sasaya pa sa araw niya kapag nakikita itong nakangiti dahil sa kaniya. After all, Micaela was the best thing in his life.
Hindi niya maipaliwanag ang sayang naramdaman niya matapos ihabi ng tadhana ang kanilang mga puso. Hindi naman sa pagmamayabang pero 'di rin naman niya masisisi ang kaniyang sarili kung binigyan siya ng tadhana ng makakasama. Sa guwapo ba naman niya, dapat lang na may mate siya.
Biglang may tumikhim sa kanilang likuran kaya napalingon silang dalawa.
Isang batang may kulay asul na mga mata ang nakatingin sa kanila. Ang susunod na magiging pinuno ng Raeon at ang kaniyang kaibigan, si Midnight. Ang kanilang pamilya ang pinagkakatiwalaan ng mga Ares, kaya naman siya ang naatasang maging tagabantay nito. Ito rin ang dahilan kung bakit naging matalik silang magkaibigan.
"Ang tagal mo naman," reklamo niya.
Ngumiwi naman ito habang nakatingin sa kamay nila ni Micaela. "Don't you think it's too early for these sweet moments of you two?"
Napangisi naman siya nang nakakaloko. "Why don't you bring your mate here then? Para naman 'di ka mainggit sa aming dalawa."
Narinig naman niyang tumawa si Mica habang si Midnight ay napaiwas ng tingin.
"Shut up."
Natawa siya sa inakto ng lalaki. Kita niya ang pamumula ng tainga nito. Kapag talaga ang kabiyak na nito ang pag-uusapan ay nahihiya ito.
"Hay nako, bata." He patted Midnight's shoulder. "Nahiya ka pa. Parang no'ng nakaraan lang tuwang-tuwa ka pang ikuwento sa amin 'yong kabiyak mo, 'di ba? 'Di ba?" Hindi niya mapigilan ang sariling mapahalakhak habang naaalala ang masayang mukha ng kaibigan.
"Don't call me kid. You're just two years older than me." Kaagad nitong winaksi ang kamay niya.
"I'm still older than you. Oh! And more handsome," he said while brushing his hair.
"Oo na, gwapo ka na. 'Wag mo na tuksuhin si Midnight," singit ni Mica. "Ano, 'di ba tayo maglalaro? Let's have a race!"
"Ha! S'yempre ako na mananalo. Sa guwapo kong ito?"
Micaela just chuckled and changed into her wolf form. Hindi na siya pinansin nito at nauna nang umalis. Kaagad namang sumunod si Midnight at hindi rin siya pinansin.
"Hey, wait up!" inis niyang sigaw. 'Di man lang pinansin ang kaguwapuhan niya. Napailing na lang siya at sumunod na sa dalawa.
Ganito palagi ang araw nilang tatlong magkakaibigan. Enjoying their lives as kids and doing things like they had no responsibility at all. And Fenrys couldn't ask for more. He was already content to have them both. Wala na siyang mahihiling pang iba, masaya na siya basta kasama niya lang ang kaniyang kabiyak at kaibigan.
Parating mapayapa ang Raeon na naging dahilan sa pag-aakala niyang magiging masaya lang sila palagi. Ang akala niya'y magkakasama silang tatlo na tatanda. Akala niya'y walang magbabago sa kanila.
Nasanay na siya sa kasiyahang mayroon sa paligid niya dahilan upang makalimutang hindi lahat ng bagay ay nananatili.
A LOUD howl woke Fenrys up. Napakusot siya sa inaantok niyang mga mata. Lalapit na sana siya sa bintana para tingnan kung ano ang nangyayari sa labas ngunit may mga kamay na biglang humila sa braso niya.
"Mama?" Namilog ang kaniyang mata sa gulat.
"Dito ka lang." Napansin niya ang pagkataranta sa mata ng kaniyang ina kaya nagtaka siya.
"Ano pong nangyayari, Mama? Bakit maingay sa labas? Anong--" Tinakpan nito ang kaniyang bibig.
