Kabanata 9
WHEN Fenrys took Wish from the graveyard that day, Midnight called him that night. Nagkaroon sila ng pag-uusap no'ng gabing iyon. At sinubukan nilang alamin ang katauhan ng lalaki.
"I think I have seen those claws before," uttered Midnight while his eyes were busy looking at the books from the shelves.
Nasa library sila ng palasyo kasama si Erienna.
"And where could that be?" sagot naman ni Fenrys. Nakapandekuwatro itong nakaupo 'di kalayuan sa bookshelf kung saan siya naroroon.
Elegant moron.
"Don't just sit there and help me find it," utos niya.
"Nand'yan naman si Erienna. Kaya na ninyo 'yan," sagot nito. Pasipol-sipol lang ito habang ang mga kamay ay nasa batok.
Tiningnan naman niya si Erienna at kaagad ding napailing. Imbes na tulungan siya nito, mukhang nakakita ito ng magandang libro at nalibang na sa pagbabasa.
Napatigil siya sa ginagawa at itinuon ang atensyon sa shelf. Pilit niyang inaalala kung saan niya nakita, nabasa, o 'di kaya'y narinig ang mga nilalang na mayroong pusa na mga mata at matutulis na kuko.
"Damn." He couldn't remember it.
"Ai--is it something like Ailu?" Fenrys mumbled.
Napalingon siya sa sinabi ng lalaki. Iyon ang nagsilbing bakas upang maalala ang kuwentong sinabi ng kaniyang ama dati.
"Ailune?" Bago pa siya makapagsalita ay naunahan na siya ni Erienna. Bitbit nito ang librong binabasa at pinakita sa kanila. Nakasulat sa pabalat nito ang pamagat ng libro.
Chysan
"But that place is already a legend, matagal na 'yon nawala," saad ni Fenrys.
One thousand years ago, a place called Chysan co-existed with Blaitheria and Raeon. But unlike the latter places, creatures who lived there weren't werewolves. They bore fangs sharp as steels and claws that could tear any flesh. They were also gifted with great agility even before they were born. One of the other gifts was the ability to choose whether to transform only half of their form.
They were far faster, and superior creatures than them. They were called Ailune.
Despite that, there was always a downside of being great. Their population was less than a half compared to Blaitheria.
The creatures inside them--called Ailu-- were hard to control, it eats up their consciousness once it would overtake their body. But it wasn't always the case. Most of them were strong enough to control it from the day they were born.
"So, you're trying to say . . . Wish is from this Chytah place?"
"Chysan," he said while emphasizing the last syllable.
"Bakit nawala na ang lahi nila?" tanong ni Erienna.
"Well, as far as I can recall, my father never told me why they went extinct. It's not also written in the book."
"Mom never told me either," sagot din ni Fenrys. "Maybe because of their population?"
It could be a factor.
But before they could dive into conclusions, they need to confirm it first.
"SO Wish, are you from Chysan?"
Ilang segundo bago sumagot si Wish. Nagdadalawang-isip siyang umamin sa kanila. Pero wala rin naman siyang makitang rason para itago ito. Malalaman at malalaman din naman nila.
"O-opo," sagot niya sa mahinang boses. Dinala siya ni Uno sa palasyo matapos niyang makapagbihis. Naiwan naman si Fenrys sa kanilang bahay upang tulungan si Ana na magligpit ng mga nasira nitong kagamitan. Humupa na ang galit nito kaya naman nakausap na nila nang matino kanina.
"So Chysan still exist, huh?"
Napaangat ang kaniyang tingin sa sinabi ni Uno. Nasa salas sila ngayon. Nakaupo ito sa katapat niyang upuan.
"I had him check your background using his ability," Midnight pointed at the blond guy who was sitting left beside him.
Ngumiti naman ito sa kanila. "Yo! I'm Yves."
"And this guy . . ." Turo nito sa lalaking nakatayo sa likod. "Used his illusion to test you."
Illusion? So hindi totoo ang nakita ko kanina?
Lenox slightly bowed at him and mouthed, "Sorry ulit."
Hindi lang silang apat ang nasa salas. Nandoon din si Dago, na nakasandal sa terrace 'di kalayuan sa inuupuan nila at may apat pa itong kasama. At matalim itong nakatingin sa kaniya.
Napalunok siya.
Hindi niya kayang salubungin ang nakakatakot na aura na nakabalot ngayon sa salas. Pakiramdam niya'y isang maling galaw lang niya ay katapusan na ng kaniyang buhay.
Napahawak siya sa manggas ng kaniyang damit. Bago niya alalahanin ang kaba, nais niya munang magtanong. May bumabagabag sa kaniyang isipan lalo na sa huli nitong sinabi.
"Test? Para saan po? At anong ibig niyong sabihin na buhay pa ang Chysan?"
"I'll have Fenrys explain it to you later," Uno replied. Kalmado lang ang boses nito ngunit bakit nakakaramdam pa rin siya ng takot? Dahil ba siya ang pinuno sa lugar na 'to?
"Ahm."
Napunta ang kaniyang atensyon sa lalaking kakaupo lang sa kanang bahagi katabi niya. Magkaiba ang kulay ng mga mata ng lalaki. Gulong-gulo ang itim nitong mga buhok na parang kagigising lang. Hindi niya alam pero bigla na lang nawala ang kaniyang kaba nang makita ang ngiti nito. As if it was reassuring him that everything was fine. Kahit na ganoon, ramdam pa rin niya ang awtoridad na bumabalot sa presensya ng lalaki.