Hinila siya nito papalapit sa kaniyang kama bago nagsalita. "Makinig ka. Huwag na huwag kang lalabas hangga't hindi ko sinasabi sa 'yo. Naiintindihan mo?"
"B-bakit po?" Sa 'di malamang kadahilanan ay biglang bumilis ang tibok ng kaniyang puso.
Inalis ng kaniyang ina ang kamay at hinawakan ang magkabila niyang pisngi. Pinagdikit nito ang kanilang noo. "Hintayin mong makabalik ako at ang iyong ama. The Ares need us right now. Babalik ako, okay? Magtago ka lang dito sa loob, h-ha?"
Nabalot ng pag-aalala ang kaniyang mukha nang biglang manginig ang boses nito.
Something wasn't right.
Dumoble ang kaniyang kaba nang unti-unting mamuo ang luha sa mga mata nito. Kaagad niyang hinawakan ang nanlalamig nitong kamay.
"Saan po ba kayo pupunta?"
Sasagot na sana ang kaniyang ina subalit muli silang nakarinig ng mga sigaw sa labas. Napatingin siya sa bintana ngunit kaagad din siyang pinigilan ng kaniyang ina.
"Fenrys."
"Mama!" Hindi na niya napigilan ang sariling maluha. Pakiramdam niya kasing may mali sa inakto ng ina. Anong mayroon? Anong nangyayari sa labas? Bakit pakiramdam niya'y malalayo siya sa kaniyang ina?
"Makinig ka, Fenrys." Hinaplos nito ang kaniyang pisngi. Dumaan ang puti nitong buhok, na namana niya, sa kaniyang tainga nang yakapin siya ng ina. "Kung h-hindi man ako m-makakabalik, lumabas ka kapag tahimik na ang paligid. Kapag nagawa mo iyon, unahin mong hanapin ang iyong kaibigan, hm?" Humiwalay kaagad ito sa yakap at mahigpit na hinawakan ang magkabila niyang braso. "Our family's job is to protect the rulers of our kingdom. You have to protect our future leader, okay?"
Hindi siya nakasagot.
Nalilito siya. May parte rin sa kaniya na naiinis. Hindi na nga maipaliwanag nito nang maayos ang nangyayari tapos uunahin niya pa ang tungkulin niya?
Alam niya. Alam na niya ang trabaho kaya bakit kailangan pa nitong sabihin sa kaniya? At bakit kailangan niyang unahin ito kaysa sa kaniyang pamilya?
Because he's our future leader.
Napailing na lang siya nang muling pumasok sa isipan ang sinabi nito.
"Sasama ako sa 'yo, Mama," pagmamakaawa niya habang hindi binibitiwan ang kaniyang ina.
Umiling ito. Lalo siyang naluha nang pilit nitong tinatanggal ang hawak niya. Unti-unti rin niyang naamoy ang malansang dugo na nagmumula sa labas. Pakiramdam niya'y lalabas na ang puso niya dahil sa kaba.
"Ma--"
"Live, my son." Hindi na niya natapos ang sasabihin nang halikan siya nito sa noo at tuluyan nang nawala sa kaniyang harapan.
Nang dumoble ang ingay sa labas at ang malansang amoy na sumusuot sa kaniyang ilong, wala siyang ibang nagawa kundi sundin ang sinabi ng magulang. Tinungo niya ang pintuan ng kuwarto upang isara ito. Sinunod niyang kinandado ang bintana bago tumakbo at sumiksik sa ilalim ng kama.
Tinakpan niya ang kaniyang bibig ng nanginginig niyang mga kamay. Walang tigil pa rin sa pagtulo ang kaniyang luha habang iniisip ang huling sinabi ng kaniyang ina.
What was happening outside?
Pati ang kaniyang ilong ay tinakpan niya rin. Hindi lang dugo ang nasisinghot niya. Isang matapang at 'di pamilyar na amoy--mali. Naamoy na niya ito dati, noong minsang may bumisita sa kaharian nina Midnight na mga itim na lobo.
Havocs . . . but I thought they're our friends?
Fenrys stayed under the bed while thinking about his mom, his friend, and Micaela. Suddenly, his heart throbbed in pain as if something inside him was breaking. He felt his body weakened so he closed his eyes. Hindi niya namalayan na unti-unti na pala siyang nakatulog.
Umaga na ng magising si Fenrys. Kinusot niya ang kaniyang mga mata habang inaalala ang nangyari kagabi. He immediately got up when he remembered what happened last night without realizing he was under his bed.
"Aw!" Nauntog ang ulo niya. Inis siyang lumabas doon habang hinihimas ito.
Buwisit!
Hanggang ngayon ay nasisinghot pa rin ni Fenrys ang malansang amoy ng dugo ngunit wala nang mga ingay. Dali-dali niyang binuksan ang pinto, umaasang makikita niya ang kaniyang ina . . . pero wala. Kahit ni anino ay wala.
"Mama?" tawag niya. Pinuntahan niya ang kusina at salas ngunit wala pa rin.
Huminga siya nang malalim at pinigilan ang sariling maiyak. He cried too much last night. Kapag umiyak siya ulit, baka mas lumaki lang ang eyebags niya at pumangit siya.
He shrugged with that thought. That would be his darkest nightmare.
Saan siya pupunta ngayon? Natatakot siyang lumabas pero kailangan niyang gawin. Hindi dapat natatakot ang kagaya niyang guwapo.
Tumango-tango siya, pinapalakas ang loob at pilit na kinakalimutan ang kabang naramdaman niya kagabi.
Unang pumasok sa isip niya ang palasyo. He closed his eyes and teleported on the palace's gate.
Umaasa siyang makikita niya ang nakangiting mukha ng kaniyang ina, ang palaging mapayapang palasyo at ang masasayang ingay ng mga tao ngunit hindi iyon ang sumalubong sa kaniya.
"W-what . . ." Nabato siya sa kinatatayuan.
His heart crumbled in fear after seeing the outside. Bigla niyang nakalimutang huminga. Ang takot sa puso niya ay kaagad na napunta sa kaniyang tuhod dahilan para manginig at mawalan ng lakas.
Corpses. Kahit saan siya lumingon, puro mga katawan na wala ng buhay. Kung hindi man napapalibutan ng dugo ang kanilang mga mukha, nawawalan naman sila ng ilang parte ng katawan. Ibig sabihin lang nito, isang nilalang na katulad lang nila ang may gawa sa karumaldumal na sitwasyong ito. Pero hindi lang taga-Raeon ang mga nasawi ngunit pati ang mga Havoc.
Kaya pala. Kaya pala halos masira na ang ilong niya sa kakasinghot ng malansang amoy kagabi. Isa pa lang malaking labanan ang nangyari.
He was about to step forward when he saw a familiar figure of a wolf lying along those dead bodies
His heart throbbed.
Mabilis siyang nagtungo kung saan naroroon ang katawan. Habang papalapit siya ay bumibigat na rin ang kaniyang pakiramdam. Sana mali lang ang akala niya. Sana mali itong nakikita niya. Sana . . .
Subalit hindi. Kahit hindi na niya magawang makita ang buo nitong mukha dulot ng isang malaki at matulis na kukong dinungisan ito, alam na alam niya kung sino ang nakahiga sa lupa.
It was Micaela.
"M-Mica . . ." Napaluhod siya at dali-daling hinawakan ang mukha ng kaniyang pinakamamahal. Nanginginig ang mga kamay niyang niyugyog ito. "Mica? Micaela, w-wake up."
Ilang beses niya pa itong niyugyog ngunit hindi pa rin bumubukas ang mga mata ng babae.
Winaksi niya ang dugong kumapit sa pisngi ng babae at pilit pa rin itong ginigising. Ngunit kahit anong gawin niyang pag-alog at pagtawag sa paborito niyang salita, hindi na ito nagising pa.
"Hindi. Hindi. Hindi!" Hindi niya pinansin ang dugong kumakapit na sa kaniyang damit at niyakap ang babae. Hindi 'to maaari.