But unlike the other guys in the room, he wasn't intimidating at all.
"I'm Rauis and I'm from Blaitheria."
"Blaitheria? Isang kang Havoc?" sagot niya.
"Hmm." Tumango ito. "It seems like you know something about us."
"Naikuwento kayo ng kapatid ko no'ng bata pa lang ako."
"How old are you?"
"Seventeen po."
"Hmm. Wish, right? As much as I want to chat with you, there's a lot of things I need to fix right now. So can you at least help me find who owned this?" May inangat itong isang maliit at puting tela.
Napakunot ang kaniyang noo. Inabot naman niya ito at inamoy. Kaagad siyang nagitla nang makilala niya ang amoy.
"It actually has the same scent as you. You mentioned to us a while ago you have a sibling, so can you please tell us honestly?" Rauis smiled. "Is that from your sibling?"
Nabato siya sa kinatatayuan. Hindi niya alam ang isasagot. Hindi niya rin mapigilang manginig habang hawak-hawak ang piraso ng tela.
Yes. It was from his sibling.
Hindi siya puwedeng magkamali dahil kabisado niya ang amoy pati na ang pananamit nito. Pero bakit? Bakit napunta ang pirasong ito sa lalaking kausap niya ngayon? Ibig ba nitong sabihin ay nagtungo ang kaniyang kapatid dito?
Sa anong dahilan?
Hindi kaya . . .
Nanginig ang kaniyang mga kamay. "H-hindi . . ."
"Wish?"
"Hindi maari . . ." Ramdam niya ang panunuyo ng kaniyang lalamunan. Ilang beses siyang napalunok ngunit hindi pa rin ito sapat para ibsan ang kabang nararamdaman niya.
Hindi kaya pumunta ang kapatid niya para kunin siya? Pero ayaw na niyang bumalik doon. Hindi na niya kayang tiisin pa ang pagdurusang naranasan niya. Mas mabuti pang mamatay na lang siya kaysa bumalik sa lugar na iyon.
"Wish!" Nabalik siya sa kaniyang diwa nang may mga brasong umakbay sa kaniya. Si Dago.
"Bakit ka ba takot na takot? Kasama mo kami!" sabi nito at ngumisi.
Hindi naman siya nakasagot. Nilingon niya ang iba at nagitla siya. Wish thought that they were glaring at him, but now . . . why were they smiling?
His attention shifted when Rauis patted his head. "We won't let anyone hurt you, kid."
He blinked twice. Baka nanaginip lang siya.
He slightly buried his nail on his palm and he felt pain. Hindi siya nananaginip.
Tinabihan siya ni Dago at nagkuwento ng kung ano-anong bagay. Hinayaan lang naman ito ni Midnight hanggang sa tuluyan siyang kumalma. Hindi niya maintindihan kung bakit tinutulungan siya ng mga lobo pero kahit na ganoon, nagpapasalamat pa rin siya.
And maybe. Just maybe. He wouldn't have to return to that place again.
"HANDANG-HANDA na ako, e. Handang-handa na tapos postponed? Nakakainis!" pagdadabog ni Ana habang hawak-hawak ang isang walis sa kamay.
"'Wag ka na ngang magreklamo d'yan," sagot naman ni Fenrys na nagwawalis.
"Ilang beses mo ba 'yang wawalisan, ha?"
"Hanggang sa malinis!" sagot nito habang may nakatakip na tela sa bibig.
"Hindi ba pa ba 'yan malinis?"
Pang-apat na beses na nitong winawalisan ang salas, kusina pati na ang mga kuwarto. At mukhang marami pang beses nitong wawalisan ang buong bahay hanggang sa makuntento ito.
"Sa susunod kung magwawala ka, gibain mo na lahat, ha? 'Yong walang matitira," sarkastiko nitong sabi.
Napakamot na lang siya sa kaniyang ulo. Ayan na nga at nagsisimula na ang panenermon nito sa kaniya.
"Sorry na nga," sagot naman niya habang hinihila ang sako ng mga nabasag niyang vase at salamin. "Papalitan ko 'to bukas."
"You better be!" sigaw nito. Tinuro nito ang walis sa mukha niya. Wala naman siyang problema sa pagpapalit ng nasira niya dahil nandiyan naman si Uncle Max. Isang tawag lang niya roon ay naka-ready na agad ang vase na nais niya.
"Nasaan pala si Wish?"
"Malay ko. Ako 'yong nandito tapos siya hinahanap mo?" Inagaw nito ang sako na hawak-hawak niya.
"Ang OA mo, nasaan nga siya?"
"Maglinis ka r'yan!"
"Ano lilinisin ko r'yan, eh ang linis-linis na niyan?" Tinuro niya ang kumikinang na mga white tile.
"Malinis?" Huminga ito nang malalim. Binitiwan nito ang sako at nakapamaywang na naglakad patungo sa maliit na lamesa na nasa salas. Pinahid nito ang mga kamay. "Tingnan mo? Malinis 'yan, ha? Punong-puno pa nga ng alikabok!"
Napangiwi na lang siya. Pinasingkit niya pa ang mga mata upang makita ang alikabok na sinasabi nito ngunit wala.
"Wala namang alikabok," she mumbled.
"Ano!"
"Wala! Sabi ko ito na, maglilinis na." Hindi na lang siya pumalag at hinila ang sako palabas.
Natapos ang buong maghapon at wala silang ibang ginawa kundi maglinis sa kunwari'y napakaruming bahay nila.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top