Napailing siya. Pilit niyang inalis sa isipan ang imaheng nasa kaniyang harapan. Hindi niya ito kayang tanggapin. Hindi niya kayang tanggapin ang duguang katawan ng kaniyang pinakamamahal.
"Why aren't you waking up!" he shouted at her. Ilang beses siyang sumigaw dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman. Mula kagabi at hanggang sa makita niya mismo ang sitwasyon ng kanilang kaharian, binuhos niya lahat ang sakit. Ang pighating umuusbong sa kaniyang puso. At ang pagsisisi na siyang nangibabaw sa nawawasak niyang damdamin.
Hindi kayang tanggapin ng kaniyang sistema ang mga nangyayari. Hindi niya lubos maisip na habang nasa ilalim siya ng kama at natutulog, nandito si Micaela, nakikipagsapalarang mag-isa.
"Sabi mo hindi mo ako iiwan." Pakiramdam niya'y mababaliw na siya. Muli siyang napasigaw dahil sa kirot na bumabasag sa kaniyang puso. And then he realized, the pain he felt in his chest last night was their bond. It was severed, and now, it was totally cut off.
Micaela was no longer his mate. She already died.
Parang ninakaw ang kaniyang hininga ngunit hindi siyang makaiyak. Wala kahit ni isang luha ang lumabas sa kaniyang mga mata.
Bakit? Bakit ganito?
Niyakap niya nang mahigpit ang katawan ng babae habang patuloy pa ring pinapatay ang kaniyang puso. Micaela's death was torturing him without even planning to kill him.
Hindi pa roon nagtatapos ang pagdurusa niya nang makarinig siya ng isang hagulgol. 'Di kalayuan, nakita niya ang kaibigang umiiyak habang nakasubsob ang mukha sa walang malay na lobo.
Ang pinuno.
Hindi lang iyon. Sa kanang bahagi nandoon din ang kaniyang ina, kagaya ng iba, nakahandusay at hindi na humihinga pa.
Napatulala na lang siya. Sobrang bilis ng mga pangyayari. Sa isang iglap lang, nawala lahat ang mga mahal niya. Kung lumabas siya kagabi, maililigtas niya kaya sila?
Kaagad siyang natawa sa naisip ngunit walang boses na lumabas sa kaniyang bibig. Kahibangan. Ano naman ang magagawa ng isang batang kagaya niya na walang alam kundi magsaya sa buhay?
Napabitiw siya kay Micaela nang maalala ang sinabi ng kaniyang ina. Mariin siyang napapikit at napamura na lang sa isipan. Nanghihina siyang tinungo si Midnight at hinila ito patayo.
"The hell? Let go of me!" singhal nito at tiningnan siya nang masama. Bahagya pa siyang nagulat dahil sa sugatan nitong mata ngunit hindi niya pinahalata.
He acted tough in front of him. He hid his emotion and looked sternly at Midnight. "Stop crying. We don't have time to shred our tears for them. Raeon needs you."
Napakuyom ang kaniyang kamao. Ganoon din si Midnight. Sabay silang napatingin sa mga lobong nakaligtas sa labanan at kagaya nila'y nagdurusa rin sa pagkawala ng kanilang mga mahal sa buhay.
"I know. I know it very well," mapait nitong sabi. Marahas nitong pinahid ang mga luha pati na sa matang may sugat. Dumudugo pa ito ngunit kitang-kita niya pa rin ang nag-aapoy na galit sa mga mata ng lalaki.
He could feel Midnight's pain and anger.
He felt the same way too. He lost everything today except for his friend. He lost his heart and his family.
Noong araw na iyon, wala kahit ni isang butil na luhang tumakas sa mga mata ni Fenrys. Kahit gustuhin niya man ay 'di niya magawa. Wala na siyang maramdaman. Wala kahit na ni katiting na emosyon.
Kasabay ng pagkawala ng mga mahal niya ay ang pagkamatay rin ng kaniyang pagkatao.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top